Alixane POV Pagkatangap ko ng balita mula kay Raul ay kaagad akong pumunta sa dormitory. Ayaw pa sana akong payagan ni Brian, pero kailangan pa nilang asikasuhin ang kasong naiwan ni Mr. Falcon pati na rin kay Mr. Enriquez. Sinadya ko talagang ako ang pumunta dahil naghinala na naman ako sa kanya. Bakit kailangan niyang tumakas? Bakit hindi man lang siya pinupuntahan ng kamag-anak niya sa ospital? Sabi kasi ni Raul wala man lang daw dumalaw sa kanya. Bagay na gusto kong malaman. Pagkababa ko sa motorbike ay kaagad akong umakyat sa dorm at pinindot ang 3rd floor. Paglabas ko ay kumatok agad ako sa pinto. “Nathan? Nathan!” Naka limang katok pa ako bago niya pagbuksan ang pinto. Bumungad sa akin si Nathan. Nakahawak siya sa gilid ng kanyang tiyan at parang hirap pa rin itong kumilos.