Alixane POV Napilitang tumigil ang driver ng van na sinasakyan namin dahil sa utos ni Brian. “Mga traydor kayo!” Sigaw ni Alfred. “Trabaho lang. Labas!” Ma-autoridad na utos ni Brian. Imbis na tumigil ang kasunod namin na sasakyan na lulan si Mr. Enriquez ay dumiretso ito, kaya sila ang hinabol ng isang police mobile. Kaagad na inaresto ang mga kasama namin. “Sino ba talaga kayo!” Galit na sigaw ni Alfred sa amin. Kaagad kong kinuha ang baril niya ganun din ang ginawa ni Brian. “Di mo na kailangang malaman Alfred nagkasala ka sa batas kaya dapat kang managot.” Seryosong saad ko. Nakababa na kami sa van at abala ang mga pulis na tignan ang laman ng kahon. “Sir Positive!” Sigaw ng pulis na nag-impeksyon sa karga namin. Napangiti ako dahil tagumpay ang plano. Kasalukuyang nilalag