Alixane POV Kunot noong bumalik si Raul. Mabilis daw itong nakawala sa paningin niya. Masyado daw itong madulas at sa kalsada pa dumaan kaya hindi na niya nahabol dahil sa dami ng sasakyan. Bumalik tuloy sa ala-ala ko ang itsura niya. Pakiramdam ko nakita ko na siya dati pero hindi ko matandaan. Sino siya bakit kaya siya nagmamanman. Hindi kaya tauhan siya ni Gustavo at inaalam ang nangyari dito? Mukhang hindi rin siya ordinaryo dahil malakas siya. Mabuti na lamang at hindi niya ako napuruhan kanina. Nagdalawang isip akong kumilos dahil maraming tao sa hospital ayoko silang madamay. Kaunting pagkakamali ay pwedeng ikapahamak ng iba. “Okay ka lang?” Tanong ko sa pasyenteng muntik ng tamaan ng bala. “Oo salamat miss.” Wika niya. Hinubad ko nga pala ang facemask ko kaya siguro namukhaan n