BRIAN POV Tatlong araw ng walang malay si Alixane sa rest house ni Mr. Carpio. Hindi pwedeng manatiling matagal si Alixane sa ospital dahil baka matunton kami ng mga kalaban. Malawak ang emplowensya ni Gustavo, at sigurado akong gumagawa na siya ng hakbang para mahanap kami. Pumasok ako sa kwarto ni Alixane. Maraming aparato ang nakakabit sa kanya. Tatlong tama ng baril sa katawan ang tumama sa kanya. Isang malapit sa puso, isa sa tiyan at isang daplis naman sa hita. Hindi ko mapigilan ang mainis sa sarili. Dahil kung nanatili lang sana akong alerto ng mga oras na yun ang hindi ito nangyari sa amin. Labis ang aking pagsisisi na hindi ko siya na-protektahan. Halos ikapugto ng aking hininga nang makita ko siyang duguan at walang malay. Ako ang tumapos sa lalaking bumaril sa kanya. Pero paki