“Grabe naman isang magandang babae pagtutulungan niyong barilin? Ganyan ba kayo sa mga customer niyo?” Dismayadong tanong ko. “Sino ka! Wala pang nangahas na kumalaban sa amin dito! Imposibleng isa ka sa mga customer namin!” Galit na sigaw niya sa akin. Napailing ako, at hinawi ang buhok papunta sa gilid ng aking tenga.. "Unang-una hindi ako sinuka, inere ako ng nanay ko. Kayo ba? Siguro kung alam ng mga magulang niyo na lalaki kayong masasamang tao. Hindi na nila kayo binuhay pa!” Mabilis niyang kinuha ang baril sa drawer niya. At pinaputukan agad ako mabilis naman akong nakailag. Pero bago pa man kumilos ang ibang sangano ay biglang namatay ang ilaw. At bigla akong may naramdamang kamay sa braso ko. Agad kong pinilipit ang kamay niya papunta sa likod niya. "Aray!" Impit ng lalakin