Chapter 5

1224 Words
Alixane POV Sa mga nakaraang araw wala kaming ibang ginawa kundi mag-training kumain at pag-aralan ang aming misyon. Magkasundo na rin kami ni Brian. At palagay na din ang loob namin sa isa’t-isa. Palagi kasi kaming magkasamang magtrain, nagsi-share din kami ng ideas kung paano namin magagawa ang misyon. Tatlong araw mula ngayon ay papasok na kami sa university. Maaga kaming pinapupunta ni Paps sa hide out para ma-finalize lahat ng kakailanganin namin sa misyon. Kaya maaga akong gumising at bilin niya ay dapat alas-otso ng umaga ay naroon na kami. Naligo na ako naglagay ng kaunting pulbos at liptint mga normal na mabilisang ayos ng isang babae hindi ko na rin kailangan maglagay ng eyebrow dahil natural naman na makapal ang kilay ko. Nagsuot lang ako ng simpleng black fitted sando na sinapawan ko ng puting cotton longsleeve na walang butones na damit at itim na skinny jeans. Limang minuto bago mag alas-otso ay nasa hideout na kami ni mushu. Dumating na din si brian. "Hi Xane!" Bati niya sa akin. Habang tumatagal lalo siyang gumugwapo sa paningin ko. "Hello!" Sagot ko sa kanya. Maya-maya ay lumabas na si Paps. "Sumunod kayo sa akin" Utos niya sabay talikod sa amin ni Brian. Umakyat kami sa second floor. At pumasok sa isang kwarto. Bumungad sa amin ang mga sari-saring equipments na wari ko ay ang gagamitin namin ni Brian sa misyon. "Umupo kayo" Seryosong sabi niya sa amin. Sumunod naman kami sa kanya at umupo kaming magkatabi. "Tatlong araw mula ngayon ay papasok na kayo sa University. Ikaw Xane bilang si Alexander Marquez at ikaw naman Brian bilang si Benedict Monticilio. Maging pamilyar kayo sa mga bago niyong pangalan para hindi kayo magkamali. Same age, same room sa dormitory. Hinanda ko na lahat nang mga kakailanganin niyo mula i.d niyo gamit sa school pati na rin uniforme. Kayo ay magpapangap bilang transfer students with the same course. At ang layunin ng misyon niyo ay hindi lang hulihin ang druglord na si Gustavo Murray, pati na rin sa kadulo-dulohan ng kanyang mga ugat. At para magawa niyo ang misyon naghanda ako ng mga special equipments na magagamit niyo. Una na ang sampong mini spy camera na kasing laki lang nang eye ball nang tao. Kaya niyang makita ang 100 meter radius visually. Pwede niyo itong idikit especially sa office ni Gustavo narinig ko sa isa sa mga assets kung janitor na laging may meeting sa kwartong yun kasama ang ibang faculty members. Lahat nang mga secret places na pwede kayong makahanap ng information. Pangalawa itong voice adaptor devices na kasing laki ng posporo. Pwede mong marinig ang usapan ng mga tao dahil bluetooth built in ito kailangan lang ay 100 meters ang layo niya sa mga nag-uusap. Lazer pen at knife pen in case na may mangyari na kakailanganin niyo ito kaya dapat lagi niyo itong dala. Hand gun, hindi niyo pwedeng dalhin ito sa loob nang university dahil baka makaagaw ito ng atensyon sa iba. Maari niyo lang siyang gamitin sa labas. Kaya nag pasadya ako ng fiber throwing knife na hindi nadedetect ng metal detector. Para in case na manganib kayo sa loob may sandata kayo na pwede niyong ilagay sa loob ng uniporme niyo. And lastly dahil alam kong matigas ang ulo mo Xane, nagpasadya ako ng dalawang relo at tig-iisa kayo ni Brian. Kailangan niyong suotin ang relo na yan kahit saan kayo magpunta, heat resistance at water water proof device yan. Every time na magkalalayo kayong magpartner sa isa’t-isa ng 500 meters. Magbiblink ang kulay green na arrow jan. Dahil sa tracking device na nakakabit jan at isa pa pipindutin niyo lang ang gilid niyan para makausap niyo ang isa’-isa. No need cellphones. Are we clear?" "Yes sir!" Sabay kaming nagsalute. "Agents tatapusin niyo ang misyon na walang namamatay naiintindihan?" Sigaw ni Paps. "Yes sir!" Pagkatapos kaming kausapin ni Paps ay kinuha na namin ang mga maleta na naglalaman nang gagamitin namin. "Hahatid na kita Xane,” Alok ni Brian sa akin. "Dala ko ang motorbike ko," Sagot ko sa kanya. "Paano yung mga gamit mo?" Huminga ako nang malalim. "Sige isakay muna sayo convoy tayo" Sagot ko sa kanya. Ngumiti siya sa akin kaya. Gumanti din ako ng ngiti. Nauna ako sa kanya sa para matuntun niya kung saan ako pupunta. Kailangan ko kasing iuwi ang maleta ko sa condo. Ilang minuto lang ay nasa condo na kami. Nagpark kami sa ground floor at sumakay ng elavator hanggang 5th floor. Niyaya ko siyang pumasok sa loob para magkape at makapag-usap na rin kami. "Wow! Ang ganda naman pala nang condo mo." Wika ni Brian habang iniikot ako mga mata niya sa loob ng condo ko. "Talaga? Salamat," Inihagis ko ang susi sa couch at binuksan ko ang aircon. "Ikaw lang magisa dito?" Tanong niya ulit. "Yes, alam mo naman na si Paps na lang amg natitira kung pamilya. Paminsan-minsan umuuwi ako sa kanila or minsan dinadalaw niya ako dito pag hahatidan niya ako ng groceries. You want coffee?" Alok ko sa kanya habang nakaupo siya sa couch at nagbabasa nagtitingin ng mga magazine. "Yes please, black coffee" Sagot niya. "Ikaw? Diba magisa ka din sa condo mo? Siguro dami mo ng nadalang chicks dun no?" Nakangiti kong tanong sa kanya. At seryoso siyang tumingin sa akin. "Wait? Don’t tell me wala kang girlfriend?" "Wala pa balak ko palang manligaw." "Oh really? Saka muna ituloy yan pagkatapos ng misyon natin para makapagfocus tayo." Nakangiti kong inabot ang cup of black coffee niya. "Black at white siguro ang paborito mong kulay? Kasi wala akong ibang makitang color sa interior ng condo mo eh." Usisa niya. Habang nahigop ng mainit na kape. "Yup, actually yellow talaga ang favorite ko. Pero nung tumanda ako masakit na sa mata ang ibang kulay kaya plain black and white nalang ang ginawa kong design. Sandali maiwan muna kita ha, magpapalit lang ako pwede kang manuod ng t.v if you want." Paalam ko sa kanya pumasok na ako sa kwarto para magpalit nang white maong shorts. Tinangal ko din muna ang patong kong white na long sleeve kaya naka blacksando na lang ako. Pagkatapos ay lumabas na ako ng kwarto. Napatingin siya sa akin pero binawi din niya. At uminom ulit ng kape. Umupo naman ako sa harapan niya. "Okay ka lang ba dito? Tanung ko sa kanya." "Oo naman, Nakakarelax ang place mo masyadong tahimik." Ngumiti siya sa akin. "By the way bukas na ang punta natin sa University paano yung buhok mo?" "Hangang ngayon kasi hindi ko pa alam ang gupit na pupwede sa akin" Sagot ko sa kanya. "I can help you,” Kinuha niya bag niya at dinukot ang nasa loob. Sabay taas ng box. Inilapag niya ang box sa glass table at binuksan. Nakita ko ang iba’t-ibang talim na gunting. Electric Razor pati narin white brush at suklay. "Barbero ka din?" Tumawa siya. "Yup!" "Wow!" "Ako ng bahala sa buhok mo." kinuha niya ang malaking gunting at tumayo. Nabigla ako sa kanya kaya napatayo ako at umatras sa kanya. "Wait hindi pa ako ready!" Sigaw ko sa kanya habang papalapit siya sa akin. "Wag kang mag-alala, mabilis lang to. Dahan-dahanin ko naman eh." Nakangisi niyang sabi. "No! Ayoko!" Humakbang parin siya hangang sa umabot na ako sa dingding ng condo. "Handa ka na ba?" Tumigil siya sa paglakad at tumingin sa akin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD