Chapter 6

1307 Words
Alixane POV "Master sergeant Brian Mendoza! Kapag hindi naging maganda ang kinalabasan nitong pamimilit mo sa akin. Magtago ka na sa pinangalingan mo dahil tatadtarin ko ng bala ang abs mo!" Inis na singhal ko sa kanya. Humagikhik pa siya akala niya siguro nagbibiro lang ako.  "Wag kang mag-alala lieutenant, sabi ko sayo marunong akong gumupit ng buhok kaya sigurado akong maganda ang kakalabasan nito. Sayang ang buhok mo, mas maganda ka pa naman dahil sa buhok mo." Nakatawang wika niya. Kinikilig ang mga cells ko! "Tse! Alam mo, kahit kalbo pa ako maganda parin ako hindi lang dahil sa buhok ano!" Pagtataray ko sa kanya. Totoo naman kasi na maganda ako. Lihim akong napangiti. Hindi ko makita ang sarili ko sa salamin habang pinaglalaruan niya ang buhok ko dahil baka hindi ko daw kayanin na makitang unti-unti niyang tinatabas ang mahal na mahal kong buhok. Syempre lahat naman ng babae gustong magkaroon ng magandang buhok diba? Pero humanda talaga siya pag pangit ang gupit na ginawa niya sa buhok ko. Kakatayin ko talaga siya kahit gaano pa siya ka pogi. Bakit ba kasi ako nagtiwala sa kanya. Tsk! Bahala na. "Eh… kung wag ka na kayang sumama sa misyon?" "Ano? Nasisiraan ka na ba?!" Singhal ko sa kanya. Pinaka ayaw ko kasi yung binibiro ako or worse kung seryoso siya nang sabihin niya yun sa akin. Lalo na pagdating sa mga misyon. Bumuntong hininga siya bago magsalita. "Sabi kasi ni Mr. Carpio posible tayong mapahamak." Kalmadong sagot niya sa akin. Bumaling ako sa kanya at tinaasan ko siya ng kilay. "Eh anu naman? Hinanda ko na ang sarili ko sa posibleng mangyari Brian. Alam kong kaakibat ng tinangap kong tungkulin na pwede akong mapahamak. Bakit naduduwag ka ba o natatakot ka?" "Noon hindi ako natatakot, pero ngayon…oo natatakot na ako" Tumigil siya sa pagupit at hinarap niya ako tinitignan niya ata kung pantay ba ang gupit niya sa akin. "Hala? Natatakot kang mamatay? Eh bakit ka pa nag pulis?" Nakangisi kong tanong sa kanya. "Natatakot ako dahil baka hindi na ako makapanligaw." Maiksing sagot niya na ikinainis ko ng husto. "Gusto mo tadyakan kita diyan! Kaya nga dapat matapos natin ang misyon natin ng walang napapahamak para makapanligaw ka na.”  Nagmamadali? Lagpas na sa calendaryo? Pektusan kita diyan eh. “Haist! Sino ba naman kasi ang gusto mong ligawan at hindi ka na makapag-intay ano?" Inis na tanong ko sa kanya. Narinig kong bumuntong hininga siya ulit. Parang ang laki ng problema niya. "Wag kang mag-alala Brian hindi ako papayag na mapahamak tayo pareho. Magiging matagumpay ang misyon natin. Think positive at makukuha ko ang hustisya na para sa ama ko. Sinisigurado ko sa iyo yan." Sabi ko. Importante sa akin ang misyon nato kaya hindi ako papayag na hindi ko mapagtagumpayan ito. Para matahimik na rin ako at ang papa ko. Itinuloy na niya ulit ang ginagawa niyang pagupit. Hindi na ulit siya nagsalita "Tapos na! Gusto mo na bang makita ang new look mo Alexander?" Nakangiting wika niya. Hindi pa rin ako sanay sa bago kong pangalan nangingilo pa rin ako. Kinakabahan akong tignan ang sarili ko sa salamin kaya nang inikot niya ang upuan ko paharap ay tinakpan ko ang mga mata ko. “Wag kang mag-alala bagay sayo ang cute mo nga eh. Sarap mong ibulsa.” Dagdag pa niya. Baka ikaw ibulsa ko diyan eh! Dahan-dahan kong binaba ang kamay ko at dinilat ang mga mata ko. Laglag panga akong napatingin sa itsura ko. "Wahhh…! Ang pangit ko!" Naiiyak na sigaw ko. Walang problema sa gupit niya dahil maganda naman ang pixie look kong gupit. Naninibago lang ako dahil gumaan ang ulo ko ng isang kilo. At parang bumata din ang itsura ko. "Kawawa naman ang buhok ko," Na-iiyak na pinulot ko ang buhok ko na nagkalat sa sahig. "Wag kang mag-alala Xane tutubo din yan tiwala lang." Nakatingin siya sa akin sabay kindat. Problema ng mata nito? "Pasalamat ka maliit ang mukha ko at bumagay ang gupit mo sa mukha ko dahil kung hindi paglalamayan ka na nagayon." Nakanguso kong sambit sa kanya. Narinig ko na naman ang pagtawa niya. Lalo pala siyang nagiging gwapo kung hindi siya nagsusungit eh.  Matapos kong linisin ang mga buhok sa sahig ay dumating na ang inorder naming pizza at drinks. Sakto gutom na ako. Tuwang-tuwa akong kumuha ng isang slice ng overload pizza at umupo ako sa sofa. Kinagat ko ng malaki ang pizza na halos kalahati ang bawas naglalaglagan pa sa damit ko ang mga toppings sa ibabaw kaya kinuha koi yon at isinubo. "Grabeh, gutom na gutom?" Natatawang wika ni Brian sa akin. Akala niya siguro ay mahihiya ako at magpapakahinhin na kumain kahit nasa harap ko siya. Gutom naman talaga ako eh kaya galit-galit muna. "Oo, saka nakakagutom din yung amoy ng pizza." Nakasamuol na sagot ko sa kanya. Kumuha na din siya ng isang slice. Malaki din ang subo niya na wari’y ginagaya niya ako. "Sus! Kala mo hindi rin siya patay gutom noh?"  Inirapan ko siya sabay subo ko ulit ng kalahati. Ngumunguya pa ako ay kumuha na naman ako ng isa pa. Para makarami. "Ayusin mo nga yang pagkain mo, ang kalat na ng mukha mo." Saway niya sa akin. Problema ng mokong na ‘to kanina pa niya ako tinitignan ng kakaibang tingin. Siningkitan ko siya ng mata at pinasadahan ng tingin. "Sabi ko ang kalat mo kumain. Bakit sinisingkitan mo ko ng mata nakakatakot ka ha."  Ngumiti ulit siya pagkatapos ay sumubo ulit ng pizza. Kinapa ko ang mukha ko baka nga may naiiwan pa akong peperoni cheese sa pisngi ko. Pero wala naman akong makapa. "Wala naman ah!" "Nasa labi mo po.” Dagdag pa niya.  Dinilaan ko ang paikot na labi ko. Oo nga may sauce pa sa paligid. "Meron pa" "Saan?" Kunot noo na tanong ko. Kumuha siya ng tissue at dinikit sa babang labi ko. "Ayan oh! Punasan mo ka—“ napatigil siya nang pagsasalita at tinignan ang labi ko. Halos isang dangkal na lang ang layo naming kaya napatingin din ako sa mata niya. Don’t tell me hahalikan niya ako? Hindi pa ako ready! Assuming! Hindi ako easy to get no! Dahan-dahan kong hinugot ang baril ko na nakasuksuk sa tiyan ko at tinutok ko sa baba niya. Dahil ramdam ko ang unti-unting paglapit niya pa sa akin. "Wag kang magkakamali?" Seryosong sabi ko sa kanya. Nagsukatan kami ng tingin. Kahit malakas ang appeal niya sa akin hindi ako papayag sa paspasan mas gusto ko pa din ang paghihirapan kang makuha lalo na at wala pa akong nagiging jowa. "Tsk! Ang bilis naman ng kamay mo. Tinitignan ko lang kung maganda ka pa rin sa paningin ko." Nakangisi niyang wika sa akin sabay baba ng hawak niyang tissue. Napabuntong hininga tuloy ako. Dahil nakaramdam ako ng pagtibok ng aking abnormal na puso. "Paano bukas?" Tanong ko. "Susunduin kita, sabay na tayong pumunta sa dormitory." Sagot niya sa akin. Pagkatapos naming kumain ay nagpaalam na rin siya na uuwi dahil hindi pa rin daw siya tapos mag-impake. Kaya naiiwan na naman ulit ako sa condo. Inayos ko na rin ang mga gamit na pwede kong dalhin. Nakahanda na ang bandages na gagamitin ko pang ipit sa dibdib ko mabuti nalamang at bukod sa white long sleeve na uniporme at may black pa itong coat. Kaya siguradong hindi nila mapapansin na babae ako. Bumili na rin ako ng transparent na eye glasses at ilang araw na din akong hindi nagbubunot sa makapal kong kilay para magmukhang normal. At walang makahalata mabuti nalang din at malaki ang boses ko kaya hindi na ako mahihirapan pang ipitin ito. Pagkatapos kong mag-ayos ng lahat ng gamit ay naligo na rin ako para mas masarap sa pagtulog nasanay na kasi ako na kasama siya sa night routine ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD