Chapter 1

1912 Words
Alixane's POV 6 months later......... Kakalapag pa lamang ng eroplanong sinakyan ko galing Michigan U.S.A nang tumawag si Paps. Hindi ko pa nababawi ang jetlag ko may misyon na agad siya para sa akin. Sa pananatili ko sa Michigan nagkaroon ako ng confidence na maitaas pa ang level ko kumpara sa ibang myembro nang Underground Secret Agent forces or (USAF). Ikaw ba naman mag-training kasama ang mga high class official’s mula sa American army with high tech equipment's ng anim na buwan hindi ka matututo nasukat ko din ang kakayanan ko bilang agent. Pang second class lang ang galing ko pagdating sa physical fights pero asintado ako. Kaya mas hinasa ko pa ang skills ko pagdating sa iba’t-ibang klase ng baril. Malaki ang pasasalamat ko kay Paps dahil kahit sumablay ako sa huling misyon ini-recomend niya pa rin ako sa list ng mga pupunta sa US para magsanay. Ang trabaho naming mga secret agents ay para tulungan ang mga kinauukulan na lutasin ang isang krimen o kaso na hindi agad na e-exposed dahil sa mga connection sa matataas na opisyal ng gobyerno kaya tanging presidente lang ang nakakaalam sa existence namin. Pero ang pagkakaalam ko may mga matataas at mapagkakatiwalaang opisyal si Paps sa kapulisan at sa Army na handang tumulong sa amin if ever na ma involved kami sa malalaking kaso or ma-exposed kami sa mga kriminal. Kung tutuusin nakakatakot ang pinili kung propesyon dahil isa akong babae. Pero may layunin ako kaya ko ginawa ito. Ang ipagpatuloy ang na-umpisahang laban ng aking Ama. Maaga akong naulila dahil namatay ang aking Ina noong pinanganak ako hindi na nag-asawa ang aking Ama. Hanggang na-promote siya bilang N.B.I. Director. Dahil sa kanyang delikadong trabaho at kaliwa’t kanan na deathreats ay ipinasya niyang itago ako sa pangangalaga ni Mr. Carpio na tinuring ko ng ama at tinatawag kong Paps. Namatay ang aking Ama dahil sa ambush na hanggang ngayon ay mailap pa rin ang hustisya mas pinili kong e-exposed ang sarili sa kinatatakutan niya hindi ako natatakot mamatay pero natatakot akong hindi malinis ang pangalan ng aking Ama dahil dinumihan nila ito. Ayun kay Mr. Carpio hindi simpleng ambush at tanim droga ang nangyari sa kanya kundi may mataas na sindikato na envolved dito. At yun ang aalamin ko. Pinasundo ako sa driver ni Mr. Carpio para dalhin sa hide out pero sinabihan ko siyang iuwi muna ako sa condo dahil miss na miss ko na si mushu. Hindi po siya aso. Isang 2014 Kawasaki Ninja H2R motorbike na nagkakahalaga nang 50,000 dollars o halos tatlong milyon ang halaga na regalo ko sa aking sarili noong ma-promote ako bilang second class agent. Naisipan kong mag-motor mamaya para mas mabilis akong makasingit sa mga eskinita papunta sa hide out. Dahil hindi kaya ng powers ko kung mag-aantay ng isang taon sa haba pa rin ng traffic sa Edsa. Mabuti na lamang at pumayag si Manong driver. Matapos ang isang oras narating na namin ang condo unit ko. Tinulungan ako ni manong na ihatid ang aking mga maleta sa loob ng condo. At umalis narin ito. Nilapat ko ang aking likod sa malambot na kama dahil malinis naman ito. Bago ako umuwi ay ibinilin ko na kay Paps na ipalinis ang condo ko dahil allergic ako sa alikabok. Pipikit na sana ako nang biglang tumunog ang phone ko. "Yes Paps?" "San ka na Alixane?" "Andito po ako sa condo Paps." Inaantok na sagot ko sa kanya. "What? Diba sabi ko dumiretso ka na dito?" Ramdam ko ang inis na boses niya sa akin. "Hindi pwedeng magpahinga Paps?" Kunot noo kong sagot sa kanya. "Alixane, mamaya ka na magpahinga pumunta ka muna dito naghanda ako nang welcome party para sa iyo saka isa pa andito na rin yung makakapartner mo sa misyon." Giit niya. "Agad-agad? Hindi po pwedeng magbakasyon muna ako sa boracay kahit tatlong araw man lang?" Nakangusong sabi ko. "Pagkatapos na nang misyon pumunta kana rito ngayon na!" Kahit kailan talaga napakahigpit pa rin niya sa akin. Tumayo ako sa kama at nag-salute. "Yes sir!" Haist, kung hindi ka lang si Paps. No choice ako kundi bumangon sa kama at magbihis ng damit. Agad kong pinalitan ng black fitted t-shirts at black leggings ang suot ko. Kumuha na rin ako ng black leather jacket sa maleta na binili ko pa sa Michigan at nagsuot naman ako ng two inch white rubber shoes para madagdagan ang aking height na 5'4. Makalipas ang kinse minutos nasa highway na ako. At binabaybay ang kahabaan ng Quezon City papuntang Ortigas Avenue. Nang makita ko ang riding in tandem na hinablot ang sling bag ng sexing babae na papasakay na sana sa isang mamahaling kotse. Kalalaking katawan hindi makapagtrabaho ng marangal! Salubong ang kilay kong bumuntot sa kanila. Mas binilisan ko pa ang pagmamaneho ng big bike. Mabilis silang magmaneho ah, parang mga racer at dinaig pa ang hari ng kalsada sa pagsingit. Mag hinigpitan ko ang hawak sa hand clutch. "Are you ready Mushu?" Turan ko sa aking big bike. At mas binilisan ko pa ang takbo. Nasa e-rodriguez na kami nang maabutan ko sila. Tinapat ko si mushu sa honda motorsicle nila at sinipa ang motor nila bahagyang nagpagiwang-giwang ang motor at bumunot ang angkas na lalaki ng baril. Para papuntukan ako. Pero naka-ilag ako at mas binilisan ko ang takbo, pinihit ko si mushu para maiharang ko sa harapan nila hanggang sa tumagilid ang motor nila at dumausdus patagilid sa kalsada. Tumayo ang angkas at tinutukan ako ng baril dalawang dipa lang ang layo naming dalawa kaya humakbang ako papunta sa kanya at sinipa ko pataas ang hawak niyang baril. Nagulat siya sa ginawa ko pero hindi siya nagpatinag lumapit parin siya sa akin at sinuntok ako mabilis kung nakita ang mga kamay niya. "Ang bagal mo tsong!" Nakangiting wika ko sa kanya sabay sapak sa mukha niya. Bumulagta siya ng bahagya. "Tara na!" Sigaw ng driver sa kasamahan niyang lalaki. "Ops! Going somewhere?"  Hindi ko alam kung naiintindihan ba niya ako dahil magmula kanina hindi ko parin natatangal ang helmet ko. Dumadami na rin ang tao at nakiki-usyoso sa amin. "Bitawan mo ko!” Galit na tinulak ako ng lalaki kaya medyo na out of balance ako. Patakbo na naman ang lalaki para tumakas pero umalingawngaw ang putok ng baril. Bumagsak ang lalaki dahil tinamaan ang kanyang binti. Kaagad akong tumingin sa dereksiyon ng pinangalingan ng putok at nakita ko ang isang matipunong lalaki na dahan-dahan ang paghakbang papunta sa dereksiyon namin. Naka itim na long sleeve at nakashades na kulay itim din. Hindi ko alam na may ganitong klaseng lalaki pala sa personal akala ko sa mga action movies lang ako makakakita ng hot na lalaki at alam kong gwapo din dahil sa mapulang labi nito. Bahagyang kinilig ang mga cells ko sa katawan. Pero hindi ako nagpahalata. Nabaling ang atensyon ko sa kasamang driver ng motor na lalaki. "Tatakas ka pa ha!" Agad kong hinubad ang suot kong helmet mabuti nalang at nakamask din ako ng itim kaya di pa din nila ako makikilala kung sakali. At agad kong inasinta ang nakamotor na lalaki. "Yes! galing ko talaga!" Saktong tumama ang helmet ko sa malaking ulo niya. Kaya tuluyan nang natumba ang motor niya. Agad akong lumapit at kinuha ang helmet ko. "Kawawa naman ang helmet ko." Naiiyak na pinunasan ko ang dumi sa front side ng helmet ko dahil sa lakas ng impact sa ulo ng lalaki. Nawalan na rin ito ng malay agad na lumapit ang nakaitim na lalaki para tignan kung buhay pa ito. Nakita kong huminga ito nang malalim. At matalim ang tingin sa akin. "Miss, alam mo bang pwede kang mapahamak sa ginawa mo?!" Inis na sabi niya sa akin. "Matagal na naming hinahanap ang mga kriminal na to dahil masyado silang madulas sa autoridad. Karamihan babae ang puntirya nila sa lugar na ito. Paano kung nabaril ka nila dahil sa paghabol mo sa ninakaw nila sayo?" Dagdag pa ng lalaki na nakakunot narin ang noo at nakatingin sa akin. Sungit ha! Sayang kahawig pa man din sana ni Tugon ng empress ki. "Kunin mo na yang sling bag mo at sumama ka sakin sa presinto para maging witness" Utos niya sa akin. "Sir, akin po yang bag.” Napalingon kaming dalawa sa pinangalingan ng boses. Siya yong babaeng hinablutan kanina nakasunod pala siya? Pinulot ko ang bag niya at inabot ko sa kanya. "Salamat sa paghabol sa kriminal Ms.” Wika naman ng naka-shades na lalaki na feeling ko boyfriend ng sexing babae." "Wala yun” Tipid na sagot ko. Pagkatapos ay hinarap ko ang lalaking masungit at masama ang tingin sa akin. "I’m sorry manong, may importante pa akong lakad siya nalang isama mo sa presinto." Nakangiting wika ko sa kanya pero dahil naka-facemask ako kinindatan ko na lang siya. Ngangabels naman siyang tinignan ako nang suotin ko na ulit ang helmet ko at agad na din akong sumakay kay mushu. "Bye sir!" Nag-salute pa ako sa kanya bago tuluyang umalis. Sampung minuto pa ang nakalipas nang nakarating na ako sa hideout sa Ortigas. Kung titignan sa labas isang simpleng bookstore lang siya pero. Sa ilalim noon ang malawak naming hideout. Dumaan ako automatic sliding rolled up. Na bumubukas lang pag tinatapat ang barcode scanner ng agents agad na itong tumataas at nakakapasok sa parking space. "Surprise! Welcome home!" Halos mabingi ako sa mga boses ng mga dati kong kasamang agents sa organization. Sama-sama pala sila dito para salubongin ang pagdating ko. "Thank you! Namiss ko kayo guys!" Isa-isa ko silang niyakap, karamihan sa kanila ay nakasama ko na sa misyon at ang iba naman ay ka-batch ko. "Dumating ka din." Sabay sulpot ng masungit na si Paps. "Paps!" Kaagad akong lumapit sa kanya at ikinawit ko ang aking dalawang kamay sa leeg niya at isinaklang ko ang aking dalawang paa para magpabuhat sa kanya. Nagulat siya sa ginawa ko. Napahiya ata siya sa mga agents na kasama namin dahil ang pagkakakilala nila kay Paps ay masungit at seryosong head ng organization. "Alixane, bitaw na hindi ka na bata." Seryosong wika niya sa akin. Kaya bumitaw agad ako sa kanya. "Namiss lang po kita" Nakangusong sabi sa kanya. "Namiss din kita, I’m very proud of you Xane." Napalitan ng ngiti ang masungit na mukha ni Paps. Nangilid ang luha ko sa sinabi niya hindi madali ang naging training ko sa Michigan at lagi akong umiiyak pag tumatawag kay Paps mahirap mag-isa sa malayong bansa. Pero siya lagi ang nagpapalakas ng loob ko kaya kinakaya ko ang lahat. Pagkatapos ay niyakap ko siya. "Kainan na! Kainan na!" Wika ng mga kapwa ko agents na mukhang kaya lang nandito para kumain. Nagpahanda si Paps ng masarap na tanghalian. Habang kumakain kami ay nagkukuwentuhan din kami. Tungkol sa mga misyon na hinawakan nila noong wala ako. "Paps sino sa kanila ang makakapareho ko?" Tanong ko sa kanya habang umiinom ng bottled water. "Nandito na si brian kanina Xane, may pinuntahan lang may report ata siyang natangap na malapit lang dito mga kriminal na matagal na nilang hinahanap.” Brian? Lalaki? Bago? Gaano ka seryoso ang misyon namin at lalaki ang pinartner sa akin ni Paps. “Ayoko ng pabigat na partner ha?" "Wag kang mag-alala talagang pumili ako ng magaling na agent dahil delikado ang misyon na ito." Wika ni Paps. "Oh andito na pala siya eh!" Sabay turo sa lalaking nakaitim na longsleeve na naglalakad sa direksiyon namin. "Siya!?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD