Inaliw ni Green ang kanyang sarili sa pamamagitan ng pagtatanim nito sa mga halamang namumulaklak. Hindi niya hinayaan ang kanyang sarili na maging isang Senyorita dahil kung ano ang kanyang ginagawa noong katulong pa siya ay iyon pa din ang kanyang ginawa. Na labis namang tinutulan ng kanyang mga kasamahan sa naturang Mansyon.
"Baka magalit si Senyorito niyan ha? Madaratnan ka niyang pagod na pagod, pagalitan pa kami." Sabi ni Adelfa nang mailigpit ni Green ang mga ginamit nitong tools para sa ginawa nito doon sa may garden.
Nagkibit-balikat lang si Green saka napangiti.
"Mas masisiyahan iyon dahil nililibang ko lang ang aking sarili." Sagot niya.
"Hindi natin alam ang tumatakbo sa isipan ni Senyorito. Kasi kapag sinabi niyang bawal wala nang mababago pa. Hindi naman sa takot kami sa kanya pero malaki ang aming respeto kaya sinusunod namin siya kaagad." Paliwanag ni Adelfa.
"Don't worry, ako ang bahala hindi kayo madadamay kung saka- sakali." Paninigurado naman ni Green.
"Sige, sinabi mo eh!" masigla nang sabi ni Adelfa.
Masaya namang napatango-tango si Green at nagpaalam na ito kay Adelfa upang makaligo na. Nang matapos itong maligo ay inayos naman niya ang silid nila ni Hunter. Nilinisan din niya at nag- spray din siya ng insect killer. Saka bumaba at nakialam naman siya sa may kusina. Nagtanong siya kay Aling Thelma ang iba pang kinakain ng kanyang asawa maliban sa mga paborito nitong ulam. Napag-isip- isip niyang tama naman si Adelfa na kailangan niyang pagsilbihan ang kanyang asawa.
Nang matapos siyang magluto ay naupo na siya sa sala at nanood ng television habang hinihintay niya si Hunter sa pag-uwi nito. Ilang minuto pa at pahikab- hikab na siya pero wala pa si Hunter maski anino nito.
"Adelfa!" tawag niya sa dalaga.
Agad namang lumapit si Adelfa sa kanya.
"Ano 'yon?" agad na tanong ni Adelfa mukhang galing ito sa paghuhugas dahil may mga bula pa ang mga braso nito.
"May ginagawa ka yata! Naistorbo ba kita?" nahiyang bigla na sabi ni Green.
"Hindi naman!" Napangiting wika ni Adelfa.
"Hindi ba tumawag si Hunter kung anong oras siya uuwi?" tanong naman ni Green.
"Wala ba siyang text o tawag sa'yo?" balik tanong naman ni Adelfa.
"Wala nga eh! Kanina pa ako pasilip-silip dito sa selpon ko." Mahinang tugon ni Green.
"Ah...baka nasa daan na siya pauwi dito," turan ni Adelfa.
"Siguro nga! Sige, salamat!" sabi na lamang ni Green kahit medyo dismayado ang kanyang mukha sabay sulyap sa malaking orasan na nasa may dingding.
Pasado alas siyete na pero wala pa ang kanyang asawa. Mahirap talagang mag- adjust sa bagong sitwasyon nilang dalawa pero willing naman siyang matuto bilang isang mabuting may bahay ni Hunter. Kahit walang pag-ibig na siyang bumubuklod sa kanilang dalawa ay pipilitin niyang gampanan nang mabuti ang role niya bilang asawa. Subalit sa kabilang banda ay nahiling din niyang sana ay hindi na lang magbunga ang nangyari sa kanila ni Hunter. Hanggang doon lang naman aabot ang relasyon nilang mag- asawa kapag hindi siya nabuntis, pakakawalan siya ni Hunter. Makakaya naman niya sigurong ibaon sa limot ang lahat kung saka- sakali man.
"Maiwan na kita bigla ka tuloy natulala diyan. Huwag kang masyadong mag-isip nang kung ano- ano ha?" untag ni Adelfa kay Green.
"Ha?! Ahm..sige salamat!" pabiglang sagot ni Green.
Napailing-iling na lamang si Adelfa saka napapalatak. Nakadama tuloy si Green nang hiya, pakiramdam niya siya ay kawawa sa sitwasyon nila ni Hunter. Pabagsak na naupong muli si Green sa sofa at muli niyang itinutok ang kanyang paningin sa television kahit hindi naman pumapasok ang kanyang pinapanood sa kanyang utak. Naglalakbay kasi ang kanyang kamalayan sa kung saan kung kaya't para siyang estatwa na lamang habang nakatingin sa television. Maya-maya pa'y nahiga siya sa sofa dahil hinihila na siya nang antok marahil dahil medyo napagod siya sa maghapon.
"Magandang gabi po, Senyorito!" bati ni Aling Thelma sa kanilang amo nang makapasok ito sa main door.
"Magandang gabi naman po!" kaswal na sagot ni Hunter.
"Maghahain na po ba ako?" tanong naman ni Aling Thelma habang nakasunod ito kay Hunter sabay kuha sa suit case na hawak nito at iniligpit sa cabinet na lagayan.
Huminto naman si Hunter at napakunot noo.
"Hindi ba ako nakapag- text?" tanong din nito.
Natigilan naman si Aling Thelma at umiling bilang sagot nito.
"Si Green?" tanong na naman ni Hunter.
"Eh..nasa sofa po nakatulog na yata dahil sa paghihintay sa inyo." Sagot ni Aling Thelma.
"What?! Kumain na ba siya?" bulalas ni Hunter.
"Hindi pa nga ho! Saka, siya ang nagluto nang ulam ngayong gabi." Saad ng Ginang.
"Sorry! I forgot to tell na overtime ako and sa office ako kumain ng dinner." Turan ni Hunter sabay sulyap sa malaking orasan na nasa may dingding. It's already nine of the evening, late na para sa dinner ng isang tao.
"Okay, you can go na Aling Thelma! Kayo ho kumain na ba?" ani ni Hunter.
"Tapos na po, niyaya nga po namin si Senyorita kaya lang hihintayin daw po niya kayo." Wika ni Aling Thelma.
"Okay!" tumatango-tangong sabi ni Hunter.
Nagpaalam naman na agad si Aling Thelma at bumalik ito sa may kusina upang tapusin na ang ginagawa nito. Pinuntahan naman ni Hunter si Green na nakatulog na nga sa may sofa. Napatitig si Hunter sa mukha ni Green, napaka-inosente pa din ng kanyang asawa pero kailangan niya itong tikisin. Mas masasaktan lang ito kung bibigyan niya ng kahit katiting na pag- asang maging close sila. Hinding-hindi niya iyon gagawin kahit ano man ang mangyari, he will still make a gap between them. Just a safety purposes and precautions to both of them.
Tila naman naramdaman ni Green ang presensiya ni Hunter at nagmulat ito ng kanyang mga mata. Napakurap-kurap tuloy si Hunter at napatikhim habang tuluyan nang bumangon si Green at inayos ang upo nito.
"Dumating ka na pala! Ipaghahain lang kita saglit," wika ni Green at akma na itong tatayo nang sumenyas si Hunter na maupo ito.
"Don't bother! Overtime ako and sa office na ako kumain pasensiya ka na hindi ko naipaalam dito sa Mansyon, I forgot!" saad ni Hunter.
Dismayado si Green aminado siya, sayang ang effort niya pero wala siyang magagawa.
"I- It's okay!" mahinang sagot niya.
"Next time, huwag mo na akong hintayin. You can eat first hindi ko dala ang kaldero, and one more thing don't bother na magluto ka. Kaya nga may mga katulong dahil work nila iyon, labas ka na doon. Unless sinabi ko na ipagluto mo ako, masanay ka na dahil ganito ang set up natin, kasal lang tayo sa papel hindi in real life understood? Ayokong magutom ka sa kakahintay nang wala, I repeat hindi ko dala ang kaldero at pagkain." Talak ni Hunter na parang kutsilyong sumusugat sa puso ni Green.
Hindi naman siya nag- i- expect na maging husband and wife sila for real. Gusto lang niyang gampanan ang kanyang tungkulin bilang isang may bahay kagaya ng ibinilin sa kanya ng kanyang ina bago ito umalis ng Mansyon.
"And one more thing, matulog ka sa kwarto hindi dito sa sofa. Baka isipin ng ibang katulong, kinakawawa kita makarating pa kay Yaya at magalit siya sa akin." Patuloy na sabi ni Hunter.
Tango lang ang tanging naisagot ni Green dahil nagsisikip ang kanyang dibdib dahil sa sama ng loob. Imbes na compliment ang matatanggap niya mula kay Hunter ay hindi bagkus sermon at parang paninisi pa ang ibinigay nito sa kanya.
"You can eat first bago ka pumanhik sa kwarto," himig utos na sabi ni Hunter.
"B- Busog pa ako," tanging nasabi ni Green at nauna na itong pumanhik sa may hagdan kasabay nang pagtulo ng kanyang mga luha.
Nasundan na lamang ni Hunter ng kanyang tingin si Green na papalayo. Kapagkuwan ay nagpunta ito sa may kusina at nadatnan niya doon si Adelfa.
"Adelfa!" pabiglang sabi ni Hunter na ikinagulat ng dalaga.
"Ay, kabayong bundat!" gulat na bulalas ni Adelfa.
Napaharap bigla si Adelfa kay Hunter.
"Senyorito! Good evening po, ano ho ba ang atin?!" sabi nito.
"Dalhan mo si Green ng pagkain nito sa may kwarto kung hindi pa siya kumakain." Bilin nito sa baritonong boses.
"Ay, talaga pong hindi pa iyon kumakain dahil hinintay po niya kayo!" sabi naman agad ng dalaga.
"Busog daw siya after ko siya masermunan. Hindi ako papasok sa kwarto hangga't hindi siya kakain muna." turan ni Hunter sabay talikod at umalis na.
Napasimangot tuloy si Adelfa saka napabulong ito sa kanyang sarili.
"Sungit naman ng Fafa na ito, hindi man lang naawa kay Berde hmmp!" aniya at naghanda na ito ng kakainin ni Green.
Mahihinang katok ang siyang pumukaw sa kamalayan ni Green. Agad niyang pinunasan ang kanyang mga luha at inayos ang kanyang sarili. Inisip niya baka si Hunter na iyon at papasok na ito sa kanilang kwarto. Agad niyang tinungo ang pinto saka mabilis niya itong binuksan.
"Adelfa!" bulalas ni Green.
"Dinner in bed bruha, bilin ni bruho!" pabirong wika ng dalaga.
Kahit papaano ay natawa naman si Green at pinapasok niya si Adelfa.
"Lukaret!" tugon ni Green.
Inilapag naman ni Adelfa ang pagkain ni Green na nasa food tray.
"Bakit nag-abala ka pa? Wala din naman akong gana," tanong ni Green.
"Sus, maski naman hindi ako mag- abala kung bilin ng amo aba ay wala akong magagawa kung hindi ang sumunod sa utos niya." Sagot naman ni Adelfa.
"Pasensiya ka na, naabala ka pa." Hinging-paumanhin ni Green.
"Okay lang ano! Siya, kumain ka na at nagbanta ang asawa mo na hindi siya papasok dito hangga't hindi ka kumakain." Pahayag ni Adelfa.
"Sinabi niya iyon?" nagsalubong ang mga kilay ni Green.
"Oo!" namilog pa ang mga mata ni Adelfa.
Nakangusong humarap si Green sa kanyang pagkain at sumubo ng ilang kutsara. Pinilit niyang lunukin ang kanyang nginunguya kahit sana ayaw tanggapin ng kanyang sikmura dahil sa nararamdaman niyang sama ng loob.
"Ayoko na, salamat! Itong saging na lang ang uubusin ko," matamlay na wika ni Green pagkatapos.
"Oo na, bilisan mo habang nasa loob siya ng mini bar niya. Nakita ko kasi nagpunta siya ng wine cellar kaya minadali ko na ang pumarito!" Pagpayag ni Adelfa.
Napangiti si Green at sunod-sunod niyang kinain ang tatlong piraso ng saging saka muling nagpasalamat kay Adelfa na kinunsinti siya.
"Maiwan na kita, magkunwari ka na lang diyan na tulog para hindi ka niya sermunan ulit." Bilin ni Adelfa pagkatapos.
"Sige, salamat ulit!" nakangiting wika ni Green.
Sumenyas naman si Adelfa ng okay bago ito tuluyang lumabas ng kwarto. Pasilip-silip pa si Adelfa sa kanyang paligid at baka makita ng kanyang amo na halos walang nabawas sa dinala niyang pagkain ni Green. At nang makarating na ito sa may kusina ay agad niyang ipinakin sa mga aso ang tirang pagkain ni Green. Tutal, hindi lang naman dog food ang kinakain ng kanilang mga alagang aso saka niya dali-daling hinugasan ang pinagkainan ni Green. At saka pinuntahan kinalaunan si Hunter upang ipaalam na tapos nang kumain si Green.