Nagising si bigla si Green, nasanay na siyang maagang nagigising. Pagbaling niya sa kanyang tagiliran ay nakita niyang himbing na si Hunter. Napatanong tuloy si Green sa kanyang sarili kung anong oras ba kagabi umuwi ang kanyang hilaw na asawa. Malungkot na bumuntonhininga si Green, hindi naman niya talaga inaasahang magugustuhan siya ni Hunter alam niya iyon na suntok sa buwan. Naalala niya tuloy ang kanyang narinig mula sa isang kaibigan ng kanyang asawa na nagngangalang Joyce. Malamang ito ang long time girlfriend ng kanyang asawa at nakisingit lamang siya.
"Ang aga mo namang nagising?" agad na tanong ni Adelfa nang mabungaran niya ito sa may dirty kitchen.
"Nasanay na kasi ako hinahanap naman ng katawan ko ang dati kong gising." Sagot ni Green sabay timpla ng kape nito.
Kaswal lang ang pag- uusap nilang dalawa ni Adelfa kapag walang tao sa paligid lalo na kapag nariyan si Hunter. May Senyorita naman kapag may ibang nakaharap na tao para naman hindi sabihing walang galang ang katulong sa Mansyon.
"Gusto mo ng sinangag nakaluto na kami ni Aling Thelma?" tanong ni Adelfa.
"Sige, tapos sasabayan ko na lang kumain mamaya si Hunter. Ano oras nga pala siya umuwi kagabi nakatulugan ko na eh!" sagot ni Green.
"Naku, hatinggabi na at mukhang nakainom naamoy ko kasi. Bakit kaya hindi mo paamuin si Senyorito? Pagsilbihan mo siya o kaya asikasuhin ganoon para magkalapit kayo ng loob. Alam ko mahirap ang sitwasyon mo kasi nga biglaan ang inyong pagpapakasal for sure wala pa kayong closure." Pahayag ni Adelfa.
Kimi namang ngumiti si Green.
"Bakit mo alam? Naranasan mo na rin ba?" pagbibiro ni Green pero deep inside nasasaktan naman talaga siya.
Akala niya sa mga pelikula lang nangyayari ang kagaya ng sitwasyon nila ni Hunter hindi pala. Kakapanood niya yata ng mga k- drama o kaya c- drama kaya pati sa personal niyang buhay naapektuhan.
"Hindi naman siyempre sa drama nga ramdam mo eh paano na lang sa totoong buhay." Paliwanag ni Adelfa habang naghahanda ng Orange juice paborito ni Hunter sa umaga.
Alam niya kasi dati siya ang gumagawa tapos hatinggabi na pala nakauwi ang kanyang asawa at lasing pa. Hindi man lang niya ito naasikaso kagabi.
"Okay lang parang sa drama talaga siya!" wala sa sariling wika ni Green.
"Sabi ko na nga ba kita naman sa iyong malungkot na mga mata. What if simulan mo ng pagsilbihan bilang asawa si Senyorito at hindi na bilang amo? Malay mo, ma- develop kayong dalawa!" payo ni Adelfa.
Natawa naman si Green as if aasa siya alam naman niyang reputasyon lang ang iniisip ni Hunter kaya siya nito pinakasalan bigla-bigla. Sila- sila nga lang ang nakakaalam eh wala ng iba, para nang secret wedding ang naganap sa pagitan nila.
"Susubukan ko pero hindi ako aasa," mahinang sagot ni Green.
Maya-maya pa'y natahimik na sila nang biglang dating si Hunter. Nakaligo na ito at bihis na bihis na. Agad namang tumayo si Green at binigyan nito ng orange juice ang asawa sabay bati ng magandang umaga. Tango lang ang siyang naisagot ni Hunter kay Green ni hindi ito nagsalita at blangko ang expression ng kanyang mukha. Hindi na lamang iyon pinansin ni Green masasanay din siya sa cold face ng kanyang asawa pati na ang mga kilos nitong nakakatakot kausapin.
"Gusto mo ba ng fried rice saka tortang talong?" matapang na tanong ni Green sa asawa pagkatapos itong ngusuan ni Adelfa bilang senyales na pagsilbihan nito ang kanyang asawa.
"Nope. Uubusin ko lang itong juice aalis na ako. Anyway, here's my black card kung may bibilhin ka gamitin mo. Kung lalabas ka, you can used it but ayokong mamasyal ka until to the moon. You will always remember, hindi ka na single you're a married now. At ayokong mabahiran ng ano mang negative thinking ang pamilya Whitlock." Mahabang saad ni Hunter sabay tayo.
Nag- aalangan namang kunin ni Green ang nasabing vip credit card na nakalagay sa ibabaw ng mesa. Ni hindi man lang siya pinagsalita ni Hunter maski twenty words lang. Paano naman mababahiran ng negative thinking ang kanilang pamilya kung iilan lamang ang nakakaalam na siya ang asawa. Napabuntonghininga na lamang si Green sabay titig sa nasabing vip credit card.
"Ihatid mo kaya siya sa labas ganoon ang asawa berde." Untag ni Adelfa.
Napakurap-kurap naman si Green.
"Huwag na baka nakalulan na siya sa kanyang sasakyan next time na lang." Sagot nito.
"Sabagay, mukhang nagmamadali eh! Kunin mo na ang mahiwaga mong credit card ang suwerte mo talaga!" kinikilig pang sabi ni Adelfa.
Pagak na natawa si Green sabay dampot sa credit card na bigay ni Hunter sa kanya.
"Sira! As if naman magagamit ko ito, nahihiya ako." aniya.
At sa isip-isip ni Green kahit papaano ay may ipon pa naman siya. Ayaw niya talagang gamitin ang credit card ng kanyang asawa hangga't mayroon pa siyang pera. Ilang sandali pa at nagpaalam na si Green kay Adelfa upang ligpitin ang kanilang kama na mag- asawa. Sabay linis na din sa kanilang kwarto. Hangga't makakaya niya din ay gusto niyang hands on siya sa paglilinis at pagliligpit sa kanilang kwarto. Mas gusto niyang mayroon siyang ginagawa sa loob ng Mansyon.
"Kumusta naman ang newlyweds? Balita ko gabi ka na nakauwi kagabi ha?" pagbibiro agad ni Jacob sa kadarating lamang na si Hunter.
"Shut up! Alam mong no feelings involved ang kasal namin ni Green." Singhal ni Hunter sa kaibigan sabay upo at binuksan ang computer nito.
"Asus! Sige ka magsisisi ka kapag may mang- agaw sa very fresh and young mong asawa!" pambubuska pa din ni Jacob ito ang personal assistant ni Hunter mapagkakatiwalaan niya sa lahat.
"At sino naman kaya ang may lakas na kalabanin ang Whitlock aber?" nakangising tanong ni Hunter.
Tawang-tawa naman si Jacob.
"Tingnan mo ayaw mong maagaw ang laruan mo pero hindi mo naman nilalaro!" pagbibiro pa din nito.
"Cut the crap, back to work!" pandidilat ni Hunter sa kaibigang napapailing na napapatawa.
"Yes, boss!" wika naman ni Jacob sabay saludo.
Napailing-iling na lamang si Hunter na napapapalatak sa kapilyuhan ng kanyang kaibigan. Wala sa isipan niya at plano ang laspagin si Green, bata pa ito at ayaw pa niyang magkaanak silang dalawa. For safety purposes lang naman kung bakit sila nagpakasal kaya what's the big deal about it.
"Inaaliw lang kita alam kong hindi ka pa naka- move on about Joyce." Seryoso bigla ni Jacob.
"Silent please, huwag mo munang isali dito si Joyce." mabilis na tugon ni Hunter kay Jacob.
Nagkibit-balikat na lamang si Jacob at nagpatuloy na ito sa kanyang ginagawa sa laptop na nasa kanyang harapan. Alam naman nilang lahat na si Joyce pa din ang nasa puso ni Hunter. At may haka-haka silang kaya nagpakasal bigla- bigla ang kanilang kaibigan dahil sa nabalitang naunang nagpakasal si Joyce sa abroad. Labis na nasaktan si Hunter na umaasa at naghihintay kay Joyce kaya siguro napagbalingan niya ang inosenteng si Green.