Maaga pa ding nagising si Green kinaumagahan kahit na nagtatampo siya kay Hunter. Pero wala naman siyang karapatang mag- tantrums sa harapan ng kanyang asawa dahil mag-asawa nga lang naman sila sa papel walang commitment sa isa't-isa. Subalit kagaya din ng mga nagdaang araw, hindi na naman kumain si Hunter sa niluto ni Green. Nakakasakit damdamin para kay Green pero wala siyang magagawa, pinili niya ang makasal sa pinakamalamig na yatang bilyonaryo sa balat ng lupa. Mahirap paamuin, mahirap tumbukin ang kiliti nito at higit sa lahat mahirap itong paniwalain na dalisay ang hangarin mo para sa kanya. "Mahuhuli mo din ang kiliti ni Senyorito, Berde huwag kang mawalan nang pag-asa." Mula sa likuran ni Green ay nagsalita si Adelfa. Pilit na ngumiti si Green at humarap siya sa dalaga. Mabuti n