bc

MARRIED TO THE COLDEST BILLIONAIRE: ( HUNTER&GREEN )

book_age18+
9.0K
FOLLOW
74.0K
READ
contract marriage
goodgirl
kickass heroine
billionairess
drama
twisted
bxg
realistic earth
love at the first sight
sacrifice
like
intro-logo
Blurb

They slept together in one cold night, where their both hearts are wounded. Pagkagising nina Hunter at Green ay kapwa sila shocked. Speechless, regrets at hatred ang kanilang nadama. Papaano nila haharapin ang pagkakamaling kanilang nagawa? Samantalang amo at katulong ang kanilang relasyon and worst, Hunter is the most coldest man ever that Green met. Ano ang naghihintay sa kanilang dalawa sa pagpasok nila sa relasyong kapwa nila hindi ginusto? Will it work or they will just be separated as lovers do when they are not happy anymore? Nababagay ba si Green sa isang mataas na bituin na kay hirap abutin? Siya ba ang magpapabago sa ever coldest billionaire na si Hunter?

chap-preview
Free preview
C-1: First met
MAGKAHALONG tuwa at nerbiyos ang nadarama ni Green nang mga sandalling iyon. After six years, ngayon lang ulit siya makakatapak sa Mansyon ng mga Whitlock. At doon na rin siya tityra nang matagal hindi kagaya noon na kapag bakasyon lang ito isinasama ng kanyang Nanay. Na halos doon na rin tumira dahil ito ang pinagkakatiwalaan ng pamilya Whitlock. Pero para kay Green ay sa ibang Mansyon yata siya dinala ng kanyang Nanay. Parang hindi na kasi pamilyar sa dalaga ang hitsura ng Mansyon. “ ‘Nay, bakit parang nag- iba na itong Mansyon?” hindi napigilan ng dalaga ang magtanong. “Hindi naman talaga ito ang Mansyon na dati mong pinupuntahan noon, kay Senyorito Hunter ito.” Sagot ni Aling Gina. “Hunter?” namilog pa ang mga mat ani Green pagkarinig sa pangalan ng may- ari. “Oo! ‘Yong sinabihan mo noon na masungit at nagbigay sa’yo ng panyo noong nasugatan ka dahil sa kakulitan mo.” Saad ng Nanay ni Green. Napaisip si Green, at dagli niyang naalala si Hunter ang masungit na anak ng mga Whitlock at buhirang ngumiti o magsalita. Katunayan ay na kay Green pa rin ang panyong iyon na ala- ala niya kay Hunter. “Masungit pa rin po ba siya hanggang ngayon?” muling tanong ni Green. “Hindi na, pero hindi pa rin palaimik ‘yon lang. Saka tumigil ka na sa kakatanong baka marinig ka niya!” pahayag ni Aling Gina. Napalabi na lamang si Green at hindi nan ga ito nagtanong pa. Sakto namang may makakasalubong silang isang napakakisig na lalaki. Nakita ni Green na yumukod ang lahat pagkakita sa lalaki, tindig pa lang nito ay alam mo ng Adonis na. “Magandang araw po, Ssenyorito!” bati ng lahat. Nanlaki ang mga mata ni Green nang mapagtanto kung sino ang guwapong lalaking nasa kanilang harapan. Napaawang ang labi ng dalaga habang nakatitig kay Hunter. Kumunot- noo naman ang binata nang mapansin ang hitsura ni Green na nakanganga at nakatulalang nakatingin sa kanya. “Sino po siya, Yaya?” malamig na tanong nito kay Aling Gina. “Po?! Ah…siya po si Green ang anak ko po na sinasabi ko sa inyo.” Naramdaman ni Green ang siko ng kanyang Nanay kung kaya’t natauhan ang dalaga. “Magandang araw po!” pabiglang sabi ni Green. “Okay!” Iyon lang ang narinig ni Green na sinabi ni Hunter. Napasimangot ang dalaga dahil pag- angat niya ng kanyang mukha ay malayo na ang binata. “Masungit na, suplado pa!” wala sa sariling nasabi ni Green. “Green Tarah!” babala ng Ina nito. Nagulat naman si Green at namula ang pisngi nito. “Sorry po!” hinging paumanhin ng dalaga dahil kapag tinawag siya ng kanyang Nanay sa buo niyang pangalan alam ng dalaga na galit ito. Hanggang sa naging tahimik na lamang si Green pagkatapos nitong ayusin ang kanyang mga gamit sa kwarto nilang mag- ina. May quarters na nakabukod ang mga katulong ni Hunter sa isang hallway malapit sa likuran ng malaking kusina. At may pintong nag- uugnay sa kusina at quarters ng mga katulong upang mas madali ang mga itong makarating doon kapag may emergency na ipapagawa ng mga amo nila. Hindi na kailangan pang dadaan ang mga to sa maindoor kapag sila ay papasok na sa loob. “Ikaw ang mas mag- aasikaso kay Senyorito, Green. Ayokong ipakita mo sa kanya ang maldita mo ha? Nakakahiya sa kanya, pumayag na nga siyang tumira ka rito pansamantala hanggang sa makaipon tayo ng perang gagamitin mo sa bar exam. Ayoko naman nang umutang dahil Malaki pa ‘yong nahiram ko noong nagkasakit ang Tatay mo.” Bilin ni Aling Gina sa anak. “Opo!” masunuring sagot ng dalaga. Teacher ang kursong natapos ni Green at sa secondary education iyon. Balak niyang mag- take ng lisensure exam para naman mas maganda ang pagtatrabaho nito soon as a teacher. Kaya lang ay nataong nagkasakit ng malubha ang ama nito na dating driver ng mga Whitlock hanggang sa naging hardinero na lamang ito dahil sa naging sakitin na ito. “Ang mga bilin ko bago ka nagpunta rito palagi mong tatandaan, Green.” May himig babalang wika ni Aling Gina sa kanyang anak. “Oo na po! Hindi ko po makakalimutan dahil nakatatak na sa isipan ko ang lahat.” Sagot ng dalaga. “Mabuti naman kung ganoon! Hala, ibigay mo na ito kay Senyorito bale breakfast niya at lunch ganoon iyon kung kumain.” Mabilis namang kinuha ni Green ang tray mula sa kanyang Ina at tahimik na binagtas ang mataas na hagdan. Nasa may veranda kasi ang kanilang Amo at nakaharap sa laptop nito. Hiningal si Green pagkalagpas niya sa mataas na hagdan. Humugot pa muna ito ng isang malalim na hininga bago nagtuloy sa may malaking veranda. Natanaw agad ni Green ang binatang amo nila, napaismid ang dalaga. Medyo malayo pa siya ay alam na nitong magkasalubong ang mga kilay ng kanyang amo. Tumikhim muna si Green bago nagsalita. “Heto na po ang pagkain niyo, Senyorito!” wika ni Green. Agad na lumingon si Hunter kay Green at napagmasdan niya ang dalaga mula ulo hanggag paa. “I’m sorry but who are you?” tanong kapagkuwan ni Hunter. Napangiwi naman si Green at kung hindi niya lang amo ang kaharap nito malamang tinalakan na niya. “Anak po ako ni Gina, Senyorito!” sagot ni Green. “Oh.. I see! Just place that on my table and leave,” tugon ni Hunter at ibinalik n anito ang paningin sa kanyang laptop. Mabilis namang inilapag ni Green ang tray na dala niya at yumukod kay Hunter saka ito umalis. Umingos pa ang dalaga nang muli niyang lingunin ang busy nitong amo. “Parang walang pakialam sa mundo,” bulong ni Green sa sarili. Naisip nitong masuwerte siya sa kanyang nobyo kahit papaano. Friendly kasi ang kanyang boyfriend infairness, kasundo nito ang lahat kahit kakakilala lamang nito. Nasabi pa ni Green na sa malamang at malamang ay hindi siya magkakagusto sa isang katulad ng kanyang amo kahit ito pa ay guwapo at macho. “Ano na naman ang nakita mo Green at panay ang bulong mo riyan?” untag ni aling Gina sa anak. Hindi pala namalayan ni Green na nasa likuran na pala niya ang kanyang Nanay. “Po?! Wala ho, sabi ko ang taas ng hagdan nila ang haba.” Pagsisinungaling ng dalaga. “Aba, siyempre Mansyon ito! Anong inaakala mo, tatlong baitang lang ang hagdan nila?” sabi ni Aling Gina sabay nitong pinandilatan si Green. Gustong matawa ni Green dahil hindi pa rin nagbabago ang kanyang Ina dahil may pagkapilosopo pa rin kung sumagot na siya namang kanyang namana. Bigla tuloy na- miss ni Green ang kanyang nobyo, naipasya niyang tawagan ito pagkatapos ng kanyang mga Gawain. Saka niya tatawagan ang kanyang Tiya Salome para kumustahin ang kanyang Ama sunod na rin niyang tawagan ang kanyang bestfriend upang pabantayan dito ang kanyang boyfriend.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

My SEDUCTIVE Innocent LOVER 'James Monteverde' (JAMES & JENNIEL)

read
51.7K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
81.3K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
140.4K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
22.3K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
183.9K
bc

His Obsession

read
91.9K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook