C-5: Back to Mansion

1095 Words
Naalimpungatan si Green nang maramdaman niyang may mabigat na bagay ang siyang nakadagan sa kanya. She opened her eyes at nakita niyang ang binti ng kanyang asawa ang nakadagan sa kanyang katawan. Nakayakap pa sa kanya si Hunter at nakaharap pa ito sa kanya. Nahigit ni Green ang kanyang hininga at pinilit nitong makawala sa mga bisig ng kanyang asawa with matching dahan-dahan. Nakahinga ito nang maluwag dahil sa wakas ay nakakawala na siya. Mabilis itong bumangon at naghilamos saka lumabas ng kwarto. Dumiretso siya sa may dalampasigan saka pinagmamasdan ang dagat. "Coffe, Senyorita?" Anang ng isang tinig. Lumingon si Green at nakita niyang si Shiela ang nagsalita. "Good morning!" bati ni Green. "Magandang umaga rin po! Gusto niyo ng kape?" "Sige!" Sang - ayon ni Green. "Black coffe po ba?" tanong muli ni Shiela. "Pakilagyan ng gatas please!" Tumango naman si Shiela at nagpaalam saglit kay Green. Kapagkuwan ay naalala niya bigla ang kanyang Nanay. Parang gusto na niyang umuwi sa Mansiyon upang makita ito. Napatanong tuloy si Green kung hanggang kailan sila ni Hunter sa resort nila. "Heto na po ang kape niyo with suman." Masayang wika ni Shiela nang magbalik ito. "Salamat!" sagot ni Green at kinuha nito ang food tray mula sa dalaga. Inilapag lang ni Green iyon sa buhanginan saka siya naupo. Muli namang nagpaalam si Shiela kay Green. Matagal din siyang nakatitig sa dagat at sa mga alon na unti-unting lumalaki dahil siguro sa high tide. "Baka matunaw ang dagat dahil sa kakatitig mo!" mula sa likuran ni Green ay nagsalita si Hunter. Kumabog bigla ang dibdib ni Green sa ikli ng pagsasama nila ni Hunter kabisado na nito ang boses ng lalaki. Kung kaya't hindi lumingon si Green sa kanyang asawa. "Get up there, babalik na tayo sa Mansiyon." Muling nagsalita si Hunter. Tumayo naman si Green saka nito kinuha ang food tray at ipinatong ang kanyang mug. Pagharap nito sa kinaroroonan ni Hunter ay wala na ito. Nakita na lamang ni Green na naglalakad na pala ang lalaki pabalik sa bahay. Napasimangot tuloy si Green hindi man lang siya nito tinulungang tumayo, hindi gentleman. Walang nagawa si Green kundi ang sundan si Hunter bago tuluyang pumasok si Green sa kwarto nila ng kanyang asawa ay ibinigay muna niya kay Shiela ang kanyang mga hawak. Pagkapasok ni Green sa kanilang kwarto ay nakahanda na ang kanilang mga gamit. Hindi na rin nagpalit pa ng damit si Green dahil solo naman nila ang sasakyan. Hindi tulad noong nagko- commute siya sa bus o taxi kailangan maayos ang iyong pananamit. Hindi na sila nag- imikan pa ni Hunter hanggang sa kanilang pagbiyahe. Ilang oras pa at narating na nila ang Mansyon. Sabik na bumaba si Green dahil gusto na niyang makita ang kanyang Nanay. Kung kaya't agad itong nagtanong nang makasalubong niya si Aling Marie. "Naku, kauuwi lang ng Nanay mo! May sulat siyang iniwan para sa'yo," sagot ni Aling Marie. Nanlumo si Green at parang maiiyak na siya. Tanggap niyang aalis ang kanyang Nanay sa Mansiyon subalit hindi niya inaasahang napakaaga at saka hindi man lang siya hinintay upang magkita silang dalawa bago maghihiwalay. Napatitig si Green sa sulat na iniabot sa kanya ni Aling Marie nalaglag ang mga pinipigilan niyang luha. "You're not younger anymore, stop crying!" malamig na sabi ni Hunter kay Green na nasa likura pala nito. Hindi sumagot si Green pasimple niyang pinahid ang kanyang mga luha. Sanay na siyang iniiwan ng kanyang Nanay noon subalit ibang pang- iiwan naman ang ginawa nito ngayon. "Dont depends on your parents for long, malaki ka na hindi na bata." Muling sabi ni Hunter saka nito iniwan si Green. Napasimangot si Green, una pa lamang alam niyang hindi niya kakampi ang kanyang asawa. Hindi nga niya alam kung anong relationship ang kanilang mabubuo samantalang hindi naman sila nagmamahalan. "Kasalanan ito ng dalawang taksil na iyon!" bulong ni Green sa sarili nito at galit na inalala ang kataksilan ng kanyang bestfriend na si Athena at kanyang nobyong si Leonard. Maghapon na nagkulong si Green sa kwarto nila ni Hunter. At hindi niya alam kung saang lupalop ng lupa nagsuot ang kanyang asawa. Isang mahinang katok ang siyang narinig ni Green. "Sino 'yan?" tanong niya. "Hindi ka ba kakain? Gabi na kaya!" tinig ni Adelfa, kaedad din niya at anak din ng katulong. Tumayo si Green at kanya nitong binuksan ang pinto. "Uy, anong oras na hindi ka pa kumain kaninang tanghali." Muling sabi ni Adelfa. "Si Hunter?" "Pumasok sa opisina hindi mo alam?" nanlalaki pa ang mga mata ni Adelfa. "Ah... nakalimutan ko pala! Sige, susunod na ako!" pagkakaila nito. Tumango si Adelfa at iniwan na nito si Green. Napasulyap si Green sa kalendaryong nasa dingding ng kwarto nila ni Hunter. Tuesday pala ngayon, aniya. Nanibago kasi siya sa kwartong kinaroroonan niya. Gusto niyang sa dati niyang kwarto sana siya matutulog kaya lang kumontra si Hunter. Baka malaman daw ng Nanay niya sasabihin pang kinakawawa siya. Kaya naman kahit ayaw sana ni Green ay pumayag na lang siya baka mas magbangayan pa silang dalawa ni Hunter. Naupo si Green sa hapag, mag- isa lang siya. At nanibago na naman siya lalo pa't naaalala niya ang kanyang Nanay. Siya ang dating taga- asikaso kay Hunter sa hapag-kainan ngayon, siya na ang inaasikaso. "Kumain ka raw ng marami sabi ni Senyorito!" sabi ni Adelfa na nakangiti. "Luka-luka!" sagot niya. "Puwera biro, tumawag at tinanong ka niya kaya tinawag na kita upang makakain ka na. Overtime daw siya," giit ni Adelfa. Nawala ang ngiti ni Green, mabuti pa ang mga katulong alam nila kung nasaan ang kanyang asawa. Alam din ng mga ito na mag overtime si Hunter ngayong gabi nahiling tuloy ni Green na sana bumalik na siya bilang katulong. Pra naman alam din niya lahat ang tungkol sa amo niyang si Hunter. Nakakatawa lang na nakakainis dahil siya ang asawa, ni hindi man lang niya alam kung saan nagpunta si Hunter at kailan ito uuwi. Nakapangasawa yata si Green ng isang coldest billionaire. Konti lang ang kinain ni Green wala talaga siyang gana kahit masasarap ang mga ulam. Hindi siya sanay na mag-isang kumakain at mas lalong hindi siya sanay kumain na walang kausap. Maingay siya kahit sa hapag-kainan kaso noon iyon iba na ang kanyang sitwasyon ngayon. Gusto niyang tawagan ang kanyang Tatay at kumustahin ang kanyang Nanay kaya lang hindi pa niya magawa sa sobrang hiya niya sa mga ito. Lalo na kung naiisip niya ang kanyang nagawa na dahilan ng pagtatampo sa kanya ng kanyang Ina. Hanggang sa nakatulugan na lamang ni Green ang kanyang mga iniisip.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD