Nasa harapan na nga ng isang judge sina Green at Hunter. Kagaya nang sinabi ni Hunter kay Yaya Gina, he will definitely marry her daughter. Na tinupad naman ng binata subalit hindi maikakailang out of the blue ang isipan ng binata. Mangilan- ngilan lamang ang mga naroon bilang saksi. Kumbaga isa iyong very private wedding ng dalawang tao. Pagkatapos magpalitan ng "I do " ang dalawa ay nagsuotan naman sila ng kanilang wedding ring. Napakaganda ni Green sa suot nitong simple white dress bumagay ito sa kanya lalo pa't inayusan din ito ng make up artist. Mas lumutang ang tinatago nitong kagandahan na hinangaan ng side ni Hunter lalo na ang mga kaibigan nitong malalapit. Hiyang- hiya naman si Green pero deep inside, she's happy and proud kahit papaano.
"Congratulations husban and wife!" masayang bati ni Judge Alcantara isa rin sa kanilang Ninong.
Tipid na ngumiti si Green maging si Hunter at picture taking na ang kasunod. Sa isang beach resort iyon na pagmamay-ari ni Hunter kung kaya't walang basta-basta makakapasok roon kahit sino. Doon na rin ginanap ang salo- salo. Namasyal- masyal naman ang ilan sa may dalampasigan habang sina Green at Hunter ay ni hindi na nag- usap pa.
"Nagbitiw na ako bilang Yaya at mayordoma ni Senyorito, Green." Wika ni Yaya Gina sa anak.
Nagulat si Green.
"Bakit po Nanay? Nagbitiw ka po ba o tinanggal ka niya?" tanong niya.
"Nagbitiw ako, napaaga nga lang. Ayokong makita ka bilang amo ko at makasama sa kanilang Mansyon. Sa totoo lang, hindi pa rin ako makapaniwalang sinuway mo ako. Oo! Naging masunurin kang bata, kahit na may pagkamatigas ang iyong ulo pero sinagad mo 'yon sa isang pagsusuway mo lamang?!" may hinanakit pa rin si Yaya Gina sa anak.
Naiyak bigla si Green, hindi siya iyakin pero this time she's crying and regret ofcourse sa kanyang nagawa.
"Pero, 'Nay paano po ako kapag iiwan niyo ako sa Mansyon? Ano na ang sasabihin ni Tatay?" Naiiyak pa ring sabi ng dalaga.
"Pinasok mo ito, matuto kang tumayo sa sarili mong mga paa. Hindi ka na dalaga pa na aasa sa gabay ko, may asawa ka na tandaan mo 'yan. Walang problema sa Tatay mo dahil ako ang magpaliwanag sa kanya pagdating ko."
Tuluyang nalaglag ang mga luha ni Green, malaki na talaga ang hinanakit ng kanyang Nanay sa kanya. At madadamay pa ang kanyang Tatay sa katangahang nagawa niya. Napasulyap siya kay Hunter, ang dati niyang amo na ngayon ay amo na niya. Mabilis binawi ni Green ang kanyang tingin sa asawa dahil nakatingin din pala ito sa kanya. Lihim niyang pinunasan ang kanyang pisngi at inayos ang sarili.
"Lagi mong tandaan, hindi ako nagkulang sa paalala sa'yo. Ayusin mo ang pagiging asawa ng isang bilyonaryo. Matuto kang makibagay- bagay, iba na ang estado ng buhay mo ngayon." Muling sabi ni Yaya Gina.
Nakagat ni Green ang kanyang sariling bibig. Sa totoo lang hindi siya sanay maging isang mayaman. Kung maibabalik niya lang sana ang nakaraan, lalayo siya sa mga Whitlock.
"Infairness, suwerte ka sa asawa mo Hunt!" bulalas ni Jacob nang masulyapan si Green.
"Why?" walang emosyong tanong ni Hunter.
"Bukod sa bata pa, napakaganda at nakuha mong malinis."
Napangisi naman si Ybrahim.
"I wish I could find someone like her!" anito.
Hindi nagsalita si Hunter, muli niya lang sinulyapan ang kanyang asawa saka ininom ang wine na hawak nito.
"Hindi naman sila nagkakalayo ni Joyce hindi ba?" untag ni Jacob dito.
Nagsalubong ang kilay ni Hunter nang tumingin ito sa kaibigan.
"Whatever!" malamig nitong sabi at muling uminom ng wine.
Natawa na lamang sina Jacob at Ybrahim saka uminom na rin ng wine. Marami pa silang napag-usapan hanggang sa nagpasya na ang lahat na umuwi maliban sa bagong kasal.
"Bakit po hindi kami sasama pauwi 'Nay?" nagtatakang tanong ni Green sa ina.
"Bagong kasal kayo, alam mo na ang ibig sabihin hindi ka naman tanga!" sagot ng Ina.
"Nanay naman!" maktol ni Green.
"Hay, ewan!" kibit-balikat ni Yaya Gina.
"Ano bang kasunod ng wedding day?" mula sa kanilang likuran ay lumitaw si Hunter.
Hindi sumagot si Green, dahil alam na niya ang kasagutan. At ninerbiyos siya na kinakabahan, hindi niya mawari kung ano bang tawag sa kanyang nararamdaman.
"O, siya mauuna na kami ang bilin ko sa'yo!" wika ni Yaya Gina kay Green saka tiningnan si Hunter.
Tumango naman si Hunter at medyo yumukod ganoon din si Yaya Gina. Hanggang tingin na lamang ang nagawa ni Green sa papalayo nitong Ina. Parang malaki ang nawala kay Green sa pagkakataong iyon, hindi siya sana sa ganoong pakiramdam.
Napapitlag pa si Green nang tumikhim si Hunter sa kanyang likuran.
"It's our honeymoon, don't you excited?" tanong nito.
Nataranta bigla si Green.
"Excuse me!" wika nito at mabilis na lumayo sa tabi ni Hunter.
Napangisi naman si Hunter na lango na naman sa alak. Kanina pa ito umiinom ng wine, pampalakas ng loob at pampakapal ng mukha. He felt guilty of what they did, of what decision that he made. And he will regret it in his whole life.
Nahawakan naman ni Green ang dibdib nitong kabang- kaba. Natakot tuloy siya sa kanyang asawa na sa tingin niya kanina ay mala- demonyo.
"Diyos ko, tulungan mo po ako!" usal pa nito.
Ano ba kasi ang kanyang napasok at pumayag - payag siya sa alok ng damuhong niyang asawa? Mabilis na tinungo ni Green ang bathroom at nagbabad doon. Isang oras siyang nakatulala lang sa loob ng banyo. Kung hindi pa ito kinatok ni Hunter ay hindi pa ito matatapos.
"What makes you longer?" iritableng tanong ni Hunter.
"Ahm...malamig ang tubig!" alanganing sagot ni Green at iwas na iwas sa kanyang asawa.
Hunter smirk.
"Relax, I won't eat you! Hindi ako lobo, mas bet kong maging vampire sumisipsip ng dugo." Aniya.
"H- Ha?? Ah... nagugutom pala ko!" wika ni Green sabay karipas ng takbo palabas ng kwarto.
Hunter laughed subalit tumigil nang matauhan ito. Why he laughed? There's nothing funny that's what he know. Samantalang si Green ay dinala ng kanyang mga paa sa pinaka- kusina ng resort.
"Gusto mong kumain Senyorita?" tanong ng babaeng naroon.
Sa tingin ni Green ay kasing - edad lang niya ang babae.
"Congratulations po nga pala!" muling nagsalita ang babae.
"Ha? Ah...eh salamat!" sagot ni Green sabay ngiti.
"Shiela po,"
"Tawagin mo na lang akong Green!"
"As in Green po? Wow! Kakaibang pangalan, astig! Kaya lang bawal po eh! Kailangan kung anong tawag namin kay Senyorito, ganoon din ang sa inyo." Natutuwang wika ni Shiela.
Ngiti lang ang isinagot ni Green pero kumain naman siya dahil hinandaan siya ng dalaga. Nahihiya naman si Green kung hindi niya iyon kakainin. Nagkwentuhan pa sila saglit ni Shiela bago nito ipinasyang bumalik sa loob ng kwarto nila ni Hunter. Dahan-dahan pang binuksan ni Green ang pinto ng kwarto nilang mag- asawa. Sumilip muna si Green kung naroon pa rin si Hunter nakahinga ito nang maluwag dahil wala ang kanyang asawa.
"Thank you Lord!" usal pa nito.
Mabilis pumasok si Green at nahiga sa kama saka nagtalukbong ng kumot. Ibinalot niya ang kumot sa buo niyang katawan. Para magigising siya kapag tangkain siyang galawin ng kanyang asawa mamayang pagdating nito. Pinilit ni Green na matulog gusto niyang ipahinga ang kanyang puso at isipan. Bigla niyang na- miss ang kanyang Nanay na kanyang katabi palagi sa pagtulog pati na ang kanyang Tatay na kinakantahan pa siya kahit matanda na siya.
Habang si Hunter ay nasa may dalampasigan paa lamang nito ang nababasa habang naglalakad sa may gilid. Nakatingin lang ito sa mga alon na nag- uunahang makarating sa pampang. Walang tigil at ang mga ito ay maiingay na. Hindi kagaya kaninang umaga na tahimik lang ang dagat at payapa ang mga alon. Tila nakikisaliw sa nararamdaman ni Hunter na tila walang katapusan. Magulo ang isipan, lalong-lalo na ang kanyang puso. Hindi pa alam ng kanyang mga magulang ang mga nangyari, besides alam din niyang ganoon din ang sasabihin ng kanyang Daddy. Ang pakasalan ang anak ng kanilang Yaya, mahalaga si Yaya Gina sa kanilang pamilya dahi ito nga naman ang nag- alaga sa kanya noonh bata pa siya hanggang sa ngayon. At hindi hahayaan ng kanyang Daddy na maa- agrabiyado si Yaya Gina lalo na ang anak nito. Ginawa niya lang ang alam niyang tama kaysa habang buhay siyang babagabagin ng kanyang konsensya.