3-MOVING ON

1384 Words
"Wow, ano ang niluluto ni Lola for today's bidyow?" nagulat pa ako nang marinig ang boses ni Vlad sa aking likuran . Hindi ko pala na-lock ang pintuan kanina. "Kung makalola ka, akala mo kung sino ka talagang maganda!" baling ko rito. Natural na lamang ang palitan ng salita sa pagitan naming dalawa. "Well, with that eyeglasses and long skirt you wear? Para kang miyembro ng sinaunang sinakulo!" natatawang sambit nito. " Ah talaga? 'Wag kang kumain rito ah? Masarap pa naman ang niluluto ko, kare-kare!" "Ay grabe siya oh! Joke lang' yun!Ang ganda-ganda kaya ng bestfren ko kahit conservative manamit. Ang ganda ng eyes, matangos ang ilong, maganda ang kutis at may tinatagong kaseksihan!" bawi pa nito na lumapit pa sa akin at sinuklay suklay ang mahaba kong buhok gamit ang mga daliri niya. "Yan! D'yan ka talaga magaling Vladimir!" " Pwede ba, stop callin' me Vladimir. Tingnan mo naman ang ayos ko oh!" tiningnan ko ang suot nitong pekpek shorts at sleeveless. Naiirita talaga ito kapag tinatawag sa first name.Nagmumukha raw siyang drakula kapag naririnig ang kan'yang pangalan. "Oo na, kumuha ka na ng bowl luto na ito maya maya!" utos ko rito at mabilis naman itong pumunta sa cabinet at kumuha ng isang babasgin na bowl. "Wow, ang bango naman nito! Wait, paborito 'to ni Franko' di ba? Don't tell me, gusto mo siyang maalala or umaasa ka na darating siya ngayon at kakainin ka niya este ang kare-kare mo?" "Hoy, tumahimik ka nga riyan! Paborito ko 'to noh! Kaya nga inaral ko talaga ang putahe na' to para kung gusto kong kumain eh ako na ang magluluto. Huwag mo ngang banggitin ang pangalan ng lalakeng 'yon pwede? Paano ko siya makakalimutan kung panay ang banggit mo sa Geller na' yon! " saway ko sa kan'ya. Kasalukuyan kaming nag-aayos na ng hapag kainan upang makapag-almusal na kami. Kapag linggo ay nagbobonding kami ni Vlad sa boarding house . Nagluluto ng kung anu-anong pagkain at meryenda. Hilig naming mag-eksperimento ng mga pagkain, 'yung nakikita sa u-tube. "Wait, may gown ka na ba para sa seniors night natin next week?" Natigilan ako. Oo nga pala, next week na ang seniors night namin. Wala naman akong hilig sa mga party at socialization pero ang sabi ng adviser namin noong naakaraang buwan ay required na sumali lalo na ang mga graduating student kaya wala akong choice kundi ang pumunta sa party. "Hoy, makinig ka. Puntahan natin ang Tita ko bukas, may dress shop siya't pwede tayong magdelihensya dun'!At bessy, hayaan mo'ng ako ang magtatransform sa'yo ha? Baka mananalo ka pa, may pa-award raw at bonggang cash ang premyo!" excited na sambit nito sa'kin. " Ikaw na ang bahala basta huwag mo'kong gawing mukhang patay o clown! " saway ko rito. Baka pagtitripan ako ng baklang ito. "Wala ka talagang tiwala sa'kin noh? Sino ba ang nagmeykup at humawak sa nanalong Ms. Intrams n'ong palaro ha?" pagmamayabang nito. "Oo na, nagyabang ka na naman!" sagot ko sa kan'ya. Talaga namang magaling si Vlad pagdating sa pagmemeykup at sa pagpili ng magagandang damit na nababagay sa mga candidates na hawak nito. Sikat ang kaibigan niya sa campus bilang isa sa mga make up artist ng mga sumasali sa mga beauty pageant. "Alam mo naman na excited ako na e-transform 'yang itsura mo! I' m sure magviviral ka!" Totoo ang sinasabi ni Vlad. Matagal na itong nangungulit sa akin na baguhin ko raw ang pananamit ko pero ayaw ko talaga. Hindi ako sanay manamit ng maiiksi dahil feeling ko ay makakabag ako. Pagkatapos naming kumain ay nagtulungan kami sa paghugas ng pinagkainan namin. Nagpaalam naman kaagad si Vlad na hindi ito magtatagal ngayon sa boarding house ko dahil magkikita ito pati ang Ate nito na taga probinsya rin. Galing kami ni Vlad sa iisang probinsya kaya naging close kaagad kami nang makita ang isa't isa sa loob ng campus at naging magkaklase pa talaga kami. Hindi naman nagtagal ay naligo na'ko at nagbihis. Pupunta pala ako sa condo ni Franko dahil ilang araw lamang pala ang ibinigay nito sa akin upang kunin ang mga gamit ko sa condo niya. Araw ng linggo ngayon kaya't sigurado akong nasa condo lamang ang lalaking 'yon! Hindi nga ako nagkamali nang pagbuksan niya ako ng pinto. Blangko lamang ang ekspresyon nito nang makita ako at syempre ako rin, dati ay kulang na lamang ay sambahin ko siya kapag nagkikita kami. But now? Ipapakita ko rin sa kan' ya na nagbago na'ko. Hindi na'ko ang dating Roxanne na sumasamba sa isang Franko Geller.Isang nilalang na kulang na lamang ay ilagay sa altar ang binata. "What are you doin' here?"walang kangiti-ngiti nitong tanong sa akin. " May sayad ka ba? Nakalimutan mo na ba'ng tumawag ka sa'kin para kunin ko ang mga gamit ko? "seryoso ko ring sambit sa kan'ya. Tiningnan ko ang ayos nito, wala itong suot na pang-itaas na damit. Tanging shorts lamang ang suot nito ngayon. Pawis na pawis pa ito, tiyak kong katatapos lamang nitong magwork-out. " Bawal tingnan 'yan! " anito na ang tinutukoy ay ang pagtitig ko sa kan' yang abs. "Huh? Nagpapatawa ka ba? Ano ang akala mo sa sarili mo ha? Padaan nga, ang mga gamit ko lang ang kukunin ko at hindi 'yang abs mong sinliit ng ano mo!" itinulak ko ito upang makapasok na' ko sa loob. Napailing ako nang makita ang condo niya. Maraming kalat sa loob, unlike noong nagsasama pa kami. Kapag nandito ako sa condo niya ay palagi akong naglilinis kaya napakabango ng buong paligid. But now? Hayst, nakakasuka parang walang taong nakatira.Mabuti na lamang ay hindi masyadong dumadalaw ang uncle ni Frank sa condo, ang tunay na may-ari ng tinitirhan ngayon nito. Pero binanggit ni Frank na ibinigay na raw ng uncle nito ang condo sa kan'ya dahil balang araw ay si Franko ang isa sa mga magpapatakbo sa negosyo ng uncle. Kaya siguro business management ang kinuha nito dahil na rin sa paghihikayat siguro ng tiyuhin. "Dalian mo na, may lakad pa'ko!" "Kararating ko pa lang noh? At sandali lang ha, hindi ka ba makakahintay? You can wait outside your room, wala akong kukunin rito na hindi akin!" saway ko sa kan'ya. "At kahit na magtatagal pa 'ko rito, hindi naman kita gagahasain noh?May nakilala akong lalake na mas lalake pa kaysa sa' yo! " dagdag ko pa. As in feeler talaga ang Franko na ito. "Sino?" "At sino ka naman para pagsabihan ko noh? Baka magseself-pity ka pa kapag malalaman mo kung sino!" "Seriously, may nagkagusto sa'yo?" mapakla nitong tanong. Nang-iinsulto talaga. "Well, hindi lahat ng tao ay gagamitin lamang ako bilang parausan at taga gawa ng projects, assignments at katulong! Hindi lahat ng lalake ay kagaya mong manggagamit!" wika ko sa kan'ya. Kahit na gustong gusto ko siyang saktan ay nagpipigil pa rin ako. "I'm happy for you then." "Hindi ko kailangan ang opinyon mo, Geller!" sambit ko habang patuloy na inaayos ang mga gamit ko. Siya naman ay feeling model na naka-arms cross pa habang nakasandal sa pintuan. "Sweetie, good morning!" sabay kaming napalingon nang may babaeng pumasok at yumakap mula sa likuran ni Franko. Its Princess at kararating lamang nito, bagong ligo ang babae at napakasexy ng suot. "Ow, what is she doing here? Is she your maid sweetie?" tanong nito kay Franko. "Yes baby, she's my maid at pinapalayas ko na siya!" Natawa ako sa dalawang baliw. May maid bang kumukuha ng gamit sa kwarto ng amo?Tumahimik na lamang ako at minadali ang page-empake sa mga damit at gamit ko. Kailangan ko nang umalis. I can't stand their presence baka hindi ko na kakayanin at biglang malulusaw ang tapang sa katawan ko. Baka kung hindi pa'ko aalis ay tuluyan na akong manghihina at iiyak sa harapan nilang dalawa. Matapang ako, pero deep within I'm still struggling with the pain he caused me. Tumayo ako nang tapos na'kong magempake. "Bago kayo maglaplapan, linisin niyo muna ang paligid! Kasing dumi ng budhi ninyo ang paligid ng condo mo!" matapang kong sambit atsaka mabilis akong umalis sa lugar na iyon. Mabigat pa rin sa loob. I cried inside the taxi as I'm heading home. I know, time will heal this pain but for now I need to be strong.Nagkamali ako when I fell inlove with him. In the very first place, I shouldn't have fallen for him.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD