4 - LAYUAN MO AKO

1335 Words
Chapter 4-"Layuan mo'ko" "Bessy, steady ka lang d'yan! Huwag kang lumingon! Kahit ikamamatay mo pa, 'wag na' wag kang lumingon!" wika ni Vlad habang pinandidilatan ako. "Ano ba 'yang drama mo ha?" Itinuro nito ang entrance ng restaurant at nang lumingon siya ay naningkit ang mga mata niya sa nakita. Papasok ang dalawang lovebirds sa loob at umupo pa talaga ang mga ito sa tabi ng mesa nila. Kung tapos na sana silang kumain ay aalis na siya ngunit kakaorder pa lamang din nila. "Ow, what a small world!Nandito pala kayo!" panlalait na sambit ni Princess. "Hello, oo kami nga 'eto at nandito rin pala kayo!" sagot ni Vlad kay Princess. Hindi ko na nagawa pang tingnan ang dalawa, kinuha ko na lamang ang notebook sa bag ko at binasa ang mga lectures namin. Mas mabuti pang magbasa keysa isiping nasa tabi lamang sina Franko at Princess. Panay ang pagpaparinig ng babae ngunit ayaw ko itong pansinin. Pa'no ako pagmomove on kung malaking bagay sa akin ang presensya nilang dalawa. Kailangang ituring ko siyang patay o hindi na nageexist sa mundong ibabaw. This feelings should be kept inside me,kailagang sugpuin na ito bago pa nito tuluyang sirain ang buhay ko. "Ma'am sir, nandito na po ang order ninyo! Enjoy your meal!" masiglang wika ng lalakeng waiter. "Ba't tatlo?" tanong ko kay Vlad. Hindi ko kasi narinig kanina kung anu-ano ang inorder ng kaibigan ko kaya nagtaka ako dahil tatlong servings ang inilapag ng waiter. "Ay, nakalimutan ko palang sabihin sa'yo na palibre ito ni Cail." sagot ni Vlad sa akin. "Cail, 'yung senior batchmate natin n'ung high school?'Di ba sikat na model na' yun? As in si Cail 'yung nuknukan ng kawgapuhan na crush ng buong campus?" hindi makapaniwala niyang sambit. Naalala nga niya kung sino ang tinutukoy ni Vlad. Si Cail ay ang ultimate heartrob sa school dati na naging isang model pagkatapos nitong gumradweyt.Dalawang taon ang tanda nito sa kanila. " Wow, thanks for the compliment Roxanne. I am really flattered!" Napatutop ko ang aking bibig nang makita ang matangkad na lalake na nakatayo sa harapan namin. Inayos ko ang aking salamin at kumurap kurap pa habang tinititigan ang lalakeng nagsalita. Si Cail nga ba ito? Mas gumwapo at ang ganda ng tindig nito. The way he dress, 'yung tipong boy next door na pipilahan talaga ng mga kababaihan. "Cail! U-umupo ka! Hoy Roxanne si Cail' yan para kang tanga!" wika ni Vlad na pinitik pa ang daliri sa harapan ng mga mata niya. Tinanggal kong muli ang aking salamin at makailang beses itong nilinis at makailang beses na tiningnan ang lalake. "Cail! Ikaw nga, wow ibang iba ka na!" malugod kong bati sa binata. Umupo ito sa tabi niya. Nawala na nga sa isip ko ang dalawang taong nasa tabi lamang ng mesa namin. Hinding hindi ako makapaniwala na si Cail nga ang nasa tabi ko. As in, he look more like a greek god now. Pati 'ata ang mga kababaihan sa loob ay hindi maalis ang titig sa katabi ko. "Hindi ka pa rin nagbabago, Rox ah!" wika nito habang tinitingnan ako. "Oo, Manang na manang pa rin siya hanggang ngayon!" wika ni Vlad na tawang tawa pa. "No,I mean ang ganda mo pa rin!" wika nito habang nakatitig sa mga mata ko. " Cail, sira ba 'yang mga mata mo? Nagpacheck-up ka na ba sa opthalmologist? Tara samahan kita!" panlalait ni Vlad sa akin. "I had my eyes checked every month!" seryosong wika ni Cail. "S' yanga pala Cail. Ba't ka pala napunta rito? Di ba't nagmomodel ka sa ibang banse?" tanong niya sa lalake. "Actually, I'm just on a vacation now. Nagkamustahan kami ni Vlad sa sss and he said na nag-aaral nga raw siya sa Manila at sinabi niya na magkaklase raw kayo and may nag-invite pala sa akin sa upcoming senior night ninyo!" mahabang salaysay nito. "I'm so glad Rox, na nagkita tayo ulit." "Ahm, pwedeng kumain na tayo? Malamig na ang foods oh? Sinlamig ng pakiramdam ko sa inyong dalawa!" singit ni Vlad sa usapan namin. "Oo nga, let's eat!" pagsang-ayon ko rito. "Hoy Cail! Walang boyfriend 'yang si Rox. Kung manliligaw ka, diretsuhin mo na ah? At ikaw Roxanne kung manliligaw sa'yo si Cail, sagutin mo na agad' wag ka nang choosy ha? Ang yummy n'yan!" malakas na sambit ni Vlad. Sinadya 'ata nitong iparinig sa mga kasamahan namin. " K-Kung papayag si Rox! Siya naman talaga ang pinuntahan ko rito! "wika pa nito. " Ouch, ansakit namin! Grabe s' ya oh! " tumigil sa pagnguya si Vlad nang marinig ang direktang sambit ni Cail. Halos hindi ako makahinga ng maayos sa narinig ko. Si Cail, manliligaw sa akin? Nakakatawa naman, sa itsura ko'ng 'to? Ang sabi nga ni Vlad ay si Manang raw ako,tapos ngayon susulpot bigla si Cail at sasabihin gusto siyang ligawan? "Huwag ka nang magtaka, Roxanne noh! Noong nasa high school pa tayo ay type ka na n' yang si Cail noh! Manhid at mangmang ka lang talaga pagdating sa pag-ibig! Nagpapa-abot 'yan dati ng mga chocolates sa' yo pero dahil selosa ako, hindi ko binibigay sa'yo! "proud na sambit ni Vlad sa kan'ya. Ngayon pa talaga umamin ang bakla kaya pala noong high school ay puro plastic ng mga chocolates ang laman ng bag nito. " T-totoo ba ang sinasabi niya Cail? " tanong ko sa binata. Tumango naman si Cail at nang ngumiti ito ay lumabas ang pantay pantay at mapuputing na ngipin. "Pero ngayon, n'ung nagmessage siya sa'kin, sinabi ko na magkasama tayo para naman makakabawi ako.Atsaka,panahon na siguro Rox na magkakanobyo ka para naman, baguhin mo na 'yang itsura mo! Ako na lang' ata ang nagtitiis na makasama ka!" sambit pa nito. Napalunok siya't hindi niya alam kung bakit nanlalamig ang buo niyang katawan. Hindi siya makapaniwala sa naririnig. Tumayo ako at nagpaalam na muna sa dalawa na pupunta muna sa CR. Hindi ako makahinga ng maayos. Kaya pala, palaging lumalapit sa kan'ya noon si Cail kahit na senior namin ito. Nang pumasok sa CR ay tumingin ako sa salamin. Hmmm, why not sakyan niya si Cail upang makakapag-move on ? Sinampal ko ang aking sarili, noooo! Hindi ako katulad ni Franko na walang konsensiya. Pero, hindi ko naman tutuldukan kaagad ang pakikipagkaibigan ni Cail. Pero hanggang sa pakikipagkaibigan na muna ang kaya kong ibigay sa kan'ya dahil kagaya ng paulit-ulit kong isinisigaw sa utak ko,na ekisna ang mga lalake sa buhay ko. Nang umalis ako sa CR ay dumaan na muna ako sa pintuan sa likurang bahagi ng Resto upang lumabas at makalasap ng sariwang hangin. Ito talagang si Vlad, ito ang may pakana nito eh. "So, 'yung lalakeng' yon ang pinagyayabang mo, Roxanne?" muntik na'kong mapatalon nang marinig ang boses ni Franko sa aking likuran. "Ako ba ang kinakausap mo?" walang gana kong sambit sa mayabang na Geller sa harapan ko. "Siya ba ha? Siya 'yung pinagmamayabang mo' ng lalake mo?" bulyaw nito habang mahigpit na hinahawakan ang braso ko. "Aray, ano ba?Hay*p ka! N-nasasaktan ako, bitawan mo ko!" sigaw ko sa kan'ya ngunit mas hinigpitan nito ang paghawak sa braso ko. "Sasaktan ka lang ng lalakeng 'yon, Roxanne! Hindi mo ba nakikita ang itsura ng taong' yon? Gwapo at mukhang chickboy! Gagamitin at sasaktan ka lang no'n!" seryosong wika ni Franko sa'kin. Tumaas bigla ang dugo nang marinig ang sinabi niya. Bigla ko s'yang sinampal ng malakas. " Pwede ba, hindi ko hiningi ang opinyon mo! Wala ka nang pakialam kung gagamitin at sasaktan lang ako ni Cail. Hindi naman siguro kayo magka-ugali no'n malay mo, seryoso s'ya sa'kin 'di ba? Bitawan mo ko sabi eh!" Pumalag ako at nabitawan niya ang braso ko. Ang sakit talagang magsalita ng lalakeng ito. Ang taas taas ng tingin sa sarili niya 't porke' t kinababaliwan ng mga kababaihan. " Pwede ba, Huwag mo na'kong kausapin dahil para sa'kin patay ka na! Padaan nga!" wika ko at itinulak si Franko na nakaharang sa pintuan. Buysit na Franko! Pangit ba talaga ako sa paningin ng hayop na 'yon?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD