2-FIRST HEARTBREAK

1542 Words
Maaga akong nagising dahil maaga ang first subject namin ngayon. Puro major subjects na lang ang natitira sa loads ko dahil nakapag-practicum na kami noong first sem. Business management ang kinukuha naming kurso ni Frank. Simula first year ay palagi ko siyang tinutulungan sa mga assignments at projects namin. Hindi naman sa pagmamayabang ngunit candidate ako for Suma cumlaude. Sinuklay ko ang aking mahaba at kulot na buhok sa harap ng salamin. Tiningnan ko ang akign ayos. Mahaba ang suot kong palda, Hanggang siko ang aking three-fourth na pambabaeng polo. May malaki akong salamin sa mata. Ang sabi nila nerd raw ako kaya siguro walang nanliligaw sa'kin dahil sa ikanga ay pagiging nerd ko. Si Frank lamang ang kauna-unahang karelasyon ko na patago. Sapat na sa'kin dati kahit na hindi niya 'ko ilalantad dahil FUBU lang naman kami at kahit isang beses ay hindi kami nag-iloveu-han. Hindi rin ako katulad ng ibang mga babae na naka-meykup ang mukha.Pulbos lang ang nilalagay ko sa mukha at cologne. Gusto ko na namang umiyak sa harap ng salamin dahil iniisip ko na naman ang d*monyong si Franko ngunit iniisip ko ang aking pangako sa sarili. Nagkamali ako noon sa pagsuko ng aking p********e sa kan'ya pero ngayon, sisiguraduhin kong hindi na'ko magpapaapekto pa sa lalakeng manloloko na 'yon. "Hoy, Manang! Ano na? Ba' t namumugto 'ata ang fezlak mo ha?" tanong ni Vlad nang makita niya' ko sa labas ng boarding house. Bakla si Vlad at ito lamang ang nagtatanging besfren ko sa campus. "Wala, napuwing lang ako!" pagsisinungaling ko sa kan'ya. "Weh? Ang galing naman talaga noh? Dalawang mata talaga ang napuwing at magang maga pa as in!The design is very in denial! Ano na, anyare bessy?" pangungulit nito sa kan'ya. "S-Si Franko...." sagot ko. "Oh well! I already see this comin! First year pa lang tayo ay panay na ang sermon ko sayo 'di ba? Pero ano te? Dinedeadma mo lang ang beauty ko, so look at you now?' Di ba mas matalino pa'ko kay Nostradamus at kay Madam Auring? Sabi ko na nga ba, ginagamit ka lang ni Franko dahil matalino ka! At ngayong graduating na tayo? Basura ka na! "mahabang salaysay ni Vlad sa' kin. Ito lamang ang nakakaalam tungkol sa aming dalawa ni Franko.Hindi naman nagkulang si Vlad sa pangangaral sa akin pero talagang bulag ako at ang tanging iniinda ay ang nararamdaman ko para sa binata. "Oo na, sorry na talaga kung dineadma lang kita noon! Tingnan mo ako oh, 'eto na' t kinakarma na!" sambit ko. "Hayst, ikaw talaga Manang! Sana naman narealize mo rin na hindi ikaw ang type niyang babae! G-ginawa ka lang parausan ng katawan niya at ng mga projects sa school. Tingnan mo nga ang sarili mo, para kang lola niya kung manamit!" pang-iinsulto nito. Hindi na ako nasasaktan dahil sa panlalait nito dahil halos araw-araw ay sinesermunan na ako ni Vlad simula pa noong first year sila. " Wala na nga 'di ba? May babae na nga siyang iba kaya tigilan mo na ang panenermon mo sa' kin! Halika na dahil late na tayo!" "Mas mabuti pa ngang focus na lang sa studies. Ako ang manlilibre sa'yo mamaya dahil sa wakas ay wala na kayo. Akala ko ay paninindigan mo talaga hanggang sa tuluyan ka nang laspagin ni Franko." Late na nga kami ni Vlad nang pumasok sa classroom. Lahat ng kaklase namin ay nakatingin sa akin. Siguro ay tinitingnan na naman ng mga ito ang suot kong mahabang palda, hanggang siko na polo at black leather shoes. Wala naman akong pakialam kung balot na balot ang katawan ko o kung magmukha akong nerd.Noon pa ay ineencourage na'ko ni Vlad na magsuot ng mga stylish na outfit ngunit wala akong hilig. Ang kagandahan ay wala sa panlabas na kaanyuan kundi nasa kalooban. Umupo kami sa pinakahuling bakanteng upuan. Nilibot ko ang kan'yang paningin sa loob ng classroom. Wala pa si Franko. Teka, 'di ba' t hindi ko na kilala ang lalakeng 'yon? Tila sinagot ang katanungan sa isip ko nang biglang sumulpot si Franko sa pintuan. At wala itong choice kundi ang umupo sa tabi ko dahil' yun na lamang ang bakanteng upuan sa loob. Bigla akong siniko ni Vlad nang makitang magkatabi kami ni Franko. "Oh 'ayan na baka makakalimutan mo na naman ang ginawa niya! Hihilahin ko talaga' yang kulot mong buhok!" warning ng bakla sa akin. Inirapan ko lamang ang bakla dahil medyo napalakas ang siko nito sa akin. Buong oras sa klase ay hindi ko pinansin si Franko. Ni titigan ang lalake ay hindi ko ginawa. Baka ang akala niya ay ako pa rin ang dating Roxanne na patay na patay sa kan'ya at isang utos lamang niya ay natataranta niya. Well, I will ignore him'til death! Tatablahin ko ang kasamaan ng ugali niya. "Miss Nerd, pahiram ng ballpen!" sambit ni Jorge, ang kaklase nilang feeling gwapo at chickboy. Tahimik na inabot niya ang ballpen kay Jorge. "Thank you, Miss Nerd. Babayaran ko lang 'to kapag nawalan ng ink, idedate kita para maka-experience ka rin na dine-date ng lalake!" wika nito na patawa tawa pa. "Hoy, Jorge unggoy ka ba? Ballpen nga hindi mo mabili, libreng date pa kaya?" singit ni Vlad na nakikinig lamang sa pag-uusap namin ni Jorge. "Selos ka lang!" sambit ni Jorge kay Vlad. "Ako magseselos? Duh, ang yabang mo tse!" turan ni Vlad sa lalake. Bigla akong lumingon kay Franko nang may kakaiba akong naramdaman. Hindi nga ako nagkakamali, nakatitig ang h*yop sa akin. Tinaasan ko ito ng kilay at inirapan ito. Ano ang akala niya? Ngingitian ko siya ng matamis at magpapakaawa effect? Well, hindi ako, hindi na ako 'yun! Nagising na ako sa katotohanang ginamit lamang niya ako at sa sobrang gigil ko at tinusok ko ang ballpen na hawak ko sa braso niya. Ayan tuloy, kung bakit pa siya umupo sa tabi ko eh! "Aray!!!!!!! Ano ba ang problema mo, Roxanne?" bulyaw nito sa' kin. Tila natauhan ako nang makita ang masaganang dugo sa kan'yang braso. "Bring him to the clinic!" utos ng professor namin sa isa naming kaklase. Pulang pula ang mukha ni Franko dahil sa galit. Pinagalitan naman ako ng Prof namin at inustusan akong mag-sorry sa lalake. At ako pa ngayon ang magsosorry sa kagaya ni Franko na salawahan? Kung sasakalin ko kaya ang lakakeng 'yon? "Walang hiya ka bessy, papatayin mo ba si Franko?" bulong ni Vlad sa akin. "Pasensya siya dahil sa sobrang galit ko sa kan' ya ay nagawa ko 'yun. Swerte nga siya't yun lang eh dahil sa imagination ko ay sinasakal ko na ang demonyong 'yon!" galit kong sambit kay Vlad. Hindi ko naman sinasadya ang nangyari kanina. Iniimagine ko na minumura at sinasakal ko siya at nang napalingon ako ay bigla akong narindi dahil nakita ko nag pagmumukha niya. Mamaya ay pupuntahan ko siya at maghihingi ng sorry, to comply the request of our teacher. Dumiretso ako sa clinic pagkatapos ng klase namin. Si Vlad ay nauna na sa canteen upang umorder ng pagkain na ililibre kuno niya. Nasa pintuan na ako ng clinic nang may humampas sa kamay ko nang akmang bubuksan ko ang pinto. "Ano ba ang problema mo, Princess?" inis kong tanong sa babaeng bigla na lamang akong hinampas. Kapag uulitin pa talaga niya ang panghampas sa'kin ay makakatikim talaga siya ng kamao ko! "Ikaw,ano ang problema mo sa boyfriend ko? M-may gusto ka ba sa kan'ya huh? Oh my god! Hoy, hinding hindi magkakagusto si Franko sa isang tulad mong mukhang manang noh!" panliliit nito sa akin. "Wow, gandang ganda ka sa sarili mo noh? Wala kang karapatang laitin ako! Tingnan mo rin ang sarili mo, naturingan ka ngang maganda pero ang itim itim ng budhi mo! Ang tunay na maganda hindi nanlalait ng kapwa!" anas ko sa babae. Naging maputi at sexy lang naman siya eh. Hindi naman kagandahan. Kung naging negra ang babaeng ito ay mukhang unggoy ito, sigurado! " Hahaha, nakakatawa ka talaga noh? At sino ang maganda sa buong campus, ikaw? You are just a plain, old looking nerd!" patuloy nitong panlalait sa akin. Sasagutin ko pa sana siya nang biglang bumukas ang pinto ng clinic at niluwa si Franko. Nakabandage na ang isang braso nitong nasugatan ko. Madilim ang mukha nito habang nakatitig sa akin. Kulang na lang ay kakainin ako ng buhay ng impaktong 'to. " What are you doin' here?" he asked. " Pumunta ako rito para magsorry sa'yo! Hindi ko sinasadya pero buti nga sa'yo!" bulyaw ko sa kan'ya sabay talikod sa kanilang dalawa. Itinaas ko ang kanang kamay ko at sumenyas ng F-sign sa kanilang dalawa! "Okay ka na ba Franko baby? Hindi lang mukhang manang, isa rin palang bruha!" dinig kong sambit ni Princess. Hindi ko na sila tiningnan pa. Hinding hindi na. Tutuldukan ko na ang ugnayan namin ni Franko kahit may nararamdaman pa rin ako sa kan'ya. Hindi naman madaling kalimutan si Franko, he is my first love... The first man who had me and the very first to break my heart. I am broken inside but I will not pursue him. Wala akong dapat na asahan sa isang taong hindi marunong magmahal at magpahalaga. Ekis na muna ang mga lalake sa buhay ko. Kung kagaya rin lang ni Franko ang makikilala ko, huwag na lang!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD