Chapter 5-The pain

1681 Words
Chapter 5-The pain "Hoy, ikaw 'yan gaga! You see, ang ganda mo na! Hindi ka na ka look alike ni Tandang Sora, mukha ka nang millenials!" OA na sambit ni Vlad sa aking likuran. Nakatayo ito at ako naman ay pakurap-kurap sa harap ng salamin dahil hindi ko inaaasahan na ganito ako kaganda, excuse my word pero totoo naman. Wala akong suot na makapal na eyeglasses dahil pilit akong pinagsuot ng contact lenses ni Vlad. Nakapula akong mahabang dress na may gilid sa aking magkabilang hita. Hindi siguro ako makakalakad ng maayos sa suot kong 'to dahil masisilipan ako for sure. Kaunting galaw ko lang siguro ay makikita na ang underwear ko. Tumayo ako at umikot ikot sa salamin. "Kaya pala napakalamig ng likod ko!" sambit ko kay Vlad. Walang tela ang kalahati ng katawan ko. Simula bewang hanggang pababa lamang ang telang nakatakip sa aking katawan. " 'Yan ang uso ngayon, dear! C' mon show them what you got especially d'un sa lalakeng ginawa ka'ng parausan s***h trash bin! Ipakita mo sa kan'ya kung sino ang sinaing, este sinayang niya." "Ewan ko sa'yo basta ako, wala akong gustong patunayan du'n sa Franko na 'yon!" "Ikaw naman, sineryoso mo naman' ung tao. In the first place pumayag ka naman sa kasunduan ninyo 'di ba? So, wala ka nga talagang karapatan sa kan' ya! Hindi naman kayo official eh, parausan challenge lang 'un ganern!" mahabang saad nito. Totoo nga naman pala. Dahil sa lihim kong pagkagusto kay Franko ay hinayaan ko siyang gamitin ang katawan ko. Pero para sa' kin habang nagsasama kami ay mas lalong tumitibay ang damdamin ko sa kan'ya. Akala ko ay ganu'n rin siya pero 'di pala dahil nagsawa na siya sa akin at agad na pinalitan. Itinuring ko siyang prinsipe, lahat ng projects, reflections at research niya ay ako ang nagkakadakuba sa paggawa. Akala ko ay makikita niya ako pero bulag siya, hindi niya maramdaman ang lahat ng ginagawa ko ay para sa kan'ya.Kaya kahit na may nararamdaman pa rin ako para sa kan'ya ay ayaw ko nang muling sumugal pa. Pinagsawaan niya ang katawan ko't pinaglaruan. Ayaw ko nang muling mangyayari na gagawin na naman niya akong parausan. Panahon na siguro upang mahalin ko rin ang sarili ko dahil naging bulag na rin ako sa katotohanang ginagamit lamang niya ako at kailanma'y 'di ako naging mahalaga sa kan' ya. "Ooohh 'ayan na! Magdadrama pa ba itey? Haysst, wag mo' ng sirain ang make-up mo dzaiii! Teka, nandito na ang sundo natin!" nataranta si Vlad nang marinig ang busina sa labas ng gate. "S-Sino 'yan?" " Eh sino pa kundi si Fafa Cail! Nakalimutan mo na bang invited guest siya ngayon sa Seniors night? Sikat kaya' yang si Fafa!" "Alam mo,ikaw pahamak ka! Nakakahiya naman at nagpasundo ka pa!" mataray kong sambit sa bakla. "Ahhh ayaw mong sumama? Edi magtraysikel kang mag-isa noh! Nagdelihensya na nga tapos pakipot ka pa!" kinuha nito ang maliit na purse at parang modelong naglakad palabas ng kwarto. "Dali na! Ang bagal bagal porke't gumanda lang!" Natawa siya sa sinabi nito. Si Vlad na siguro ang pinaka mataray na bakla sa buong sanlibutan. Pero, hindi naman seryoso ang kaibigan niya. Sadyang ganoon lang talaga ang bunganga nito kapag siya ang kausap. Walang filter, ikanga! Pero, utang niya sa kaibigan ang itsura niya ngayon. Kahit siya ay napahanga kung pa'ano siya nagtransform. From manang to disney princess. "Wow, ang ganda mo Roxanne!" bulalas ni Cail nang makita siya nito. Nasa back seat si Vlad at sinadya talaga ng bruha na siya ang paupuin sa tabi ng binata. Nakaitim na tuxedo ito, black fitted pants. Napakapresko ng itsura ng binatang modelo at kahit siya ay napanganga rin nang manita ito. Kunsabagay, napakalakas naman ng appeal ni Cail, isa itong tanyag na modelo na malakas ang daring at bawat galaw ay napapansin talaga ng ibang tao lalo na ng mga kababaihan. Sa isang mamahalin at tanyag na five star hotel idinaos ang seniors night nila. Nakahawak siya sa braso ng binata habang ito naman ay nakahawak sa bewang niya. Marami ang nakapansin sa kanila, dinig rin niya ang mga katanungan ng mga ibang school mates tungkol sa kanila ni Cail. Hindi ba siya nakilala ng mga ito? Ibinaba niya ang tingin, hindi siya sanay sa atensyon. Sino nga ba siya dati? Isang babaeng walang dating dahil sa kan'yang pananamit. Pero ngayong gabi ay nagmistula siyang dyosa na hindi nakikilala ng mga ibang estudyante. Iniwan naman sila ni Cail nang dumating na sila sa venue. Hinanap nila ang kanilang mga kaklase, bawat mesa pala ay may nakalagay na papel at nakasulat kung ano ang section. Sa gitna ng hall ang kanilang pwesto kaya kitang kita nila ang mga tao sa taas ng entablado. Kabilang na roon si Cail at iba pang mga local celebrities na naroon bilang mga guest. "Si Rox ba 'yan?" dinig niyang sambit ng isang kaklase niya. "Ang ganda naman pala niya kung' di laging nakabalot at walang eyeglasses noh!" sambit pa ng isa. Nakakabingi ang mga papuring naririnig niya mula sa mga kaklase at kakilala niya. Abot teynga naman ang ngiti niya sa sandaling iyon. Ganito pala ang pinupuri! Sambit niya sa kan'yang sarili. Ito ang kauna-unahang narinig niyang magandang salita tungkol sa kan'ya. Biktima siya palagi ng pambubully dahil sa itsura niya simula pa noon. "You see? Ano, bilib ka na sa'kin noh? Sabi ko na sa'yo bna who you sila sa ganda mo ngayong gabi!" bulong na sambit ni Vlad sa teynga niya. "Excuse me, may nakaupo pa rito? Can we take this seats?" tiningnan niya ang babaeng kararating pa lamang. Hindi na siya nasurpresa nang makita na si Princess iyon. "Sure, sa inyo na!" sagot ni Vlad sa babae. Hindi nagtagal ay may isang pigura ng lalake ang umupo sa tabi ni Princess at hindi na rin niya lilinungin kung sino iyon dahil ni anino ng lalake ay ayaw na niyang titigan pa. Ayaw na niyang masaktan pa ang kan'yang damdamin. "The face of the night 2023 is Miss Roxanne Villamor!" Hindi niya alam kung tatayo ba siya nang magpalakpakan ang mga tao sa loob. "Babae, hinihintay ka sa taas ng stage! Gora na!" utos ni Vlad sa kan'ya. Tumayo siya at naglakad patungo sa stae.Dumaan siya kanina sa harapan ni Franko at nang magtama ang kanilang mga mata ay hindi niya mawari kung ano ang expresyon nito. Blangko lamang, ewan niya kung galit ba ito o pinagtatawanan siya. Inirapan na lamang niya ang binata bago siya umakyat sa stage senyales na ayaw niya sa lalake. May iba pang inaward sa gabing iyon at nang matapos ay kumain na sila bago simulan ang sayawan at socialization sa ibang mga ka-batch. Dumaan ang waiter na may dalang tray ng alak. Kumuha si Vlad ng dalawang kopita at ibinigay sa kan'ya ang isa. "Just for tonight, don't worry nasa mabuti kang mga kamay!" sambit nito. Kumuha naman siya ng isa at nilagok iyon. Masarap ang lasa. Amoy alak pero parang hindi niya malasahan ang alak dahil lasang juice lang naman kaya kumuha pa siya ng isang kopita at nilagok iyon. " Hoy, hindi 'yan tubig! " saway ni Vlad sa kan' ya. "Huh? Lasang juice lang naman eh! Hindi naman lasang wine. Baka juice lang talaga 'yun noh? Ang sarap eh! Kuha ka pa ng isa!" utos niya sa bakla. Hindi sinasadyang napalingon siya kina Franko at Princess. Nagulat pa siya dahil seryosong nakatitig si Franko sa kan' ya habang ang magkabilang kamay nito ay nakapatong sa mesa. " Baby, let's dance! " malanding sambit ni Princess na sinadya 'atang lakasan ang boses. Nagsimula naman ang tugtugan at karamihan sa mga estudyante ay pumunta na at nakipagsawayan sa dancefloor. Love song ang unang tinugtog kaya puro hiyawan ang una nilang naririnig sa loob. Nakita niyang pumanhik sa gitna sina Franko.Niyapos ito ni Princess habang ang magkabilang braso ni Franko ay nakayapos rin sa bewang nito. Nakita niya ang paghalik ni Princess sa labi ng binata. She looked afar. Hindi ba't sinabi niyang ayaw na niya itong tingnan man lang? O kahit na anino ng binata ay ayaw na niyang makita? Naghingi pa siya ng isang kopita ng alak sa waiter at mabilis iyong nilagok. Ba't naging mapait na ang alak? Kanina'y parang juice ang lasa nito ba't biglang nagbago kaagad? "Hi, Vladimir! Can we dance?" bigla siyang napatawa nang may babaeng lumapit sa kaibigan niya. "Hoy, vavae! Andaming lalake 'dyan noh? Ako pa talaga ang pinag tripan mo? Itusok ko kaya' tong tinidor d'yan sa cocomelon mo?" mataray na sambit ni Vlad. "Hmmmp, suplado." dinig niyang sambit ng papalayong babae. "Pwede ba'ng maisayaw ang princesa sa gabing 'to?" napangiti siya nang tingnan si Cail na nakatayo ngayon sa harapan nila ni Vlad. "Ay go, Cail pwedeng pwede kahit iuwi mo pa' yan!" si Vlad ang sumagot sa tanong ni Cail kaya pinandilatan niya ito. Dahan - dahan siyang naglakad habang nakaalalay sa kan'ya ang binata. Kinuha nito ang dalawa niyang kamay at ang lalake mismo ang naglagay sa balikat nito. Naramdaman naman niya ang kamay ng binata na nakahawak sa balat niya. Ramdam niya ang mainit na palad nito, sinisi niya ang damit niya kung bakit lantad ang likod niya. Ayan tuloy parang napapaso na siya sa init ng palad ni Cail. "Ang ganda mo, sobra!" puri ni Cail sa kan'ya ramdam niya ang paghimas ng binata sa kan'yang likod. Natawa siya sa ginawa nito. "Cail, s-stop it! Nakikiliti ako!" saway niya rito. Pero patuloy pa rin nitong hinihimas ang likod niya. Napayakap siya rito dahil malapit na siyang mabuwal. Nahihilo na ba siya? Ba't biglang umikot ang mundo niya? God, unti unti nang lumalakas ang t***k ng puso niya. Siguro, epekto na ito ng alak. "Labas muna tayo! You have to rest. Mas mahihilo ka kapag maingay at maraming tao."mahinang sambit nito. Tumango siya't naglakad palabas ng venue kasama si Cail. Sa halip na sa labas siya dadalhin ng binata ay sumakay sila ng elevator patungosa taas. " Sa'n tayo pupunta Cail? " " I'll ride you to heaven, baby! "wika nito at bigla siyang sinunggaban ng halik sa labi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD