SM City, Baguio Kinabukasan, sa SM City ay nagtungo sina Alekzia at Jed. Ito ay upang bilhan ng disente at maayos na damit ang binata. Nais na rin niyang ayusan ito sa paraang luluwa ang mata ni Rowena kapag nakita niya ang bagong look ng lalaking lihim niyang iniibig. "Anong gagawin natin dito, Ma'am?" tanong sa kaniya ni Jed. "Relaks. Hindi tayo maglalaro ng apoy dito sa loob, Jed. I mean, hindi ba at kasama sa kontrata natin ang samahan mo ako?" aniya. Pero ang totoo wala pa naman silang napipirmahan na kontratang dalawa. "Ganoon ba?" pagkukumpirma pa nito, sabay kamot sa ulo. "Ganoon na nga. Bibihisan kita. Kaunting makeover lang sa salon at bibihisan ka ay papasa ka nang isang bigating modelo," pagbibida pa nito kay Jed. Kinindatan pa niya ito. Nang makita ng mga babaeng dumaraan