bc

The World Of Sinners

book_age18+
1.1K
FOLLOW
3.8K
READ
love-triangle
sex
pregnant
bxg
bxb
mystery
betrayal
cheating
rejected
secrets
like
intro-logo
Blurb

Alekzia is famous for her wit and glamour personality. She is under the tutelage of a well-known modelling agency and emerged as one of the highest paid commercial models in the Philippines.

Behind those wittiness and riches lies her hidden secret— a mistress to the heir of Wine Empire.

Rein is happily married to the only son of the prestigious wine manufacturer and distributor in the country. Her five years of marriage became a nightmare when she discovered two secrets of her husband.

Will Alekzia's image keep hidden? Can Rein keep her married vows and turned a blind eye to her husband's darkest secrets?

chap-preview
Free preview
Prologue: Love At First Sight
The year was 2018. It was in Paris, France, a special runway event was held. Alekzia is one of the runway, and fast rising models in her country, and it was her dream of entering the world of Runway, and Paris is one of her dream destination. Bata pa lamang kasi si Alekzia Cainetana nang mangarap na itong maging isang modelo, at ang long term plan niyang maging isang sikat na artista. Matalino. Maganda. Sopistikada. Maarte. Lahat nang mga ugaling iyan ay hindi mawawala sa pandinig niya mula sa mga taong hinusgahan na ang pagkatao niya. Ang mga salitang naririnig niya ang naging daan at inspirasyon niya upang unti-unti niyang maabot ang pangarap niya sa buhay. Unti-unting natupad ang kanyang mga pangarap nang tumuntong siya sa kolehiyo at isang modeling agency ang lumapit sa kanilang paaralan upang kunin siyang endorser ng isang sikat na makeup brand. Pumayag ang pamunuan ng campus na pinapasukan ni Alekzia basta huwag lamang niyang pababayan ang kaniyang pag-aaral. Sinuportahan pa ang hilig niya sa pagmomodelo ng kaniya mismong magulang. At simula noon ay hindi na mabilang ang mga endorsements at parangal na ibinigay niya sa kanilang unibersidad. Sa kabila nang tinatamasang iyon ni Alekzia, ni minsan ay hindi sumagi sa isipan niya ang salitang kuntento. Wala rin sa bokabularyo niya ang mga salitang sorry. Walang araw na hindi siya makakasalubong ng mga taong gustong-gustong magpa-picture sa kaniya. Tinitingala at pinipilahan na nga siya ng mga fans niya pero nakakatikim lamang sila ng maanghang na salita kapag hindi niya nagustuhan ang invasion of privacy niya. "How long do I have to clean up your mess, Alekzia? Hindi ba ilang beses ko nang sinabi sa iyo na kung maaari ay matuto ka namang magpakumbaba sa mga fans mo? Kung wala sila—" Pinutol ni Alekzia ang sasabihin ng kaniyang handler na si Lexi. Actually, nakagawian na niyang gawin ito. Palagi. "At ilang beses ko rin ba dapat sasabihin sa iyo na ayaw na ayaw ko sa lahat ay ang i-invade ang privacy ko? I can tolerate and accept whatever cheap things or gifts they have, but of all time, they should not ruin my precious alone time. Alam na alam mo 'yan, Lexi!" "Nandoon na nga tayo, Lekz. Can you at least be patient with them. You have an event lined up in Paris, France." After hearing those words, hindi makapaniwala si Alekzia sa kaniyang narinig. Paris, France. Her dream destination. "Are you saying that we were invited into the famous runway event in Paris, Lexi?" Napailing na lamang ang handler at napabuntong-hininga. Biglang natunaw ang kanina pang nagbabagang apoy sa kaniyang ulo nang marinig ang salitang Paris. Mulagat pa ang mata ni Lexi nang bigla na lamang siyang niyakap ng alaga. "Awkward! Such stubborn and moody brat!" Naibulong na lamang ng handler ang kaniyang sasabihin nang mga oras na iyon. And that was only a bit of Alekzia's past. Now, she must focus herself in the event. It was her turn to walk and light up the stage with her sexiness, and daring look in a two piece pink bikini. Sa kaniyang kaseksihan at hubog na katawan nakasalalay ang susunod niyang endorsement bilang isang cover girl ng sikat na wine company sa Pilipinas. "Our next model, wearing a two piece Victoria Secret pink bikini, Alekzia Cainetana!" Pokus na pokus ang mga camera nang dahan-dahang pumasok si Alekzia. Kaliwa at kanan ang maririnig mong mga click ng mga shutters ng camera. Taas noong naglalakad ang dalaga. Nakahawak ito sa kaniyang baywang habang pinu-flaunt ang kaseksihan. Standing five eleven, with a vital statistics of 34-23-34. Mapa-babae man o lalaki ay manghang-manghang sa kaseksihan ng dalaga. Kaliwa at kanan din ang mga sipulang naririnig nang mga oras na iyon. Masigabong palakpakan din ang ibinibigay sa tuwing iikot at maglalakad siya. Ang kaniyang mala-Greek na tangos na ilong, itim na kulay ng buhok, at mapupulang mga labi ang lalong nagpadagdag ng kaniyang batang-batang alindog. At sa mga oras na iyon, walang kaalam-alam si Alekzia na isa sa panauhing pandangal ay kararating lamang sa bulwagan. Nasaksihan nito ang pagrampa niya at napangiti pa nang magtama ang kanilang paningin nang hindi napapansin ng dalaga. Nakatayo lamang siya sa gilid ng entablado. Nang matapos ang pagrampa ni Alekzia, saka lamang ito napansin ng event organizer at pinaupo sa harapan. Siya lang naman ang pipili ng cover girl para sa kaniyang wine company na i-endorso ng mapipili niyang modelo. "Looks like, you have already a model in mind, Mr. Distilirie? We're glad to hear that later after the fashion show." Tumango at ngumiti lamang si Mr. Distilirie sa event organizer matapos itong magsalita. Hindi man niya nakita ang mga naunang rumampa, isa-isa naman niyang tiningnan ang whole body photo ng mga modelong nasa portfolio na inabot sa kaniya kanina ng event organizer. At nang madako ang kaniyang tingin sa babaeng naabutan niyang rumampa, nagningning ang kaniyang mga mata. Name: Alekzia Cainetana Age: 25 Race: Asian/Filipina Vital statistics: 34-23-34 Motto: "I'm the newest stubborn sexy model you'll ever ran into bed." Lihim na napangiti si Mr. Distilirie sa nabasa nitong motto ng dalaga. "I like her. I like the way she said these words." At nagpatuloy ang sumunod pang mga rumampa sa entablado. Pero hindi na doon nakapokus ang lalaki. Inisa-isa na lamang niya ang iba pang mga modelo hanggang sa nag-last walk na ang mga ito at nakitang muli ang huling pagrampa ni Alekzia Cainetana. Gaya nang pagrampa nito kanina ay taas noo pa rin itong kumakaway sa mga specator. Nang magawi ang kaniyang tingin sa harapan ng isang lalaking biglang tinanggal ang suot nitong Ray Ban shade, biglang tumigil ang mundo ng dalaga. Nakakatunaw ang mga ngiti nito. Tila binigyan siya ng pagkakataong magtama ang kanilang paningin at hindi bumitaw sa pagkakatitig at pagngiti ang dalawa. Parehong nangungusap ang kanilang mga mata. Walang gustong kumurap. At hindi kayang pigilan ang napakalapad na mga ngiting kanina pa nasisilayan nang marami. Nang bumalik ang lahat sa normal ay naramdaman na lamang ni Alekzia ang kakaibang pintig ng kaniyang puso sa lalaking nasa harapan ng entablado. Isang lalaking hindi niya inakalang babago pala sa buhay ng kaniyang pagiging isang modelo. Isang lalaking bibihag pala sa kaniyang pihikang puso.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
81.1K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
140.2K
bc

My SEDUCTIVE Innocent LOVER 'James Monteverde' (JAMES & JENNIEL)

read
51.7K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
183.6K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
22.3K
bc

His Obsession

read
91.8K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook