Camp John Hay Hotel, Baguio "Bakit ba hindi sumasagot ang lalaking ito? Ilang linggo ko nang pinalagpas na hindi siya tawagan. Nakakapanggigil talaga!" Inis na inis si Alekzia sa loob ng kaniyang kuwarto. Ilang beses na siyang tawag nang tawag sa numero ng lalaking gusto na niyang muling marinig ang boses. Paulit-ulit na siyang nagmi-miss call rito pero wala pa ring sumasagot sa kabilang linya. "Baka pinagbawalan ng pakialamera niyang asawa? Hindi naman siguro? O Baka ayaw lang nitong makausap siya." Ilang mga katanungan na ang sumasagi sa isipan ni Alekzia nang mga sandaling iyon. Makailang ulit na rin niyang itinatapon sa kama ang cellphone. Kukunin. Magda-dial. Tatawagan. Itatapon ulit. Iyon ang kaniyang ginawa sa halos labinglima hanggang tatlumpung minuto sa kaniyang cellphone. Ma