Chapter Two: Childhood Memories

1064 Words
Isang tahimik na bata lamang noon si Jepoy. Labing-anim na taong gulang siya nang ilang beses siyang ma-bully ng mga kaklase niyang galit sa mga bakla at binabae. Kahit pa tanggap siya ng kaniyang ama at ina ay hindi siya ganoon katanggap sa paaralang pinapasukan niya. Sa bungad pa lamang ng paaralan, bago ang oras ng flag ceremony ay nakaabang na ang mga bully nitong mga kaibigan sa labas ng gate. No choice si Jepoy kung hindi ang dumaan sa harapan nila. Pero bago pa man siya makakapasok ay uubusin lamang ng mga ito ang baon niyang pera. Babasain ng tubig o juice ang mukha at damit. Ang malala ay sasabuyan ng ihi o putik mula sa kanal. Pagtatawanan. Aalipustaihin. Itutulak hanggang sa makita nila siyang iiyak sa kanilang harapan. Kahit ang guard sa paaralang iyon ay hindi siya kayang protektahan. Ano nga ba naman ang laban niya sa mga anak mayaman? Kahit mga guro niya ay hindi rin makapalag kapag nagsumbong ang mga anak mayaman sa kani-kanilang trabaho. Alam kasi ng mga ito na kapag masasalita sila ay mawawalan sila ng trabaho. Kaya wala ring magawa si Jepoy. Pero ang inakala niyang masusundan na namang pam-bubully ng mga kaklase niya ay hindi na naulit pa dahil may isang lalaking naglakas-loob na kalabanin sila. Isa rin kasi itong anak mayaman at sa pagkakaalam ni Jepoy ay mas mataas pa sa mga magulang ng mga nambubully sa kaniya. Nakahinga naman nang maluwag si Jepoy nang makapasok siya sa loob na hindi nadumihan. Maging ang baon niya ay intact pa rin at hindi nabawasan. Nang humarap sa kaniya ang binatang tumulong sa kaniya at magpapasalamat na sana, tila naurong naman ang dila nito sa kaguwapuhang taglay niya. "Kung may gagawin na namang masama ang mga damuhong na iyon, magsabi ka lang ha? Ako nga pala si Oniv." Inilahad nito ang kaniyang kamay pero tila wala pa rin sa sarili si Jepoy nang mga oras na iyon. Kaya, si Oniv na lamang ang nakipagkamay at agad na iniwang tulala si Jepoy. Hazel brown ang mga mata nito. Matangkad. Matangos ang ilong. Mahaba ang buhok pero hindi kabawasan ang ganda ng mga mata nito kapag hinahawi ng kaniyang mga kamay ang buhok nito. Sa tantiya niya ay walong taon ang agwat nito sa kaniya. Hindi rin napigilan ni Jepoy ang pagrigodon ng kaniyang puso nang makipagkamay ito sa kaniya. Dumating na nga ang kaniyang knight in shining armor nang mga panahong iyon. At hindi na niya hahayaan pang ma-bully siya. Kailangan lang niyang abangan sa labas ng gate ang pagdating ni Oniv upang sabay na itong pumasok sa loob. LUMIPAS nga ang halos isang linggo ay ganoon ang set-up ni Jepoy. Maaga siyang nagigising at naghahanda ng kaniyang mga gamit upang hindi siya mahuli sa pagpasok sa gate kasama ang binatang unti-unti na niyang hinahangaan. "Jepoy, anak. Sumobra yata ang baon mo? Para saan ang isa pang egg sandwich?" Napansin ito ng kaniyang ina nang minsang tulala siya at hindi napansing dalawang sandwich na ang inilagay niya sa loob ng bag. "Oo nga, Jepoy. Bakit napaparami yata ang baon mong pagkain? Tinamaan ka ba ng pana ni Kupido?" Pagbibiro naman ng kaniyang ama. "Naku, Papa. Kung pana lang ni Kupido e, namatay na ako sa kilig. Sige, po, Mama, Papa. Alis na po ako. I love you, both." Tahimik na lamang ang magulang ni Jepoy nang magpaalam na itong lumabas ng bahay upang magsimulang maglakad papunta sa paaralan. Maaga pa kasi siya ng halos trenta y minutos, kaya maglalakad na muna siya hanggang sa kabilang kanto at doon tatambay sa tulay habang hinihintay ang pagdating ni Oniv at sasabay siya sa pagpasok sa gate. Apatnapu at limang minuto ang nakalipas bago mapansin ni Jepoy ang pagtigil ng isang sasakyan at iniluwan nito ang mukha ng kaniyang crush na si Oniv. Nang umalis ang sasakyan ay agad niyang sinigaw ang pangalan nito. Sabay-sabay namang lumingon ang mga bullies at si Oniv sa kaniyang direksyon. Muntik pa siyang masagasaan sa gitna ng kalsada kung hindi lamang mabilis ang pagtawid niya. "Oh, Jepoy. Ikaw pala. Sabay na tayo?" aya nito sa kaniya. Ngumiti ang binata at tumango naman si Jepoy. Hindi kasi agad ito makasagot dahil hiningal sa pagtakbo. Malalagkit at galit na galit na mga tingin naman ang ipinukol ng mga bullies na kanina pa naghihintay sa kaniya pero hindi na naman siya mahuli dahil nakabuntot siya sa likuran ni Oniv. Wala silang kakayahang gawan ng masama si Jepoy dahil alam nilang dehado sila kay Oniv. Pero hindi nila pinalagpas ang pagkakataong komprontahin si Oniv at biruin ito kay Jepoy. "Pare, hindi ba dalawa hanggang tatlong taon ang agwat mo sa payatot na bakla na iyan?" buwelta ng isang matabang binata sa kaniya. "Baka naman kasi natikman na. O nagpatikim na ng sandata sa bakla?Kaya ganoon na lamang kung protektahan si Jepoy," segunda ng isa pang kasama nito. "Kuya, Oniv. Huwag mo na lang po silang pansinin. Pasok na po tayo sa gate." Lumapit na si Jepoy at hihilahin na sana si Oniv papasok sa loob nang isa na namang bully ang humarang sa kanila. "Bakla ka rin siguro ano, Oniv?" Tumatawa pa ito at sinegundahan naman ng dalawa pa kaninag ayaw tumigil sa pagsasalita. Hindi na nakapagpigil si Oniv at sinuntok na nito ang nasa harapan niya. Pinagtulung-tulungan na si Oniv nang dalawa kaya, nakisali na rin si Jepoy. Kahit pa wala itong alam sa pakikipagsuntukan ay hindi niya rin puwedeng baliwalain o iwan si Oniv. Kaya lahat sila ay ipinatawag sa guidance office upang mag-explain. "Pasensiya ka na, kuya Oniv. Dahil sa akin, napaaway ka pa." Nakayuko si Jepoy nang sabay silang lumabas ng guidance office at parehong naglalakad palabas ng paaralan. Pansamantala muna silang pinauuwi dahil sa nangyari. "Okay lang iyon. Single child ka 'di ba? Kagaya ko, mag-isang anak rin. Kaya wala kaso sa akin iyong nangyari. Ang hindi ko lang matanggap ay iyong laitin ang pagkatao nating parehong dalawa. Kahit malayo ako sa aking mga magulang, pinalaki naman nila ako nang tama. Hindi ko tinotolerate ang mga bullies sa buhay ko. Kaya dapat ganoon ka rin ha?" Tumango si Jepoy. Sa presensya ni Oniv ay nagkaroon siya ng isang kaibigan. Kapatid. At protector. Iyon nga lang ay freshman pa lang siya at si Oniv naman ay nasa Tertiary Level na. Magkagayunpaman ay naging magkaibigan pa rin ang dalawa hanggang sa magtapos si Oniv sa kolehiyo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD