Chapter One: After The Pandemic

1078 Words
Bonifacio Taguig, Distilirie Residence and Mansion Taong 2022, tuluyan nang natapos ang mahigit a[at na taong pakikibaka ng buong mundo sa pandemya. Ang lahat ng mga frontliners ay nakabalik na rin sa kani-kanilang mga tahanan. Nagdesisyong magpahinga nang matagal nang sa ganoon ay makasama naman nila ang kani-kanilang mga pamilyang matagal na nawalay sa kanila. Ang mga nagtatrabaho naman sa mga call centers at doon ay pansamantalang naging tirahan ang kumpanya, nakauwi na rin sa wakas sa kani-kanilang mga probinsiya. Hindi pa man buong inalis ang travel ban abroad, masaya naman ang buong bansang Pilipinas na tuluyan na silang makakahinga mula sa pagsusuot ng face mask, at mga face shield. Wala na ring restrictions sa labas, kaya malaya na ring nakakagagalaw ang madla. At isa sa masayang nanonood ng deklarasyon ng pangulo hinggil sa pagtatapos ng NovelCorona Virus sa bansa ay si Rein Distilirie. Nakaupo ito sa malaking sofa kasama ang kaniyang kambal na sina Reign at Vin. Parehong limang taong gulang na ngayong darating na ikasampu ng Abril, taong 2022. Nagbubunyi din ang mga ito dahil sa wakas, makalalabas na rin sila. "I can go back to school, now, right, Mommy?" boses ni Vin. Dalawang minuto lang ang agwat ng edad kay Reign. Kaya siya ang bunso. "Hindi pa puwede. Hindi pa sigurado, right, Mommy?" si Reign. Ang considered na panganay. Identical twins ang dalawa. Isang babae at isang lalaki. Bunso si Vin at panganay naman ng dalawang minuto si Reign sa kaniya. Lihim namang natawa si Rein sa dalawang anak. Niyakap na lamang niya ang mga ito at hinalikan sa pisngi at labi. "Eeww. Mommy, that's gross. You stole my first kiss." It was Vin. Matured mag-isip. "Hay naku, Mommy. Ubusin mo na lamang po ang first kiss niya." Ngiting-ngiti namang sabi ni Reign. Minsan kontrabida sa kapatid pero malalim kung magmahal sa bunso. Walang sukat maipintas si Rein sa kambal. Parehong masunurin. Kahit minsan nag-aaway ay hindi naman lumalampas ng hatinggabi bago ito makipagbati sa isa't isa. Magkaiba man ang ugali ng dalawa, pantay-pantay naman ang trato niya sa mga ito. Kahit pa halos siya na ang nagpalaki sa dalawa, hindi niya naman masisisi ang husband nitong si Vino. Dahil simula nang magkapandemic ay siya na halos gumawa ng paraan mabawi lamang ang unti-unting pagkasara ng kanilang mga negosyo. Laking pasasalamat na lamang niya at natapos na rin ang pandemya. Ngayon ay mas abala na ito sa Wine Company nila at ilan pang mga business sa loob at labas ng bansa. Kaya, kung mawawalan man ito ng oras ay maiintindihan niya. Pareho silang sumumpa sa harapan ng altar na gagawin nila ang lahat upang hindi masira ang tiwala sa isa't isa. For better or for worst, ika nga. Walang iwanan. Walang bibitaw. Kaya ang mga bata ay nakatoka sa kaniya. Ipinaiintindi na lamang niya sa kambal kung bakit minsan o kadalasan ay wala na talagang oras ang daddy nila sa kanila. Her phone was ringing when Rein decided to leave the children in the sofa and answered the call. It was her husband Vino. "Yes, dad? How are you?" "I'm fine, mom. How's children? I just called to inform you na gagabihin na naman ako pag-uwi. I have tons of workloads in the office." "No worres, dad. I always understand. Have you eaten? Or did you skip your meal again?" "No. I just have a bite. But, don't worry, I'll eat later. I'll have to wrap things up here. Uunahin ko na muna ang mga importante bago iuwi para diyan na lang ako mag-work later. Pakisabi na lang sa mga bata. Bye, mom. I love you." "Bye, dad. I love you, too." Parehong halik sa hangin na lamang ang pinakawalan ng dalawa matapos ang maikling pag-uusap na iyon. Iyon na lamang ang puwedeng gawin ni Rein. Ang intindihin ang asawa. Sa loob ng limang taong buhay mag-asawa, ngayon lamang siya nakaramdam na tila may mali na sa relasyon nila. Pero sa likod ng kaniyang isipan, mali pa rin ang mmag-isip ng masama sa asawa niyang si Vino. Lagi naman itong tumatawag sa kaniya at nagsasabi ng kaniyang whereabouts, kaya wala siyang dapat ikabahala sa kanilang relasyon. And that's what she always thought. Na walang mali sa kanilang limang taong relasyon. ... Pagkatapos ng tawag na iyon ni Vino ay agad siyang nag-pokus sa kaniyang trabaho. Hindi niya puwedeng baliwalain ang nakahilerang mga papeles at consultation ng mga produktong iaangkat ng kaniyang kumpanya. Distilirie Wine Company was once a manufacturer, but because of the pandemic arise on the last quarter of 2019, they stopped the process, and became a distributor. Mabuti na lamang at hindi kalahati ng kaniyang mga clients ang nagback-out dahil sa banta ng COVID-19. His business continued abroad. He still has contacts with some parts of Spain, Italy, and Brazil when it comes to wine distribution. Kahit pa ban ang liquor noong panahong iyon, hindi naman iyon kabawasan sa mga lugar na hindi gaanong napinsala ng virus. May mga parte ng Spain, Italy, at Brazil na tuloy pa rin ang wine making at hindi banned ang alcoholic drinks. That is why, todo kayod si Vino para sa kaniyang business at sa future ng kaniyang dalawang anak. Paminsan-minsan naman ay may tumatawag sa kaniya sa opisina pero dahil sobrang busy niya ay hindi niya sinasagot. Kaya naman ang taong tumatawag sa kaniya araw-araw ay iritang-irita at panay ang istorbo kapag siya ay nagtatrabaho. Nang mga oras na iyon ay rinding-rindi na si Vino sa ring nang ring ng telepono sa kaniyang opisina. No choice siya kung hindi ang sagutin ito. "What is wrong with you, Vino?" "Ikaw pala. Anong atin?" "What? Anong atin? What do you think you're doing?" "Relaks. I'm at work. I have to finish this. Puwede bang sa isang araw ka na lang tumawag?" "Why are you doing this to me? Why do you keep ignoring my calls? I even texted you several times." "Gaya nga ng sinabi ko, busy ako. I need to fix my business." "How much do you want, Vino. I can wire you the money instantly." "Forget it. I don't want to argue with you. Like I said, I'm really busy. Call me some other time. Bye." Agad na binabaan ng telepono ni Vino ang nasa kabilang linya. Napapailing na lamang ito kapag naalala ang mala-Amazonang mukha ng babaeng matagal na panahon na rin niyang hindi nakakasama. Naudlot pa ang kanilang paboritong travels dahil sa pandemya. Ngayon, ay wala siyang balak na sagutin ang mala-armalite niyang bunganga.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD