3

2442 Words
Girlfriend "Magandang umaga po! Idedeliver ko lang ang mga gulay na inorder niyo saamin." Maligalig kong sabi sa tinderang babae rito sa palengke. Ngumiti ito sa akin at tiningnan ang isang supot na inilabas ko sa sako. "Ang sipag mo naman hija. Biruin mo... kababae mong tao ikaw ang gumagawa ng ganyan." sabi nito sa akin nang makita niya ang isang sakong nakaya kong dalhin. Hindi naman iyon gaanong mabigat. Mga iilang gulay lang rin naman ang laman. Ngumiti ako sa kanya ng matamis habang chinicheck ko sa listahan ang pangalan niya para hindi na ako malito. May lima pang tindera rito ang paghahatidan ko. Medyo nakaharvest kami ng marami ni lola. Sapat narin iyon para kumita ako ng 500 sa isang araw. Malaking bagay na iyon lalo na't nag-iipon ako. Sila na ang mga suki namin ni lola sa gulayan namin. Oo medyo malawak ang lupain ni lola, pero wala rin naman kaming maitanim roon bukod sa gulay. Iyong fertilizer nga ang mahal mahal na. Siguro pag nakapag-ipon kami ng malaki ay palalawakin ko iyon. Hindi na kailangang si lola ang magbungkal ng lupa, may mga trabahador na kami dapat. Ang tanging gagawin niya nalang ay magbilang ng pera. Iyon ang nagpapalakas ng loob ko para mas magpursigi pa. Hindi ko alintana ang pagod... ang mainit na panahon na tumatama sa balat ko sa tuwing nakasakay ako sa isang kabayo. Siya si Horsey. Sa amin ito ni Channy. Regalo ni lola sa amin. At dahil medyo malaki na ito ay napapakinabangan ko na siya sa paghahatid ng mga gulay sa bayan. Suot ang isang puting dress, nakatali ang buhok, medyo pawisan at may suot na sombrero, maingat akong sumakay kay Horsey. Wala nang laman ang sako ko kaya pwede na akong umuwi. Mahaba pa ang araw at marami pa akong gagawin. "Grabe! Ikaw lang ata ang white lady na nagpaparamdam sa umaga at nakasakay pa sa isang kabayo!" Sigaw ng batang lalakeng nadaanan ko rito sa bayan. Hindi ko na ito pinakinggan pa. Highschool na ako at wala na akong panahon sa mga ganyang bagay. Nilamon na ata ng pera ang utak ko. Mahina lamang ang pagpapatakbo ko kay Horsey. Natatangay rin ang buhok ko sa ere sa bawat galaw nito na kahit ako ang katawan ko ay lulundag ng kaonti. "Maganda talaga itong batang ito... Parang may lahing espanyol. Maputi, makinis... mamula mula ang pisngi." Narinig kong komento sa akin ng matandang babae. Nakakakuha ako ng papuri sa mga matatanda, pero sa mga kaedad ko, o sa mas bata pa sa akin ay iba ang nakikita sa akin. White lady daw ako. Hinila ko ang tali ni Horsey at marahan itong ipinalo para mas lumakas na ang pagpapatakbo nito. Dumeritso ako sa isang barn. Bukod sa paghahatid ng gulay sa bayan, nagpapaanak rin ako ng baka. Tumutulong ako kay Aling Tecy dahil binabayaran din naman ako. "Tapos kana sa paghatid ng mga gulay, Aly?" tanong niya saakin nang makita niya akong bumababa na kay Horsey. Ngumiti ako at tumango. "Opo. Uhm, ilang baka po ang paaanakin natin ngayon?" Nilingon ko ang loob ng barn. "Mga dalawa lang naman. 'Tsaka kung pwede ay tulungan mo narin ako sa ibang baka na kunan sila ng gatas. Tuturuan kita mamaya hija." Tumango agad ako. Basta pera ang kapalit ay hindi ako tumatanggi. Kung alam ko namang marangal ang ginagawa ko at wala naman akong naaapakang tao. Naiinis ako sa tuwing humihiyaw ang baka. Ako ang nakakapit sa isa nitong paa. Si Aling Tecy naman ang nasa gitna para paanakin ito. Hiyaw ito nang hiyaw at panay ang pagpupumiglas. Nakagapos naman ito kaya nakakasigurado rin akong hindi ito masyadong makakagalaw. Pagkatapos nitong manganak ay inilagay namin ito sa stretcher. Sumasakit ang likod ko dahil sa kakapigil sa baka sa pagpupumiglas pero kaya naman. Lalo na't dalawa rin iyon. Pagkatapos ay tinuruan niya rin akong kumuha ng gatas ng baka. Kailangan mo lang pagpisil-pisilin iyong mga n*****s niya, hilain pababa tapos ganoon rin sa isa. "Salamat ng marami Aly, balik ka ulit dito ha." Inilahad sa akin ni Aling Tecy ang tatlong isang daan na ikinangiti ko. "Sige po." Sumakay ulit ako kay Horsey. Binaybay ko ang mahabang daan pauwi. Puro mga lupaing may pananim ang nasa gilid ko. Natatanaw ko rin ang malawak na cacao ng pinsan ko. Sa dulo naman ay ang maisan. Nasa kabilang banda naman ang gulayan ni lola. Nang makarating ako sa maisan ay dumako agad ang tingin ko sa isang malaking bahay na limang taon ko nang hindi nabibisita. 15 years old na ako. At sigurado akong marami nang nagbago roon. Ilang sigundo ko iyong tinitigan hanggang wala sa sarili kong iniliko ang kabayo ko at mas pinatakbo ito ng mabilis. Sisilip nalang siguro ako... Itinali ko si Horsey sa tabi ng may alambre. Nang masigurado kong okay na ito ay saka rin ako pumasok. Nagulat ako nang may mga pananim nang tumutubo sa kanilang lupain. May iilang magsasaka na roon. Sa gitna naman ay ang daan patungo sa hacienda. Mukhang mapapakinabangan na ang lupain. May iilang mga trabahante ang napatingin sa akin pero hindi ko nalang iyon pinansin. Tinahak ko ang daan patungo sa hacienda. Ang malaking bahay na binalot ata ng kalungkutan. Hindi na ata napapadpad si Don Israel dito. Kahit ang mga anak niya ay mukhang busy rin. Bukas ang gate kaya itinulak ko nalang iyon para mas makapasok ako sa bakuran nila. Ganoon parin ang loob. Mukhang minimaintain nga ni lolo ang paligid. Ni isang d**o ay walang napadpad. Kung meron man ay maliliit iyon at mukhang ipinatag na. Mas namukadkad ang mga pamilyar na bulaklak sa paligid. Kahit ang fish pond ay ganoon rin. May mga bagong isda roon. Mas rumami ata ang lahi nila. Iginala ko ang tingin sa kabuuan. Walang tao. Siguro ay nasa loob si lolo. "Lolo Dancio?" Tawag ko. Naglakad ako patungong veranda. Makintab ang mga mwebles at halatang nililinis araw araw. Medyo nakabukas iyong pinto kaya sumilip ako sa loob. Kumatok ako. "Lolo Dancio?" Mas nilakasan ko pa ang boses ko. May katandaan na rin iyon kaya siguro hindi narin ako naririnig. Parang walang katulong sa loob. Nasaan sila kung ganoon? Handa na akong tumalikod nang biglang bumukas ang pinto. Lumiwanag agad ang mukha ko at mabilis na napalingon. Ang nakangiti kong labi ay unti unti ring nabura nang matagpuan ko ang isang lalakeng walang saplot sa itaas at magkasalubong ang kilay. Katulad noong una ko siyang makita rito ay ganoon parin ang hitsura niya, pero mas nabigyan na iyon ng hustisya, nahubog na iyon ng panahon at masasabi mo talagang may tindig na ito. Napatitig siya sa akin. Napalunok ako ng laway. Nandito ang panganay ni Don Israel? "May kailangan ka?" tanong nito na ikinakurap ko. "Uh... si Lolo Dancio. Hinahanap ko..." Hindi ko maipirmi ang tingin ko sa kanya. Bumababa iyon sa tiyan niya pero agad ko ring inililipat sa ibang direksyon. "Nasa bayan. Babalik rin agad iyon. Pwede kang pumasok." Paanyaya nito. Tumango ako at humakbang papasok. Mas binuksan niya ng malaki ang pinto. Wala ring pinagbago sa loob. Ganoon parin. Maliban sa isang malaking picture frame sa may gilid ng hagdan. Naroon siya kasama ang mga magulang niya at dalawa pang lalake na may mga supladong mukha. Siguro iyan si Dos at Tres. Hindi ko lang matukoy kung sino si Dos at sino si Tres. "What do you want to eat while waiting? Uhm... juice?" tanong nito. Umiling ako. Natameme lalo na't wala itong suot na damit. Tumango lamang siya. Nameywang sa harapan ko at mariin akong tinitigan. Napayuko ako. Nasa kandungan ang dalawang kamay. Mukhang hindi niya na ako naalala kaya siguro... "Babe?" Narinig ko ang isang malambing na boses ng isang babae. Naroon iyon sa hagdan at sumisilip rito. "Hmm... Christine? I'm here." sabi niya. Napakurap ako. Napatingin ako sa babaeng bumaba na nakatapis lamang ng tuwalya. Naibaling ko ang tingin kay Uno na may m******s na ngisi habang tinititigan iyong babaeng bumababa. Buhaghag ang buhok nito at makinis. Sa isang iglap ay nailang ako. Ewan ko ba... Ipinulupot niya agad ang braso niya kay Uno nang tuluyan siyang makababa. Napatitig ako sa dalawa. Ang kamay ni Uno ay gumapang naman sa beywang nito at isiniksik ang kanyang mukha sa leeg. Mukhang may ibinulong siya rito sanhi para mapahagikhik ang babae. "Of course I'd love to! Akala ko ba pinagleave mo lahat ng tao sa hacienda niyo para hindi tayo madisturbo..." Napanguso iyong babae at nilingon ako. "May bisita si Lolo Dancio. Siguro ay apo niya. Ano nga ang pangalan mo?" Binalingan ako ni Uno. Gustuhin ko mang ipirmi ang tingin ko sa kanya ay natatangay iyon ng kamay niyang humahaplos sa beywang ng babae. Nagkasalubong ang kilay ko at ibinalik ulit sa mga mata niya ang tingin. Handa na akong sumagot nang may mas mangibabaw na boses. "Aly?" Napalingon kaming tatlo sa kakarating lang. Napatayo agad ako nang makita si Lolo Dancio. Hindi ko na inabalang sumagot pa at naglakad nalang patungo sa kanya. Nagmano ako saka muling binalingan ang dalawa lalo na't naroon rin ang tingin ni lolo. "Pasensya na po Sir Uno at mukhang nadisturbo kayo ni Aly." "No it's okay. Siya ba iyong bata noon dito sa hacienda? Iyong natakot sa swing na upuan?" May nakakalokong ngisi sa labi niya. Iyong babae naman ay nakayakap na sa kanyang beywang. "Opo Sir. Si Aly ang batang iyon." Napatinging muli si Uno sa akin. Sinuri ako mula ulo hanggang paa. May kung ano sa mga mata niya ang hindi ko mapunto. Basta m******s. "She's a gorgeous girl... ilang taon kana ba?" tanong ng babae. "15 po." sagot ko. "Oh... Lamang pala ako ng tatlong taon sayo. 18 ako." Ngumiti siya ng matamis na ikinangiti ko ng tipid. Ba't iyong mga tagasyudad masyadong... mapusok? Nakatapis lang siya ng tuwalya. Wala ba siyang matinong damit? "Halika Aly. Sa kusina tayo." Iginiya ako ni Lolo sa kusina. Nilingon ko ng huling beses ang dalawa. Ngumingisi na si Uno sa babae habang iyong babae ay humahagikhik sa kanyang balikat. Napanguso ako at itinuon ang atensyon sa dinadaanan ko. "Sino po iyong babae na kasama ni Uno, lolo?" tanong ko nang makaupo ako. Binuksan niya ang ref at may kung anong pinaglalabas na makakain doon. "Ah, si Maam Christine. Girlfriend ni Uno. Sobrang ganda ano, Aly?" "Maganda sana kaso nakatuwalya lang. Hindi ba siya nahihiya kay Uno na ganoon lang ang suot niya?" Napangiwi ako sa sarili kong tanong. Ang sabi ni Lola sa akin, dapat ang mga babae ay desenteng manamit. Kung gusto mo raw na igalang ka, matuto ka ring igalang ang sarili mo. Manamit ka ng maayos at maging mahinhin na babae. Maging dalagang Pilipinang kaaya-aya. Humalakhak si Lolo. Inilapag niya sa harapan ko ang tatlong slice ng iba't ibang klaseng cake. May pitchel rin siyang hawak na naglalaman ng pineapple juice. "Masyado ka pang bata sa mga ganoong bagay Aly. Magkasintahan sila kaya may mga bagay na nagagawa nilang dalawa..." "Katulad po ng ano?" "Hmm... katulad ng paghalik. Mga ganoon." Ilang sigundo ko iyong iprinoseso sa utak ko. Sumubo na lamang ako ng cake at pilit na kinalimutan ang mga katanungang nagpapabagabag sa utak ko. "Girlfriend? Iyong rason kung ba't umuwi agad sila ni Don noon?" Bigla kong naalala. "Ay hindi. Iba rin iyon. Papalit palit ng girlfriend iyang si Sir Uno, Aly. Nakita mo naman ang binatilyong iyon..." Ba't siya papalit palit ng girlfriend? Ang girlfriend lamang ang kasama ni Uno sabi sa akin ni lolo. Dalawang araw lang rin daw ang itatagal nila sa hacienda. Busy kasi si Don Israel kaya ito raw muna ang tumingin sa lupain rito. Bumalik rin naman ito sa syudad. Mukhang mas gusto niya roon kaya hindi niya nagagawang magtagal rito kahit isang linggo man lang. "Aly, wala ka bang balak sumali sa prom ninyo?" tanong sa akin ni Lola isang umaga. Oo nga pala, prom na namin sa susunod na linggo. "Gastos lang iyon la. Magtatrabaho nalang ako ng araw na iyan, kikita pa ako ng pera." Paliwanag ko kay Lola habang nagdidilig ako ng halaman. "Ano ka bang bata ka! Babae ka Aly baka nakakalimutan mo." diin ni Lola sa akin. Napanguso ako. "Alam ko po la. Hindi pa naman nagiging matulis ang gitnang parte ng hita--"Aba'y ikaw bata ka!" Napatili ako nang bigla niya akong binasa ng isang tabong tubig. "La!" Natatawa kong sabi. "Magtino ka! Sumali ka sa prom. Kahit ako na ang gumastos. Hindi purket mahirap tayo ay lilimitahan mo na ang sarili mo sa mga bagay na makakapagpasaya sayo!" Naipadyak ko ang mga paa ko. Gastos lang iyon! Sa halip na ipambili ng gown iyong pera ay mas gusto ko nalang na itabi niya iyon. Ang sabi ni Don Israel sa akin ay magpursigi ako! Pero itong si lola naman gumagastos pa sa mga bagay na walang kabuluhan. "La, walang kwenta iyong prom. Eh hindi rin naman ako nakakasigurado kung may sasayaw sa akin. Alam mo naman, kakaiba kuno ako. Kaya sayang lang ang pera mo. Itabi mo nalang iyan..." Pangungumbinsi ko sa kanya nang magyaya na itong pumunta sa bayan para makabili kami ng masusuot kong gown at high heel. "Tigil tigilan mo ako Alyssa Gwyneth. Puro pera na iyang nasa utak mo. Anong gagawin mo riyan sa pera kung hindi mo naman gagastuhin? Ibabaon mo hanggang pagkamatay mo?" Umismid si Lola sa akin. Napabusangot ang mukha ko. Nagtungo ako sa may bintana at tumingala. Tirik na tirik ang araw. "Pag umulan ng malakas, pupunta ako sa prom." Pahayag ko na ikinalaglag ng panga ni lola. "Nahihibang kana talagang bata ka. Paanong uulan eh tirik na tirik ang araw?" "La, nanghihingi ako ng senyales sa Langit. Kung anong pasya niya, iyon ang susundin ko." Humalukipkip ako at umupo ng maayos. Napabuntong ng hininga si Lola. Lumabas ito ng bahay. Hindi ko alam kung saan pupunta. Kaso nagulat nalang ako nang may mga butil na ng nagraragasang tubig ang bumuhos sa ulo ko. Nag-angat ako ng tingin at nakita ang kamay ni lola sa bintanang dinidigligan ako. "Oh ayan na ang senyales mo. Hala at magbihis kanang bata ka nang makabili na tayo ng gown sa bayan!" Napatayo ako. Nailing kay lola na tumatawa na. Natawa narin ako. Wala akong nagawa kundi sumama kay lola sa bayan. Kung ang mga kaedad ko ay excited sa ganoong okasyon, ako lang ata itong mas nasasayangan sa pera. Kaya lang naman sila pumupunta para irampa ang mga suot nila at magpaganda, idagdag narin ang iba kong mga kaklaseng may kinababaliwan na lalake sa eskwelahan. Umulan ng malakas habang nasa loob kami ng isang botique. Isang makahulugang ngisi ang ibinigay ni Lola sa akin. Napanguso nalang ako. Mukhang gusto rin ng langit na pumunta ako. Pero ano namang mapapala ko roon? Bukod sa wala akong kaclose, sigurado akong wala ring mangangahas na isayaw ako. Naalala ko tuloy iyong girlfriend ni Uno. Siguro kung ganoon ako kaganda ay maraming lalake ang mag-aayang isayaw ako. Baka nga ako pa ang maging center of attraction sa gabing iyan. Kaso alam kong malabo ang mga ganoong imahinasyon sa akin. Kaya nga mas gusto ko nalang kumita ng pera. Makakatulong pa ako kay lola.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD