5

2541 Words
Competition Naging usap-usapan sa eskwelahan na binasted ko raw iyong nangliligaw sa akin. Hindi ko matandaan ang pangalan niya pero alam kong siya iyong lalakeng humingi sa akin ng permiso kung pwede niya raw ba akong ligawan. Hindi kasi umulan kaya ang naging pasya ko ay huwag itong payagan. "Palibhasa, mukhang pera kaya siguro binasted dahil alam niyang mahirap lang si Steven." Komento ng isang estudyanteng pinaparinggan ako tungkol sa issue. Hindi ko na iyon pinagtuunan ng pansin. Naging busy rin kasi ako sa paghahanda sa contest na sasalihan ko. Ang laki ng prize pag nag first place! 5000 cash! Tapos may scholarship na iyon sa college. Kaya ganoon nalang ako kapursigidong magsanay. "Kailangan po ba talaga nakaheels, Ma'am?" Reklamo ko nang matisod ako sa hindi ko mabilang kung pang-ilang beses na. "Nako Aly, kailangan talaga iyan lalo na't contest! May mga judges doon na kikilatis sayo! Kailangan mong itayo ang pangalan ng eskwelahan natin kaya dapat magsanay ka ng mabuti." Napangiwi ako at sinikap na tumayo. Kanina pa nanghahapdi ang gilid ng paa ko dahil panay akong natatapilok. Walang kaso sa akin iyong pinapaaralan nila sa aking magiging parte ng question and answer. Dito lang talaga ako nahihirapan. Tapos rarampa pa! "Ngumiti ka naman Aly, tamisan mo iyang ngiti mo! Akitin mo ang mga manonood!" Puna ni Ma'am sa akin nang napansin niyang hindi man lang ako ngumingiti habang rumarampa. Hindi ko pa nga nakakabisado ng maayos ang paglalakad ng tuwid tapos ngayon ay may panibago na naman akong problema. Ang mang-akit ng manonood! "Ma'am naman! Alam niyo namang estrikto si lola, magagalit iyon pag lumandi ako!" Reklamo ko na ikinangiwi nito, napakamot pa siya sa ulo niya. "Ikaw bata ka hindi landi ang tinutukoy ko sa pang-aakit na sinasabi ko sayo. Sige ganito nalang, isipin mong may nilalako kang paninda at kailangan mong maakit ang mga tao sa paligid mo na bumili ng produktong tinitinda mo." Parang nabuhayan ako ng loob sa sinabi ni Ma'am. Napapaisip tuloy ako na malaki ang kikitain ko kung sakaling nagpursigi akong akitin ang mga costumer para bumili sa akin. Kaya pinagbutihan ko ang pagrampa at maayos na binalanse ang sarili. Kaya noong magsimula ang kompetisyon ay ibinuhos ko na lahat ng meron ako. Tumayo ako ng tuwid, nasa kanang beywang ang isa kong kamay at ngumingiti ng pilit, ngunit matamis. I am wearing a long gown designed by the school. Parte rin kasi ito ng patimpalak bilang creativity. Mga bente ata kaming lahat. Meron ring mga nanggaling sa private. Nakita ko rin ang pinsan ko na siyang pambato ng eskwelahan nila. Mas magtataka ako kung hindi siya ang pambato lalo na't gandang ganda siya sa sarili niya. Our eyes met. Ang kanyang matamis na ngisi ay biglang naglaho. Tumaas ang isa niyang kilay at tiningnan ako mula ulo hanggang paa. Hindi nawawala ang pandidiri sa kanyang hitsura. Pasimple ko na lamang iniwas ang tingin at sinikap na hindi na hindi na ito matingnan pa. Ipinokus ko ang tingin sa harapan. May iilang judges ang naroon, nakaupo at sinusuri kami isa isa sa pamamagitan ng kanilang mga mata. May isang bakante roon at mukhang hindi pa ata dumadating. Nagsimula ang pagrampa. Kahit kinakabahan ay minabuti kong hindi mawalan ng composture. Nasa pang sampong bilang ako, at nang inanunsyo na ang aking pangalan ay mas tinamisan ko ang aking ngiti at rumampa ng maayos. Itinuon ko ang atensyon sa mga judges, may umuukupa narin sa bakanteng upuan namin kanina. Binalingan ko rin iyon para ngitian pero laking gulat ko nang makita ang mga mata ng lalakeng mariin nang nakatingin sa akin. Nakasandal siya sa kanyang upuan habang ginagalaw galaw ang mga daliri sa mesa, na parang may keyboard siya roon at iyon ang tinitipa niya ng paulit ulit. Napalunok ako ng laway. Hindi ko alam kung ba't bigla akong kinabahan sa imahe ni Uno. Ba't nandito siya? Kasama niya rin ba si Don Israel? Kahit nawiwindang ako ay sinikap ko paring kumalma. Inisip ko iyong limang libong mapapanalunan ko at doon ko naialis ang kabang namumuo sa loob ko. Para ito kay lola. Dagdag ito sa ipon ko kaya kailangan kong pagbutihan. Eh ano naman ngayon kung nandiyan si Uno? Wala akong dapat ikahiya sa kanya! Siya dapat ang mahiya sa akin dahil sa ginawa niya roon sa babae. Hindi niya man lang dinamitan ng maayos! Sa bawat stages ng kompetisyon ay nalalagasan kami ng dalawa. Sa tuwing natatawag ang numerong nasa gilid ko ay napapabuntong ako ng hininga at mas nagiging malinaw sa paningin ko ang limang libo. Alam kong malapit ko na iyong maabot at mas pag-iigihan ko pa. Walang hindi nakukuha sa pagpupursigi. Pasimple kong tiningnan si Uno. Wala na sa akin ang tingin niya kundi nasa gilid ko. Para hindi mapansing sinusundan ko ang tingin nito ay tumingin muna ako sa ibang direksyon saka ako lumingon sa gilid ko. Nakita ko ang babaeng mas matangkad sa akin kahit na wala ata itong suot na high heel. Nakayakap sa kanyang katawan ang suot niyang gown at may kung ano anong kumikinang doon. Naiiba kasi iyong gown ko, hindi iyon fit kagaya sa babaeng ito. Sa last round na ng kompetisyon ay limang estudyante nalang ang natira. Gusto kong mapahiyaw nang tinawag ang numero ko. Akala ko talaga hindi na ako makakapasok lalo na't ako ang pinakahuling tinawag. Pakiramdam ko tuloy nirerepresenta ko ang bansa dahil sa tuwang nararamdaman ko. "Huwag kang masyadong magdiwang Aly. Nakapasok rin ako." Ngising aso na si Lhuella nang binulungan niya ako sa gilid ko. Napangiwi agad ako. "Question and answer portion na ito. Sigurado akong dito ka malalaglag. Tandaan mo, mayaman ka lang." Malutong kong sabi sa kanya na ikinasira ng ekspresyon ng mukha niya. Confident akong ngumisi at tumingin sa mga judges, kay Uno na nasa ibang contestant na naman ata ang tingin. Sinundan ko iyon at nakitang muli ang pamilyar na mukha ng babae na ngayon ay kagat kagat ang pang-ilalim na labi. Nilingon kong muli si Uno na ngayon ay sa dibdib na ata ng babae ang tingin. Napanguso ako roon, ang m******s na ito mukhang iba ang jinajudge. Nauna muna ang talent portion. Sumayaw ako ng hiphop song. Mabuti nalang talaga at marunong sumayaw kahit papaano. Siguro ito ang talent ko pero hindi ko lang talaga napagtutuunan ng pansin dahil mas busy ako sa pag-iisip ng pagkakakitaan. Alam kong may mga kompetisyon akong masasalihan sa pagsayaw, pero hindi rin naman ako makakasigurado na ako lang ang magaling. Alam kong may mas magaling pa sa akin kaya mas gusto ko nalang magtinda. Sigurado pa akong wala akong kahati sa kikitain ko. Pera agad. Madrama namang nagballerina si Lhuella. Aaminin ko, magaling siya roon. Pero nang matapilok siya ay hindi ko maiwasang magdiwang. Namula ang kanyang pisngi pero nagpatuloy parin siya. Sunod namang nagperform ay iyong babaeng tinititigan ni Uno. Sumayaw rin ito pero hindi kagaya sa amin ni Lhue, nakakaakit iyong sayaw niyang Hawaiian dance. Panay giling siya at ipinagmamalaking magaling siyang magbooty shake. Napangiwi ako dahil sa pagkakaalog hindi lang ng pwet niya kundi pati narin ng dibdib niya. May mga lalakeng napasipol, pero wala nang mas lalagkit pa sa tingin ni Uno sa kanya. At hindi ko alam kung ba't ako naiinis sa bagay na iyon. Gusto kong batuhan bigla iyong babae para matigil siya sa kakasayaw niyang kalaswaan lang naman. Sa huling round ay nakauniporme na kaming lahat. Ako lang ata ang may desenteng palda hindi kagaya sa pinsan kong halos ipakita na ang hita lalo na iyong tinititigan ni Uno na masisilipan na ata pag tumuwad dahil sa sobrang iksi. Iyong dalawa ay desente rin naman kahit papaano pero hindi kagaya sa akin na lagpas tuhod talaga. Nagsimula ang question and answer portion. Pangatlo akong bilang. Si Lhuella ang pang-apat at panghuli iyong babaeng tinititigan ni Uno. Mariin akong pumikit bago ako tawagin at nagdasal na sana ay makakaya kong sagutan ang mabubunot kong tanong. Nang marinig ko ang palakpakan hudyat na tapos na iyong isa ay dumilat akong muli. Nagulat ako nang makita ko ang mga mata ni Uno na nasa akin na pala ang tingin. Nagkatitigan kami ng ilang sigundo. At habang tumatagal ay ngumingisi na ito sa akin. "Your turn." Nabasa ko sa ibinigkas ng kanyang labi. Napakurap ako at bumalik sa sariling katinuan. Doon ko lang napansin na kanina pa pala tinatawag ang numero ko. Namula ang pisngi ko dahil sa kahihiyan. Lalo na nang mas lalong lumaki ang ngisi ni Uno at binasa ang pang-ibabang labi. Magfocus ka Aly! Sayang ang limang libo! Pumunta ako sa harap. Bumunot ako ng nakalukot na papel doon at ibinigay sa emcee. "Hmm... you got the interesting question Miss number ten!" sabi ng emcee na ipinagsalubong ng kilay ko. Ang sabi ni Ma'am sa akin, either tungkol sa kalikasan o pag-ibig daw. Pero ang sabi ni Ma'am pwede ring tungkol sa pagiging estudyante kaya nagfocus ako sa pag-aaral sa notes ko. "Kailan mo ba masasabing nahulog kana sa isang tao?" Tanong nito na ikinabingi ko ng ilang sigundo. Nahulog? Gravity? Pero sa pagkakaalam ko, wala namang involve na tao sa pinag-aralan ko. H-Hindi kaya tungkol ito sa pag-ibig? Ilang sandali akong natahimik. Gumagala ang tingin ko sa ibang direksyon. Naghahanap ako ng pwedeng isagot sa tanong na hindi ko alam kung malulusuta  ko ba. "Uhm, wala bang ano... iyong pang-estudyanteng tanong?" Bulong ko sa emcee. "Kung anong nabunot mo hija, iyon ang dapat mong sagutan." bulong niya na ikinaputla ko. Tumingin akong muli sa mga judges. May gumapang na kaba sa tiyan ko nang napansin ko ang mga mata ni Uno na hindi parin ako nilulubayan. Ngumisi siya sa akin at binasang muli ang pang-ibabang labi. Na para bang natutuyo siya kaya kailangan niya iyong gawin. Lumunok muna ako ng laway bago kinuha ang mikropono. "Uh, para sakin... malalaman mo iyon sa pamamagitan ng senyales na hiniling mo sa Panginoon. Iyon ang turo sa akin ni lola, para hindi ka mapunta sa maling lalake..." Nagkasalubong ang tingin namin ni Uno.  "Humiling ka ng senyales at ibibigay niya sayo ang lalakeng nararapat sayo." I heard some claps at doon ako nakahinga ng maluwag. Humiwalay ang tingin ko kay Uno at napangiti ng matagumpay. Tumalikod ako para bumalik sa pwesto ko kanina. Doon ko naman nakita ang pinsan kong may nakakalokong ngisi. Nang tinawag ang numero niya ay nagawa pa akong banggain na kamuntik ko nang ikinawalan ng balanse. Kung wala lang talagang mga manonood ay nasuntok ko na sa tiyan ang babaeng iyan. "Bilang estudyante, paano ka makakatulong kay Inang Kalikasan?" tanong sa pinsan ko ng emcee. Hinawi niya muna ang kanyang buhok saka sumagot. "Simple lang. Pupunta ako sa bahay nila at ishishare ang kayamanan namin. Plus, sasabihin ko kay Mommy na bigyan siya ng food para hindi na magastos iyong money." Naipagdikit ko ang mga labi ko para hindi pigilang matawa. Sinasabi ko na nga ba walang laman ang utak ng babaeng ito. Pera lang talaga ang meron sa kanya. Pero utak at ganda? Malabo. "Uhm, Miss... kilala mo ba si Inang Kalikasan?" tanong ng emcee nang matigil siya sa kakasalita. Proud na tumango ang pinsan ko. "Of course! Si Inang kalikasan ay isang mapagmahal na ina. Sinong hindi makakakilala sa kanya?" Hindi ko alam kung aware ba ang pinsan ko na pinapahiya niya na ang sarili niya o wala talaga itong kaalam alam. Sumunod naman iyong tinititigan ni Uno na babae. Napakaelegente niyang gumalaw. Kaso kung gaano siya kaganda, ganoon rin naman kabulok ang sagot niya. Masasabi kong mas maayos pa iyong sagot ng pinsan ko. Natapos ang question and answer na kampanteng kampante akong mananalo ako. I mean hindi naman sa ang papangit ng sagot nila, pero ang pangit talaga. Iyong akin lang ata ang matino at nasagot ko ng maayos. Namataan ko si Uno na may kung anong ibinulong sa katabi niyang judges. Tumango iyon sa kanya. Binalingan niya ako kaya pasimple akong nag-iwas ng tingin. Siguro iyon na ang mananalo. Alam ko namang pumupunta ako sa bahay nila at medyo naging malapit ako kay Don Israel. P-Pero, naaalala niya parin kaya ako? Ilang buwan na naman ba ang lumipas simula nang magkita ulit kami? Ni minsan, hindi naman kami nagkakausap. Kung meron man, mga maliliit lamang iyon at puro pa walang kabuluhan. Ang unang tinawag ay ang may consolation prize. Iyon ay ang pinsan ko at ang isang babae. Ang naging third place ay iyong isa pa. Naiwan naman kaming dalawa sa gitna. Kasama ko iyong kanina pa tinititigan ni Uno. "And the second place goes to..." Napapikit ako ng mariin. Pinagpapantasyahan ko nang abutin ang limang libo nang biglang... "Miss number ten! Congratulations miss Number three ikaw ang nanalo!" Nagulat ako roon. Hindi agad ako nakagalaw. S-Second place ako? P-Pero paanong... Bigo akong bumaba sa stage. Hindi ko matanggap na second place lamang ako at mas lalong hindi ko matanggap na hindi ko nakuha iyong limang libo! Gusto kong kwestyunin ang mga judges. Paano namang iyong babae ang nanalo eh ang pangit ng sagot niya! "It's okay Aly. You did great. Malaking pera narin ang isang libo. May trophy karin namang naibigay sa eskwelahan." Pagpapagaan ng loob ni Ma'am sa akin. Umiling ako. Hindi ko talaga tanggap. Ginawa ko lahat. Pero siguro... hindi talaga para iyon sa akin. Siguro, mas kailangan iyon ng babae. "Ma'am. Cr lang ako." Tumango ito sa akin kaya umalis rin agad ako. Wala ako sa sarili ko. Binabagabag ng limang libo ang isipan ko. Sayang naman! Ang sabi ko pa naman kay lola hindi ko siya bibiguin. Napabuntong ako ng hininga nang pumasok ako sa cr. "Yep! Uno paid the judges just to let me win, kapalit nito ay maididate niya ako. He'll treat me on a hotel later. Magdidinner kami and the rest is up to us..." Isang malanding boses ang narinig kong tumatawa na. Parang may nabuhay na demonyo sa loob ko dahil sa narinig. Aba't ang malanding ito! Lumabas ako ng cr. Pero bago pa man ako makasiklab sa aking galit ay nakalabas narin ito. Nagmadali narin akong lumabas. Hinanap ko ang imahe ng babaeng narinig kong may kausap sa cellphone kanina. At sigurado akong siya iyong tinititigan ng malagkit ni Uno. Sa di kalayuan ay nakita ko nga si Uno, nakapulupot ang kamay nito sa beywang ng babaeng nanalo. Kitang kita ko kung paano humagikhik ang babae nang may binulong siya kay Uno at ang pagbaba ng kamay ni Uno sa pwetan nito at pinisil iyon. Nagulat ako roon. Natigil ako sa kinatatayuan ko dahil sa nakita. "Aly! Nandito ka lang pala. Halika na, may kaonting pagdidiwang sa eskwelahan para sayo. Halika na." Hinila ako ni Ma'am. Nang ibalik ko ang tingin sa dalawa ay wala na sila roon. Ibig sabihin, dinaya ang kompeyisyon dahil iyon ang hiling ng babae at kapalit nito ay maididate siya ni Uno! Tapos iyong m******s naman ay walang paligoy ligoy na nagwaldas ng pera mapagbigyan lang ang sariling gusto. Galit na galit ako kay Uno. Alam kong may girlfriend siya. Pero anong pinaggagawa niya? Kahit sino sino nalang! Purket maganda iyong babae, magaling sumayaw at igiling ang pwet niya! Makinis, sexy ay papaboran niya na! Hindi niya ba inisip ang mga kagaya ko na ibinigay ang lahat sa kompetisyon pero mawawalan lang rin pala ng saysay dahil sa pagmamanipula niya?! Pumunta lang ba siya dito para mambabae?! Naaawa ako sa mga babaeng nagpauto sa kanya. At kung hindi dahil sa kanya, naiuwi ko sana ang limang libo! Dear Lord, kung bibigyan niyo po ako ng lalake sa future... sana huwag kagaya ni Uno. At alam ko naman pong hindi niyo ako ibibigay sa lalakeng masasaktan lang ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD