CHAPTER 23: With You

2354 Words

Lorna Ngunit lumipas ang buong magdamag ay wala nang Denver pa ang nagparamdam sa akin. Hanggang sa sumapit na ang umaga. Kaya ang ending ay puyat na puyat ako at bigla pang sinipon dahil naligo ako kagabi kahit napakalamig ng tubig! Hindi ko mapigilang magdadabog at ibagsak ang lahat nang mahawakan kong gamit dito sa loob ng bahay. Deputa ka, Denver! Huwag na huwag ka nang magpapakita pa sa akin kahit kailan! Buray ni Ina mo! "Anong nangyayari sa iyo?" tanong ng pinsan ko na abala sa pag-aalmusal niya ng pandesal sa mesang naririto sa sala. Ang mga tao naman namin ay nagsisimula nang gumawa at ngayon ay abala sila sa kisame. "Wala. Masama lang ang pakiramdam ko. Tinamaan ako ng sipon." "Katatambay mo 'yan sa balcony. Alam mo namang malamig do'n." Padabog na lang akong naupo sa i

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD