CHAPTER 1: Don't Remember
Lorna
Huh! Bigla kong nabitawan ang hawak kong kutsara't tinidor nang may maramdaman akong paa na biglang dumikit sa binti ko sa ilalim ng mesa at dahan-dahan itong umakyat patungo sa hita ko.
Nagtayuang bigla ang mga balahibo ko sa katawan kasabay nang paglakas ng kabog ng dibdib ko.
"Lorna."
"H-Ha?" Kaagad akong napabaling sa boyfriend kong si Darell na nasa aking tabi.
"You alright?" tanong niya habang nakataas ang pareho niyang mga kilay sa akin.
"Ah, o-okay lang. P-Pasensiya na, d-dumulas lang 'yong kutsara sa kamay ko." Muli kong dinampot ang kutsara't tinidor at muling ipinagpatuloy ang pagkain.
Mula sa peripheral vision ko ay lihim kong tiningnan ang isa sa mga kapatid ni Darell na nasa harapan namin ngayon. Kanina ko pa napapansin ang kakaiba niyang pagtingin sa akin. Sa klase ng mga titig niya, pakiramdam ko ay hinuhubaran niya ako sa isipan niya.
Hindi kaya sa kanyang paa 'yong naramdaman ko?
Pito kami ngayong naririto sa hapagkainan. Ang kanilang ama, si Darell, ako at ang apat sa sampong mga kapatid ni Darell na naririto at kasama namin ngayon sa kanilang mansion.
Ramdam ko ang makahulugang tinginan ng apat na magkakapatid bukod kay Darell at itong lalaking may mahabang buhok na nakapusod at may hikaw sa kaliwang tainga ang kakaiba ang mga tingin sa akin.
Napakagwapo niya kung tutuusin. Namumula ang mga labi niya. Matangos ang ilong. Makakapal at malalantik ang mga pilik-mata niya. Kaya lang ay kinakabahan at natatakot ako sa mga titig niya. Para niya akong kakainin ng buo!
"So, kailan kami magtutungo sa bahay niyo para magpag-usapan na ang tungkol sa kasal niyo nitong si Darell?" tanong ng kanilang ama sa akin.
"Ahm... A-Ang totoo po niyan, h-hindi pa po nalalaman ng pamilya ko ang t-tungkol dito."
"Hmm. Won't they be surprised? Do they know you already have a boyfriend?" kunot-noong tanong muli ng kanilang ama.
"Alam naman po ng mga magulang ko, Tit--" Naputol ang sinasabi ko at halos mapatalon ako sa gulat nang muli kong naramdaman ang paa sa mga binti ko.
Nanigas ako mula sa kinauupuan ko at naging doble ang pagkabog ng dibdib ko nang muli itong umakyat at humaplos sa gitna ng mga hita ko, sa ilalim ng suot kong dress.
"Are you okay? What's wrong with you?" nag-aalala nang tanong sa akin ni Darell.
"Denver." Mabilis naman akong napalingon sa kanilang ama at nakita ko itong nakatingin na sa anak niyang nasa harapan ko.
"Dad." Nilingon niya ang kanyang ama ngunit tila hirap na hirap pa siyang ilipat doon ang kanyang mga mata mula sa akin.
"Parang hindi mo ginagalaw ang pagkain mo."
"I'm still full," mahina at walang emosyon niyang sagot bago dinampot ang isang baso ng tubig sa tabi ng plato niya at uminom. Ngunit ang paa na nararamdaman ko ay nananatili pa rin sa mga hita ko at patuloy na humahaplos doon.
"Eherm! Kanina pa naman talaga 'yan busog na busog," sabi ng isa sa mga kapatid nila na hindi ko matandaan ang pangalan dahil sa halos magkakatunog ang mga pangalan nila at nagsisimula lahat sa letter D.
Napansin ko ang kakaibang pagngisi ng iba pa sa kanila at tila sila-sila lang ang nagkakaintindihan.
Lihim kong ibinaba ang kamay ko at malakas na binaklas ang paa na patuloy sa paghaplos sa mga hita ko. Kinikilabutan ako na may kasamang pag-iinit na hindi ko maintindihan sa katawan ko.
Kinakabahan din ako na baka makahalata si Darell o ang ama nila. Ayokong ako pa ang maging dahilan nang pagkakagulo nila dito.
"Ahm, ipapaalam ko na lang po muna sa kanila, tito, ang tungkol sa plano namin ni Dare--" Muli akong napahinto nang muling bumalik ang paa na tuloy-tuloy sa gitna ng mga hita ko at muling humaplos doon. "--D-Darell, b-bago po s-siguro kayo magtungo doon."
Hindi ko na kinaya pa. Nag-iinit na rin ang maselang parte ng katawan ko sa nangyayaring kababalaghan sa ilalim ng mesa.
Matapang ko nang sinalubong ang mga mata ni Denver na hanggang ngayon ay nakatitig pa rin sa akin. Napansin ko ang bahagyang pagtaas ng sulok ng labi niya at nababasa ko ang pilyong ngiti niya.
"All right, Iha. Maybe that's what we'll do first."
"O-Opo, Tito. E-Excuse me po. Gagamit lang po ako ng restroom."
"Are you sure you're okay? Sasamahan na kita," kaagad na sabi ni Darell nang ako ay mabilis na tumayo.
"H-Hindi na. Kaya ko naman." Hindi pa siya nakakasagot ay nagmadali na akong tumalikod at lumabas ng dining room.
"Excuse me, Dad. I just forgot something in my room."
Bigla akong kinabahan nang marinig ko ang paalam ni Denver sa kanyang ama mula sa likuran ko. Hindi ko sila nilingon at nagmadali akong maglakad patungo sa restroom na nasa kaliwang bahagi.
Mabuti na lang at pagdating namin kanina ay nakigamit na ako ng banyo nila kaya alam ko na kung saan ito naroroon.
Kaagad akong pumasok sa loob. Ngunit isasara ko pa lamang sana ito nang bigla muli itong bumukas at mabilis na pumasok dito sa loob si Denver na nakangisi habang nakatitig sa akin. Napansin ko ang pag-lock niya sa seradura ng pinto.
"A-Anong ginagawa mo? P-Please, lumabas ka." Ginapangan ako ng matinding takot at kaba sa dibdib ko. Baka may makakita sa amin dito!
"Tsk. Ang liit talaga ng mundo, 'di ba? I never thought we would meet again." Lumapit siya sa akin at itinuon ang magkabila niyang palad sa pader, sa magkabila kong tabi.
"A-Anong sinasabi mo? H-Hindi nga kita kilala, eh." Halos tumalon na ang puso ko sa sobrang lakas ng kabog nito.
"Huh." Bigla siyang natawa ng pagak habang mas lumalapit pa ang mukha niya sa akin.
Hindi ko naman alam kung paano ako aatras gayong na-corner na niya ako.
"You're still a f*****g artist up to this moment at marami ka pa ring binibilog ang ulo." Tumatama na ang hininga niya sa aking pisngi at nalalanghap ko na ang mabango at pinaghalong menthol na amoy nito.
"Hindi ko alam ang sinasabi mo!" bulong ngunit mariin kong sagot sa kanya kasabay nang pagtulak ko sa dibdib niya. Ngunit hindi man lang siya naalis mula sa kinatatayuan niya at mas lumapit pa ang mukha niya sa akin.
"Tell me, how many? How many people have you fooled and how many assholes have f*****g used you?"
Namilog ang aking mga mata sa kanyang sinabi at awtomatikong dumapo ang palad ko sa mukha niya. Napapaling naman sa kanan ang mukha niya ngunit tila hindi naman siya nagulat.
"Wala kang karapatang bastusin ako ng ganito dahil hindi mo ako kilala--uhmp!" Nagulat ako nang bigla niyang hinawakan nang mahigpit ang baba ko at halos dumampi na ang mga labi niya sa mga labi ko.
"If you think you're gonna fool me too, you're wrong! And don't even try to fool my new brother."
Nanigas ako nang maramdaman ko ang isa niyang palad na humaplos sa hita ko paitaas hanggang sa sapuin nito ang p********e kong natatabunan pa ng suot kong panty. Naghatid ang palad niya ng kakaibang init sa pakiramdam ko.
Napasinghap naman ako at napahawak sa naninigas niyang mga braso.
"You're never gonna succeed now, Lorna. I'll f*****g make sure of that!" mariin niyang sabi bago niya marubdob na hinalikan ang mga labi ko.
Nagulat ako at hindi nakagalaw. Kakaibang init ang bigla na lamang bumangon sa katawan ko habang patuloy siyang humahaplos sa pagkakababae ko at gumagalugad ang dila niya sa loob ng bibig ko.
At bago pa ako matauhan ay kaagad na rin siyang bumitaw.
Mabilis siyang lumabas ng banyo at naiwan akong tulala at hindi makapaniwala sa bilis nang pangyayari. Nanghina ako at napasalampak sa sahig. Ramdam ko ang pag-iinit at pagkabasa ng p********e ko kaya't napasapo ako doon.
Pilit kong inapuhap sa isipan ko ang mukha niya ngunit kahit anong gawin ko ay hindi ko talaga siya maalala. Alam niya ang pangalan ko ngunit wala akong natatandaang Denver Delavega!