Lorna Kumuha si Denver ng isang mamahaling cottage dito sa private beach resort na pinuntahan namin sa Batangas. Air-conditioned pa ito at may sariling pool sa labas. At sa harap naman nito ay isang malawak nang karagatan. Puti at pino din ang buhangin sa beach na ito. Para na rin akong nasa El Nido Palawan nito. Nakaka-relax dito. Hinubad ko ang mga tsinelas ko at naupo ako sa gilid ng pool. Inilawit ko ang mga paa ko sa tubig at isinagwan-sagwan doon. Sinamyo ko ang malakas na ihip ng hangin na hindi gano'n kainit sa balat dahil alas tres na rin naman ng hapon. "What would you like to drink?" Napalingon ako kay Denver sa pinto na ngayo'y may dalang malapad na tray at may isang plastic pa ng mga inumin siyang bitbit. "Gutom na ako. Pagkain ba 'yan?" "Hindi ka pa ba nag-lunch?" "H