Lorna KINABUKASAN ay maaga kaming nagtungo ng pinsan kong si Lindsay sa Tagaytay, sakay ng bus. Pagbaba namin ay pumasok naman kami sa gate ng Tagaytay Heights Subdivision Neighborhood Assn. At huminto kami sa isang bahay na mukhang ilang dekada na ang lumipas simula noong itinayo. Matinding renovation ang gagawin sa bahay at gusto ng may-ari na gawing moderno ang disenyo nito. May mga construction worker kaming mga kasama at bukas ay pasunod na rin sila sa amin dito sa lugar na ito. "Wala naman sigurong multo dito, no?" tanong ko kay Lindsay. Wala kasing nakatira ngayon dito dahil nasa America pa ang may-ari nitong bahay. Gagawin lang daw naman itong bakasyunan ng pamilya nila sa tuwing umuuwi sila dito sa Pilipinas. Mula pala sa ikalawang palapag nito at sa rooftop ay tanaw ang n