Lorna
Muling bumalik sa alaala ko ang mukha ng babaeng 'yon sa larawan. Mukhang batang-bata pa rin siya doon, maging ang mga kapatid ni Denver. At twelve years old pa lang doon si Denver?
Ilang taon na ba siya ngayon? Twenty? Twenty one?
Napadako ang mga mata ko sa dalawang patong ng box sa sulok ng sala ko. Kaagad ko itong nilapitan at binuksan. Hinanap ko sa loob niyon ang nag-iisa kong makapal na album na puno ng mga larawan ko simula noong bata pa lang ako.
Mahilig kasi akong mangulekta at mag-ipon ng mga larawan ko noon pa man. Palagi akong pumupunta ng bayan noon upang magpa-picture sa mga photoshop dahil wala pa naman akong phone noong elementary pa lang ako.
Nagkaroon ako ng phone pagsapit ko ng highschool noong bilhan ako ni nanay nang mumurahin. Hindi naman gano'n kahirap ang buhay namin noon. Mayroon kaming limang ektarya na palayan na sinasaka noon.
Kaya lang, dahil sa palagi kaming dinadaanan ng kalamidad, unti-unti ring nalugi ang palayan ni tatay hanggang sa napagod na siyang magtanim ulit. Unti-unti na rin niyang naibebenta ang ilang ektarya nito para lang may makain kami.
Sa wakas ay nakita ko rin ang album ko. Makapal ito dahil naririto lahat ang alaala ng buhay ko.
Binuksan ko ito at dinala sa mga larawan ko noong bata pa lang ako, na naaayon sa larawan na hawak ni Denver.
Hanggang sa makita ko na nga ang mga ito. Itong-ito rin ang mukha ko sa larawan na 'yon. Fourteen pa lang ako dito. Wala kaming pinagkaiba. Maging sa buhok at kulay ng balat namin ay parehas na parehas kami.
'Yong mga mata namin, ilong, mga labi, pisngi. Paraan nang pagtayo, pagngiti at pagtitig. Parang ako talaga 'yong nasa larawan na 'yon.
Pero paano mangyayari 'yon? Hindi ko talaga matandaan ang pamilya na 'yon ni Denver kahit anong kalkal pa sa isip ko ang gawin ko. At kung sakali man na ako nga 'yon, malamang magkakaroon din kami dito ng mga picture sa album na 'to. Dahil lahat ng mga magagandang alaala sa buhay ko ay wala akong pinapalampas.
Naisip kong isa-isahing tingnan ang mga larawan ko sa album simula noong baby pa ako hanggang sa kasalukuyan. Noong baby pa ako ay si nanay ko naman ang mahilig magpakuha ng mga larawan ko kaya may naisama ako dito.
Lahat ng events sa buhay ko ay naririto. Nag-iisa lang naman akong baby na buhat dito nila nanay at tatay. Naririto rin ang mga pinsan ko, mga tito at tita ko at maging ang mga lolo at lola ko noong nabubuhay pa.
Naririto rin ang mga naging teacher ko noon, mga kaklase at mga naging kaibigan hanggang sa college. Pati ang mga naging crush ko at una kong naging boyfriend. Si Tanner Lucent Mckinley.
Mayroon din kami ditong mga larawan ni Darell simula noong magkakilala kami sa Dubai hanggang sa maratay siya sa hospital.
Pero ni isang larawan ay walang naligaw dito na kasama ko ang pamilya ni Denver. Kaya sigurado akong hindi ako 'yon. Baka kamukha ko lang at napagkamalan niya lang ako.
Sa bilyon-bilyong taong mayroong ang mundong ito, hindi imposibleng magkaroon na kami ng mga kamukha.
Muli ko nang itinupi ang album ko at ibinalik sa box. P'wede rin namang pina-photoshop niya lang ang larawan na 'yon para maging kamukha ko ang babaeng 'yon at may paglaruan siya.
Hindi talaga ako 'yon. Imposible!
Muli ko nang ipinagpatuloy ang paglalaba ko. Ilang oras na ang nakalipas at natuyo na rin ang mga bula nito.
Hindi ako tatakas katulad nang sinabi niya. Kung gagawin ko 'yon, mas lalo lamang lalakas ang hinala niya na ako talaga ang nasa larawan na hawak niya.
Buwisit. Ilang beses na niya akong hinalikan at hinawakan ang--ah, s**t!
Naipikit ko ng mariin ang aking mga mata nang bumalik na naman sa alaala ko ang mga eksenang 'yon sa guest room nila at parang may kakaibang init na unti-unting bumubuhay ngayon sa loob ko. Kung paano niya ako halikan at kung paano niya haplusin ang p********e ko.
"Ah, s**t! No!"
Mabilis akong kumuha ng isang tabong tubig at ibinuhos sa mukha ko. Nabasa na ng tuluyan ang damit ko at dibdib ko.
Para naman akong nahulasan sa lamig ng tubig.
Paulit-ulit akong huminga ng malalim at kinalimutan ang ekesenang 'yon. Hinding-hindi siya magtatagumpay na makuha ako. Sinisira niya lang ang relasyon namin ng kapatid niya.
***
MATAPOS kong maglaba ay naisipan kong sa labas na lamang mananghalian. Nagtungo rin ako sa palengke at namili ng ilang kailangan kong gamit sa apartment.
Kahit papaano ay may naipon naman ako noong nasa Dubai pa ako. Buwan-buwan din akong binibigyan noon ni tito David ng allowance noong binabantayan ko pa si Darell sa hospital.
Ayaw ko sanang tanggapin noong una dahil maluwag sa puso ko ang ginagawa kong pag-aalaga noon sa anak niya. Pero siya ang mapilit. Bukod doon ay wala akong maipapadala sa mga magulang ko dahil sa paghinto ko sa trabaho sa loob ng limang buwan.
Kaya wala akong nagawa kundi ang tanggapin 'yon. Ginawa niyang triple ang sahod ko noon na labag na sa loob ko. Isa iyon sa hindi alam ni Darell kaya wala siyang dapat na tanawin sa akin na kahit anong utang na loob.
Pakiramdam ko kasi kaya lang niya ako pinakikisamahan ng mabuti ay dahil may utang na loob siya sa akin kahit wala na ang mga 'yon sa ginawang pagbayad sa akin ni tito David.
P'wede ko namang ibalik sa kanya ang kalahati ng pera dahil nasa bank account ko pa rin naman ang mga 'yon hanggang ngayon. Ang iba ay ibinigay ko na kay nanay para sa palayan namin sa probinsiya.
MATAPOS kong mag-ikot-ikot sa loob ng palengke at makapamili ay naisipan ko nang lumabas, bitbit ang isang malaking plastic.
Pinara ko ang tricycle na paparating. Ngunit napahinto ako at napatitig sa itim na kotseng nakahinto sa 'di kalayuan.
Nangunot ang noo ko habang pinagmamasdan ito. Dumako din ang mga mata ko sa plate number nitong DAH 8953. Umiilaw din ang headlights nito.
What the f**k? Sinusundan ba niya ako.
Huminto ang isang tricycle sa harapan ko kaya kaagad akong sumakay. Nangingilabot na ako sa kotse na pakiramdam ko ay palaging nakasunod sa akin kahit saan ako magpunta. Halos matandaan ko na rin ang plaka ng kotse niya.
"M-Manong, sa Bagong Ilog po tayo," ani ko sa driver.
Hindi naman siya sumagot at pagpasok ko sa loob ay kaagad niya ring pinatakbo ang tricycle niya. Nilingon ko ang kinaroroonan ng kotse. Naroroon pa rin naman ito at hindi gumagalaw.
Huwag naman sana siyang sumunod. Sino ba kasi ang driver niyan? Ang creepy niya. Kamukha niya 'yong pusang pumasok sa loob ng bahay ko.
NAKAUWI ako ng bahay nang matiwasay. Hindi ko naman naramdaman ang pagsunod sa akin ng kotseng 'yon. Kaagad kong ikinandado ang pinto.
Hindi kaya si Denver 'yon? Oh, baka kumuha siya ng ibang tao para magbantay sa akin katulad na lang nang sinabi niya sa akin kanina.
Sira-ulo talaga siya. Kaya pala gano'n na lang niya kadaling nalaman itong apartment ko!
Pero ... kung utusan man 'yan ni Denver, bakit pakiramdam ko ay noon ko pa nakikita ang kotseng 'yan? Simula noong tumuntong ako dito sa Manila. Eh, kahapon ko lang naman nakaharap si Denver.
Haayst.
***
KINABUKASAN ay maaga akong nag-text kay Darell.
'Magandang Umaga! Gising ka na?'
Oo, ugali ko na ito. Dahil kung hindi ko ito gagawin, hinding-hindi ko siya makakausap buong maghapon. Ako 'yong palaging nauunang mag-text at tumawag sa kanya.
Ako 'yong palaging nagpapaalala ng mga bagay na dapat niyang gawin tuwing umaga hanggang gabi. Lalong-lalo na ang pagkain niya at pag-inom niya ng gamot. Lately kasi ay napapansin kong dumadalas ang pananakit ng ulo niya. At 'yon ang labis ko nang kinatatakutan ngayon. Baka may mga alaalang unti-unti na ngayong bumabalik sa isipan niya.
Pero wala pa naman siyang sinasabi sa akin. Binabatanyan ko rin ang mga kilos niya. Hindi pa rin naman siya nagagalit sa akin.
Napangiti ako nang makita kong tumatawag siya. Kaagad ko itong sinagot.
"Hi! Kagigising mo lang?"
"Hey, good morning. Yeah, just woke up."
Mas lalo akong napangiti.
"Halata nga. Namamaos pa ang boses mo. Bumangon ka na at mag-breakfast. Gusto mo bang pumunta ako d'yan? Ipagluluto kita."
"Pupunta ako ngayon sa mansion. May problema."
"Ha? Anong problema?"
"Ate Sam is missing since yesterday."
Napahinto ako sa sinabi niya. "Ano? P-Paanong nawala?"
"Someone kidnapped her from the restaurant."
"Diyos ko. S-Sinong maaaring gumawa no'n? May lead ba kayo?"
"We suspect her family. Sila lang naman ang gustong-gustong makuha si ate Sam para maibalik sa UK."
"Kawawa naman sila ni kuya Dylan." Si kuya Dylan ay isa sa nakatatanda nilang kapatid at nobya niya si Ate Sam. Ayon sa kuwento ni Darell ay mag-best friend na raw ang dalawa simula pa noong mga bata pa lang sila.
Parehong sa UK sila ipinanganak at doon din nakatira hanggang ngayon ang pamilya ni ate Sam. Ang ina naman ni kuya Dylan ay namatay sa isang aksidente kasama ang ina ni kuya Dominic.
"At ... may mag-ina na namang lumapit sa akin kagabi na nakaragdag pa sa problema ko."
"M-Mag-ina? Na naman? S-Sino na naman 'yan?" Bigla akong kinabahan sa sinabi niya. Maraming lumalapit sa kanyang mga babae, kadalasan ay mag-nanay pa para sabihing sila ang naiwang mag-ina noon ni Darell.
Nag-aalala ako na baka isa na sa kanila si Sheila. Hindi ko alam kung saan nanggagaling ang mga babae na 'to. Paano nila nalaman na may amnesia si Darell?
"She said she has DNA that will prove that her son is my child."
"Ano?! S-Sino 'yan? Anong pangalan niya?"
"Hindi ko na kinuha ang pangalan niya dahil hindi ako interesado. Mukha siyang babae sa bar."
Bigla akong natawa sa sinabi niya.
"Ano bang hitsura niya?"
"Payat ... morena ... ang kapal ng makeup at lipstick niya. Napaka-igsi pa ng short niya. Halos makita na ang lahat nang itinatago niya. Gusgusin pa 'yong batang kasama niya. Mukhang pinulot niya lang sa kung saan."
"Tumitig ka rin naman."
"Of course not. Mababaliw na yata ako sa mga taong 'to."
"Huwag mo nang isipin 'yang mga 'yan. Ginugulo lang nila ang buhay mo. Ano nga pala ang gagawin niyo ngayong nawawala si ate Sam?" Nakahinga ako ng maluwag dahil mukhang hindi naman si Sheila ang tinutukoy niyang babaeng lumapit sa kanya kagabi.
"I don't know yet. Pag-uusapan pa ng pamilya."
"Anong maitutulong ko?"
"Thanks, Lorna, but leave it to us. The family can handle it. Para hindi ka na ma-stress pa."
"Tutulong ako sa paghahanap."
"No. Mabigat na tao ang kumuha sa kanya."
"May mas bibigat pa ba sa inyo?"
Narinig ko naman ang mahina niyang pagtawa mula sa kabilang linya. Pagtawa pa lang niya ay masayang-masaya na ako. Buo na ang araw ko.
"I just want to inform you that we will be busy today and for the next few days. Baka hindi ko maasikaso kaagad ang kasal natin."
"Okay lang. Unahin mo na muna 'yan kasi problema ng pamilya 'yan. Kailangan ka nila, lalong-lalo na ni kuya Dylan."
"Thanks, Lorna."
"Hindi naman ako nagmamadali. Ahm, pupunta-puntahan na lang kita d'yan. Tatawagan ko rin si Lindsay, baka maipasok niya ako sa trabaho niya."
"Yeah. Ingat ka."
"Ikaw din."
Nagpaalam na kami sa isa't isa bago tinapos ang tawag.
Sandali akong napatulala sa kisame bago bumuntong-hininga ng malalim. Sana mahanap kaagad nila si ate Sam.
Tsk.
Bakit pakiramdam ko ang daming bagay na pumipigil para matuloy ang kasal naming 'to. Mukhang pati ang tadhana ay kontra din sa amin, o baka sa akin lang kasi hindi naman talaga dapat.
Niloloko ko lang si Darell.
***
LUMIPAS ang mga araw at linggo na tuluyan na ngang naging abala si Darell at bihira na kami magkita.