CHAPTER 7: The Return

2247 Words
Lorna Laking pasasalamat ko rin dahil nanahimik din ngayon sa panggugulo sa akin si Denver. Siguro lahat sila ay abala sa pagpapahanap kay Ate Sam na hanggang ngayon ay hindi pa rin nakikita. Isang linggo na ang nakalilipas. Nakalathala na sa mga television at radyo ang pagkawala ni Ate Sam at naglabas na ng malaking halaga si Kuya Dylan para sa makapagtuturo nang kinaroroonan ng nobya niya. Halos mahilo ako sa mga pabuyang inilalabas nila na umabot na sa hundred million. Diyos ko, gano'n kayaman ang mga Delavega. Wala naman akong pakialam sa yaman ni Darell. Siya lang talaga ang gusto ko. Minahal ko na siya sa unang araw pa lang nang pagtatagpo namin sa Dubai. Kahit magkilkil lang kami ng bakal habang buhay ay ayos lang sa akin. Basta siya ang katuwang ko sa buhay. Napatitig ako sa news na dumaan sa news feed ko sa phone ko. May kabang biglang nabuhay sa dibdib ko habang pinapanood doon ang mukha nang magkakapatid at kasama sa kanila si Darell. Milyong-milyon nang tao ang siguradong nakakapanood sa kanila simula pa noong ilathala nila ang balita. At ang kinatatakutan ko ay muli nang nagbalik sa sistema ko. Sa milyon-milyong tao na 'yan, siguradong isa na sa kanila si Sheila. Makikita na niya si Darell. Malalaman na niya ang kinaroroonan ng nobyo niya. Naramdaman ko na lamang ang pagtulo ng mga luha ko sa pisngi. Mapakla akong natawa sa sarili ko. Hindi ko pa nga nakukuha ang puso niya, mababawi na kaagad siya ng una. At siguradong malapit na 'yong mangyari. Anong gagawin ko ngayon? Kailangan kong gumawa ng paraan. Sa akin lang si Darell. Kaagad akong tumayo at nag-isip ng mabuting gawin. Nagpabalik-balik ako ng lakad sa loob nitong unit ko. Muli akong napatingin sa phone ko na kasakuluyan kong hawak. Kaagad kong ni-dial ang numero ni Darell at tinawagan siya. Dalawang ring pa lang ay kaagad din siyang sumagot. "Lorna, good morning." Napangiti ako nang marinig ko ang tinig niya kahit napaka-pormal niya at wala man lang ka-sweet-sweet kung bumati sa akin. Huminga muna ako ng malalim bago ko siya sinagot, "good morning, Darell. Kumusta? Pumasok ka na ba?" "Yeah. Maaga kami ngayon sa office. There's an important meeting." "Tungkol ba kay Ate Sam?" "Sa kumpanya at kasama na rin ang sa kanya." "Nag-breakfast ka na ba?" "Yeah, tapos na. Dito na rin sa office." "P'wede bang dumalaw ako d'yan ngayon? Dadalhan kita ng lunch." "Hmm... there are a lot of reporters outside this building. You might have a hard time getting inside." "Kilala naman ako ng mga guard kaya hindi ako mahihirapan." Dalawang beses na rin kasi akong nakarating sa office niya noong dalhan ko rin siya doon ng lunch niya. "Alright. If I don't bother you." "Hinding-hindi ka magiging abala sa akin." Narinig ko ang mahina niyang pagtawa mula sa kabilang linya. "I'm really lucky to have you." Napangiti ako sa sinabi niya. Hindi ko mapigilang kiligin. "Just be careful. I'll wait for your delicious lunch." "O-Okay. Sasarapan ko talaga. Pangako. Sige, babay na. Makakaabala pa ako sa meeting niyo." "Alright." "I lov--" Biglang naputol ang linya hindi pa man ako tapos sa sinasabi ko. Muli akong natawa ng mapakla at napailing. "I love you, Darell... I love you so much." Nangilid ang mga luha sa aking mga mata ngunit kaagad ko itong pinaypayan at paulit-ulit na huminga ng malalim. Kailangan ko munang magtungo sa talipapa upang mamili nang lulutuin ko ngayon. Isinilid ko sa bulsa ko ang phone ko at kinuha ang wallet ko sa bag ko. Dala ang susi ay lumabas ako ng bahay. Ngunit napahinto ako nang bumungad sa akin ang itim na pusang naabutan ko noong nakaraang linggo dito sa loob ng apartment ko. Nakatingin siya sa akin ngayon habang nakababa ang buntot. Kinilabutan ako sa paraan nang pagtitig niya. Pero matapang ko rin siya tinitigan. "Hoy. Huwag mong sabihing papasok ka na naman sa loob ng bahay ko? Wala kang makukuha d'yan. Wala akong pagkain, mamamalengke pa lang ako." Nilingon ko ang bintana ng kusina ko. Nakita ko itong nakabukas kaya binalikan ko ito at isinara. "Ayan, sarado na. Wala ka nang papasuka--" Napahinto ako nang sa paglingon ko ay wala na ang pusang itim sa harapan ko. Nakita ko itong tumatakbo na sa kalsada at sinusundan ang kotseng itim na pamilyar sa akin. "What the fuck." Kaagad akong humakbang patungo sa kalsada at sinundan ito ng tingin. Natanaw ko ang bahagyang paghinto ng kotse at nakita ko ang pagtalon ng pusa papasok sa nakabukas nitong bintana. "What the--s-so, pagmamay-ari niya ang pusang 'yon?" DAH 8953. 'Yon pa rin ang plaka ng kotse. Bullshit. Kung sino ka man, huwag na huwag kang haharap sa akin, makakalbo kita! "Lorna--" "HAH!!" bigla akong napahiyaw nang may biglang kumublit sa balikat ko mula sa likuran ko. Kaagad ko siyang nilingon at si Danica ang bumungad sa akin na bago ko lang kakilala sa lugar na ito. "N-Naku, pasensiya na. Nagulat ba kita?" "Obvious ba?" Alanganin naman siyang ngumiti sa akin. "Pasensiya na. Nakita kasi kitang may tinatanaw d'yan. Sino ba 'yon?" Marites din 'to, eh. "Yong kotseng itim na 'yon. Nakikita mo ba?" Itinuro ko sa kanya ang kotseng malayo na ang naaabot. "Ah, oo. Palagi ko nga 'yan nakikitang dumadaan dito. Halos araw-araw nga siyang bumibili ng pritong isda sa tindahan ni Aling Bebang para sa pagkain lang ng pusa niya." "Ah, gano'n ba? N-Nakita mo ba siya? Anong hitsura niya?" "Hindi ko pa nakikita ang mukha niya. Naka-hijab kasi siya lagi at sunglasses." "Hijab? Babae siya?" "Oo. Balot na balot nga, eh. Baka muslim." Napakunot ang noo ko at muling tinanaw ang dulo ng kalsada. Ngunit naglaho na doon ang kotse. Sino naman kaya 'yon? Dahil nga lang ba sa isda kung bakit siya dumadaan dito? Eh, bakit parang nakikita ko rin siya sa ibang lugar kung saan naroroon din ako? At 'yong pusa niyang 'yon, pumasok pa talaga sa loob ng bahay ko. Napabuntong-hininga ako ng malalim. Baka naman nagkataon lang. "Bakit? May problema ba sa kanya?" "Ha?" Muli akong napalingon kay Revelyn. "W-Wala. Napansin ko lang kasi palagi ko siyang nakikita." "Baka taga-riyan lang din siya at nagustuhan niya ang panindang ulam ni Aling Bebang." "Oo nga. Sige, maiwan na muna kita." "Ah, eh, Lorna, sandali!" Tangka na akong tatalikod nang bigla niyang hinawakan ang kamay ko. "May kailangan ka?" "S-Saan ka pupunta?" "Sa talipapa. Bibili ako ng ulam." Nagtataka akong napatitig sa kanya. Mukhang may kailangan siya. Bago ko lang siya kakilala at dyan lang sa pangatlong apartment ang tirahan nila ng kapatid niyang lalaki na sampong taong gulang pa lang yata. Kasama niya ang stepfather niya na may asawa daw bago at may isang anak. Naikuwento niya lang sa akin noong magkapanabay kami sa pamimili ng ulam sa talipapa. Sabay din kaming umuwi at bago kami nakarating ng bahay ay may ilan na siyang naikuwento sa akin tungkol sa buhay nila. Nauna lang sila sa akin dito ng isang linggo. Palipat-lipat daw sila ng tahanan. Ang stepfather niya ay palagi kong nakikitang nagsusugal sa kanto kasama ang bago nitong asawa. Ang stepbrother naman niya ay mukhang adik. Minsan ko na 'yong nakasalubong kasama ang mga barkada niya. "Ahm, n-nahihiya ako sa iyo, eh pero k-kakapalan ko na ang mukha ko." "Ano ba 'yon?" nagtataka ko namang tanong sa kanya. "U-Uutang sana ako. Pasensiya na, m-may sakit kasi 'yong bunso ko, eh. Si Lance. Grabe ang ubo at sipon. Nilalagnat na rin siya ngayon. Hindi kasi ako nakapasok sa trabaho buhat pa kahapon kasi walang mag-aalaga sa kanya." Nakaramdam naman ako ng awa, lalo't nakita ko nga kahapon na mukhang may sakit nga ang bunso niyang kapatid. Mabait ding bata si Lance at magalang. "Eh, bakit hindi ka humingi sa tatay niya? Natalo na naman siguro 'yon sa sugal, no?" "W-Wala kasi akong maaasahan do'n. Makakatikim lang ako ng bugbog do'n." "Eto na, bumili ka na ng gamot niya." Kaagad kong binuksan ang wallet ko at naglabas doon ng five hundred pesos. "Salamat, Lorna. Ang bait mo. Pangako, babayaran din kita kapag nakapasok na ako sa trabaho." "Okay lang. Saka mo na isipin." "Salamat talaga. Sabay na tayo para makadaan ako sa botika. Bibilhan ko kaagad si Lance ng gamot." "Oh, sige. Para makainom na rin siya kaagad. Mahirap na, baka lumala." "Oo nga, eh." Nakita kong bumili nga siya ng gamot sa botika. Ako naman ay dumiretso na sa talipapa at namili ng mga lutuin ko para sa pananghalian ni Darell sa opisina nila. Bumili ako ng baka, cabbage, saging at mais. Magbu-bulalo ako dahil napansin ko na sarap na sarap palagi si Darell sa mga masasabaw. Siguro ito ang paborito niya noong nakakaalala pa siya. Kaagad din akong nakauwi at mabilis na nagluto. Habang nilalaga ko ang baka at mais ay sinabayan ko na rin ito nang mabilis na paliligo sa banyo. Isang oras pa naman bago lumambot ang baka. Natapos na ako sa paliligo at nakapagbihis na rin ng maayos na damit ay saka ko inilagay ang mga nakahanda ng saging at gulay. Luto na rin ang sinaing ko. Inihanda ko na ang mga tupperware at nilagyan ng maraming kanin. At nang tuluyan nang maluto ang bulalo ay saka ako naglagay nito sa vacuum insulated food jar thermal. Mas masarap kung mahihigop niya ng mainit ang sabaw. Doon na lang din ako kakain para masabayan ko siya. Dinagdagan ko na rin ng ulam para sa mga kapatid niyang may gusto. Alam kong marami sila doon, pero pagkasyahin na lang nila ito. Nagsama na rin ako ng ilang piraso ng saging na panghimagas. Inilagay ko ang mga ito sa mga supot. Matapos kong mag-asikaso ay tuluyan na rin akong lumabas ng bahay. Twenty past eleven na rin. Sakto, darating ako doon ay lunch na nila. Sakto namang pagkandado ko ng pinto ng bahay ay biglang may dumaan na taxi kaya kaagad ko itong pinara. Wala kasing bumibiyahe na jeep mula dito sa bagong ilog hanggang sa C5. Masyadong malayo at matatagalan ako kung magko-commute ako dahil marami pang pasikot-sikot iyon. Sumakay ako sa taxi at bumiyahe kami patungo sa Taguig. C5 lang ang daan kaya mga ten to fifteen minutes lang ay naroroon na ako. Excited na akong makain niya itong mga niluto ko. Siguro ay marami pa ring reporter ang nag-iipon-ipon doon ngayon. Haay, iba talaga kapag malalaking tao. Pinagpipiyestahan ng media. Hindi nagtagal ay natanaw ko na ang gusali kung saan ang opisina ng mga Delavega. At tama nga, napakaraming tao ang nag-aabang sa entrance niyon. Nagkalat din sila sa buong paligid. "Manong, d'yan na lang po sa tabi. Heto po ang bayad." Iniabot ko sa kanya ang one hundred fifty pesos. Inabot pa rin ng one hundred forty ang metro ko. Hindi ko na lang kinuha sa kanya ang sukli. Mabilis akong bumaba bitbit ang mga supot ng pagkain. Siguradong nagugutom na si Darell at masasarapan siya sa mga ito. Bigla kong narinig ang pagtunog ng phone ko mula sa bag ko. Teka, sino ba 'to? Kaagad kong kinapa ang phone ko sa loob ng bag ko gamit ang isang kamay ko habang patuloy ako sa paglalakad. "Aw! Oh, my God!" ngunit napasigaw ako sa gulat nang bigla na lamang akong bumangga sa isang babae at nabitawan ko ang mga supot ng pagkain kong dala. "N-Naku, sorry, miss! H-Hindi ko sinasadya! Hindi kaagad kita nakita! Pasensiya na!" "O-Okay lang. Hindi naman siguro natapon." Kaagad niya akong tinulungan sa pagdampot ng mga supot sa lupa at iniabot sa akin. Nag-alala akong bigla sa niluto kong ulam. Baka natapon na ang sabaw ng bulalo ko. Kaagad kong sinilip ang kinaroroonan nitong plastic. Wala naman akong nakitang sabaw na natapon sa loob niyon. "Pasensiya na talaga. Hindi kita kaagad napansin. Nagmadali kasi ako." "Haay, mabuti na lang hindi natapon. Okay lang, para kasi ito sa boyfriend ko." Inayos ko muna ang pagkakabitbit ko sa mga supot bago ako tumunghay sa babae. "Hindi kasi siya ngayon makalaba--" Ngunit bigla akong napahinto nang matunghayan ko ang mukha niyang sobrang pamilyar sa akin. Gano'n na lamang ang pagkalabog ng dibdib ko at pangangatal ng katawan ko. Para akong natulos bigla sa kinatatayuan ko. 'Yong mukha niya, 'y-yon na 'yon ang nasa larawan niya. S-Sheila... "Mabuti na lang talaga kasi wala pa naman akong ibabayad sa mga 'yan kung nagkataon. Pasensiya na ulit." Hindi ko na halos maintindihan ang sinasabi niya dahil sa lakas ng kabog ng dibdib ko sa mga sandaling ito. Anong ginagawa niya dito? S-Si Darell ba ang kailangan niya? Nakita na ba niya sa television? "O-Okay ka lang? N-Nasaktan ba kita kanina?" Tinangka niya akong hawakan ngunit kaagad akong napaatras. H-Hindi maaari... "A-Anong ginagawa mo dito?" wala sa sarili kong tanong sa kanya "Ha?" Lumarawan naman ang pagtataka sa mukha niya. "Ahm... M-May gusto lang akong makausap." Napansin ko ang paglipat ng paningin niya sa gusaling nasa likod ko. Nanikip bigla ang dibdib ko. Ibig sabihin ay si Darell nga. Si Darell nga ang hinahanap niya. "Ako nga pala si Sheila. Sheila Guinsod." Inilahad niya sa harapan ko ang kamay niya. Ngunit hindi ko ito magawang tanggapin. Ito na... Ito na nga ba ang kinatatakutan ko. Nasa harapan ko na nga ang babaeng tunay na minamahal ng lalaking mahal ko. Ang totoong nagmamay-ari ng puso ni Darell. At ako... "L-Lorna. Lorna Monsanto," sagot ko sa kanya bago ko siya mabilis na tinalikuran. Isa-isang naglandas ang mga luha sa aking pisngi. Malapit na. Malapit ka nang mawala sa akin, Darell mahal ko. Hindi ko kaya... Hindi ko kaya!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD