LORNA Bigla siyang tumalon sa may dulo ng kama ko at mabilis na lumapit sa akin. Bigla na lamang niya akong niyakap ng mahigpit at mariing hinalikan sa mga labi ko. May kirot akong naramdaman sa dibdib ko ngunit hindi ako nakakilos o nakapanlaban man lang sa kanya. "U-Uuh..." napaungol na lang ako nang hindi ko na makayanan pa ito. Kaagad din namang lumuwag ang pagkakayakap niya sa akin. "God! I was dying to see you... hug you ... and kiss you," aniya sa pagitan nang pagsiil niya ng halik sa mga labi ko. Hindi pa rin ako nakakilos pero medyo lumuwag na ang dibdib ko. Naalala ko ang huling sandali bago ako naaksidente. 'Yong mga salitang binitawan niya sa akin kaya hindi ko mapigilang masaktan. Sunod-sunod pa ring tumulo ang mga luha sa pisngi ko. Hindi ko matanggap 'yon. Akala ko