Lorna "Anong ginagawa mo dito, lalaki?!" Pareho kaming nagulat ni Denver sa malakas na tinig na 'yon ni Tatay na sumambulat sa amin kasabay nang pagbubukas ng pinto. Kaagad na naghiwalay ang mga labi naming dalawa sa isa't isa. Mabilis na sinugod ni Tatay si Denver at sinuntok sa mukha! "Tay!" napasigaw ako sa gulat. Kamuntik nang sumubsob si Denver sa akin ngunit kaagad din naman siyang nakabawi. Mabilis ko siyang hinawakan at iniharang ang isa ko pang braso sa kanya. "Sinasabi ko na nga ba at ikaw naman ngayon ang nananamantala sa anak ko! Papatayin kita, hayop ka!" "Lorcan!" sigaw din ni Nanay kasabay nang mabilis niyang pagharang sa harapan ni Denver. "Itigil mo 'yan! Bakit ba ganyan na lang ang galit mo sa kanya?!" "Bulag ka ba, Marcelina?! Hindi mo ba nakita?!" "Sir." Nagsi