Xyriel's POV
Napabangon ako ng wala sa oras, napatingin ako kay Jewel na nakatingin sa'kin. Bigla kasing may humampas ng malakas sa table ko dahilan para magising ako sa magandang panaginip ko.
Malapit ko na makuha ang mocha at graham flavor na ice cream kay Ira pero hindi natuloy. May nag-udlot!
"Sino ba iyon?" seryosong tanong ko.
Nagpipigil ng tawa ang iba kong kaklase at saka ko lang naalalang nasa klase nga pala ako. Akala ko naman nasa bahay ako.
Tiyaka ko lang napagtanto na si Ma'am pala itong nasa harap ko. Tulad ng mga cliche na story, ganun din ang mangyayari sa'kin dahil strikto naming teacher and nasa harapan ko ngayon.
Napakurap ako nang ilang beses.
"Kamusta naman ang panaginip mo?" Ang mga tingin niya ay parang winawarningan ako. Patay ako niyan kasi naman! "So you want to go to the guidance?"
"Guidance agad?"
Hindi ko tuloy maiwasan sabihin iyon pero hindi parin ako nagpakita ng pagkagalit. Kinamot ko na lang ang ulo ko.
Kagigising ko lang ang sama na ng nakikita ko. Sabi nga nila magbiro ka sa lasing 'wag lang kay Xy na bagong gising. Ang ganda pa naman ng panaginip ko, naputol pa.
"Guidance now!"
"Okay!"
Hindi naman sa wala akong respeto, ayoko lang kasi iyong kagigising ko lang demonyo na nakikita ko. Tss. Nakakabadtrip, maga-guidance pa 'ko. Kahit naman hindi ako tumatakbong Valedictorian or something, kailangan wala parin akong maging records.
"Miss Eun, napadaan ka?" Tanong ng head teacher sa'kin.
"Pinatapon este pinapunta po ako ng teacher," seryosong sabi ko naman.
"Bakit daw? May kailangan ka ba?"
"Ahm, actually naka--" bago pa ako makapagsalita dumating na si Ma'am sungit.
"She slept in my class kaya siya nandito." Halata mo naman ang gulat sa mukha ng Guidance councilor dahil sa narinig.
"Is that true?" Tanong niya. Hindi naman kasi ako ganung estudyante. Sadyang inaantok lang talaga ako dahil dun sa kagabi, you know. Basta iyong atin-atin lang.
"Yes ma'am," mahinang sagot ko. Nakakahiya! Paano kaya kung makarating ito kay Daddy? Ano kayang magiging reaksyon nila kapag nalaman nilang anak ako ng isa sa may-ari ng school?
"Alam mo naman na ang mangyayari kung gagawin mo ulit 'to?"
"Opo ma'am, hindi ko na po uulitin," sincere na sabi ko.
"Okay, sige bumalik ka na sa room mo," ako naman sumunod lang dahil baka may sunod pang world war. Pero deep inside patay na iyong teacher sa utak ko.
Nag-collaborate kasi ang High school na pinapasukan ko ngayon tiyaka ang college na pagmamay-ari ni Daddy so connected parin ito sa isa't isa.
Kapag nalaman ni Daddy na natutulog ako magagalit iyon at hindi ako titigilan sa kakatanong kung bakit ako natulog. O mas asama pa ay ipatapon ako sa ibang bansa.
Pagdating ko naglilinis na lang sila ng room namin, ano ba iyan. May janitor naman estudyante pa naglilinis. Binabayaran naman ang mga iyon ah?
Hinanap ko naman kung nasaan si Jewel. Teka? Bakit ba siya ang hinahanap ko?
Dumeretso na ako sa room nina Ira at hinintay siya. Hindi naman ako cleaners, akala ko pa naman ako ang susunduin niya.
"Hi miss, sino hinahanap mo?" tanong ng isang lalaking hindi ko kilala.
"Ah... eh... andiyan ba si Ira?" Ay shunga, dapat pala Marc. Yaena, choosy pa ba siya? Nakita kong medyo nagtaka siya pero parang naisip din niya kung sino iyong kaklase niyang may Ira sa pangalan.
"Ah oo... Marc may naghahanap sa'yo," tapos lumabas na si ira na may hawak pang walis tambo, cleaners din pala siya. Bigla naman kumunot iyong noo ko pagkakita ko sa kanya.
It means maghihintay ako, gano'n?
"Andiyan ka na pala, wait lang maglilinis pa ako," may pagaalinlangan sa tono ng pananalita niya.
"Okay!" Diniinan ko lang talaga iyong pagkakasabi ko para malaman niya na hindi talaga okay sa'kin iyon dahil paghihintayin niya ang beauty ko, meron ako nun FYI.
"Sige na sige na, bibilisin ko lang," aba at nag-pout pa ang loko.
Naku! Kapag ako hindi nakapagpigil uupakan ko 'yan. Ang ayoko sa lahat ay iyong nagpapa-cute siya lalo na sa harap ko.
"Huwag na Marc. Sige tapos na naman kami," sabi nung lalaking nagtanong sa'kin kanina.
"Ah sige," kinuha na lang niya ang bag niya at sinauli ang walis. Bakit hindi ako ganyan kasipag 'noh? Ayaw naman ako hawaan ni Ira.
Umalis na kami dahil ayoko ng pinag-iintay, gusto ko may libangan kahit papaano. Kahit sino naman ayaw nang pinaghihintay. At isa ako doon.
"Natanggap mo ba ang text ko?" tanong niya sa'kin.
"Huh? Wait!" Kinuha ko naman ang phone ko at tinignan ang text galing sa kanya. Hindi naman kasi ako nagbabasa ng text masyado dahil si Ira lang may alam ng number ko.
From: Bespren Ira ^^
May practice kami soccer wag mo na ako hintayin ;)
Para naman akong ewan na tumingin sa kanya at binigyan siya ng seryoso pero matalim na tingin. Kahit kelan talaga ang lalaking 'to! Dapat sinabi na lang niya ng personal dahil alam naman niyang hindi ako gumagamit ng phone.
"Oo na po, panoorin mo na lang ako maglaro," sabi ni Ira.
"Siguraduhin mong magaling ka," paghahamon ko. Kahit alam ko namang magaling talaga siya, masyado kasi siyang talented.
"Oo naman! Ako pa! Bestfriend mo kaya ako," sabi niya.
"Oo na. Ano namang connect ng pagiging mag-bestfriend natin dun," tanong ko.
"Talented ka naman kasi talaga, gaya ko." Nag-pogi sign pa siya sa harap ko kaya iniwan ko siya sa paglalakad.
Narinig ko pa ang pagtawa niya mula sa likod ko. Sumunod naman siya sa'kin at inakbayan ako ulit. Mga damoves talaga ng lalaking 'to oh!
Pumunta na kami sa may soccer field ng school. Mayaman kasi ang may-ari ng school at kami 'yun. Read it right. Kami ang may ari ng school na ito, kaya nga nakakatulog na lang ako sa klase ng ganun na lang eh.
Isa pa, magrereklamo ba ako kanina tungkol sa janitor kung hindi naman amin 'to? May pa independent pa kasi silang nalalaman pwede naman pag-aralan iyon sa susunod o kaya naman sa bahay.
Malaki kasi ang share dito ni Daddy kaya 'wag na kayong magtaka kung bakit tamad akong mag-aral. Si Ira lang naman pumipilit sa'kin na pumasok sa school kaya araw-araw akong umaattend ng klase.
"Dito ka na lang umupo, okay?" niyaya naman niya ako sa isang bench dito sa harap ng soccer field.
"May choice pa ba ako?" bigla naman siyang ngumiti at tiyaka ako tinignan.
"Wala na," nakuha pa niyang tumawa pagkasabi niya niyan.
"Hmp!" Nagprepare na sila at ako naman nanood lang sa tabi at nanonood. Ang galing pala ng mga soccer player ng school namin lalo na si Ira. Ang cool niyang tignan!
Kahit practice lang namamangha ako.
Inilibot ko ang tingin ko sa kanilang lahat. May nakita naman akong isang pamilyar na tao at pinagsisisihan ko at tinignan ko pa. Nakita ko siyang nagsmirk sa'kin ng titigan ko iyong mukha niya, so feeling niya siya tinitignan ko? Feeling! Pero siya naman talaga tinitignan ko, right? Yeah right.
Nang matapos sila, binalibag ko ng towel si Ira sa mukha pero nasalo lang din naman niya, balibag talaga dahil malakas! Dapat pala bato ginamit kong pambalibag.
"Woah! Galing ko noh?" pagmamayabang niya, tss. Baka hanggang practice lang iyan babalibagin ko na siya ng sapatos.
"Yeah right?" pagtataray ko sa kanya.
"Hanga ka na niyan?"
"Ewan ko sa'yo," lumapit naman siya sa'kin at inakbayan ulit ako. Humarap sa mga ka-team niya at nagsalita.
"Nga pala Xy, pakilala kita sa mga ka-team ko," lumapit iyong ibang ka-teammate niya. Wala sa kanilang panget, lahat sila gwapo. Grabe ang hot nilang lahat. Err! Ang landi ko. Aba! Minsan lang ako pumuri ng tao, madalas puro mukhang unggoy, kabayo at kung anu-ano pang panlalait ang sinasabi ko.
Sa ibang school kasi mga varsity nila hindi naman ganun kagwapuhan. Hindi tulad dito sa school namin na ang gagwapuhan at hot pa kahit pawis na pawis na. Sa ibang school kasi ay kapag pawisan mukhang dugyutin.
"Xy, these are Mark, Jed, Paul and Justin!" Pakilala niya sa mga lalaking kabarkada niya siguro. Hindi naman kasi lahat nandito.
"Guys this is Xy, bestfriend ko." Tapos nag-Hi sila sa'kin isa-isa. Ganun din naman ang ginawa ko. Mukha naman silang mabait lahat, kaso baka hanggang mukha lang.
Nagbihis lang si Ira tapos umalis na kami. Kasabay nga namin lahat ng players eh at nakakatawa silang lahat. Mga jokers ata sila hindi soccer player eh, may isa naman sakanila na tahimik lang si Paul, 'yung nakatama ng bola sa'kin sa ulo.
'Yan alam ko na ang pangalan dahil 'yun ang tawag sa kanya nung iba niyang kasamahan. Hindi ko alam kung bakit pero ang tahimik niya, hindi na niya inopen 'yung topic tungkol dun sa bola. Ako na lang ata hindi pa nakakamove on, hindi ko na lang pinansin dahil busy ako.
Nakita ko naman si Jewel na nakatayo sa may gate.
"Jewel!" Tawag ko sa kanya. Lumapit naman kaming lahat sa kanya. Mukhang kanina pa naghihintay ang isang 'to.
"Ah, Xy ikaw pala."
"Sino hinihintay mo?"
"Ah, eh actually ikaw?" Nahihiyang sabi niya. Napatango na lang ako dahil na din sa hiya, kanina niya pa ko hinihintay?
"Huh? Dapat hindi mo na ako hinintay," sabi ko. Ilang oras ba akong nanonood ng soccer at ilang oras na din siyang naghihintay.
"Hehe, sorry wala rin naman kasi akong magawa sa bahay kaya hinintay na lang kita. Nakita kita kanina sa soccer field pero hindi ako lumapit."
"Dapat hindi mo na lang ako hinintay. Nakakahiya naman sa'yo,"
"Okay lang din," pinakilala din namin siya sa iba para hindi magmukhang rude, naks naman! May nalalaman pang ganun. 'Yung iba naman humiwalay na samin dahil iba 'yung way nila pauwi.
Ako, si Ira at si Paul na lang ang natira, kasama naman ni Jewel si Jed kaya okay lang, mabait naman siya at gentleman. Naunang bumaba si Paul at nagpaalam samin, nang kami na lang nagkaroon ako ng pagkakataon maitanong 'yung tungkol kay Paul.
"Uy Ira," pagtawag pansin ko sa kanya.
"Oh?" Tanong niya nang hindi man lang tumitingin sa'kin.
"Ganun ba talaga katahimik 'yung si Paul?" Tanong ko pero pinanatili ko parin ang pagiging seryoso ng boses ko.
"Oo ganun talaga 'yun, ako nga lang kaclose niya sa team eh. Bakit? May gusto ka sa kanya noh?" Napatingi naman ako sa kanya, dapat hindi na lang ako nagtanong.
"Ah ganun ba, kapag tinanong kung bakit ganun may gusto agad?" Hindi ko maiwasan na pagtaasan siya ng boses. Medyo napatingin sa'min 'yung ibang tao, akala ata may LQ kami. BFQ lang, Bestfriend's Quarrel.
"Haha ikaw talaga, ganun lang talaga siya, wag mo nang pansinin!" Hindi na ako nagsalita dahil baka makulitan lang siya sakin para kasing pagod na siya sa practice nila. Nakapikit na kasi siya, isa pa baka sabihin interesado ako sa kwento ni Paul, seriously?
Hindi ko alam pero nacu-curious ako kay Paul. FYI curious lang. Laki ng pagkakaiba ng curious sa interested, haler!! Parang gusto ko pa siyang makilala ng husto, don't get me wrong, uunahan ko na kayo. Alam ko naman kasi 'yang takbo ng mga utak niyo. Gusto ko lang makipagkaibigan sa kaniya 'yun lang 'yun. Ang pangit kaya ng una naming pagkikita, right?
Pagdating sa bahay kumain ako, naalala ko na naman si Gaile, basta pagkain siya agad nasa isip ko. Wala na naman si mommy kaya ako ulit mag-isa, gusto ko kasi ng kapatid sana magkaroon pa ako nun. Ang hirap kasi maging lonely ang lungkot lungkot sa bahay ngayong wala pa si Ira, kahit makulit, o ano man basta gusto ko ng kapatid.
Pagkatapos ko kumain pumunta na ako sa kwarto ko at nag-ayos. Wala na akong ibang gagawin kundi manood ng manood. 'Yun lang naman ang hobby ko sa araw araw.