Chapter 4

1844 Words
Xyriel's POV "Hindi ka naman matutulog ulit, 'diba?" "Oo na nga." Nakakainis naman 'tong si Jewel. Parang nakatulog lang isang beses makademand ang OA. Baka raw kasi wala akong matutunan kung matutulog lang ako. FYI kahit hindi ako makinig mataas grades ko, 'yun nga lang hindi ganun kataas dahil na rin sa behavior ko. Wala naman akong magagawa kasi nakasanayan ko na 'yun. Napapadalas na rin ang pagsama ko kay Jewel, minsan kasabay din namin si Ira. Close na close na rin sila pero wala parin tatalo sa closeness namin ni Ira noh! Nandito ako sa canteen at kasama ko si Jewel. See? Close na kami, ang kulit lang niya kausap pero i'm enjoying her company kaya okay lang naman. "Xy, 'diba si Paul 'yon?" Napatingin naman ako sa dereksyon na tinuro ni Jewel. "Oo nga noh?" Sabi ko. Pero ang hindi ko maintindihan kung bakit pati iyon napapansin pa niya. "Akala ko ba magkakasama sila?" Tanong na naman niya. Malay ko ba? Hindi naman niya ako kabarkada. Bahala siya diyan. "Hayaan mo na baka kaklase lang niya 'yan," iba kasi 'yung mga kausap niya ngayon kaya naman itong si Jewel nahiwagahan na agad. Kung anu-ano na pumapasok sa isip niya. "Baka nga tama ka," may halong pagdududa parin na sabi niya sabay iwas na ng tingin kina Paul. Kakaiba talaga ang babaeng 'to. Madalang ko lang makita sa school 'yung mga kasama niya pero naka-uniform naman kaya ka-schoolmate namin 'yan for sure. Nakatingin na siya kina Paul at tumahimik bigla... "Hoy," tawag ko sa atensyon niya. Ganun na ba ka-big deal sa kanya ang pagsama ni Paul sa iba? Si Ira nga ang bestfriend ko pero si Jewel ang kasama ko, ano naman kaya 'yun? "Oh?" "Baka naman matunaw na si Paul niyan?" Nakatingin na naman kasi siya sa dereksyon nila. Hindi kaya may gusto siya kay Paul? Hindi pwede...I mean, ano bang pakialam ko? "Para kasing may mali eh," huminga ako ng malalim bago magsalita. Minsan nakaka-frustrate din ang isang 'to. "Ano naman 'yun?" "Ah wala wala nevermind na nga lang," ang weird talaga ng babaeng 'to, Hindi ko siya maintindihan. Minsan serious minsan makulit pero madalas gutom, nothing changed. Bumalik na naman kami sa room at Grabe! Ang kalat parang room ng pre-school. Well mas malinis pa pala room ng pre-school dito. Parang dinaanan lang naman ng bagyo tsunami at ng kung ano pa man, bahala na kayo mag-imagine. Pumasok ako sa room and swear mapapatakip ka ng bibig, ang bango niya parang banyo. Gross. Maya maya dumating na yung adviser namin at halata mong gulat. Sino ba namang hindi magugulat sa makikita nila diba? "What the hell happened here?" Sari saring comments naman ang natanggap niya sa students. Ako naman wapakels bahala sila diyan para namang may ginawa ako. Hindi naman convince si Ma'am Krissa kaya naman napahawak na lang siya sa noo niya. Sabay sabing, "Okay, dapat magkaklase na tayo pero dahil dito maglilinis kayong lahat," napanganga na lang ako pero walang sinabi. As if naman papayag 'yan kapag umangal ako, duh! Naghiyawan naman 'yung iba kasi naman spell E-W? Edie Yuck! Parang dumpsite lang. Let me rephrase it 'mas masahol pa sa dumpsite! Masama ba 'yung sinabi ko? Just stating the fact here. Mahaba habang linisan 'to ha? Kahit naman maganda ako masipag parin ako. Nagsimula naman na kami sa paglilinis kahit labag sa kalooban ko. Hindi ko pinangarap na maglinis sa tanang buhay ko ah. Masipag? Masipag matulog, kumain at gumala kamo pero okay na rin nagiging maganda ang image ko dahil ang dami kong naging kaibigan. Sina Angelica at Rhea ang naging kaibigan namin. Magkaibigan na raw silang dalawa simula pagkabata. Si angelica DAW ang naturingang hearthrob. Sabi nila eh, go lang! Si Rhea naman mamatay ka na sa katatawa siya, si dakilang poker face. Basta ngiti lang ang hindi alam gawin sanay magalit mainis pero smile wala ata sa bokabularyo niya 'yun eh. Nagpatuloy lang kami sa paglilinis namin at malamang nakakapagod. Kayo kaya dito? May punishment daw ata para sa mga hindi naglilinis. Mga babae lang nga kami eh walang lalaki, Ilalabas na lahat ng upuan at 'yung dala ko gumaan. Si Bestfriend Ira lang pala. "Ira ikaw pala," seryosong sabi ko. Hindi ako sanay sa paglilinis kaya mabilis akong napapagod. "Ako na." Dinala na niya yung upuan at pinila sa labas. Bale nilalabas lahat para malagyan ng floor wax 'yung sahig. "Anong ginagawa mo rito?" Tanong ko. "Napadaan lang, mag-CR sana ako eh." "Ah ganun?" "Anong ginagawa niyo, bakit naglilinis kayo? Oras ng klase ngayon ah?" Tanong niya. "Obviously, kasi madumi," sabi ko. Pinisil na naman niya ang pisngi ko kaya tinapik ko ang kamay niya. "Ikaw talaga," tapos ginulo pa 'yung buhok ko. Tinignan ko siya ng matalim pero ngumiti lang siya, napairap na lang ako. "Miss eun, want to know your punishment?" "Hind po ma'am, sige Ira una na ako." "Sige pagbutihan mo," sabay alis naman Ira ako naman pinagpatuloy ang paglilinis. Panira naman kasi. "Xy, sino 'yun?" Tanong ni Angelica habang nagwawalis. Hindi bagay sa beauty niya ang paglilinis ng room. "Bestfriend ko si Ir-Marc pala," ayoko kasing may ibang tumatawag na ganun kay 'Ira. Selfish na kung selfish pero ganun talaga. Gusto ko kung ako lang, ako lang dapat! "Parang nakita ko na nga siya eh," tinigil niya ang pagwawalis at umakto na parang nag-iisip. "Saan naman?" "Soccer player siya 'diba?" Tanong niya. "Yhup! How'd you know?" tanong ko naman. Medyo naboboring-an na ako sa ginagawa ko. Wala namang ibang ginagawa kundi ang maglipat ng mga upuan. "Nanonood kasi ako nun eh." Bukod sa mga gwapo ang mga soccer players ay ma-appeal din pala sila. Mukhang may gusto ang isang 'to sa isa sa kanila. "Ah, may pinapanood ka dun?" Tanong ko. "Actually kuya ko soccer player eh," napatingin ako sa kanya pagkasabi niya niyan. Okay, mali ang nasa isip ko. "Ah sino naman 'yun?" "Ah si Justin." "Ah." Ang alam ko yung Justin na 'yun masungit eh. Ang layo ng personality nila ng kapatid niya, totally different. "Sige kukuha lang ako ng tubig sa CR ah?" Paalam ko. "Sige." Nagtuloy ang siya sa pagwawalis habang ako naman sa CR nagderetso. Nilagyan ko na ng tubig, ako kasi ang nag-mop kanina kaya ako na bahala sa tubig. Sa may tabi ng girls CR ay boys CR pero hindi magkaharap ha? "Paul mamaya ah?" Rinig kong sabi ng isang hindi pamilyar na boses ng lalaki. "Sige." "Mauna na ako." Siguro hindi naman si Paul 'yun ng Soccer Team pero parang...bahala na. Si Paul nga, Paul Surio, 'yung kasama ni Ira sa soccer. Ang lalaking nakatama ng bola...aist! Kalimutan mo na nga 'yun Xy. 'Yung kasama naman ni Paul nginitian lang ako. FC Much? "Xy, Ikaw pala," ngayon ko lang napansin ang gwapo ng boses niya. Behave Xyriel!! Magagalit si Bestfriend Ira. "Paul, sige naglilinis kasi kami ng room eh." "Ako na," siya na naman ang nagdala ng timba ako naman nasunod lang sa kanya. Ewan ko kinikilig ako kasi ang gentleman niya eii. Hindi ko namalayan nasa room na kami. Bakit parang ang bilis naman? Nakakabitin! "Thanks Paul ha?" "No problem," ginulo niya 'yung buhok ko then nagsmile siya. Uy nagsmile na siya sakin. Hindi kasi ako sanay na ngumingiti siya kaya nakakapanibago. "Sorry nga pala nung una nating pagkikita ah? Medyo hindi maganda," paghingi ko ng paumanhin sa kanya. Kasalanan ko rin naman kasi diba? "Okay lang, sorry din. Okay na ba 'yung ulo mo?" Tanong niya, ayiee! Concern ang lolo niyo oh? Kelan pa naging ganito ang utak ko? Lumandi ata? Sumeryoso ka nga Xy!! "Oo, hindi na naman siya nagkabukol," sabi ko na lang, hindi naman kami nag-usap ng matagal dahil baka pagalitan na naman ako ng teacher namin. Nakita ko si Angelica na nakatingin kay Paul habang nakasilip sa pinto. Hmmmmmm. Alam niyo naiisip ko, kung hindi ang slow niyo naman. "Hoy," tawag pansin ko sa kanya pero Deadma ang beauty ko. "Hoy Angelica!!" "Huwag ka nga magulo," Aba. Ganito ba nagagawa ng pag-ibig sa taong 'to? Nakakabaliw ng utak? Kaya ayoko ng salitang pag-ibig na 'yan eh. "You like Paul?" Hindi ko na matiis magtanong eh. "H-hindi noh," pagde-deny pa niya kahit halata masyado sa mukha niya. "Wag magsisinungaling sa hindi maniniwala." "Xy tulong naman oh," napatingin ako kay Jewel na ang daming dala. Ang dami niyang dala, dali dali ko naman siyang tinulungan. "Kinareer mo naman paglilinis," seryosong sabi ko sa kanya. "Kasi naman si Danica and friends ayaw tumulong eh." Pagtingin ko. Aba!! Prinsesa? Nilapitan ko naman ayoko ng away pero mas ayaw ko sa mga unfair. Pacute pa 'yung iba na nadaan na boys sa labas ah. Nilagay ko 'yung libro padabog sa mesa kaya naman napasinghap na lang sila. "Sorry nangangawit na kasi ako, patulong naman," sabi ko. Hinawakan ko pa ang balikat ko para dagdag props sa acting ko. "Wha the--" hindi ko na siya pinatapos mag-salita. Kung titignan mo siya may pagka-spoiled brat na. "Salamat," pagkasabi ko niyan ay umalis na ako sa harap nila pero napatigil din ako ng hawakan niya ang braso ko. "Wait, sino ka naman para utusan ako?" Tanong niya. Hindi pa pala ako nagpapakilala, baka naging rude 'yun sa harap niya. Nilahad ko naman ang kamay ko sa kanya at seryoso siyang tinignan. "Xyriel Eun at your service," nakatingin lang siya sakin na parang hindi makapaniwala. Nang hindi niya tinanggap ay nagflip hair na lang ako. "I'm not yet finish," napaghahalataan ko lang kanina niya pa ako hinihigit ha? Nakakailan na siya, pigilan niyo ko. Kanina nilahad ko ang kamay ko hindi ako pinansin, ngayon naman manghihila siya? Niloloko ata ako ng babaeng 'to. "Maglilinis pa ako eh," kalmadong sagot ko. "Hindi mo ba ako kilala?" Tanong niya. Hindi parin ako ngumingiti o nagpapakita ng kung anong emosyon sa kanya. "Danica?" Hindi siguradong sagot ko. Naalala ko kasing nabanggit ni Jewel sakin 'yun kanina. "What's happening here?" Tanong ni Ma'am na kararating lang. "Nothing ma'am nagpapatulong po kasi si Danica maglinis, di po kasi sanay," magalang na sagot ko sa kanya. "Oh? Please, just continue." Wala kasi si Ma'am kanina kaya papetiks petiks lang sila ngayon binabantayan na kami. Lagot na sila kapag hindi sila sumunod kay ma'am. Ayoko namang maging unfair lalo na dun sa iba na pawis na pawis na kakalinis. Pero bago 'yun... "Hindi pa tayo tapos Eun." "Whooo. I'm scared!" Nainis ata sa sinabi ko kaya nagwalk out na lang. Sina Angelica naman natatawa lang sa isang gilid. Syempre excluded dun si Rhea dahil nakatingin lang siya sakin. Nagtuloy pa kami sa paglilinis namin hanggang sa natapos. Pinagpahinga kasi at natulog sa susunod na subject. Dapat lang noh!! Nakakapagod kayang maglinis ng buong room, try niyo. Dinaig pa namin ang mga Janitor na naglilinis ng mga banyo. Bawat sulok nilinis namin at nakakita kami ng napakaraming alikabok na nakatira sa room namin. Ngayon alam ko na ang pakiramdam ng mga naglilinis ng mga basura. Parang anytime maso-sufocate ka dahil sa dami ng kalat. Well, hindi naman makukumpleto ang high school life kung hindi ka matututo at makakaranas ng paglilinis, right?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD