Chapter 1
Xyriel
"Hoy, Xy!" tawag sa 'kin ng best friend kong si Ira na prenteng nakaupo sa sofa namin.
Nakatambay kaming dalawa sa bahay dahil wala kaming magawa. Napapadalas na naman kasi ang pagsama ko sa kaniya. Wala naman akong ibang kaibigan bukod sa kaniya.
"Hoy ka rin!" sigaw ko pabalik sa kaniya.
"Bili tayo ice cream," yaya niya.
Kuminang naman ang mga mata ko dahil sa sinabi niya. Kahinaan ko talaga ang ice cream lalo na kung libre. At saka, sino ba naman ang tatanggi kapag grasya na ang lumalapit sa inyo?
"Sige. Libre mo ha?"
"Sige na nga. Tara!"
"Napipilitan ka 'ata eh," sabi ko naman.
Natural na sa akin ang maging ganito pero sa harap lang ni Ira. Iba kasi ang inaasta ko sa harap ng ibang tao. Naging komportable na rin kasi ako sa tuwing kasama ko siya. Parang nagkaroon ako ng kaibigan at kapatid sa katauhan niya.
"Oo nga eh," seryosong sagot niya.
Kung hindi ko lang siya kilala iisipin kong totoo ang sinasabi niya. Ang galing kasing umarte ng lalaking 'to! Hindi ko alam kung kanino nagmana. Parehong businessman lang naman ang mga magulang niya. Hindi artista.
"Eh 'di 'wag na lang." Ngumuso ako.
Nakakainis talaga siya kung minsan! Minsan na nga lang ako magpalibre sa kaniya. Para naman kaming hindi magkaibigan nito eh! Gusto ko sana sabihin sa kanya 'yan kaya lang huwag na lang. Nakakahiya! May limitasyon din minsan ang kakapalan ng mukha.
"Ito naman, joke lang. Tara na nga!"
Hinila na niya ako palabas. Mahilig kasi kami pareho sa ice cream kahit no'ng mga bata pa lang kami.
Marami na rin kaming na-share sa isa't isa at napatunayan na namin minsan ang pagkakaibigan namin dahil sa tinatawag nilang trust. Nangako kami sa isa't isa na wala kaming ibang pagkakatiwalaan kundi ang mga sarili namin. Hindi naman namin alam kung kailan darating ang panahon na 'yon pero hindi malabong hindi mangyari. Nakasisiguro ako!
Hindi na kami mga bata at kaya na naming dumepende sa sarili namin kahit na wala ang tulong galing sa mga magulang namin. Magko-kolehiyo na rin naman kami kaya habang maaga dapat masanay na kami.
Nagpalit muna ako ng maong short at white t-shirt bago lumabas. Bumili na kami ng ice cream namin at umupo sa swing. May playground rito kung saan madalas kami ni Ira. Bata pa lang nakatayo na ito rito kaya lang maraming nawalang mga laruan kasi mga luma na at baka makadisgrasya pa ng ibang mga bata.
"Ang bilis ng panahon 'no?" panimula ni Ira sabay dila sa ice cream niya.
Pareho lang kaming kumakain ng ice cream. Nakatingin lang sa kabuuan ng playground at nag-iisip ng kung ano. Magkatabi kaming nakaupo sa swing ngayon.
"Oo nga eh. Parang kailan lang."
Ilang minuto pa ay bigla siyang tumayo. Pumunta siya sa likod ko at tinulak ang swing ng medyo may kalakasan. Kasalukuyan ko ring inuubos ang ice cream ko.
"Parang kailan lang naghahabulan tayo rito." Pagkasabi niya ay inihinto niya ang pag-swing at pumunta sa harapan ko.
"1, 2, 3—" pagsisimula niyang magbilang.
Hindi ko na siya pinatapos dahil alam ko na ang ibig sabihin n'on. Tumakbo ako nang mabilis para hindi niya ako mahabol.
"—9, 10." Pagkabilang niya ay hinabol na niya ako. Ako naman tumakbo nang palayo sa kaniya.
Ang bilis niyang tumakbo. Parang kabayo! Nahuli niya agad ako.
"Ang daya! Ang bilis mo tumakbo," sabi ko habang hingal na hingal na. Hawak ko ang magkabilang tuhod ko habang nakatingin sa kaniya. Pareho kaming hapong-hapo sa paghahabulan na parang mga bata. Hindi ko tuloy napigilan ang mag-pout. May lahi kasing kabayo ang isang 'to kaya ang bilis tumakbo. Sabi pa ng mama niya lagi siyang sumisipa noong nasa tiyan palang siya nito. Ang g**o raw niya!
"Hindi kaya. Maiksi lang talaga binti mo!" Nang-aasar na naman siya. Kahit kailan talaga!
"Hindi kaya."
"Oo kaya, pandak ka kasi."
Sinimulan na naman niya akong asarin at nang mapagod kami ay naghanap kami ng lugar kung saan pwede tumambay. Wala kasing masyadong tao sa playground kaya ang tahimik. Allergy kaming pareho sa tahimik na lugar.
Ganiyan lang din naman kami lagi. Gala, tambay o kung minsan, I mean, madalas ay asaran na lang. Humiga lang kami sa damuhan sa may soccer field malapit sa playground. Pero hindi naman ganoon kalapit, iwas aksidente na rin.
"Nakakapagod."
"Malamang tumakbo tayo eh," sabi niya at tumabi sa 'kin nang biglang may lumilipad na bagay ang tumama sa ulo ko. Parang yumanig ang mundo ko pagkatama nito sa noo ko.
"Aray!" angal ko.
Napatayo tuloy nang wala sa oras. Naku naman! Sino ba 'yong epal na 'yon? Tinamaan ba naman ako ng bola ng soccer? Take note, sa ulo ah. Nakaka-bad vibes! Sakit kaya!
"Sorry, miss," sabi ng nakatama ng bola. Aba at hindi makatarungan ito! Kailangan ko lumaban. Iyan ang sabi ni best friend Ira.
"Kung lahat ng pagkakamali ay nadadaan sa paghingi ng sorry, eh 'di sana hindi na kailangan ng pulis."
Nabigla siya sa sinabi ko. Hindi yata inaasahang tatarayan ko siya. Why not? Close ba kami para maging mabait ako sa kaniya? Isa pa, may kasalanan kaya siya sa 'kin.
"Tss. Sa pagkakaalam ko kasi soccer field ito at hindi tulugan. Bakit ka ba kasi dito nahihiga? Mukha ba 'tong higaan?"
Aba't! Papatalo ba ako sa tabas ng dila niya? Mas matalim ang akin!
"Ang laki-laki kasi ng field sa 'kin mo pinatama. Nananadya ka yata e!" With matching taas pa ng kilay habang si Ira naman pinipigilan lang ako sa tabi ko.
Bago pa ako makapagsalita ulit ay tinakpan na ni Ira ang bibig ko. Nakakainis talaga 'tong si Ira! Kailangan ko makaganti sa hindi ko kilala at wala akong pakialam na lalaking ito! Pero infairness, ang bango ng kamay ng best friend ko ha?
"Sige, pasensya na sa inasal niya ha?" paghingi ng paumanhin ni Ira.
Bakit ka humihingi ng sorry? Hindi ka naman may kasalanan kundi ang isang 'to! Gusto ko sanang sabihin 'yan kaso lang hawak pa rin niya ang bibig ko. Hindi ko matanggal dahil mahigpit kasi talaga ang pagkakawak niya. Tss!
"Okay lang. Sorry ulit, miss." Humarap siya kay Ira. "Ingatan mo 'yang girlfriend mo, pare."
Tapos umalis na siya tiyaka inalis ni Ira ang kamay niya. Girlfriend? Pwede rin. Napahagikgik na lang ako dahil sa naisip ko pero nawala din iyon nang maalala ko ang ginawa ni Ira. Napatingin ako sa kaniya nang masama.
"Ira naman eh!" pagtatampo ko sa kaniya sabay pout ulit. On second thought, hindi ko pala kayang magalit sa kaniya. Bigla naman niyang pinisil ang mataba kong pisngi. "Aray! Tinamaan na nga sa ulo pamumulahin mo pa 'tong pisngi ko!" angal ko sabay himas ng pisngi.
Maraming nagsasabi na cute ang pisngi ko kaya wala siyang karapatan hawak-hawakan lang 'yan. Mahal ang bayad sa paghawak niyan!
"Sorry, it's just that you're too cute," sabi niya at ngumiti. Nagsisimula na naman siya. Nagsisimula na namang mang-asar!
"Nang-aasar ka na naman. Tara na nga."
Tumayo na ako at pinagpag ang palda ko. Pinagpag din niya ang shorts niya at naglakad na kami paalis. Baka kung anong magawa ko sa mga tao rito lalo na sa lalaking nakatama ng bola sa 'kin.
"Kilala mo ba 'yong lalaking iyon?" tanong ko kasi parang close na sila no'ng nag-usap sila o baka naman likas sa mga lalaki ang magsabihan ng pare? Pero naaasar pa rin ako sa lalaking 'yon. Hmpf!
"Oo, kasamahan ko siya dati sa soccer."
Tumango na lang ako. Kaya naman pala! Pero ayoko pa rin sa kanya. Gusto ko sanang tanungin pangalan kaya lang baka naman tuksuhin ako nito. Tulad ng sabi ko ayoko pa rin sa kaniya! Hindi na naman siguro kami magkikita ulit.
Naglakad kami hanggang makarating ng bahay. Hindi syempre nawala ang asaran namin. Si Ira pa, eh, dakilang mapang-asar 'yan.
Napagpasyahan kasi naming manood ng sunset bago umuwi. Maganda kasi itong view sa lugar namin. Hindi rin nawawala ang food on hand!
"Ang ganda ng langit 'no? Ang laki at perpekto," bigkas ko. Napatingin naman ako sa araw at napansin kong maraming ibon ang lumilipad roon.
"Pagdating ng panahon, sisiguraduhin kong magiging ako ang araw na 'yan," weird na sabi niya.
Napatingin ako sa kaniya. Nakasandal kasi kami sa likod ng isa't isa.
"Ano ba naman 'yang pinagsasabi mo?" tanong ko. Ang dami-daming pwedeng ikumpara ang sarili, sa araw pa. Pwede namang kwago na lang!
"Ako ang araw na 'yan, titingalain ng marami at pagkakaguluhan. Parang bituin, pero kumpara sa bituin mas malaki ako sa kanila. At mas malapit."
Wala man akong naintindihan sa sinabi niya ay tumahimik na lang muna ko.
"Ikaw ba, Xy, wala ka bang pangarap?" tanong niyang bigla sa 'kin.
Kumunot ang noo ko. "Wala. Hindi ko pa alam. Baka nga business ni mommy ang hawakan ko kaya hindi na ako nag-aalala na mawalan ng trabaho," sagot ko.
Nagb-business kasi si mommy habang si daddy naman ay may-ari ng isang arts school sa bansa. Kaya naman lagi silang busy! Pero ayos na rin na madalas silang busy dahil ayokong makita sila sa bahay araw-araw. Kahit isang segundo pa!
"Ano ka ba naman, Xy! Hindi mo alam kung anong pwedeng mangyari sa hinaharap. Malay mo ibenta ni tita ang company o kaya malugi. No one knows, kaya kailangan magplano ka na."
"Anong magagawa ko, eh, hindi ko pa naman 'yan pinag-iisipan? Isa pa marami namang pwedeng gawin diyan para magkapera 'no!"
Tama naman ako, 'di ba? Sa tingin ko nagiging OA lang ang reaksyon nitong si Ira.
"Bahala ka nga. Kahit kailan ka talaga. Sayang ang talento mo kapag hindi mo ginagamit. Tara, hatid na kita sa inyo," pag-aya niya.
Tumayo na rin ako at niligpit ang inupuan namin. Dumeretso naman kami pauwi sa 'min dahil madilim na.
"Sige, una na ako," paalam niya pagkarating namin sa harap ng bahay namin.
"Sige, bye."
Naglakad na siya palayo at hindi man lang ako nililingon pabalik. Magpapa-miss na nga lang siya hindi pa mamamansin.
"Ingat sila sa 'yo!" sigaw ko sa kaniya. Humarap naman siya sa 'kin ng nakangiti at nag-wave ng kamay.
"Sige na, baka hindi ako makauwi niyan."
Then tumalikod na siya sa 'kin. Lagi ko na lang 'tong nararamdaman. Iyong tipong parang ang bigat ng pakiramdam ko tuwing maghihiwalay kami. Malay ko ba sa sistema ng katawan ko kung bakit ganito.
Baka kasi nasanay lang ako na lagi siyang nandiyan sa malapit. Halos magkapalit na kasi kami ng mukha dahil lagi kaming nakikitang magkasama kahit no'ng elementary pa lang kami. Ang nakakapagtaka ay hindi man lang siya nagkaka-interes sa ibang babae. Minsan naisip ko, bakla siguro siya kaya gano'n. Itatanong ko na lang minsan sa kaniya ang mga ganoong bagay.
Nang mawala na siya sa paningin ko ay pumasok na ako. Sinalubong na naman ako ng mga yaya sa bahay namin. Oo, ang OA kasi ni mommy. May nalalaman pang maid sa bahay. Mas lalo ko tuloy nalalaman na wala sina mommy at daddy sa bahay kapag nakikita ko sila.
Lumapit sa 'kin ang pinaka-head.
"Mauna na raw po kayong kumain. Mala-late daw po ng uwi ang mommy mo."
As usual, mas uunahin ni mommy ang trabaho kaysa sa 'kin na anak niya. Tiyaka si Daddy naman nasa ibang bansa at may aayusin pa na hindi ko alam kung ano. Madalas naman kasama si mommy. In the end, mag-isa na lang ako lagi.
"Pakiakyat na lang po sa kwarto ko."
"Okay, Miss Xyriel," sabi ng head tapos nag-bow pa.
Psh! Ang kulit naman niya. Sabi na ayokong tinatawag na miss eh. Misis kasi... hindi biro lang! Basta ayoko ng miss, masyadong formal.
Umakyat na lang ako sa kwarto ko at kinuha ang laptop ko, in-open ko ang sss ko then, new tab. Nanonood kasi ako ng paborito kong anime. Nagiging hobby ko na rin kasi ang panonood nito. Nakakahawa kasi si Ira.
Bukod sa pag-aasaran naming dalawa, nagkakasundo kami sa mga ganitong bagay. Minsan naman nagkakasundo kami sa pagkain pero ang ayaw ko sa kaniya ay ang passion niya sa music samantalang ang ayaw naman daw niya sa 'kin ay ang pagiging seryoso ko.
Habang nanonood ay nakita kong nag-pop out ang conversation namin ni Ira. Tinanong lang niya ako kung anong ginagawa ko kaya sinagot ko siya.
Pagkatapos no'n wala ng kasunod. Minsan talaga ang boring nitong ka-chat! Kung hindi mang-aasar tipid na salita lang ang sinasabi pero 'pag nagkita kami masasabi mo namang sulit kasi ang daldal ng lalaking 'to. Daig pa chismosa sa kanto.
Narinig ko naman ang katok sa pinto ng kwarto ko kaya pinapasok ko ito.
"Miss Xyriel, ito na po pagkain niyo," biglang pasok naman ni Yaya Rosing, ang head ng mga maids sa bahay. Mabait siya at parang pangalawang nanay ko na rin. Kahit minsan tinatawag niya akong miss, medyo malapit naman kami sa isa't isa.
"Pakilagay na lang po riyan," utos ko. Nilagay na niya sa mesa pero bago ako kumain nagpaalam muna ako kay Ira. Tatay ko 'yan eh!
Pagtapos kong kumain nag-chat na ulit kami ni Ira. Hindi namin namalayan na gumagabi na kaya napagpasyahan naming matulog na. May pasok na rin naman kasi bukas kaya bawal ma-late.