Chapter 9

2245 Words
Xyriel's POV Pauwi na kami dahil pagod na rin naman kami kanina. Nauna nang umuwi sina Jewel, Rhea at Angelica. Kaya naman kasama ko na 'tong lalaking makulit na 'to pauwi. Dadaanan ko na lang muna pala si Ira sa may soccer field. "May joke ako sayo Xytot," 'Yan na naman yung Xytot na 'yan, nakakailang naman kasi may tawagan na agad kaming dalawa. "Ano naman 'yun? Baka korny yan ha?" Tanong ko. Hindi naman ako mahilig sa joke pero tignan na lang natin. "Kaya nga joke eh, syempre nakakatawa," seryosong sagot naman niya. Nagawa pang gayahin ang ekspresyon ko, tadyakan ko siya eh. "Oo na nga sige ano 'yun?" Tanong ko na lang. Baka kulitin ba ako ng kulitin eh. "Bakit maalat ang tubig ng dagat?" Tanong niya. Seryoso siyang nakatingin sakin. Ganun din naman ang ginawa ko. "Sumagot ka naman!" "Oh eh, bakit?" Tanong ko. "Subukan mo namang manghula, dali! Bakit maalat ang dagat?" Tanong niya ulit. Kumunot na naman ang no ko dahil doon. Hindi pa pick up line ito? Ganito nauuso sa room namin eh. "Malay ko ba, hindi naman aking joke 'yan! Bakit nga kasi?" Tanong ko. Nakita kong nadismaya siya sa naging sagot ko kaya naman sinagot na lang niya. "Edi, para hindi mapanis ang isda!" Pagkasabi niya niyan ay tumawa pa siya ng tumawa samantalang ako tahimik lang na nakatingin sa kaniya. Hindi ko mahanap kung nasaan ang nakakatuwang parte doon. "Iyon na ba 'yun? Kailangan ng tumawa?" Hindi makapaniwalang tanong ko sa kanya. Dapat sumayaw na lang siya sa harap ko baka sakaling matawa pa ko sa kaniya eh. "Ito naman hindi mo ba naintindihan, simpleng joke lang eh," may halong pang-iinsultong sagot niya. Tinignan ko na lang siya ulit ng masama. Nakakainsulto ah? "Oo naintindihan ko kaso ano naman nakakatawa dun?" Tanong ko na lang kahit na gusto ko na talaga siyang tadyakan. "Hindi ka marunong mag-appreciate ng joke," sabi niya sabay pinch ng pisngi ko pero nakita ko na lang siyang nakahilata sa sahig. Hindi ko alam kung anong irereact ko pero natawa na lang ako bigla ng malakas. Bigla kasi siyang nadulas tapos epic 'yung mukha niya. Kung makikita niyo lang tapos tumingin tingin pa siya sa paligid na parang inosenteng bata. Kung ito na lang ang sinabi niyang joke kanina ay sana natawa pa ako. Nakakatawa talaga siya promise. Haha! "Sino ba naman kasi kumakain ng Saging tapos tinapon lang dito? May lahi atang unggoy 'yun," sabi niya. Natawa lang ako nang tawa kaya ng mapansin niya ko tinignan niya ko ng masama. "Bakit ka ba tumatawa?" Tanong niya. "Kasi nakakatawa, 'yun na ba 'yung joke mo?" Natatawang tanong ko sa kanya. Sumimangot siya dahil sa sinabi ko. "Ewan ko sayo!!!" Lalong naman akong natawa dahil sa sinabi niya. Daig pa ang mga babae kung makapag-walk out ang isang 'to ah? Sinundan ko na lang siya at sinabayan ang lakad niya. Hindi pa rin nawawala ang ngiti ko dahil naaalala ko parin 'yung nangyare kanina. Tinignan ko muna ang reaksyon niya bago magsalita. "Ito naman, tampo ka na niyan?" Tanong ko. Para naman siyang babae nito eh. "Hindi, tara na nga saan na ba 'yang kaibigan mo?" Medyo kumalma na naman ang boses niya kaya hindi ko na biniro kasi baka lalo pang magalit eh. Tinignan ko muna ang paligid at ang soccer field kung nasan nakatayo si Ira. "Ayun na oh!" sabi ko. Tinawag ko naman siya agad. Ira's POV Just by looking at her made me jealous. She never smile and laugh with me like that. Nakakainis!! Napapa-english naman ako ng wala sa oras. Nakita ko kasi si Xy na may katawanan na iba kanina, hindi ko alam kung bakit pero talagang hindi fake ang tawa niyang 'yun. Sabi ko nga never pa siyang tumawa ng ganyan sakin kahit noong mga bata pa kami. Inborn na talaga kasi ang kasungitan niya. "Ayan na oh!" Rinig kong sabi niya habang papalapit ako sa kanilang dalawa, dun lang ako sa lalaki nakatingin. "Kanina pa kayo?" Tanong ko nang hindi inaalis ang tingin sa lalaking kasama niya. "Hindi naman ngayon lang, Ira, si Cytot este Cyruz nga pala. Cytot, si Ira bestfriend ko," pagpapakilala sakin ni Xy kay Cyruz daw. Parang ang sakit nung huling part na sinabi niya. Cytot? May tawagan na agad sila, alam ko ako ang unang naging kaibigan ni Xy. Kami nga walang ibang tawagan kundi 'Hoi' eh. Pero at least kahit papaano meron naman. "Matagal na ba kayong magkakilala?" Hindi ko mapigilan na itanong sa kanya. This time siya naman ang tinignan ko. "Actually kanina lang sa tennis court," kanina lang pero grabe na 'yung closeness nila. Madadaig pa ata ang pagkakaibigan namin. No!! Bakit ka ba nag-iisip ng ganyan, Ira? Syempre hindi noh. Bata palang kayo magkaibigan na kayong dalawa. Pero bakit ang sakit sabihin nun? Parang pinaparating na hanggang magkaibigan lang kami. Haist! Ang arte mo, Marc. "Tara na, baka mag dilim na niyan," yaya ko naman. "Tara na..." tahimik lang kami hanggang sa makauwi na kami pero sila naman alam kong nag-uusap pero tahimik lang. Nakakainis!! Ganito ba 'yung tinatawag nilang selos? Nakakaasar! Hindi ko alam kung anong dapat kong sabihin o gawin dahil dito. Nakakabadtrip lang. Cyruz's POV Nang makauwi na ako ay agad kong kinuha ang gitara na matagal ko nang ginagamit. Hindi ko parin ata ito naliligpit simula nun. Naalala ko na naman ang kaibigan ni Xy, ang sama kasi ng tingin niya sakin kanina nung pagkakita sakin. Hindi ko pa naman siya nakilala o nakaaway noon eh. Nagsimula akong mag-strum ng gitara habang inaalala ang nangyare samin ng mga kaibigan ko pagkatapos ng aksidenteng 'yun. Flashback... "Hey guys!! May tanong ako sa inyo," agaw pansin samin ni Jason. Ang leader ng aming banda na 'Chingu Fly'. "Ano na naman 'yang kabaliwan na naisip mo ha?" Tanong ni Marc. Isa sa kabanda din namin, siya ang bass ng grupo. Normal na bagsak ang buhok na may highlights na puti sa bandang gilid. Simula noon palang ganyan na siya, kilala siya dahil sa highlights ng buhok niya. Bukod kasi sa normal color hair lang iyon ay pinangako niyang hindi niya 'yun gugupitin hangga't hindi siya sumisikat. "Yeah!! Yeah!! The leader is here, with his crazy plans, again!" Masiglang sagot ni Leo habang nakataas pa ang upo sa sofa. Siya naman ang gumagamit ng keyboard sa grupo, super hyper ng isang 'yan. Siya naman makikilala mo dahil laging nakataas ang buhok. 'Yung tipong nakatusok paitaas ang bangs niya pero bagsak naman ang nasa likod. Nanatili naman akong tahimik na nakamasid sa kanila dahil inaantok na talaga ako kanina pa. Kanina parin kasi kami nakatambay dito sa pinagpa-practice-an namin. "Bakit hindi natin subukan sumali sa isang 'Rock festival?" Tanong niya sabay upo galing sa pagkakahiga. Kung anu-ano na naman ang naiisip niya. Siya kasi 'yung tipong maraming alam na kabaliwang gawin. Pero sa huli naman ay may pinupuntahan naman ito. Kahit na hindi kami ganun kasikat gaya ng iba ay tumutugtog kami kasi 'yun ang gusto namin. Syempre sikat din kami kahit sa underground lang. Kilala naman si Jason dahil sa buntot niyang buhok sa likod na naka-tirintas. Ang tagal na rin naming magkakasama kaya wala nang makakapaghiwalay samin. May kanya kanya rin kasi kaming problema sa pamilya. Kumbaga ang isa't isa na rin ang naging sandalan namin kapag malungkot kami. Kahit na puro kalokohan lang ang ginagawa namin, masaya na kami. Kapag may kailangan ang isa, to the rescue naman ang lahat. "Hey, hey, hey!! Ano na naman 'yang kalokohan ang naisip mo ah?" Hindi ko na napigilan ang sumabat sa usapan. Pero hindi ko rin maiwasan ang ma-excite sa bago niyang pakulo. "Naalala niyo ba 'yung babaeng sinasabi ko sa inyo? Nalaman ko kasing mahilig siya sa rock songs kaya gusto ko malaman niya na kumakanta ako. Ito na rin ang naisip kong paraan para mapansin niya ako," sabi niya. Napailing na lang ako. May babae daw kasi siyang nakilala before at talaga namang nagustuhan niya ito. Siya rin daw ang inspirasyon nito sa pagsusulat ng kanta namin. Ano pa nga bang magagawa namin? Edi nag-ensayo na kami para makasali na rin sa festival na sinasabi niya. Hindi naman naging hadlang ang school para samin dahil madalang naman kami pumasok. Kilala kasi kami dahil na rin sa pakikipag-away namin. Pero sila naman kasi 'yung nanghahamon kaya wala na kaming ibang nagawa kundi ang gantihan sila. Sabihan pa kaming mayayabang. Ano bang magagawa namin kung kami ang mas nagustuhan ng ibang tao? Mga inggitero nga naman sa panahon ngayon oh. Dahil ako ang assigned sa guitar ay nagsimula na rin ako. Si Leader ang vocalist at lead guitar tapos ang aming mahiwagang drummer na si, Louie. Tahimik lang talaga 'yang lalaking 'yan kaya hindi sumasagot kanina pa sa pinag-uusapan namin. Si Louie naman ang mas pansin saming lahat dahil sa long hair niya na medyo may pagka-wavy. Mukha siyang babae pero malaki ang katawan. Si Leo naman nasa keyboard na niya. May mga kaya naman kami kaya nakabili kami ng gamit namin pero ito talagang si Louie ay mayaman talaga. Gang leader pa ata ang tatay niya pero wala naman siyang pakialam dahil wala rin itong pakialam sa kanya basta hindi ito gagawa ng kahit anong masama at ikapapahamak ng apelyido niya. Kilala rin ang pamilya niya pero hindi niya ginamit minsan ang pangalan na 'yun para makaangat kami. Pagkatapos namin mag-practice ay nagkulitan lang kami. Dahil masyadong tahimik si Leo ngayon, which is napakadalang ay niloko namin siya. "Wala kasi ako sa mood eh," sabi lang niya. Nagkatinginan namin kaming lahat at sabay sabay na ngumiti nang nakakaloko. Tumayo na ako agad at lumundag. Dinaganan namin si Leo sa higaan at tiyaka kiniliti, wala sa mood? Not like him. Tapos wala pang ganang kumain? Not like him talaga. Ganito kaming lahat magkulitan, mag-asaran at magbiruan. Ang masaya naming pagkakaibigan na sa tingin ko wala nang makakapaghiwalay. Pero hindi namin inaasahan ang balitang matatanggap namin sa araw bago ang Rock festival na dapat ay sasalihan naming lima. Isang balitang talaga namang hinding hindi namin makakalimutan sa buong buhay namin. Ang bagay na habang buhay babagabag saming lahat. Before that 'Rock Festival' is the same day Jason, our leader, died because of them. Nang dahil sa mga taong 'yun na walang puso. Mga taong masyadong makasarili para isipin pa ang ibang tao. Saksi kaming lima sa pagkawala ni Jason nung araw na 'yun. Sinira ng grupo ng mga lalaking ito ang mga gamit namin at pinangako nila kay Leader na ibabalik ito agad sa kanila nang hindi sinasabi o pinaalam man lang samin nina Leo. Nang dahil sa kagustuhan ni Leader na makasali sa Rock Festival nagpunta siya nung gabi na iyon sa napagkasunduang lugar. Hindi namin alam kung anong ginawa sa kanya pero nasagasaan ito, kitang kita naming apat ang nangyaring iyon. Hindi man lang nabigyan ng katarungan ang pagkamatay niya. Nakalusot na lang ng basta basta ang mga lalaking 'yun at pinalabas na aksidente ang nangyare nung gabing 'yun kahit hindi naman. Kahit na alam kong may ginawa sila kay Jason bago ito masagasaan. Binanggit pa niya ang pangalan ko bago ito mamatay, puno ng dugo ang mukha... Gusto kong magwala, gustung gusto kong sumigaw pero wala naman ni isang salita ang lumabas sa bibig ko. Tanging pangalan lang niya ang nasasabi ko. Ilang linggo ang lumipas pero hindi namin alam kung ano na nangyare sa grupo namin. Hindi naman namin ito itinigil pero madalang na lang kami magkita kitang mga magkakaibigan. Ginagawang busy ang mga sarili para malibang. Upang makalimot sa nangyareng aksidenteng 'yun. Hindi namin ginawang gumanti sa kanila hindi dahil sa duwag kami kundi dahil iyon ang gusto ni Jason. Ayaw na ayaw na niyang napapaaway kami lalo na kung dahil lang sa maliit na bagay. Alam naming hindi siya magiging masaya sa gagawin namin. Kaya muli kaming nagtipun-tipon na apat at gumawa ng grupo. Itinago ko lahat ng hinanakit at galit ko sa mga gumawa nun sa pamamagitan ng pagngiti. Isang mapait na mga ngiti ang tanging binibigay ko sa lahat ng tao. Kinuha namin ang notebook ni Jason kung saan madalas itong mag-compose ng mga kanta. Isinatono na rin namin ito at ngayong taon ay sasali kaming muli sa 'Rock Festival'. Ipapakita namin kay Jason na kaya naming tuparin ang pangarap na gusto niya para sa banda namin. Itutuloy namin ang sinimula ni Leader at hindi kami susuko. Ayon kasi sa kontratang ito ay kailangan enrolled kami sa isang paaralan sa high school. Kung mapapaaway na naman kami ay mahirap na, hindi malayong mapaalis na kami dito sa Jinie Shirokin dahil sa mga pinaggagawa namin noon. Ito na ang huling high school na sa tingin ko ay tatanggapin kami kaya wala nang dapat na aksayahing araw. Ipapakita ko kay Jason na mailalagay namin ang kanta niya sa industriya ng musika at ipapakilala ito sa buong mundo. Hindi kami susuko. Gagawin namin ang lahat para sa kaibigan namin at ipapangakong aangat kami ng sama sama. End of flaschback... Huminga ako nang malalim at itinabi ang gitara sa gilid. Sariwa parin ang sugat sa loob ko dahil sa nangyare. Hindi na ata ito maaalis pa kahit anong gawin ko. Malapit na kaibigan ko si Jason kaya naman mahirap makalimot agad. Halos hindi na nga kami mapaghiwalay na dalawa kaya paano ko siya magagawang kalimutan ngayon? Ang duga mo talaga Jason. Iniwan mo kami, ako, anong gagawin ko ngayon? Natagpuan ko na ang inspirasyon mo? Anong susunod na gusto mong gawin ko?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD