Chapter 10

1886 Words
Xyriel's POV Kami lang ni Ira ang nasa sasakyan at ang tahimik niya ngayon. Hindi na niya ako inaasar tulad ng ginagawa niya kapag magkasama kami. Nakakapanibago talaga ang kinikilos niya ngayon. Hindi ko naman alam kung may problema ba siya o baka galit siya sakin. "Ui okay ka lang ba, tahimik mo naman?" Pagtawag pansin ko sa kaniya. "Pagod lang ako sa practice namin," sabi niya. Hindi man lang ako makuhang tignan paano ako maniniwalang walang problema? "Ah ganun ba? Sige, hindi na lang ako mag-iingay." Parang may mali eh, 'di tulad dati na kahit pagod siya nakukuha pa niya akong asarain. Kaya nga minsan natatanong ko sa sarili ko kung hindi ba siya napapagod sa kakaasar. Ano kayang problema? Baka kaya talagang pagod na siyang asarin ako? Wala naman akong maalala nagawa ko ng mali, or meron? Hanggang sa makauwi kami hindi man lang siya nag-bye man lang. Kakaiba talaga na feel ko sa kanya. Magso-sorry na lang ako kahit hindi ko alam kung bakit ako mag so-sorry. Ngayon lang kasi siya naging ganyan kaya siguro may kasalanan talaga ako. Ginawa ko na ang dapat kong gawin at hindi na ako nagbukas ng sss dahil tinatamad ako. Mga kachat ko kasi mga kaklase ko dati. May lahi naman akong 'tupperware kaya okay lang 'yun. Tinatamad naman akong makipagplastikan sa kanila ngayon eh. Hindi naman ako snob pero plastik nga lang. Pero hindi naman ako plastik na kaibigan noh! Kung kaibigan ko pili lang at ayoko ng madagdagan 'yun hanggang kay Cytot na lang ako. Hindi naman sa maarte ako pagdating sa kaibigan ayoko lang ng masyadong marami, hindi mo kasi alam kung totoo ba sila o may kailangan lang siya sayo. * Kinabukasan ay inaya ako ni Ira sa isang lugar. Hulaan niyo kung saan kami papunta? Sa bahay ampunan! Ganito kasi 'yun, nakipagbati ako kay Ira pero hindi ko naman alam na ganito hihilingin niya bilang kapalit. Nagpapasama siya sakin sa bahay ampunan dahil may dadalawin daw siya. Ako naman si nag-so-sorry pumayag naman sa sinabi niya. Ako na uto uto, kasi naman galit talaga siya kanina kaya naman sinabi ko gagawin ko kahit ano. Nagseselos pala ang mokong dahil parang mas close pa kami ni Cytot at may call Sign pa kami. Seloso naman ng lalaking 'to, siya lang naman ang bestfriend ko. Kung sana nagseselos siya dahil gusto niya ko matutuwa pa ko eh pero... 'Dream on Xyriel!' "Ano ba kasi gagawin natin dito?" Tanong ko. Nababagot na talaga ako, kanina pa ko tanong ng tanong kay Ira hindi naman sinasagot ni isa sa mga tanong ko. "May dadalawin nga lang ako, basta quiet ka lang diyan okay?" Sabi niya. 'Yan na naman siya, after an hour sinagot din niya. Pwede naman palang sagutin pa-suspense pa siya. "Oo na nga lang, tara na," sabi ko. Nagderetso lang kami sa pagpasok sa bahay ampunan at ano pa ba i-e-expect niyo? Maraming bata at may sumalubong saming madre. Ang cute ng mga batang ito, sana magkaron na ako ng kapatid. "Ira napadalaw ka ulit?" Tanong nung madre, nagmano naman si Ira sa madre at siniko pa ako ni Ira para lang magmano. Magmamano naman ako kailangan pang may siko! Ano akala niya sakin? Mabait naman ako sa mga matatanda noh! "Dadalawin ko lang po sana ulit si Mika," sabi ni Ira, Mika-Mika. Sino na naman 'yung babaeng 'yun? Tiyaka, ulit? Madalas ba siya pumunta dito nang hindi ko alam? "Ah oo, matagal ka na niyang hinahanap buti nakabalik ka," sabi naman nito. Bakit hindi ko alam na nagpupunta siya dito? Tss. Matago ang isang 'to ah? "Naging busy po kasi ako ng mga nakaraang araw sa practice, malapit na rin po kasi ang Intrams," Sagot naman ni Ira. Tahimik lang ako na nakatayo sa tabi niya pero ang dami kong gustong itanong. "Ganun ba? Tara na nasa loob siya," yaya nito. Sinundan namin 'yung madre kung nasan si Mika daw. Pagpasok nakakita ako ng batang nakahiga at may bonnet sa ulo. Medyo namumutla ito at masasabi kong may sakit ito. Nagliwanag ang kanyang mukha ng makita kami, I mean si Ira lang pala kaya tumayo ito at tumakbo palapit kay Ira. "Kuya Ira!" Sigaw niya kay Ira, Buti na lang pala at bata lang siya. Hoo!! Akala ko kasi may iba siyang binibisita dito. "Kamusta ka na, Mika?" Tanong ni Ira, okay! Tatahimik na lang ako dito sa gilid kunware wala ako rito ah? "Okay naman po. Bakit ngayon ka na lang po bumalik? Hinihintay po kita araw araw," sabi ni Mika, wow! How sweet. "Sorry ah? Naging busy kasi ako sa practice ko," sabi ni Ira. Hindi ko mapigilang mapangisi. Kelan pa naging sweet itong si Ira? "Okay lang po 'yun, gusto ko po gumala." "Saan mo gusto pumunta?" Tanong naman ni Ira. Nababagot na talaga ako dito sa gilid. Wala naman akong ibang magawa habang hinihintay silang matapos mag-usap. "Kahit saan po basta kasama ka," masiglang sagot naman nito. Ang sigla sigla niyang tignan, parang walang problema sa buhay. "Nga pala Mika siya si Ate Xy, best friend ko," pagpapakilala sakin ni Ira. Buti naalala niyang nandito pa ako noh? "Hello Mika," sabi ko. Ngumiti ako ng bahagya sa kanya para hindi naman magmukhang rude ang pagpapakilala ko. "Hello po Ate Xy!" Ang Jolly naman ng batang ito. Kinawayan pa niya ako at hinalikan sa pisngi pagkatapos sabihin 'yan. "Tara na," yaya ni Ira samin. Binuhat niya si Mika palabas at dinala kami sa ocean park, yaman talaga ng lalaking 'to. Naglibot lang kami sa buong ocean park para malibang si Mika. Gustung gusto niya ata dito at nang mapagod umupo kami at bumili ng pagkain si Ira. Hindi ako ganung nakalibot dito sa ocean park kaya feeling ko first time ko. Hindi naman kasi ako masyado nag-abalang tignan ang mga isda. Naaalala ko lang ang mga kaklase ko, magkikita rin naman kami. Haha! "Girlfriend ka po ba ni kuya Ira?" Tanong niya naman sakin. Hay naku! Bakit naman sa dinami rami ng itatanong ay ito pa? "Naku hindi!! Best friends lang kami," sagot ko naman sa kanya. "Alam niyo po bagay kayo, sana kayo na lang," sabi niya. Ginulo ko na lang ang buhok niya dahil kung anu anong sinasabi niya pero kinilig naman ako sa mga sinasabi ng batang ito. "Naku hindi naman!! Ako? Gusto niyang kuya Ira mo? Naa!" Sabi ko sabay iling iling pa sa kanya. Hindi kasi mangyayare 'yun! Never! Pero malay mo diba? "Sa tingin ko po mali ka..." Aba! Mukhang matalino ang batang ito. Dapat siguro mag-aral akong mabuti dahil baka mas maging mas matalino pa siya sakin sa mga susunod na araw! Paano mo naman nasabi?" Tanong ko. Na curious naman kasi ako sa kung anong nasa isip niya. Paano kaya nakapag-iisip ang batang ito ng mga ganitong bagay? Mga bagay na masyadong pang mature para sa kanya. "Iba po kasi 'yung tingin niya sa iyo kanina," sabi niya. Napaisip naman ako saglit! Tingin? Wala naman akong kakaibang napapansin kapag nakatingin siya sakin ah? "Naku hindi 'yun--" Hindi na namin natapos ang pag-uusap namin dahil dumating na si Ira dala 'yung pagkain namin. Tahimik lang kami ni Mika na parang hindi kami nag-uusap kanina. Kunware walang nangyare! "Ito na guys, kain lang kayo. Ito sayo Mika, ito naman sayo Xy," sabi niya sabay bigay samin ng pagkain. "Salamat po kuya Ira," sabi ni Mika na may malawak na ngiti sa labi. Hindi ko rin maiwasang mapangiti, nakakahawa kasi siya eh. "Wala 'yun," sabi ni Ira sabay g**o ng buhok ni Mika. Nakita ko rin siyang nakangiti habang nakatingin kay Mika. Kelan pa siya nahilig sa mga bata? "Salamat dito ha?" Pasasalamat ko naman. Aba! Sabi naman sa inyo mabait ako sa mga matatanda! Gurang na si Ira eh, hindi niyo alam? "Wala 'yun noh," sabi niya sabay g**o rin ng buhok ko. Napasimangot naman ako sa ginawa niya sakin. Hindi na ako bata noh! "Haist! 'Wag nga!! Ang hirap magsuklay noh," angal ko. Nakita ko naman nakangiti lang habang nakatingin samin si Mika. Mukhang alam ko kung anong nasa utak ng isang 'yan ah? Kahit kelan talaga oh. "Haha! Ikaw talaga," sigaw niya at lalo pang ginulo ang buhok ko! Argh! Siya ang pagsusuklayin ko nito mamaya! Mas lalo lang natawa saming dalawa si Mika at sinabayan naman niyong mokong na 'to. Pagtulungan ba naman ako! Nang matapos, bumalik na kami sa ampunan at iniwan na si Mika. Nag-enjoy naman daw siya sa gala namin at syempre nag-enjoy din ako! Ngayon na lang ata ako gumala sa mga ampunan. Dati nung pumunta kami bata pa ako at si mama ang kasama ko! Hindi naman naging boring pero nakalimutan ko na ang pakiramdam. Naglalakad na kami pauwi ni Ira. "Ano bang sakit niya?" Tanong ko. Nabanggit kasi niya kanina sakin na may sakit si Mika kaya lagi siyang pumupunta dati dun before. "May cancer siya, hindi pa naman ganun kalala 'yung sakit niya, kaya pa niya." Napatulala ako saglit sa sinabi niya. Hindi halata sa batang 'yun na may sakit siya nung nakasama namin. Oo iba 'yung physical appearance niya kumpara sa normal pero hindi ko naman alam na may cancer siya! "Ah, pero masayahin siyang bata," tanging nasabi ko. Hindi ko naman alam kung paano magrereact sa ganitong sitwasyon! "Tama ka diyan..." sabi niya. Natahimik naman kami sandali nun. "Alam mo ba kung anong gusto niyang maging?" Tanong niya sakin. "Huh? Ano?" Curious na tanong ko sabay tingin sa kanya. "Gusto niyang maging doctor... Sabi niya gusto niyang gamutin 'yung mga may sakit!" Napatingin ako nang mas malalim pa sa kanyang mukha. Teka! "Ira!!" Sigaw ko sa kanya. Nagulat ako dahil may nakita akong luha sa pisngi niya pero hindi niya parin pinahid 'yun. Ngayon ko lang siya nakitang ganyan! Hindi siya nahihiya na makita ko siyang... Umiiyak! "Kung magiging mahaba pa ang buhay niya marami siyang matutulungan," sabi niya at patuloy parin sa pagpatak ang luha niya! Gusto ko sanang punasan kaya lang hindi ko naman magawa! Nahihiya ako ngayon sa kanya. "Matagal pa siyang mabubuhay kaya gagawin natin ang lahat," sa wakas nagawa ko ring sabihin. Tinapik tapik ko pa ang balikat niya. Paano?" Tanong niya. Matagal ko na naiisip ang bagay na ito kahit na ayoko pero gusto ko kahit minsan magamit ko ito na ibinigay sakin. "Bukas sabado, may gagawin tayo para sa kanya," sabi ko sa kanya. Tumingin siya sakin na nagtatanong pero hindi ko a dinugtungan ang sinabi ko. "Ayoko na naman humingi ng pera sa mga magulang ko," sabi niya. Napangiti naman ako dahil sakto lang itong gagawin namin! "Exactly!! Paghihirapan natin ang perang gagamitin natin." Sigaw ko sa kanya. Bakit ba kasi may ganiyong side si Ira? Lagi na lang siya nagpapadala sa problema niya. Dapat minamaliit niya ang mga problema noh! Laki laki niyang tao. "Sakto birthday niya next week." Paalala niya. Ang galing nga naman ng timing nito oh! "Iyon! Basta agahan mo ang gising mo pupuntahan kita, ha?" Paalala ko sa kanya at tumakbo na papunta sa bahay namin. "Ano ba nasa isip mo?! Hoy, Xy!" Rinig kong sigaw niya pa. Tumingin akong muli sa kanya at sumigaw. "Basta bukas! Sige dito na lang ako, bye!" Sigaw ko sabay pasok sa bahay namin. "XY---" alam ko na kung anong gagawin ko para matulungan si Mika, bukas na bukas kailangan ko ng maghanda!

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD