Chapter 8

2349 Words
Xyriel's POV "Guys bibili lang ako ng ice cream," paalam ko sa kanila. "Bili mo na rin kami," si Angelica naman 'yan na parang boss kung makapag-utos. Kotongan ko kaya siya? "Oo nga naman," dapat pala hindi na lang ako nagsabi. Biro lang, ang sama ko naman kung ganun? Pasalamat sila sobrang bait kong kaibigan. "Samahan na kita," buti na lang at nandito si Jewel at may kasama na ako sa pagbili. Basta pagkain go lang!! "Buti naman naisipan mo ang dami kaya nun," seryosong sabi ko, natawa na lang 'yung iba sa sinabi ko. Hindi man lang naisipang tumulong tapos tatawanan pa ako. Mga wala na ata talaga sa katinuan ang mga utak nila eh. "Chocolate ang akin," sabi ni Angelica. "Rhea, ikaw magpapabili ka?" Tanong ni Jewel. "Huh? ahm...strawberry na lang," mukhang wala sa katinuan ang isang 'to ah? Sa tingin ko iniisip parin niya 'yung tungkol sa pagsali sa team. Ano ba naman kasing kinatatakutan niya? Kung gusto niya talaga hindi siya papaapekto sa mga magulang niya. "Okay, chocolate and strawberry," sabi ni Jewel, dinaig pa ang waiter sa restaurant ah? "Tara na nga para kang waitress diyan," yaya ko sa kanya sabay hila ko na siya. Naiinip na kasi ako at nagugutom na rin. "Sige bibili na kami," pahabol na sabi niya. Pumunta na kami sa isang ice cream na nakasakay sa kotse. Hindi ko alam kung anong tawag hindi naman kasi bike o kung ano yung dina-drive. "Ako na ang bibili, ano ang sayo?" Tanong ni Jewel, parang ako dapat ang magtatanong nun diba kasi ako ang nag-ayang bumili. "Hmm cookies and cream at rocky road," sabi ko. Nang hindi siya umimik ay tinignan ko naman siya na parang nagtataka. "Eh?" Sagot niya. Medyo kumunot naman ang noo ko dahil sa sinagot niya. Tiyaka ko lang napansin nang tinignan ko siyang maigi. "Huwag ka mag-alala, ako magbabayad," Tss. Anong akala niya sakin? Walang perang pambayad? tsk. "Okay," 'Yun na lang ang sinabi niya. Inuna na niya yung akin kaya naman nilamon ko na agad iyon. Habang kumakain ako ay bigla na naman akong tinamaan ng bola. Sa ulo na naman. Ang sakit nun ah? Feeling ko tuloy hihiwalay ang ulo ko sa katawan ko. "Aray," daing ko habang hinihimas ang likod ng ulo ko. Okay lang sana eh kaya lang tinamaan na naman ako ng bola. Nakakabadtrip oh! Paano ba naman kasi ay bola ng basketball ang tumama sa ulo ko? "Naku sorry miss," hindi ko pinansin ang lalaking nakatama ng bola sakin at hinimas na lang ang ulo ko. "Aray, ang sakit," daing ko ulit. Ang tigas naman ng bola na 'yun. And imagine kung gaano kalaki ang bola ng basketball diba? Halos mas malaki pa nga iyon sa ulo ko. Medyo nahihilo akong hinarap ang lalaking nasa tabi ko. "Sorry talaga miss!" Paghingi niya ulit ng tawad sakin. Tinignan ko siya ng masama bago ako magsalita. "Matatanggal ba ng sorry mo 'yung sakit?" Sigaw na tanong ko sa kanya pero seryoso parin ang itsura ko at hindi binakasan ng galit. "Nag-sorry na nga eh," naka-pout na sagot niya sabay kamot ng batok niya. Lalong kumunot ang noo ko. "Kainin mo na lang 'yang sorry mo. Bakit kasi dito ka naglalaro ng basketball, eh may court naman?" Tanong ko, badtrip. 'Yung Ice cream ko oh, nakakaasar! Tumilapon kasi ito sa kung saan kaya nakakadismaya. "Ayoko kasi dun," angal niya. Pipilosopohin ko pa sana kaya lang kumirot ulit ang ulo ko kaya medyo nataranta siya. "Aray!" Mukhang ang lakas nung impact na galing sa bola. Kaya nga ako nasaktan diba? Napansin ko lang parang deja vu? Nangyari na sakin dati 'to, don't tell me siya na naman? "Ganito na lang. Tara!" Sabi niya sabay hawak sa kamay ko at hinila ako. Feeling close naman ata ang isang 'to ah. "Teka, 'yung ice cream ko," angal ko. Kainis! "Mamaya na 'yan," 'yung ice cream ko tumurpit na lang kung saan sayang naman 'yun. Hindi ko pa naman nababayaran kay Jewel 'yun. Hindi ko alam kung saan na ako dadalin ng lalaking 'to pero mukha naman siyang mabait, pero paano na 'yung ice cream ko ang mahal kaya nun. Napansin ko lang kung nasan kami ay nung huminto na siya sa kakakaladkad sakin. Alam niyo ba kung saan ako dinala ng lalaking 'to? Sa clinic... Pwede naman sabihin kanina hindi pa sinabi, kanina ko pa siya kinukulit. Buti nga at hindi siya nabingi dahil sa boses ko eh. Pumasok na kami sa loob at nakita ang nurse. "Anong ginagawa niyo rito?" Tanong nung nurse. Booba lang? "Ah nu--" Hindi ko na pinagsalita ang lalaking 'to dahil nag-iinit parin ang ulo ko. Kailangan ko makakain ng malamig mamaya. "Baka kasi tatambay at makikipagchikihan sa inyo," para saan pa kaya 'yung clinic? Tatanong tanong pa kasi. "Eh?" Tanging nasabi lang nung nurse dahil sa sinagot ko. Hindi rin ata inaasahan ang magiging sagot ko sa kanya. "Naku hayaan niyo na po meron po kasi siya ngayon kaya masungit," sabi niya, napatingin ako ng matalim sa kanya. "Ano--?" bago pa ako makapagsalita ay tinakpan naman niya yung bibig ko kaya naman speechless ako. Tinitigan ko na lang siya ng masama. "Ah ganun ba, sige ano bang nangyare?" Tanong na naman ng nurse. "Tinamaan ko po kasi siya ng bola eh ang tanga naman po kasi," tinignan ko siya ng masama dahil alam ko ang sasabihin niya. "Nung bola! Tama! 'Yung bola po 'yung tanga hindi po siya, promise!" Nakakabwisit tong lalaking 'to, pasalamat siya malakas siya. "Sige ito ice bag, saksak mo sa baga mo mamaya mo na isauli," aba't kukutusan ko 'tong nurse na 'to. Binigay na nung nurse 'yung ice bag sakin at nilagay na ng lalaking 'to sakin. "Hmmm~!" Sagot ko. Wala parin atang balak na tanggalin ang kamay niya. Siya na nga ang nakatama. Naalala ko tuloy ang tinawag niya sakin kanina, bwisit! "Ay sorry," sabi niya sabay tawa pa. Tinanggal na din naman niya 'yung kamay niya sa bibig ko. Tawa pa, tsk. "Bakit mo naman tinakpan 'yung bibig ko?" Namaywang naman ako at tinignan siya ng ubod ng sama. Ang ayoko sa lahat 'yung mga gaya niya eh. "Baka kasi magbunganga ka na naman diyan eh." Aba! At paano naman niya nasabing mabunganga ako eh hindi pa naman niya ako kilala? "Hindi ako mabunganga FYI!! Baka gusto mo makutusan?" Banta ko sa kanya pero hindi naman siya natinag sa mga sinabi ko. "Sabi mo eh," pang-asar niya. Dahil hindi naman ako magaling sa mga barahan ay tumahimik na lang ako. "Amin na nga iyan," inagaw ko naman 'yung ice bag sa kanya. Nakakabad trip naman kasi isang 'to. Parang bata! "Ako na, ako naman ang may kasalanan eh." Tapos siya na yung naglagay ng Ice bag sa ulo ko. Ang lamig nga eh. Kaya nga Ice bag Xyriel!! Haist! Nakakabaliw pala talaga ang pagkakatama ng bola sa ulo ko. Kaya kayo iwasan ninyong matamaan! Huwag rin kayong sasama sa mga baliw na gaya niya para hindi kayo mahawa. "Buti alam mo," sabi ko. Sandali kaming natahimik na dalawa. Napapangiwi na lang ako dahil malamig ito kapag matagal. Tiyaka ko lang napansin na may itsura itong lalaking 'to. May panlaban naman pala, ang tangos ng ilong at ang pula ng labi pero sa tingin ko masyadong sumingkit ang mata niya. "Sorry ulit ha?" Paghingi na lang niya ulit ng paumanhin dahil walang nagsasalita sa aming dalawa simula kanina pa. "Oo na kabisado ko na," sabi ko. "Ang alin?" Nakakunot noong tanong niya. Napahinga na lang ako ng malalim dahil sa ka-slow-an ng lalaking 'to. Saan ko ba napulot 'tong isang 'to? Bumuntong hininga na lang ako bago sumagot. "Wala, 'wag mo ng pansinin," sagot ko. "Sabi mo eh." Tinuloy na lang niya 'yung ginagawa niya. Medyo lumalamig naman ang pakiramdam ko dahil sa ice bag. Hindi na rin mainit ang ulo ko sa isang 'to dahil hindi na naman siya nagsalita pa at nang-asar. Substitute ata ito ni Ira, lakas mang-asar. Maya maya umalis na kami dahil okay na 'yung noo ko. Kung sana nag-iingat siya hindi niya ako matatamaan eh. "San ka na niyan pupunta?" Tanong niya sakin. "Sa tennis court malamang," mataray na sagot ko sa kanya. Wala rin ako sa mood kausapin pa siya ng matagal. "Anong gagawin mo dun?" Tanong na naman niya. "Kakain ako eh, ikaw ba?" Medyo mataray na tanong ko sa kanya. "Kakain? Ako maglalaro ng basketball. Katabi lang nun ang tennis court eh," sabi naman niya trying to open a conversation. "Edi maglaro ka, paki ko?" Pabalang na sagot ko sa kanya. "Ang sungit mo talaga, tama ba ako meron ka?" Pang-aasar na naman siya. Nagsisimula na naman siya sa pang-aasar. Tama nga rin ata ang sinabi ko. Dahil wala si Ira para asarin ako ay itong lalaki naman na ito ang pumalit sa kanya. "Can you please shut up?" Medyo tumaas na rin ang tono ng pananalita ko nang maalala ko na naman ang ice cream na tinapon niya. "Shut up na nga eh," sabi niya. Huminto ako kaya huminto rin siya sa paglalakad niya. Tinignan ko naman siya ng makahulugan. Kumunot lang ang mahiwaga niyang noo at hindi parin makuha ang gusto kong sabihin. Ganito ba talaga kakitid ang utak niya. "Nasan na ang ice cream ko?" Tanong ko. Tiyaka lang siya nagtatango at sinabing mamayang uwian niya ako ibibili. Syempre binantaan ko siyang hahagilapit ko siya kahit saan kapag sumalungat siya sa plano. Tumango tango na lang siya na parang tutang takot na takot. "Good." Bigla naman siyang natahimik at hindi na nagtanong, himala ah? Kanina pa kasi siya dakdak ng dakdak sa tabi ko pero akala ko lang pala na tatahimik na siya. "Oo nga pala. Anong pangalan mo?" Tanong niya. Ngayon ko lang din napansin na hindi pa namin kilala ang isa't isa. "Xyriel pero Xy na lang. Baka kasi maaksaya ang laway mo kasalanan ko pa," sagot ko tumango tango naman siya. "Wala ka bang balak sabihin pangalan mo?" Tanong ko. "Ah Oo nga, Cyruz pero marami tumatawag sakin ng...Cy," sagot niya at kinamot ang ulo niya. Naglakad na ako pabalik ng tennis court at hindi na nagsalita ang lalaking 'to. Sabi ng sabi ng mabunganga eh siya 'yung dumadaldal sakin kanina. "XY!!!" Nakita kong tumatakbo habang kumakaway sakin si Jewel, naku! May kasalanan pala ako sa isang 'to. "Miss mo naman ako?" Pabirong tanong ko sa kanya. Medyo nahahawa naman ako sa mga ka-cheesy-han nilang magkakaibigan. "Oo eh." Teka? Bakit ganun, hindi ba niya naalala na iniwan ko siya kanina? What is happening in this world? Pero okay na din 'yun. "Tara uwi na tayo?" Yaya ko. Mukha naman silang wala nang plano mag-stay pa rito ng matagal dahil halos ginawa na nila itong tambayan. "Pauwi na nga kami eh," sabi ni Angelica. "Saan ka ba kasi galing?" Tanong ni Jewel. "Tiyaka nawala ka lang may kasama ka na pagbalik mo," sabi ni Angelica. Ngayon ko lang naalalang kasama ko pala ang baliw na 'to. "Sino siya?" Tanong ni Angelica. Basta kapag may kasama kaming gwapo tinatanong agad ang pangalan. May itsura naman kasi 'tong si Cy eh hindi lang masyadong halata at kahit may pagka-weirdo. "Ah ano siya si--" Okay? Hindi na niya ko pinagsalita dahil siya na ang nagpakilala sa sarili niya sa mga kaibigan ko. "Hello, ako nga pala si Cyruz, nice to meet you all!" 'Di naman siya excited magpakilala sa mga kaibigan ko noh? "Hello!" Bati din naman nina Jewel sa kanya. Medyo nagkalibangan naman ang lahat dahil sa usapan nang dumating at lumapit samin ang coach ng tennis. "Andiyan ka lang pala Cyruz, hindi ka na naman nagpractice?" Lagot kang bata ka, lumapit samin si Coach at binatukan si Cy. Medyo naguluhan na naman ako. "Eh coach naman kasi, ang init init kailangan pang naka-jacket!" Ang arte talaga ng taong 'to, 'yung iba nga halos pawis na pawis na kaka-practice tapos siya papetiks petiks lang. Pero bakit nagb-basketball siya kanina kung tennis player naman pala siya? g**o din ng lahi ng isang 'to ah? "Ganun talaga para rin naman sayo 'yun." Makahulugang sabi ng coach. Napakamot na lang ng batok si Cy na medyo pabalang. "Ang init kaya sa pinas alam niyo 'yun?" Binatukan ko na rin naman siya, sino bang hindi nakakaalam nun? "Bukas 10 laps ang gagawin mo bago magsimula ang practice!" Sabi ni Coach. Nanlaki naman literal ang mga mata nito. "Seryoso coach?" Halatang gulat siya sa sinabi ng coach niya, buti nga sa kanya. Napangisi na lang ako dahil sa parusa niya. Kahit naman hindi ako athlete, alam ko kung gaano nakakapagod tumakbo ng 10 laps tapos deretso training pa? "Mukha ba akong nagbibiro?" Tinignan niya ito ng seryoso kaya wala na rin nagawa si Cy. "Sabi ko nga po hindi eh," naka-pout niyang sabi. Tumawa na lang silang mga babae dahil sa nasaksihan. Minsan lang may lalaking umasta ng ganiyan. Si Ira nagpa-pout din pero hindi naman sa harap ng maraming tao kundi kapag kaming dalawa lang. Nahihiya kasi 'yun sa iba lalo na kapag hindi niya pa ganoong kakilala. "Oh lahat kayo, pumila na dito at i-dismiss ko na kayo!" Sumunod naman sila at pumila. Player pala 'tong lalaking 'to ang tamad mag practice. Aba! Nasa unahan si Cytot ibig sabihin regular na siya. Cytot at Xytot na ang tawagan namin, hindi ko ba nabanggit? Ayan na! Binanggit ko na. Hindi ko alam nakiride na lang ako sa kaniya. Ano pa nga bang magagawa ko diba? Sa kulit ba naman ng lahi ng lalaking 'yan. Nalaman ko rin kay Rhea na Tennis player siya pero former basketball player dahil 'yun daw ang gusto ng mga magulang niya para sa kaniya, ang sundan ang yapak ng papa niya bilang player. Sabi lang nila sikat na Tennis Player ang Papa niya pero hindi ko naman kilala. Baka lumalaban sa ibang bansa. Kahit na hindi rin siya varsity ng basketball ay naglalaro parin siya kapag may time at hindi alam ng parents niya dahil talaga namang ayaw na ayaw daw nila ito. Sumugod pa nga ang mga magulang nito nung malamang naglaro ito nung CLRaa ng basketball eh. Kawawang Cytot!!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD