Chapter 6

1941 Words
Xyriel's POV Huminga ako ng malalim bago maglakad, kaya mo 'to Xy!! Ang daming tanong na nasa isip ko. Ano kayang gagawin ko kapag nagkita kami? Paano pag nalaman niyang alam ko na? Ano kayang irereact ko kapag dumating ang time na 'yon? Napaparanoid na ako. "Xy!" "Ui, Xy!" "HOI!!!" "Ay kwago!!!" Sigaw ko dahil sa gulat. Nakakainis! Na-ooccupied and isip ko dahil sa nakita ko kagabi, hindi na naman ako nakatulog ng maayos tapos ngayon nag-space out naman ako. Hindi ko na maintindihan kung ano pang gagawin ko! "Ako? Kwago? Ang gwapo ko namang kwago." Ano ba naman 'yan, feeling ko luluwa na 'yong puso ko sa dibdib ko idagdag pa ang mahangin kong bestfriend. Bakit ba hindi pa ko nasanay kapag sinasabi niya 'yan? Siguro masyado ng nakakasawa. "Huwag ka nga manggulat! Ikaw? Gwapo? Nevermind," sabi ko. Paano ako makapag-iisip ng matino kung pati siya guguluhin ako? Bakit ba naman kasi sa lahat pa ng tao, itong makulit pa na ito naging best friend ko? Dapat boyfriend--este--hardinero na lang ang naging role niya sa buhay ko e! "Hindi kita ginulat 'di ka lang nakikinig, tiyaka ang gwapo ko kaya!" Napakunot na lang ang noo ko dahil sa sinabi niya. "Baka Kwago, hindi gwapo... bakit ba kasi?" Tanong ko na lang para hindi na lumakas pa lalo ang hangin. "Ay? Wala kang balak pumasok?" Tanong niya. Hindi ko napansin na kanina pa pala talaga ako nakatulala. "Oo nga noh, tara na nga lang ang dami pang sinasabi," sabi ko sabay hila sa kanya. "Ikaw nga kung anu ano iniisip e!" "Heh! Manahimik ka diyan," saway ko sa kanya. Hahayaan ko muna 'yung nakita ko kagabi kasi baka ano isipin ni Ira. Tiyak kukulitin niya ako sa kung ano iniisip ko. Naglakad na kami papuntang school, tahimik lang kami siya naman nilalaro 'yung soccerball niya. 'Yung tipong sinisipa sa ere at ginagawang sepak. Basta imaginin niyo na lang. Wala ako sa mood para i-describe lahat ng gagawin niya. "Tahimik ka ata diyan Xy?" Biglang tanong niya. "Lagi naman akong tahimik eh," pagde-depensa ko. "Lagi raw. Baka laging nakabunganga," bulong niya sapat lang para marinig ko. Adik din 'tong lalaking 'to noh? Bubulong na lang 'yung rinig ko pa. "Ano sabi mo?" Inis na tanong ko sa kanya. Tumigil ako sa paglalakad at tinignan siya ng masama. "Wala naman akong sinasabi," pagmamang-maangan niya. "Kunwari ka pa ha," tumakbo naman siya dala 'yung bola ako naman hinabol lang siya. Nakakainis talaga 'yun kahit kelan. Hindi mabubuo ang araw kapag hindi ako inasar. Hindi ko naman maasar dahil wala akong talent dun. Hmpf!! Sorry kung ganda lang ang meron ako at utak. Inborn na eh. "Nakakapagod," sabi niya ng nasa harap na kami ng gate. Hawak na niya 'yung tuhod niya, hilig niya gawin 'yun, ako kasi sa bewang lang. "Bakit ka kasi tumakbo?" Hindi ko maintindihan kung bakit ang bilis lumamig ng utak ko pagdating sa kanya. Nasa mood na naman ako. "Kasi po hinabol mo ako..." "Ewan ko sayo, tara na nga," bumalik na kami sa room namin at baka kung ano pa mangyare. Well, baka lang naman magbangayan pa kami. Hindi nga kami magkaklase kaya ayun biniro na naman ako. Masanay na kayo dahil ako sanay na. Hayaan ko na lang dahil alam kong namimiss niya lang ako kapag hindi kami magkasama. Pagkapasok ko sa room namin nakita ko si Jewel na nakikipagkwentuhan kina Angelica. Mukhang nagkakasundu-sundo silang tatlo ah? "Xy, tara rito," tawag sakin ni Jewel. Lumapit naman ako sa kanila... "Anong meron?" "Walang lang, kwentuhan lang," si Angelica ang sumagot ng tanong ko. "Ang hilig niyo sa kwentuhan," inayos ko na ang bag ko at hinarap sa kanila. Ayoko naman maging rude at snob-in sila. "Ganun talaga noh," sabi naman ni Rhea with her famous face. Mahilig din pala siya sa kwentuhan eh. "Sino sasali ng intrams sa inyo?" Tanong ni Angelica. Nagtaas naman silang lahat ng kamay, hindi ko kasi alam kung saan ako sasali. "Bakit, Xy? Hindi ka ba sasali? Sayang naman noh, last year na natin sa high school." Napaisip naman ako sa sinabi ni Jewel. Tama siya pero ano bang pwedeng pagkaabalahan? "Tiyaka nalang ako sasali," sabi ko na lang. Kung meron lang intrams sa paramihan kumain sasali na sina Jewel lalo na kung libre 'yung pagkain na kakainin nila. "Bakit naman?" Tanong nila sakin. "Tinatamad ako eh, isa pa hindi ko alam kung ano sasalihan ko," sagot ko. "Eh gan'on?" "Ano naman sasalihan mo Jewel?" Tanong ni Angelica. "Music Ministry, gusto ko kumanta eh, eh ikaw?" Sagot at tanong nito. Buti pa siya may plano na, paano kaya kung sumali ako sa martial arts? Syempre joke lang, malay ko ba dun. "Music din, gusto ko rin kasi ang pagkanta eh," sagot nito sabay subo ng chichirya. Saan naman nanggaling 'yun? Si Jewel naman narinig ko ng kumanta kaya alam kong maganda. Manliliit lahat ng makakarinig kumanta sa kanya kapag may audition pa. "Bibili lang akong makakain at inumin," sabi ko. Ayoko ng ako lang ang nakatulala at walang kinakain noh! Nakikinig sa mga gusto nilang salihan samantalang ako wala akong ideya kung saan sasali. "Okay sige lang, gusto mo samahan ka namin?" Tanong nila sakin. "Hindi na ako elementary para samahan niyo pa noh. Sige, una na ko," sabi ko. Tumayo na ako, akala niyo si Jewel noh? May talent din naman ako sa pagkain noh. Kahit sino naman siguro mahilig kumain hindi lang pinapahalata. Lumabas na ako, nauhaw kasi ako kanina eh. Kasalanan 'to ni Ira eh kasi naman inaasar ako. Ang layo pa ng tinakbo naming dalawa kanina. "Hey Xy!!" Waaaa! Dapat hindi ka na lumabas Xy!! Halos hindi ko maigalaw ang katawan ko ng maayos at 'yung utak ko huminto sa pag-function. Nakakainis! "Ah Eh hello..." akward. Bakit kasi ngayon pa? Hindi pa ako ready na harapin siya. Mababaliw na ata ako kahit wala naman akong ginagawa. "San punta mo?" tanong niya. Isip Xy!! Anong sasabihin ko ??!! "S-sa canteen," nauutal na sagot ko. "Tara sabay na tayo dun din ako pupunta eh," wrong answer Xy!! Patay ka na niyan. "S-sige," dapat sinabi mo sa CR! Para hindi kayo siguradong magkakasabay!!! Haist! Ito na eh, ano pa bang magagawa ko? Iiwasan ko na lang siya. Bumili na ako ng inumin at ganun din siya. Niyaya niya akong maupo kaya naman. No choice! ako. "Ah Xy..." Hindi na natapos ang sasabihin niya dahil bigla na lang nag bell. I love you bell!!!! With hearts and kisses. You're my savior, thanks to you i'm safe. Hoo!!! Halos mabaliw na ako kakaisip kung anong sasabihing palusot para makatakas eh. "Tara hatid na kita sa room niyo," yaya pa niya sakin. "Naku!! Huwag na sa kabilang dulo ka pa eh," napaghandaan ko na ang isasagot ko sa ngayon. "Hindi may dadaanan pa ako eh," sabi niya. Tumawa muna ako at kinamot ang batok bago sumagot,"Magc-CR pa kasi ako eh, sama ka?" Biro ko, nakita kong nanlaki ang mata niya at pilit ngumiti. "Ganun ba? Ah sige, mauuna na pala ako sayo," sabi niya sabay paalam. Galing ko talaga. "Sige dito na ako, bye," aalis na sana ako kaso nga lang hinawakan niya 'yung kamay ko. Parang may kuryente, baka may lahing meralco 'to! Charot! "Bakit?" tanong ko. "May puntahan ka ba mamaya?" Tanong niya naman. "Oo eh," "Saan?" "Sa Tennis Court manood kami kasama sina Jewel," sagot ko. "Ah sige, iintayin na lang kita," tapos umalis na siya, hindi man lang inalaman kung papayag ako o hindi. Pero what did he say? Hihintayin niya ko, OMO! Bakit ngayon pa? Ngayon lang ba o sadyang ngayon ko lang talaga napansin dahil sa nakita ko? Err. Pumasok na ako at inintay na lang ang teacher namin. Lutang parin ako hanggang ngayon at iniisip kung anong pwedeng sabihin o mangyare mamaya. "Ayan na si sir!" Balik naman sila sa mga upuan nila, samin kasi maingay pero kami ang most discipline. Pinupuri nga kami ng teacher namin kapag tahimik kami. Bakit? ganito kasi 'yun! May mga kaklase kami magbabantay sa labas, sila 'yung mga tatakbo pabalik sa room para sabihin kung may teacher na. Edi iyon tatahimik kaming parang mga anghel pero may sungay kapag nakatalikod ang teacher. Gandang gawain noh? May most discipline kasi samin, meron ding cleanest at most presentable bulletin. Oo bumalik sa pagkabata ang mga teacher namin. Ngayon month ng July tungkol sa nutrisyon ako naman ang taga-gupit. Ayoko naman ng napapagod masyado noh. "Hello class are lesson for today is about ek ek..." naintindihan ko na siya dahil matagal ko na siyang alam. Hindi naman sa nagmamayabang pero kasi nabasa ko na 'yan eh. May natira pang konting time kaya naman mag kakaroon ng konting performance sa harap ng klase. Sa tingin ko mahilig talaga ang teacher namin sa mga ganitong pinagpe-perform sa harap. Para na rin maiwasan namin ang mahiya kapag nasa harap na ng mga tao. Ano naman kayang gagawin ko? Hmmm? Alam ko na sasayaw na lang ako ng...GENIE? Sige iyon na lang para maganda. Solo akong sasayaw kaya naman wala silang paki kung magkamali man ako, nakakainis ang school na 'to. Puro kanta, sayaw at kung anu ano pa eh ayoko nga sa lahat ay ang gawin 'yun. Kung hindi lang para sa grade ay hinayaan ko na ito. "Okay Miss Eun," iyon na nga tumayo na ako, sinayaw ko na 'yung genie. *Start music here* ~~Turn it up Just turn it up That's right, c'mon Sowoneul marhaebwa Ni maeumsoke inneun jageun kkumeul marhaebwa Ni meorie inneun isanghyeongeul geuryeobwa Geurigo nareul bwa Nan neoye Genie ya kkumiya Genie ya~ Deurimkareul tago dallyeobwa Neon nae yeopjarie anja Geujeo nae ikkeullim soge modu deonjyeo Gaseum beokcha teojyeobeoryeodo Baramgyeore nallyeobeoryeodo Jigeum isungan sesangeun neoye geot~~ Hindi ko na tinapos dahil hindi naman nila alam 'yun pero alam kong alam ni Jewel iyon. Adik sa kanta ng mga koreano at lahat 'yan eh. "Ms. Genioso please sing for us," tumayo na si Jewel para makakanta na siya, ang kinanta niya? Good day ni IU, alam kong mag-nosebleed ang mga kaklase ko niyan. ~~Eojjeom ireoke haneureun deo paran geonji Oneoulttara wae barameun tto wanbyeokhanji Geunyang moreuneun cheok hana motdeureun cheok Jiwobeorin cheok ttan yaegil sijakhalkka Amu mal motage immatchulkka Nunmuri chaollaseo gogael deureo Heureuji motage tto saljjak useo Naege wae ireoneunji museun mareul haneunji Oneul haetdeon modeun mal jeo haneul wiro Hanbeondo motaetdeon mal Ulmyeonseo hal jureun na mollatdeon mal Naneunyo oppaga joheungeol Eotteokhae~ Hindi na niya din tinapos at nilaktawan na lang niya 'yung mataas. Ano bang kinakain nito at ganito kaganda ay kataas ang boses niya? Hindi ko ma-reach. Siguro mahilig kumain ang mga magaganda ang boses. ~~(Aiku, hanadul) I'm in my dream (It's too beautiful beautiful day Make it a good day Just don't make me cry) Ireoke joheun nal~~ Tulala naman ang mga kaklase ko pati naman ako eh, kung makikita niyo lang 'yung mga expression nila i mean namin, matatawa na lang kayo. "Thank you, " then umupo na siya kung saan katabi ko. Ako? Tulala parin hangang ngayon. Ang galing naman pala niyang kumanta eh. Grabe hanga naman ako sa kanya pero syempre sa isip ko lang sinabi 'yun. " V-very well Ms. Lee," nagpalakpakan naman sila, nauutal pa nga 'yung teacher namin. Humanga rin 'yan for sure. "Ang galing mo, Gaile," sabi ko sa kanya. "Salamat ikaw din naman eh," sabi niya. Ngumiti naman siya sakin pero ako nag-thumbs up lang. Hindi ko kasi nature ang ngumiti sa ibang tao. Maya maya lang natapos na din 'yung klase hanggang sa nagbreak. Puro papuri naman ang natanggap niya sa mga kaklase ko. Napabuntong hininga na lang ako. Sana ako rin maging ganun kagaling. Teka? Ako naiingit? Not like me.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD