Chapter 5

2602 Words
Xyriel's POV Nakahiga lang kami at katabi ko si Jewel. Pinatulog nga kami ng next teacher namin dahil nga naglinis kami, right? Ngayon naman hindi ako makatulog kung kelan pwede. Nakatingin lang ako sa ilaw ng room at ayon naman sa peripheral vision ko ganun din si Jewel pero parang ang lalim ng iniisip niya eh. "Jewel?" Tawag pansin ko sa kanya. "Hmm?" Tanging sagot lang niya. "Anong iniisip mo?" I just wanted to start a conversation kaya ko tinanong. Curious din kasi ako sa iniisip niya. Kapag titignan mo kasi siya, ang hirap niya mabasa. 'Yung iba alam mong makalokohan, playboy o kung ano man pero siya ang alam ko lang at mababasa ko lang ay matakaw siya. "Si Paul," authomatic na napatagilid ako. Ngayon nakaharap na ako sa kanya this time. Anong nangyayare sa kanya? Don't tell me inlove na nga talaga siya sa lalaking 'yun? "You mean--?" Hindi niya ako pinatapos at huminga ng malalim. "It's not what you think Xy." Inunahan na niya ako sa dapat na itatanong ko. Nakaka-curious naman kasi kapag ang tulad ni Jewel ang ma-inlove. Pagkain lang ata ang nakakarelasyon niya sa tanang buhay niya kaya trending kapag nagka-crush siya. "Then what?" Tumingin din naman siya sakin pero 'yung ulo lang. Parang horror lang 'yung dating eh. "Ang weird niya kasi." Napatingin lang ako sa kanya , ang lakas talaga ng sense nito. Hindi ko alam pero ang dami niyang napapansin. Siya nga ata itong weird eh, Si Paul naman? Baka na naman sa hindi pagsama niya sa barkada niya sa soccer team? "Ano namang weird kay Paul?" Tuluyan na siyang humarap sakin. Buong katawan na niya 'yung nakatagilid at kaharap ko. "Para kasing---" Naputol na naman ang sasabihin niya. "Kasing-?" Naiinip na tanong ko. "Aist...wala wala nevermind," pinag-antay niya pa ako hindi naman sasabihin. Bumalik na siya sa pagkakatingin sa ilaw. "Parang iba 'yung kilos niya sa mga ka-team niya," ayan na naman siya. "Huh? Malamang si Justin nga masungit eh--'' hindi na naman niya ako pinatapos magsalita. "Hindi iyon," Aba gaya-gaya naman to ng expression. Hilig din niya ang putulin lahat ng sinasabi ko noh? Kaimbyerna. "Eh ano?" "Kasi...kasi...'wag na nga lang..." Pabitin pa 'tong babaeng to sasabihin din naman, lumipas ang oras at hindi na niya nasabi. "Bahala ka na nga, magsasalita tapos hindi naman itutuloy," sabi ko. Hindi na nga talaga siya nagsalita at hindi ko na rin siya kinulit. * Uwian na kaya nagligpit na kami ng gamit namin at lumabas ng room, hindi ko talaga siya magets. Hinayaan ko nalang hindi ako makulit gaya niya. Mapagkamalan pa niya akong chismosa. Pumunta kami sa lockers namin. "Guys gala muna tayo bago umuwi," aya ni Jewel samin na busy kakaayos ng gamit. "Sorry sasabay kasi ako kay kuya eh," sabi naman ni Angelica, nakakatakot pa naman si Justin. Creepy masyado. PMS ata lagi eh. "Ito naman minsan lang, sasabihin ko na lang sa kuya mo," tapos nagpout pa. How can she resist that? "S-sige na nga," pagpayag naman nina Angelica. "Yay!" Ngayon naman ang hyper ni Jewel. May split personality ata siya kaya ganyan. "Pagtakpan mo ako ha?" Suggest ni Angelica. Hindi ko alam na takot din pala siya sa kuya niya. Kaya ayoko ng kapatid na mas matanda sakin, masyadong protective at bossy. "Oo naman noh!" "Tara na guys!!" Yaya ni Agelica. Parang kanina lang ayaw niya kasi natatakot siya eh. Ngayon naman siya pa ang nangunguna samin. "Hindi ka naman excited noh, Angelica?" "Minsan lang 'to noh! Wala naman magagawa si kuya kapag kayo nagpaalam para sakin." Edi pumunta na kami sa gate kung saan naga-antay narin si Ira. "Ira, may puntahan pa kasi kami, una ka na" sabi ko. Napatango naman siya at tinignan ang mga kasama ko. "Ah okay, sige alis na ko, ingat ka," sabi niya sabay halik sa noo ko. "We-we-wait! Sumama na lang kaya kayo?" Suggest naman ni Jewel. Nagkatinginan naman 'yung mga lalaki. "Ah...eh..." naghe-hesitate pa silang lahat. "Please," pagmamakaawa naman nitong si Angelica sabay beautiful eyes pa. Sino bang hindi papayag sa ganyan? Ginagamit nila ang charms nila sa mga lalaki! "Kayo tol, sama kayo?" Sa huli napapayag na rin namin sila. Hindi kasi nila ma-hindi-an si Angelica eh. Mga nagagawa talaga ng charms ng isang tao. "Malapit na intrams. Sino panlaban niyo?" Tanong ni Ira samin. "Malamang si Angelica," sagot ni Jewel. "Sabagay." Nagpunta kami sa sweets shop at malamang puro sweets siya. Umorder na 'yung boys ng kakainin namin, libre pa nga daw nila eh. Big time siguro sila ngayon. Maya maya dumating na din naman sila, may ice cream ang order, meron din namang cake strawberry flavor siya. 'Yung boys naman ewan ko sa kanila. Si Jewel? Cotton Candy. Di tulad nung nabibili sa labas, mas marami 'yung dito. Para kasing yung nasa labas puro hangin ang laman. "Malapit na intrams ha?" p**o-open topic ulit ni Joshua. Napansin niya sigurong ang tahimik sa paligid kaya binasag na niya. "Oo nga, diba lalaban din kayong soccer team?" Tanong ni Angelica. "Yhup, nood kayo ah?" Paga-aya ni Joshua, pero parang he's just referring to Angelica dahil sa kanya lang siya nakatingin. "Ayaw nga namin," sabi ni Angelica, Busted? Nakakatuwa silang panoorin, para silang bata. Parang close na sila sa isa't isa kahit ngayon lang sila nagkakilala na dalawa. Hindi pa kasi napapakilala ni Justin ang kapatid niya sa mga ka-team niya. "Bakit naman?" May halong pagtatampong tanong ni Joshua sa kanya. "Don't ask for more, Joshua. Siya ang panonoorin nila hindi tayo," pagtatanggol ni Justin na ngayon na lang ulit nagsalita. Sinara naman ni Joshua ang bibig niya at kumain na lang ulit. Natapos naman kaming tahimk si Paul. Si Rhea at Justin din kasi nagkakasagutan minsan, ang cute nga nila eh, parehong suplado at suplada. PMS Couple. Umuwi na naman kami at hinatid ako ni Ira. Kasalukuyan kaming nakasakay sa jeep ngayon. "Ui," tawag pansin ni Ira. Masanay na kayo kasi ganyan lagi ang tawagan naming dalawa. Nasanay na din kasi kami na 'huy' ang tawagan. "Bakit?" tanong ko. "Panoorin mo ako ha?" Umakto naman na nag-iisip ako. "Wow! Pinag-iisipan talaga?" Medyo nagtatampong tanong niya. "Haha. Oo naman, galingan mo ha?" "Oo naman noh, kapag hindi kita nakita. Naku!!~" "Ano?" "Wala naman," umayos siya ng upo at tumingin sa labas ng sasakyan. "Sasaktan mo ba ako?" Tanong ko. "Alam mo naman pala este hindi ko naman magagawa yun noh, ahe-he" tinignan ko lang siya ng matalim dahil sa sinabi niya. So, sasaktan niya ko? Hindi nakakatuwa. "Good, sige, bye bye na~" Paalam ko sa kanya. "Ayaw mo na ako makita, pinapaalis mo na ako?" Tapos umakto pa siyang parang nasasaktan. Hawak niya pa 'yung dibdib niya. "Tama na nga, bakla ka ba?" tanong ko. Gusto ko na talagang itanong ang bagay na 'to sa kanya. "Lalaki ata 'to Xy." Bigla siyang tumayo ng tuwid. Mukha naman siyang baliw ngayon. Maasar nga, this is my turn. "You don't look like one," sabi ko sabay smirk at cross arms. Napakunot naman siya ng noo pero nawala din agad. "Want me to prove it?" Tapos ngumiting parang aso este nakakaloko. "Umuwi ka na nga, kung anu ano naiisip mo," ramdam ko kasing uminit bigla ang mukha ko dahil sa sinabi niya. Hindi ko alam kung bakit. "Bye Xy..." "Bye," again, he kissed my forehead bago naglakad palayo. Inintay kong mawala siya sa paningin ko bago pumasok. Sinalubong na naman ako ng mga katulong namin. "Good evening mam Xy, kain na po kayo," yaya niya. "Sa kwarto ako kakain," "Pero nasa dining po ang mama mo," bigla namang nagningning ang mata ko dahil sa balita ni yaya. "Really??" Pagkatango niya tumakbo ako sa dining at nakita kong hinahanda na ni mommy yung pagkain ko. "Mommy!!!" Sabay takbo at hug sa mommy ko, namiss ko siya super!! "Kamusta naman ang Baby ko? Ang laki mo na," sabi niya at niyakap ako pabalik. Amoy abroad si mommy. "Okay naman po ako mommy. Hindi mo man lang sinabi na uuwi ka na," may pagtatampo sa tono ng boses ko sabay pout. Kay mama lang naman ako madalas mag-pout dahil feeling ko hindi naman bagay sakin. Ayoko rin ng nagpapakita ng emosyon sa iba dahil alam kong madali akong basahin kapag ganun. "Kapag sinabi ko, it'll not be a surprise anymore. Tadaaa!! Ako ang nagluto ng Dinner natin." Nakita ko naman na ang daming pagkain sa lamesa namin. "Waah!! Mommy, namiss ko ang niluto mo," sabi ko. "Of course, kaya nga ako ang nagluto. Come on baby let's eat," sabi niya kaya naman naupo na ako, pinaghain pa niya ko. How sweet of her. Kaya mahal na mahal ko ang mommy ko eh. Nagkwentuhan lang kami dahil sobrang namiss talaga namin ang isa't isa hanggang sa napunta ang usapan namin sa kagustuhan kong magkaron ng baby brother. "Mommy, I want to have a Baby Brother," sabi ko, nabilaukan naman si mommy pagkasabi ko nun kaya inabutan ko siya ng tubig. Ano bang nakakagulat sa bagay na 'yun? "You alright mommy?" May masama ba sa sinabi ko? Sinabi ko lang naman kung anong gusto ko ah? "Anak naman, alam mo namang-" Hindi ko na pinatapos si mommy dahil nagsalita na ako. "Then mag-ampon tayo, please mommy," sabi ko, sinubukan ko na rin magpa-cute kay mommy. Hindi ko alam pero gusto ko talaga ng little brother tapos ako ang mag-aalaga sa kanya. "Okay baby, Me and your father will talk about it." Napayakap naman ako sa sinabi niya, I really love my mommy kahit na madalas silang wala sa bahay ni Daddy. I badly want a brother. 'Yung ako ang mag-aalaga at magpapalaki sa kanya habang wala sina mommy. Parang anak ko na rin. Ako mag-aayos sa kanya tapos magpapaligo. Maghahanda ng mga gagamitin niya sa school and man many more. Maya maya pumasok na ako sa room ko. Naglinis na ako at nagsuot ng pajamas. Wala na naman akong pupuntahan at gagawin, Binuksan k na lang ang PC then nag-open ng f*******:. Hindi naman nakaka-entertain ito dahil wala naman akong ibang ginagawa kundi makipag-chat kay Ira. Lahat ata ng topic sa mundo napagusapan na naming dalawa. Nang magsawa na ako natulog na ako. * Nalipungatan ako dahil sa tunog na naririnig ko kaya bumaba na ako, Nagtimpla ng gatas at pumunta sa terrace at doon ko ininom yung gatas ko. 12 noon na kaya walang tao masyado sa labas ng bahay namin hanggang sa may dumaan na motor na sobrang bilis ng pagpapaandar. May sumunod na ibang motor pagkatapos nun kaya naman nakakapagtaka. Anong oras na oh! Napakunot naman ang noo ko at medyo nag-panic, ngayon lang ako nakakita ng ganun kabilis magpaandar. "Bawal 'yun ah?" Sa di kalayuan nakakita ako ng malakas na ilaw, pinuntahan ko at nakita ko. Medyo marami rin sila. May mga lalaki pati babae. 'Yung, mga babae yung nagbababa ng flag. Parang sa 'fast and furious lang. Huminto 'yung motor at tinanggal yung helmet. Bale nakatalikod siya sakin. "Nice one bro," bati ng isa sa kanya sabay bro fist. "Wala parin nakakatalo sayo," komento pa ng isa at nakipag-bro fist din. Parang familiar ang bro fist na 'yun at nakita ko na somewhere. "Salamat," unti unting tumingin yung lalaki. Nakipag-shake hands siya sa mga kasama niya pero hindi doon na-focus ang atensyon ko. Hindi 'to pwede, napahawak na lang ako sa bibig ko para hindi ako makagawa ng ingay. I can't believe it! Tama nga siguro ang iniisip ni Jewel sa kanya na ang weird ng kilos niya. Sino ba makakapaniwalang he's... he's a g**g racer?? ANGELICA "Pero mommy, please naman. Ayoko pumunta dun, ayokong maging model noh! Isa pa maiiwan ko ang mga kaibigan ko rito," pagmamakaawa ko kay mommy. "Anak naman, malaking opportunity ito sayo kaya please cooperate. Alam ko sa simula ayaw mo pero masasanay ka rin. Just do what mom ask you to, okay?" Tumango na lang ako bilang pagsang-ayon kay Mommy. Umalis na naman siya at naiwan akong mag-isa sa sala namin. Pinag-iisipan ko parin kung anong gagawin ko. Kahit naman kelan ko lang nakilala ang mga kaibigan ko mahalaga parin sila sakin. Kailangan isama ko parin sila sa pagdedesisyon ko. Ayoko maging unfair sa kanila na bigla na lang ako aalis kahit naman hindi ako willing dun. "Why don't you go?" Tanong ni Kuya Justin na kararating lang. Tumabi naman siya sakin sa sofa. Napabuntong hininga ako. "Kuya naman, alam mo naman kung gaano ko ka-ayaw ang pagmo-model diba?" Tanong ko sa kanya. Gusto ko maging singer pero ayoko maging model. May nag-alok kasi sakin sa ibang bansa na pagmomodel pero tinanggihan ko. Si Mommy naman pinipilit ako, hindi naman namin kailangan ng pera dahil may business naman si mommy tapos si kuya tumutulong na rin. "Alam ko naman 'yun pero gaya ng sabi ni mommy magugustuhan mo rin 'yun..." panimula niya. "Kung hindi mo magustuhan, free ka naman na umalis," napabuntong hininga ako dahil sa sinabi niya. "Kuya, naisip ko lang naman ang mga taong maiiwan ko rito," sagot ko. Minsan lang ako magkaroon ng mga kaibigan na gaya nila. Na tatanggapin ako ng buo at hindi dahil sa maganda ako at anak mayaman. Marami kasi akong kaibigan sa dati kong school pero ni isa sa kanila ay hindi totoo. Mga plastik sila at kung anu ano ang sinasabi kapag nakatalikod ako. Napag-pasyahan kong lumipat noon at pinalabas na lumipat kami ng bahay kaya ganun. Sa bago kong school ordinaryong tao lang ako dahil hindi lang ako ang mayaman at maganda hanggang sa makilala ko siya. Si Rhea lang ang nakatanggap sakin kahit na masungit siya sakin nung una. Ang tanging alam ko lang ay gusto ko siyang maging kaibigan. Ang gusto lang naman kasi niya ay makapasok sa Tennis international championship. Madalang lang daw ang nakakapasok dun lalo na kapag babae ka kaya naman pinaghuhusayan niya talaga. Sinasamahan ko siya sa practice niya at ginawa ko talaga ang lahat para mapalapit ako sa kanya. Tulad ko nangangarap din siya at parehong tutol ang mga magulang namin sa pangarap namin na iyon. Kung ako, gusto ni mommy na maging model ako pero gusto ko maging singer siya naman ang gusto ng mommy niya para sa kanya ay maging isang engineer pero gusto niya talaga ang Tennis. Dahil dun naging malapit kami sa isa't isa. Maraming bagay kaming nai-share sa isa't isa kahit na magkaiba ang ugali namin. "Bakit? Ako, si mommy at daddy lang naman ang maiiwan dito. Pwede naman kaming bumisita sayo," sabi niya. Napayuko na lang ako at hindi maiwasan ang pangingilid ng luha sa mata ko. "Kuya, paano ang mga kaibigan ko? Maiiwan ko sila, alam mo namang ngayon lang ako nagkaron ng ganitong mga kaibigan," naramdaman ko ang pagtulo ng luha sa pisngi ko, "Hindi ko alam kung saan pa ako makakakilala ng mga tulad nila." Naramdaman ko ang yakap ni kuya sakin kaya lalo akong naiyak. "How can you think of them? Ngayon mo palang sila nakilala, hindi natin alam kung totoo ba sila. Ayokong maranasan mo na naman 'yung naranasan mo noon," sabi niya. "Pero kuya alam kong totoo sila. Mahirap man paniwalaan pero ang gaan ng loob ko sa kanilang lahat. Gusto ko silang makasama," sabi ko habang umiiyak. Hinagod niya ang likod ko dahil hindi parin matigil ang pag-iyak ko. "Hindi ko alam kung anong ibig sabihin ng kaibigan pero dahil sa sinabi mo ngayon naiintindihan ko na. Kung anong gusto mo, 'yun ang gawin mo. Kung saan ka masaya, dun din ako magiging masaya," napangiti naman ako sa sinabi niya. Gaya ko hindi rin maganda ang nakaraan niya tungkol sa pagtitiwala sa kaibigan pero alam kong matututunan niya rin pahalagahan ang mga kaibigan na nakapaligid sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD