Chapter 2: Checklist

1575 Words
Chapter 2: Checklist "PO?" di makapaniwalang tanong ko kay Ma'am Amethyst. "I...I mean-- I like you to be his assistant. You are very qualified for the position, Miss Borara." "Borora po, Ma'am," pagtatama ko sa kanya. "Sorry, my bad. I mean, Miss Borora, your records shows that you are really a good person. I really admire those people who can stand on their own kasi pinagdaanan ko na rin 'yan. And in your case, mas mahirap kasi sa ampunan ka pala lumaki at wala kang alam sa tunay mong mga magulang." Medyo nalungkot naman ako nang marinig ko iyon. Magulang? Wala ako no'n. Hindi ko nga alam kung buhay pa sila, eh. Hindi ko alam kung ano ang itsura nila. Hindi ko rin alam kung kanino ko namana ang maladyosang alindog ko. Lumaki ako sa kalinga ng mga madre. Lumaki akong naghahanap sa sarili ko hanggang ngayon. Nakapagtapos ako ng pag-aaral sa sariling sikap. At makakahanap ako ng trabaho sa sarili kong sikap--Wait. Bakit ba ako nagdadrama? Tsk! FAIRY CHECKLIST NO. 1: Bawal ma-stress at malungkot baka tumubo ang wrinkles. Shoot! Muntik ko nang makalimutan ang ginawa kong checklist. "I'm sorry, Miss Borara for--" "Borora po." "Yes, Miss Borora, pasensya na talaga kung pinaalala ko pa sa 'yo. It seems that you don't want to talk about it." Ngumiti siya nang puno ng simpatya. Shems! Ang ganda niya talaga. Para siyang diwata sa ganda. Pero mas maganda pa rin ako dahil isa akong dyosa. "Ayos lang po, Ma'am. Hindi po ako nalulungkot na mag-isa lang ako. Mas marami pong dahilan para magsaya ako kaysa sa magluksa sa sitwasyon ko," nakangiti kong tugon. Ang isang kagaya ko na may lahing endangered species ay hindi dapat malungkot. Sayang ang biyayang kagandahang ibinigay sa 'kin ng Diyos kung magmumukmok lang ako sa tabi-tabi. "Alam mo, gusto talaga kita. Unang kita ko pa lang sa 'yo parang magaan na yata ang loob ko sa 'yo. Anyway, hindi na kita iinterbyuhin. Kasi para sa 'kin, you are a perfect candidate for the position. Ang anak ko na ang bahala sa 'yo, siya naman ang magiging amo mo, eh. Marami nang nag-apply rito pero wala akong nagustuhan sa kanila. Sa tingin ko malaki ang magiging papel mo sa buhay ng anak ko." "Po?" "I mean, sa tingin ko magugustuhan ka ng anak ko bilang assistant niya. This is actually the first time na magha-hire kami ng babaeng assistant niya. Puro lalaki ang mga nauna niyang assistants." "Talaga po?" "Yes. Ayaw kasi ng anak ko na mapalapit sa mga babae lalo na sa trabaho." Hala! "Eh, ibig sabihin po 'pag nagkataong matanggap ako, ako ang magiging pioneer sa lahi ng mga babae bilang assistant niya?" Ang galing! "Definitely, yes. Pero..." Bahagyang nag-alangang magsalita si Ma'am Amethyst. "Pero ano po, Ma'am?" "Sa tingin ko kailangan mong mapa-impress ang anak ko. Lalo na't ayaw niya talaga sa mga babae. Napilitan lang siyang tumanggap ngayon dahil sa kasunduan namin. I told him to give this a try. And if you will fail, wala nang makakaapak na babae sa office niya maliban sa akin." Imposible! Baka 'pag nakita niya ang kadyosahan ko matutulala rin 'yon tulad ni kuya guard. "Bakit po ba ayaw niya sa mga babae, Ma'am? Misogynist po siya?" Oh nose! Baka nga misogynist siya. Mukhang sasabak sa beauty contest ang lola n'yo. "Of course, he's not. He has reasons." Reasons? "Ano po 'yung reasons, Ma'am?" "It's for you to find out." Ngumiti ito nang makahulugan sa'kin. It's for me to find out daw. Ibig sabihin mag-aala Detective Conan ako rito? O di kaya...mag-aala Dora the Explorer ako? Hindi yata puwede. Baka mapahamak ang perpektong kagandahan ko kapag sumabak ako sa adventure. Ano ba 'yan! Hindi puwede. FAIRY CHECKLIST NO. 2: Ang isang dyosa ay walang inuurungan. "Sige po, Ma'am. Aalamin ko po 'yon. Leave everything to me," confident kong saad. Mukhang na-amuse naman si Ma'am Amethyst sa 'kin. "Anyway, puwede ka nang pumunta ngayon sa executive floor. Ang anak ko na lang ang mag-i-interview sa 'yo. Tatawagan ko lang siya na parating ka." Shems! Ngayon na? "As in ngayon po? Hindi kayo nagjo-joke, Ma'am? Ngayon talaga?" Ngumiti naman ito at tumango. "Eh--Ma'am, hindi po ako prepared, eh. Mag-a-apply lang po talaga ang pakay ko sana ngayon." "No worries. Just be yourself and everything will fall into places. Be confident, Miss Borara--" "Borora po, Ma'am," pagtatama ko ulit. Bakit ba kasi gano'n ang apelyido ko? Nagiging burara tuloy ang tunog. "Pasensya na ulit. Nisyel na lang ang itatawag ko sa 'yo." Ay, better! Tumango-tango ako sa kanya at ngumiti. Tama. Kayang-kaya ko 'to! "Okay po, Ma'am. Thank you po!" "Alright. Good luck sa 'yo, Nisyel." Good luck talaga sa 'kin. Lumabas na ako sa office ng HR pagkatapos kong sumaludo kay Ma'am Amethyst at magpasalamat nang paulit-ulit. Pumasok na ulit ako sa elevator paakyat. May nakakasabay rin akong mga empleyado na karaniwan ay mga lalaki. Naririnig ko rin ang mga bulung-bulongan na ayaw nga talaga ng CEO sa mga babae. Binigyan pa nga ako ng warning ng isa sa mga kasabay kong empleyado. Hmp! Wa pake! I can do this! Nakarating ako sa twenty-first floor na sobrang lawak. Overseeing din ang skycraper mula rito. Ang ganda-ganda ng chandeliers at ang lawak ng visitor's lounge. May konting cubicles pero puro lalaki ang naroon na natulala nang makita ako. Napansin ko ang glassdoor na pangalan sa itaas na Office of the Chief Executive Officer. Bitbit ang folder ko ay lumapit ako roon. Inipit ko muna sa magkabilang tenga ang buhok na tumatabing sa aking mukha bago pihitin ang pinto. Pero napatigil ako nang mapagmasdan ko ang aking sarili sa makapal na tinted glassdoor ng executive's office. Napansin kong parang nag-dry ang pinkish, kissable, heart-shaped lips ko kaya binasa ko muna ito gamit ang aking laway. Kailangan kong maging maganda sa interview ko with the CEO para matanggap agad ako. Ang kagandahan ko lang kasi ang asset ko sa katawan. Hindi naman ako matalino, hindi rin pang model ang height ko kasi average lang ako, mga 5'3" siguro, at lalong hindi ako mayaman. Kasi kung mayaman ako bakit pa ako mag-a-apply bilang executive assistant dito, 'di ba? Ang dinig ko saksakan daw ng sungit ang CEO dito at pili lang ang mga taong nakakalapit at nakakausap sa kanya. Pinaglihi siguro sa sama ng loob kaya masungit. Puwede ring pangit siguro siya kaya palaging mainit ang dugo sa tadhana. Pero ang sabi nila, ayaw niya raw sa mga babae. Masuwerte lang ako dahil nabigyan ako ng pagkakataong ma-interview at mapatunayan ang sarili ko. Bakit kaya ayaw niya sa mga babae? Aha! Kabilang siya federasyon ng mga baklush kaya galit siya sa mga babae! Siguro naiinggit siya kasi hindi siya puwedeng magladlad dahil isa siyang business tycoon. Ayaw niya sigurong ipahiya ang parents niya. Ang bait niya palang bata, tinitiis niya ang sariling kasiyahan para lang hindi mapahiya ang mga magulang niya. Tama! Ang galing ko talaga! Hay. Pinasadahan ko ulit ng tingin ang aking kabuuan. Ang ganda ko talaga! Ngumiti muna ako sa glassdoor bilang pasasalamat kasi ginawa ko siyang salamin bago ito binuksan. Wow! Literal na napanganga ang kagandahan ko nang makapasok na ako sa loob. Ang lawak at ang ganda. Carpeted floor. Mamahaling sosyal na venetian blinds. Mukhang malambot na malambot na couch na puwedeng gawing higaan. Naggagandahang abstract paintings na nakasabit sa makintab na dingding. Makintab na mahogany table na may nakatalikod na lalaki na biglang humarap na ikinalaglag ng aking panga. Humarap! Shet! Sa sobrang gulat ko ay natapilok ako sa carpeted floor kaya natumba ako. Pesteng wedge to! Ang sakit ng pwet ko! "What are you doing there?" anang baritonong boses na dahilan kung bakit ako nakasalampak dito sa sahig. "Ah... Eh.. Hehe. Pinulot ko lang po ang panga ko, nalaglag eh." "What?!" Nagsalubong ang kanyang perpektong kilay at kumunot ang kanyang magandang noo. "A-ah.. Eh. Kwan...A-ah... Nakipagbeso po ako sa carpeted floor, wini-welcome niya po ako eh. Hihi." Sana maniwala. Ang bobo mo talaga mag-isip ng palusot, Nisyel. Maniniwala siya. "Are you talking sarcastic to me, woman?" Deym. Ang sungit! "A-ah. H-hindi po. Hindi po," sagot ko na may kasamang pag-iling-iling ng ulo. Pero tama ba itong nakikita ko? Ang CEO ay isang artista! Ay hindi pala, isang model! No. Not enough. Isa siyang... Isang Greek god! Holy crap! Tumayo ako mula sa pagkasalampak sa carpeted floor with full of confidence. Nakita ko ang bahagyang pagkagulat at pagkaawang ng kanyang mga bibig nang mag-angat ako ng mukha pero naka-recover din agad. Tumikhim ako at umayos ng tayo. "Good morning, Sir. I am Nisyel Love Borora, twenty-three years old and I am applying for Executive Assistant," maladyosang pagpapakilala ko sa aking sarili. Natigilan siya at pagkuwa'y-- "Sit," he said with a glint of intimidation. Kala niya ha? FAIRY CHECKLIST NO. 3 Never show you are intimidated by anyone. Tama. Kahit isa siyang demigod hinding-hindi ako magpapa-intimidate sa kanya. Umupo ito sa kanyang executive chair kaya umupo na rin ako sa kaharap niyang upuan. Bumabalandra pa sa mga mata ko ang naka-display na designation niya. SKEET ALVAN C. MIJARES Chief Executive Officer Nakatitig ako roon nang hindi ko namalayan. Pero literal na nagising ang dyosang diwa ko nang magsalita siya. "Hand me your folder, Love." What the? Did he just call me, love? Bakit? Why? Bakit parang biglang may nagrambulan sa aking tiyan? Don't tell me? Natatae ako! Oh crap! Bakit ngayon pa? ... ©GREATFAIRY Twitter: greatfairyWP FB Group: FAIRYNATICS and GF LOYALS
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD