Chapter 3: The Interview
"HAND me your folder, Love."
"Hand me your folder, Love."
Hala! Ano'ng nangyayari sa utak ko? Bakit nagre-replay sa utak ko ang sinabi niya?
At bakit parang ayaw tumigil ng mga nagrarambolan sa aking tiyan ? May bulate na ba ako sa tiyan? Tsk! Ano bat 'tong naiisip ko. Hindi binubulate ang isang dyosa.
Pinakaramdan ko ang aking sarili kung natatae ako pero hindi naman sumasakit ang tiyan ko. Sadyang may nagrarambolan lang sa loob. Ang alam ko hindi naman ako gutom, ah. Napakapa ako sa aking dibdib dahil parang bigla ring may nagrarambolan dito. Huh? Pumunta kaya sa dibdib ko ang iba mula sa tiyan ko? Ito yata ang sinasabi nilang nagririgudon na puso.
"What's the matter?" Halos mahulog ako sa aking kinauupuan nang bigla siyang nagsalita. Nakakunot na naman ang kanyang noo at walang ka emo-emosyon ang kanyang mukha. Pero... What's the matter daw? CEO ba talaga 'to? Grade five pa lang itinuro na kaya 'yon.
Ah... Siguro absent siya no'ng itinuro 'yon ng teacher nila. Umayos ako ng upo at ipinatong sa aking kandungan ang dalawang kamay ko. Ngumiti muna ako bago nagsalita.
"Matter is anything that occupies space and has mass po," confident kong sagot.
Ang akala ko pang Miss Universe ang itinatanong sa interview, iyon pala pang grade school lang. Buti na lang hindi ako absent no'ng itinuro 'yon.
"WHAT?!" Napapitlag ako sa lakas ng kanyang boses. Mali ba? Mali ba 'yung sagot ko? Hindi kaya. Tandang-tanda ko kaya na iyon ang definition ng matter. Kahit hindi ako matalino, matalas naman ang memory ko, 'no.
"Sir, iyon po talaga ang definition ng matter kahit tingnan n'yo pa sa libro," nakataas kilay na kong sagot. Napahilot naman siya sa kanyang sentido.
"I have no time for crap, Miss." Hala! One, two, three, four, five, six, seven.... seven. Lagpas limang salita 'yon! Ngumiti ako sa walang ka ngiti-ngiti niyang mukha. Problema nito? He looks handsome yet frustrated.
"Hand.me.your.folder," madiing saad niya at puno ng awtoridad. Mukhang nawawalan ng pasensya. Napatingin naman ako sa aking folder na nasa kandungan ko. Ngali-ngaling kinuha ko ito at ipinatong sa harap niya. Binasa niya muna isa-isa ang laman ng folder. Seryoso ito habang naglilipat ng pahina kaya nabigyan ako ng pagkakataong pagmasdan ang kanyang mukha.
Matangos na ilong. Check.
Mapupulang labi. Check.
Mahabang pilik-mata. Check na check.
Perpektong hugis ng tenga. Pak na pak!
Malapad na dibdib. Sobrang pak na pak!
Teka...May abs kaya siya? Ang sabi kasi sa mga nababasa ko sa w*****d, iyon ang pinakagusto ng mga babae sa lalaki. Ano bang meron sa abs na 'yan? Mukhang excess fats lang naman 'yan na humilera sa tiyan.
Anyway, highway, I don't care about that abs. Basta maganda ako, iyon ang pinakamahalaga.
"Done checking me out?"
Halos malaglag na naman ako sa upuan nang magsalita siya. Mahilig yata siyang manggulat. Siguro natatawa 'yan sa utak niya dahil nagugulat talaga ako.
"Opo tapos na po. Eh kayo po? Tapos na kayong magbasa?" Kumunot na naman ang noo niya at tiningnan ako na parang isa akong alien.
Alien? Ang ganda ko namang alien.
"Why should I hire you?" pagkuwa'y tanong niya.
Ito na talaga. Huminga ako nang malalim at pumikit bago nagsalita.
"Eh kayo, Sir? Bakit n'yo nga ba ako iha-hire?"
"WHAT?!"
"Joke lang po! Kayo naman, Sir! Ang seryoso n'yo kasi." Napapikit siya sa frustration na mukhang may pinipigilang emosyon sa kanyang loob.
"I am a very motivated person and a fast learner although I am new to the business world. I noticed in your posting that you are looking for an applicant with pleasing personality and I guess my records could support that, Sir. And I am fervently willing and excited to work with SDM Empire as an executive assistant and bring to you my highest level of commitment and enthusiasm for this exciting career opportunity. I really think I am perfectly fit for this job, Sir."
Halos hiningal ako matapos kong magsalita. Grabe! Sinabi ko ba talaga lahat 'yon?
Ang galing-galing mo, Nisyel. English 'yon, ha? English! Isa ka nga talagang dyosa. Nakatingin lang ito sa'kin at tumaas ang kilay niya. Siguro akala niya hindi ako marunong mag-ingles. Kala niya ha, kahit gumraduate ako na walang honor marunong din ako, 'no.
"We'll call you."
"Sir?"
"I said, you may go."
Iyon lang 'yon? Dalawang katanungan lang? What's the matter at why should I hire you? Hindi na niya ako iha-hot seat? "Sigurado po kayo, Sir? Wala na kayong itatanong?"
"Yes," walang ka emo-emosyon niyang sagot. Kailangan ko yata siyang pahiramin ng libro kong Being Happy na sinulat ni Andrew Matthews.
"Tanggap na po ba ako, Sir?" Napahilamos naman ito ng mukha at tiningnan ako nang matalim kaya napaurong ako. "We'll just call you," aniya.
We'll just call you?
Ibig sabihin hindi sigurado? Mukhang maho-hopia pa ako nito. Madramang ipinikit ang aking mga mata at huminga nang malalim.
"Alam n'yo, Sir, kung hindi ako tanggap, puwede n'yo namang sabihin ngayon na. Hindi 'yong papaasahin n'yo pa 'yong tao. Kaya hindi umuunlad ang Pilipinas,eh, kasi puro paasa ang mga tao. Sayang naman po ang pamasahe ko papunta rito kung walang kasigurohan. At saka, para may oras pa akong maghanap sa iba kung hindi ako tanggap dito," madamdaming sabi ko.
Tiningnan niya ako nang hindi makapaniwala. Wala pa rin siyang kangiti-ngiti kahit ang mga abuhing mata niya ay mukhang may itinatagong emosyon.
"Are you that rude to talk to your prospective employer?"
Holy crap! Sampu! Sampung salita 'yon! Sabi nila matipid itong magsalita. Akala ko nga what lang ang alam niyang salita, eh. Kasi kanina pa siya what nang what.
"Syempre joke lang po ulit 'yon, Sir. Kayo naman. Sinusubukan ko lang po kung malalagpasan ko ang acting skills ni Jennylyn Mercado. Take your time po." Kumunot na naman ang kanyang noo. Paborito niya yatang gawin 'yon.
"You may leave."
Napabuntonghininga akong tumayo. Hindi yata umobra ang pagiging dyosa ko. Mukhang mabibigo ko si Ma'am Amethyst. Mukhang forever na talagang woman hater itong anak niya. Naglakad na ako papunta sa pinto habang nakayuko. Pero bago ko pa man mapihit ito ay nagsalita siya.
"Love--"
Oh nose! Ayan naman ang dibdib at tiyan ko. Ano ba talagang nangyayari? Pumihit ako at nagtatakang humarap sa kanya.
"That was your second name, right?" Ayan na naman, lagpas na naman siya sa limang salita.
"Ay opo, Sir." Oo nga pala, Nisyel Love nga pala ang pangalan ko. Akala ko talaga kung ano na.
"You're hired."
"Po?"
"You're hired," pag-uulit niya.
Tinampal tampal ko ang aking maladyosang pisngi kung totoo ba talaga 'to. Pero...
Holy s**t!
This is not panaginip!
©GREATFAIRY
Twitter: greatfairyWP
FB Group: FAIRYNATICS and GF LOYALS