Chapter 1: I Like You
"MAGBAYAD ka na ng renta mo, Nisyel!"
Napapitlag ako nang biglang sumigaw mula sa labas ang landlady ko. Palibhasa walang asawa kaya masungit. Tsk!
Dahil ayaw kong mai-stress ang aking kagandahan, pinasakan ko ng earphones ang magkabilang tenga ko. Bakit ba kasi ang kulit niya? Ilang beses na niya akong siningil sa araw na 'to. Panglimang beses na yata ngayon. Ang alam ko fifty-three palang ang edad ni Lady Marianita s***h Lady M pero parang matandang ulyanin na siya.
Bakit niya pinipilit magbigay ang taong walang maibigay? Hindi ba niya alam na konti na lang ang magaganda ngayon sa mundo? Masyado niya akong inii-stress. Hindi pa naman ako puwedeng mai-stress dahil kabilang ako sa lahi ng mga endangered species. Kapag pumangit ako sa sobrang stress baka manganib ang lahi ng mga susunod na henerasyon.
Kaya dapat kalma lang ang feslak ko. Kalma lang, Nisyel. Inhale. Exhale. Less stress, less wrinkles.
Pero sadyang marami talagang manhid sa mundo dahil kahit naka-full volume na ang mumurahin kong earphones, dinig na dinig ko pa rin ang sunod-sunod na pagkalampag ni Lady M ng pinto.
"Nisyel! Buksan mo 'tong pinto at harapin mo 'ko! Nasa'n na ang bayad mo?!"
Huminga ako nang malalim, mga ten feet below the ground. I closed my beautiful, tantalizing brown eyes. This is it! Para sa kapakanan ng mga endangered species.
"Lady M, wala nga ho akong pambayad! Pero may memo plus po ako dito kung gusto n'yo ito na lang ang ibayad ko kasi nagiging ulyanin na kayo. Panglimang beses n'yo na 'tong paniningil ngayong araw! Unli po kayo? Unli?"
Sandaling katahimikan ang namayani pagkatapos kong isigaw 'yon. Deym! My precious face! Sana hindi ako magka-wrinkles nito.
"Aba't! Hoy, babae! Hindi ako ulyanin! Pinapaalalahanan lang kita para hindi mo makalimutan. Aba'y tatlong buwan ka nang hindi nakapagbayad. Diosmio!"
"Hayaan n'yo po, bukas gagawan ko ng paraan," medyo kalmado kong sagot dahil kumalma na rin siya.
"Bukas na naman? Puro ka na lang bukas. Palagi na lang bukas. Kailan ba darating ang bukas na 'yan?" madamdamin niyang sagot.
"Lady M, pinangakuan ba kayo ng ex n'yo noon na napako?" tanong ko na hindi pa rin binubuksan ang pinto dahil wala naman akong maibibigay na pambayad. Bigla na namang namayani ang katahimikan. Bumilang ako ng sampung segundo sa utak ko pero wala pa ring nagsasalita mula sa labas.
Umalis na kaya si Lady M?
Dahan-dahan akong lumapit sa pinto at pinihit ito. Tumambad sa kagandahan ko ang naninibughong mukha ni Lady M na parang nawalan ng Forever.
"Tinakbuhan niya ako sa araw ng kasal namin," puno ng hinanakit na untag nito.Oh nose! Nawalan nga siya ng forever! "Hayaan n'yo na po 'yon, Lady M. Mahahanap n'yo rin po ang forever n'yo..." Tiningnan niya ako ng masama. "..sa tamang panahon," dagdag ko na lalong ikinaasim ng kanyang kulubot na mukha. Mukha tuloy siyang ampalaya na kulubot ang balat.
"Walang forever!" aniya. Bitter. Bagay talaga sa kanya ang titulong, Walking Ampalaya. Bitter na nga kulubot pa.
"Ang bitter n'yo naman, Lady M. Kaya ba tumandang dalaga kayo dahil nag-run away groom 'yong ex n'yo?"Bigla na namang nagbago ang kanyang mukha. Mula sa maasim ay naging mapakla ito.
"Lady M?"
"Hindi ako bitter! Sadyang nasapak lang ako ng realidad. Ang forever na 'yan, para lang 'yan sa mga umaasa. Forever na umaasa! Lahat ng bagay may katapusan,"madramang saad nito na ikinalaglag ng aking panga.
"Mali. Mali kayo, Lady M," sagot ko sabay iling ng aking ulo.
"May forever kaya...because forever manifests something that is eternal." Shems! English 'yon! English!
"Heh! Tigilan mo ako, Nisyel. Iniiba mo ang usapan, eh. Ang bayad mo sa renta!"Deym. Wala talaga akong lusot sa ampalayang 'to.
"Grabe ka naman, Lady M. Hindi naman sa gano'n. Babayaran naman kita, eh. At saka huwag kayong high blood, nagmumukha kayong ampalaya, promise! Tingnan n'yo ako parang kamatis sa sobrang kinis. Hindi ko kasi inii-stress ang sarili ko."
Bigla naman itong natigilan at napahawak sa kanyang pisngi. Hmm. Effective ang drama ko!
"Gano'n ba?" aniya. Tumango-tango naman ako na sinigurado kong nagmumukha akong concerned sa kanya.
"Kailangan ko na yatang bumili ng stresstabs mamaya," mahinang bulong niya na rinig na rinig ko.Oh see? Ang galing-galing ko kaya pinalakpakan ko ang aking sarili sa isip ko. Hihihi. Nice one, Nisyel!
"Oh siya. Basta ang bayad mo, ha? Pasalamat ka't mukha kang anghel kaya nakokonsensya akong paalisin ka rito. Baka hindi ako matanggap sa langit kapag hinayaan kitang magpalaboy-laboy ka sa daan."
"Huwag po kayong mag-alala, kakausapin ko si San Pedro na magpapa-welcome party sa inyo," nakangiting sagot ko.
"Ano?"
"Wala po. Wala po. Ang sabi ko po salamat kasi concerned kayo sa'kin," sabi ko sabay iling ng aking ulo.
"Basta bukas kahit kalahati man lang may maibabayad ka," paalala nito.
"Opo," sabi ko at pumihit paharap sa pinto dahil tumalikod na rin si Lady M para umalis. Pero bago 'yon--
"Lady M!" tawag ko ulit sa kanya. Tumigil naman siya sa paglalakad at humarap sa'kin.
"Ano na naman?" untag nito.
"Huwag na po kayong mag-ulam ng ampalayang may itlog sa almusal." Nagsalubong na naman ang kulubot niyang balat.
"Kamatis na lang po ang ilagay n'yo sa itlog. Mas masarap po iyon, promise! At baka sakaling maniwala kayong may forever," sabi ko at sumaludo sa kanya.
"ABA'T! NISYEL--!"
Sinarado ko agad ang pinto nang makapasok ako bago pa mahawaan ang kagandahan ko ng wrinkles niLady M. Phew! Congrats, Nisyel! Lumusot ka na naman do'n. Ang galing!
Pinalakpakan ko muna ang aking sarili at ngumiti sa malaking salamin malapit sa pinto. Dito ko talaga inilagay para makikita ko ang aking sarili bago ako lumabas sa maliit na apartment ko.
Saan naman kaya ako kukuha ng pambayad ko bukas kay Lady M? Hmm. Stress free. Stress free dapat ang kagandahan ko kaya hindi ko muna iisipin iyon. Live like there's no tomorrow nga 'di ba?
Inilibot ko ang aking paningin sa buong apartment ko para isipin kung ano ang gagawin. Parang wala naman kasi malinis na ito. May pagkain na rin ako. Nasa ayos na rin ang mga litrato ko na kuha no'ng graduation ko.
Sa paglikot ng aking magagandang mga mata ay napako ang mga ito sa maliit kong sofa. Shems! Bakit ko ba nakalimutang basahin ito? Mabilis akong umupo sa sofa at kinuha ang dyaryong binili ko kanina para matingnan ang classfied ads. Kailangan ko palang maghanap ng trabaho.
Ito, ito. Suarez Group. Kailangan nila ng waitress sa isang restaurant. Waitress? No, no, no. Hindi pala pang-waitress ang beauty ko. At saka, Business Management ang kurso ko, parang hindi naman appropriate kaya nag-scan pa ulit ako.
Salvatore Enterprises needs a driver. Driver? Shet!Lalong hindi puwede. At isa pa hindi naman ako marunong mag-drive. Baka lumipad sa bangin ang sasakyang ida-drive ko. Napakalaking sayang pag namatay ako nang maaga. Magluluksa ang mga kalahi kong dyosa. Ano ba'ng maganda rito? Parang wala namang kuwenta 'tong nabili kong dyaryo. Hmm. Kinakagat-kagat ko ang aking labi habang naghahanap. Hanggang sa--
SDM EMPIRE IMMEDIATE HIRING!
SDM Empire is in need of Executive Assistant. Female. Preferably between 23 to 25 years old. A graduate of any Management courses and with pleasing personality.
Executive Assistant. Puwede! Mabilis kong kinopya ang addressee ng a-applyan at saka lumabas ng apartment para pumunta ng internet café at gumawa ng application letter.
TININGNAN ko ang aking kabuuan sa malaking salamin. Ngayong araw ako magpapasa ng application letter at resume sa SDM Empire. Mukha talaga akong anghel. Tama nga si Lady M. Nagsuot ako ng royal blue na dress na hanggang tuhod ko ang haba at pinatungan ko ng puting cardigan. Pinarisan ko rin ito ng puting pumps. Mabuti na lang nakabili ako ng mga ganito sa UK. Pinasosyal na tawag sa ukay-ukay.
Breathe in. Breathe out. Inhale the good vibes. Exhale the bad vibes. Perpekto! Ngumiti ako sa aking repleksyon bago tuluyang lumabas ng apartment bitbit ang folder na may lamang credentials.
Nakangiti akong bumaba mula sa jeep. Ang galing! Malapit lang pala sa apartment ko itong SDM Empire. "Good morning, Kuya Guard! Anong floor po 'yung HR?" turan ko sa isang kuya guard na nakabantay dito sa labas. Napamaang ang kagandahan ko nang biglang itong natulala at ngumanga.
"Kuya, anong floor po 'yong HR kasi mag-aaply po ako," nakangiting sabi ko ulit pero hindi pa rin ito kumurap. Lumingon ako sa aking likod baka sakaling may makita akong apparition na dahilan ng pagkatulala niya pero wala naman.
Ang talented naman ng mga guwardiya rito. Magaling magpakunwaring estatwa. Papasa na sa mannequin challenge. "Kuya Guard? Yuhoo!" Kumaway-kaway ako sa harap niya para mapansin ako. Huh? Wala pa rin?
Inii-stress naman ako ng kuya guard na 'to. Napatingin ako sa hawak kong folder. Hmm. Hinawakan ko ito nang mahigpit para hindi malaglag ang mga laman at saka buong lakas na pinukpok sa ulo ni kuya guard.
"Aray!" Sa wakas!
"Sorry po. Sorry po, kuya! Kayo kasi hindi n'yo ako pinapansin. Nakatulala lang kayo d'yan."
"P-pasensya na, Ma'am. Parang nakakita po kasi ako ng anghel," anito. Anghel?
"May anghel dito, kuya? Nasa'n po?" tarantang tanong ko.
"Kayo po. Mukha kayong anghel." Ano raw?
"Talaga, kuya? Sinabi n'yo 'yan, ah?"
"Oo naman po."
"Teka, nasa'n pala 'yung HR dito, kuya? Mag-a-apply kasi ako."
"Gano'n ba. Sa third floor po, Ma'am."
"Salamat po, kuya!"
"Walang anuman po, Ma'am. Sana matanggap kayo."
Ngumiti muna ako kay kuya Guard bago tuluyang pumasok.
Wow! Nalaglag ang panga ko sa sobrang ganda ng lobby nila. Galante! Kumikinang pa 'yung sahig. Parang nasa hotel lang ako pumasok. Halatang sosyalin talaga ang may-ari nito. Pumasok na ako sa public elevator. Sosyal. Pati elevator may private at public din.
Bumungad sa akin ang medyo abalang mga empleyado pagkapasok ko ng HR. "Ah, good morning po! Mag-a-apply po sana ako. Kanino po ako puwedeng magpasa ng application?" tanong ko sa isang babae na parang nasa late thirties na ang edad. Medyo natulala pa ito nang nabigla pero nakarecover din agad. Namangha rin kaya siya sa alindog ko?
"Gano'n ba. Sige, sasamahan na lang kita kay Ma'am Amethyst. Siya kasi ang personal na nagsi-screen ng mga applicants. Si Ma'am Amethyst pala ang asawa ng may-ari nito at anak niya rin ang CEO."
Bigla akong kinabahan pero naalala kong hindi pala ako dapat matakot dahil isa akong dyosa.
Pumasok kami sa isang pinto. Ito yata ang office ng HR Manager. "Ma'am Amethyst, may walk-in applicant pala tayo," anito sa babaeng nagbabasa ng kung anu-anong papel. Pero literal na lumaki ang mata ko nang mag-angat siya ng mukha.
Shems! Ang ganda niya! Hindi halatang may edad na siya. Kalahi ko kaya siya?
"Good morning po!" masiglang bati ko at puno ng confidence. Bahagya rin itong nagulat nang makita ako.
"Good morning. Have a seat. Salamat, Trish. You may go," anito sa babaeng naghatid sa akin.
Ibinigay ko sa kanya ang folder na hawak ko. Binasa niya ito habang nagsa-scan sandali sa credential ko. Bahagya pa itong napatango-tango habang naglilipat ng pahina.
"So,you're an orphan before at nakapagtapos ka ng pag-aaral sa sariling sikap?"
"Opo," sagot ko.
"I like you."
"Po?" Kumurap ako. Pero nalaglag ang panga ko sa kanyang sunod na sinasabi.
"I like you for my son."
Holy mother of like!
©GREATFAIRY