Prologue
Inipit ko muna sa magkabilang tenga ang buhok na tumatabing sa aking mukha bago pihitin ang pinto.
Pero napatigil ako nang mapagmasdan ko ang aking sarili sa makapal na tinted glassdoor ng executive's office. Napansin kong parang nag-dry ang pinkish, kissable, heart-shaped lips ko kaya binasa ko muna ito gamit ang aking laway.
Kailangan kong maging maganda sa interview ko with the CEO para matanggap agad ako. Ang kagandahan ko lang kasi ang asset ko sa katawan. Hindi naman ako matalino, hindi rin pang-model ang height ko kasi average lang ako, mga 5'3'' siguro, at lalong hindi ako mayaman. Kasi kung mayaman ako bakit pa ako mag-a-apply bilang executive assistant dito, 'di ba?
Ang dinig ko saksakan daw ng sungit ang CEO dito at pili lang ang mga taong nakakalapit at nakakausap sa kanya. Ipinaglihi siguro sa sama ng loob kaya masungit. Puwede ring pangit siguro siya kaya palaging mainit ang dugo sa tadhana.
Pero ang sabi nila, ayaw niya raw sa mga babae. Masuwerte lang ako dahil nabigyan ako ng tsansa na ma-interview at mapatunayan ang sarili ko.
Bakit kaya ayaw niya sa mga babae?
Aha!
Kabilang siya federasyon ng mga baklush kaya galit siya sa mga babae!
Siguro naiinggit siya kasi hindi siya puwedeng magladlad dahil isa siyang business tycoon. Ayaw niya sigurong ipahiya ang parents niya. Ang bait niya palang bata, tinitiis niya ang sariling kasiyahan para lang hindi mapahiya ang mga magulang niya.
Tama! Ang galing ko talaga! Hay.
Pinasadahan ko ulit ng tingin ang aking kabuuan. Ang ganda ko talaga! Ngumiti muna ako sa glassdoor bilang pasasalamat kasi ginawa ko siyang salamin bago ito binuksan.
Wow! Literal na napanganga ang aking kagandahan nang makapasok na ako sa loob. Ang lawak lawak at ang ganda.
Carpeted floor.
Mamahaling sosyal na venetian blinds.
Mukhang malambot na malambot na couch na puwedeng gawing higaan.
Naggagandahang abstract paintings na nakasabit sa makintab na dingding.
Makintab na mahogany table na may nakatalikod na lalaki na biglang humarap na ikinalaglag ng panga ko.
Humarap!
Shet! Sa sobrang gulat ko ay natapilok ako sa carpeted floor kaya natumba ako.
Pesteng wedge to! Ang sakit ng puwet ko!
"What are you doing there?" anang baritonong boses na dahilan kung bakit ako nakasalampak dito sa sahig.
"Ah... Eh.. Hehe. Pinulot ko lang po ang panga ko, nalaglag, eh."
"What?" Nagsalubong ang kanyang perpektong kilay at kumunot ang kanyang magandang noo.
"A-ah.. Eh. Kwan...A-ah... Nakipagbeso po ako sa carpeted floor, wini-welcome niya po ako, eh. Hihi." Sana maniwala. Ang bobo mo talaga mag-isip ng palusot, Nisyel. Maniniwala siya.
"Are you talking sarcastic to me, woman?"
Demn. Ang sungit!
"A-ah. H-hindi po. Hindi po," sagot ko na may kasamang pag iling-iling ng ulo.
Pero tama ba 'tong nakikita ko?
Ang CEO ay isang artista!
Ay hindi pala, isang model!
No. Not enough.
Isa siyang...
Isang Greek god!
Greek god?
Holy crap!
©GREATFAIRY