CHAPTER 4

1797 Words
Mahigit isang linggo pang nanatili si Hunter sa hospital upang obserbahan ang kalagayan nito at masiguro na ligtas na itong umuwi. Inantay din ng doktor na tuluyang gumaling ang ibang sugat at bali sa katawan ni Hunter bago ito nagbigay ng pahintulot na maaari ng umuwi ng bahay si Hunter at doon na lang magpahinga. Narito kami ngayon sa hospital kasama ang mga magulang ni Hunter dahil ngayong ang nakatakdang araw ng pag uwi nito sa bahay. Labag man sa loob ko ay pinayagan kong dumalaw si Athena araw-araw kay Hunter dahil na rin sa madalas na pagnanais ni Hunter na nandun si Athena.  Sa bawat araw na lumipas nitong mga nakaraang linggo ay hindi ko maiiwasang masaktan tuwing makikita ko ang pagkasabik ni Hunter tuwing nakikita si Athena.  It should have been me. Ako dapat ang yumayakap, lumambing, at humahalik sa asawa ko at hindi ang babaeng iyon ngunit wala akong magawa. Gusto kong magalit pero kanino? Sino ang dapat kong pagtuunan ng galit ko?  Kay Hunter na hindi ako maalala? Kay Athena na sinasamantala ang kalagayan ni Hunter? Ang driver ng van na bumunggo sa sinasakyan ni Hunter? Ang mga magulang ni Hunter na mas piniling wag ako ipapakilala para sa ikabubuti ng anak nila? Kanino nga ba sa kanila ako dapat magalit dahil nasasaktan ako ngayon? Sa araw araw na dumarating ay patuloy na namumuo ang puot sa aking puso ngunit agad ko ding naiisip na wala namang may gustong mangyari ang lahat. Hindi dahil ako ang pinakanahihirapan sa sitwasyon ngayon ay may karapatan na akong sumbatan ang mundo. Naputol ang aking pag iisip ng pumasok si Brandon Cavanaugh. Sya ay kababata ni Hunter at matapat na tagapagsilbi at bodyguard nito. Matangkad at matipuno ito, hindi rin maipagkakaila ang kagwapuhan nito. Brandon's family is serving the Lorenzana's way way back their time. Naging matalik na magkaibigan ang mga magulang nila, kaya naman halos sabay na din silang lumaki ni Hunter. Hunter took Business Administration in college while Brandon went to military because he wanted to be part of the Titan Empire. Nang parehas na silang makapagtapos ay pumasok si Brandon sa security agency na pagmamay-ari ng pamilya ni Hunter at si Hunter naman ay nagsimula ng pag aralan ang pamamalakad sa kompanya. Ever since then nagsumikap si Brandon upang marating ang posisyon nya ngayon. Si Brandon ang namamahala ngayon sa training ng lahat ng mga empleyado ng Titan Empire. Sya rin ang namamahala ng mga armas ng ginagamit ng mga empleyado sa kanilang ahensya. "Hey! Buddy!" masayang bati ni Hunter ng makita si Brandon. Bahagya pa itong nagulat ng mapansin si Athena sa tabi ni Hunter. Bumaling din ang kanyang tingin sa magkasugpong nilang kamay pagkatapos ay kunot noong lumingon sa akin bago muling bumaling kay Hunter na nakahiga pa din sa hospital bed. "Hey, How are you." ganti nitong bati kay Hunter. "I thought you're not going to visit me. Muntik na kong mamatay pagkatapos ngayon ka lang dadalaw?" pabirong sumbat nito dito. "I was in Paris when you got into an accident. You sent me there to talk and negotiate about the new fire arms na oorderin natin para sa supply ng Titan. I couldn't leave immediately hangga't hindi natatapos ang negotiation because it took us months to set an appointment with them." nakangiting paliwanag nito. "Is that so..." malungkot na sagot ni Hunter. Agad ko namang hinila si Brandon at pabulong na ipinaliwanag ang sitwasyon ni Hunter ngayon. Nakayuko ng bahagya si Brandon sa akin habang nakalapit ang bibig ko sa kayang tenga upang maibulong ng maayos dito ang sitwasyon. Nang mag angat ako ng tingin sa gawi ni Hunter ay nagulat ako ng mabakas ko ang inis sa mukha nito. Agad din itong umismid ng mapansin nyang nakikitig na rin ako sa kanya. Matapos malaman ni Brandon ang nangyari ay agad itong lumapit kay Hunter upang humingi ng paumanhin. "Sorry, Bud. I didn't know. How insensitive of me." wika ni Brandon kay Hunter. "It's okay, the doctor said that this is all temporary, so no big deal..." nakangiti nitong tugon kay Brandon. Ang mga magulang naman ni Hunter ay tahimik lang na nagmamasid at nagliligpit ng mga gamit ni Hunter. Pagkatapos bumati kay Hunter ay lumapit si Brandon sa akin upang tanungin kung okay lang ako. He knows how I loved Hunter at sigurado akong alam nya din kung gaano ako nasasaktan sa sitwasyon namin ngayon. Hinawakan nya ang aking kamay upang palakasin ang aking loob. "Everything's going to be okay, be strong. Be strong for Hunter, wag mo syang susukaan." bulong nito sa akin. I wanted to cry because of what he said but I don't want to make a scene. Siguradong magtataka si Hunter kung bakit ako umiiyak. Isang mahinhing tango lang ang naisagot ko kay Brandon. Brandon has been a very good friend of mine. Dahil sa pagiging close nila ni Hunter ay napalapit na rin ito sa akin at itinuring ko na rin syang matalik na kaibigan kaya naman bahagyang gumaan ang loob ko dahil narito na sya. "I didn't know that you and my secretary are close." malamig na wika ni Hunter dahilan upang sabay sabay kaming lahat na napalingon dito. Sa aming lahat, si Brandon ang pinakanagtataka sa tinuran ni Hunter. "You're what?" takang tanong ni Brandon dito pagkatapos ay naguguluhang lumingon sa akin muli. I was about to explain to him when Hunter speak again and cut me off. "Maxine, my secretary." wika nito sabay turo sa aking banda. "She's your what?" bahagyang tumaas ang boses ni Brandon dahil sa gulat. Bago pa muling makasagot si Brandon ay hinila ko na ang braso nito at tinungo ang pinto bago tuluyang lumabas ng silid. "What the f**k was that Max?!" sigaw ni Brandon sa akin ng tuluyan na kaming nakalayo sa silid ni Hunter. "Shh.. Lower your voice, will you?" suway ko dito dahil pinagtitinginan na kami ng ibang mga tao sa ospital. "Fine! I'm listening." buntong hininga nito pagkatapos ay pinag krus ang mga braso nya sa kanyang dibdib habang inaantay ang paliwanag ko. "He doesn't remember me. He only remembers his life seven years ago kaya hindi nya ako nakikilala. Hindi nya matandaan na nagpakasal kami. We can't tell him directly dahil nakakaroon sya ng black out episode kapag may mga impormasyong sinasabi sa kanya na hindi nya alam. He's forcing himselft to remember and that is not good for him. Maaaring tuluyan ng mawala at hindi bumalik ang mga alaala nya kapag pinilit nya ang utak nya habang hindi pa ito tuluyang magaling." mahabang paliwanag ko dito. "How about you being his secretary?" tanong nitong muli. "Yun lang ang naiisip kong dahilan para hindi sya magtaka kung sino ako at bakit ako nandito. I figured out na Hunter wouldn't force himself to remember me kung malalaman nyang isang simpleng sekretarya lang ako sa kanya. I'm not that important to him kaya hindi nya pinipilit alalahanin ako pero kung magpapakilala akong asawa nya, malaki ang possibility na pilitin nyang bumalik ang memory nya lalo na ngayong sa pagkakaalam nya si Athena pa din ang girlfriend nya. You, of all people, know kung gaano nya kamahal si Athena dati. Hindi nya basta basta matatanggap na kasal sya sa iba." mahabang paliwanag ko kay Brandon bago parang nanghihinang napayuko. Tila naubos ang lakas nya habang pinapaliwanag kay Brandon ang sitwasyon. Saying those words out loud, parang binibiyak ang puso ko. "I'm sorry. Alam kong mahirap para sayo ang sitwasyon pero lubos akong humahanga sa katapangan mo. I know my best friend is in good hand. Basta wag kang susuko. I am one hundred percent sure that the moment Hunter remembers you, he will coming running down to you." wika ni Brandon. Bahagya namang gumaan ang loob ko sa sinabi nya at niyakap ko ito bilang pasasalamat. "Hindi magandang dito kayo naglalandiin sa public area." malamig na wika ng boses na nanggaling sa may pintuan ng kwarto. It was Hunter na madilim ang mukhang nakatitig sa amin. Mabilis akong lumuwag sa pagkakayakap nito at bahagyang nagulat sa kakaibang titig ni Hunter. His gaze is somehow different from his gaze nung una syang nagising. May kakaibang emosyon ang naroon ngunit hindi ko malinaw na mapagtanto kung ano yun. Mababakas din sa mukha ng mga magulang nito at ni Athena, na nasa likod nya, ang pagtataka sa ikinikilos ni Hunter. Noong mga nakaraang araw ay halos hindi ako tinatapunan ng atensyon ni Hunter kahit pa nga ako ang madalas na kasama nya at nagbabantay sa kanya. Umaalis ako sa umaga upang pumunta sa kompanya at asikasuhin ang papapatakbo roon, pagkatapos ay babalik akong muli sa hospital pagdating ng tanghali upang bantayan ang pagkain nito. Pagkatapos ng pananghalian ay babalik ako sa opisina upang magtrabaho at didiretsong muli sa ospital pagdating ng gabi. Doon na ako nagpapalipas ng gabi and it was the same routine everyday for the past week. Halos nasanay na nga rin akong halos hindi pinapansin ni Hunter kaya naman nagtataka ako sa biglang pagbabago ng ugali nito. Does he remember something? Napatitig ako kay Hunter ng ilang saglit bago ito muling nagsalita. "Let's go." malamig nitong wika muli at saka nya kami nilapasan ng hindi man lang nililingon. Agad namang kaming sumunod sa mga ito. Bukod kila Hunter, Athena, mga magulang nito, at si Brandon ay mayroon pang dalawang body guard ang nakasunod sa amin at may dala ng gamit ni Hunter. Walang ni isa ang nagtangkang bumasag sa katihimikan hanggang sa makarating kami sa parking lot. Isang sasakyan ang huminto sa harap namin. It was Hunter's car na hinatid ng valet ng ospital. Obviously, Hunter can't drive kaya naman ang isa sa mga body guard na kasama namin ang tumanggap ng susi mula sa valet at tumuloy sa driver seat ng sasakyan. "Hijo, we brought our car. Magkita na lang tayo sa bahay mo." sabi ng ama nito. Marahan lang itong tumango bilang pagsang ayon. "I also brought my car. Susunod na lang din ako sa bahay mo." paalam din ni Brandon. I'm not sure kung kanino ako sasakay, ang dalawang front seat sa kotse ni Hunter ay okupado na ng dalawang body guards and the back seat ay paniguradong nakareserba para sa kanila ni Athena. I let out a deep sigh before speaking. "Sayo na lang ako sasabay." baling ko kay Brandon. Akmang susunod na ako kay Brandon papunta sa sasakyan nito ng marinig kong muli ang boses ni Hunter. "My secretary will come with me. Go with Brandon, Athena." pagkasabi noon ay agad na nya akong hinila sa braso at ipinasok sa passenger seat ng sasakyan at pagkatapos ay isinarado ang pinto nito bago mabilis na umikot at sumakay sa kabilang side ng kotse. Hindi na nagawang magprotesta ni Athena dahil agad na inutos ni Hunter na paandarin ang sasakyan. *************
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD