CHAPTER 3

1575 Words
**** "I know it's too much to ask anak, as much as it hurts me to see you like this pero kailangan nating sundin ang bilin ng doktor. We need to let Hunter remembers on his own." narinig kong sabi ni Daddy matapos naming kausapin ang doktor. Nandito na kaming muli sa loob ng kwarto ni Hunter.  Hunter is still fast asleep. Natatakot akong baka abutin na naman ng ilang buwan bago ito magkamalay muli. I am looking at Hunter laying on the bed, I would do anything for this man. Kahit pa magpanggap na ibang tao at hindi asawa nya ay gagawin ko maging ligtas lamang ito. Tiimtim kong pinagdadasal na sana ay muli ng magkamalay ang asawa ko, mas gugustuhin kong makita ang asawa kong gising at hindi ako kilala kesa naman walang malay na nakahiga lamang sa kama. Tila agad namang pinakinggan ng langit ang aking hiling dahil makalipas ang ilang oras mula ng mawalan ito ulit ng malay ay nagsisimula na ulit itong gumagalaw. Ilang sandali pa ay tuluyan ng bumukas muli ang mga mata nito. "A-athena." banggit na naman nitong muli. Parang tinutusok ng libo libong karayom ang puso ko dahil sa sakit. I thought I already prepared myself to endure the pain of seeing my husband asking for another woman pero hindi pa rin pala ganun kadali. Hindi pa din nababawasan ang sakit. Hindi ko magawang magalit kay Hunter dahil alam kong wala sya sa tamang pag iisip. "Anak, Athena went home for awhile." si mommy ang sumagot kay Hunter. "I want Athena, mom, call her. I want her to here with me." pagpupumilit ni Hunter. Bahagya akong tumalikod upang itago ang luha kong nagsisimula ng pumatak. "What is she still doing here? And who is she by the way?" nakakunot noong tanong ni Hunter. Hindi naman agad nakapagsalita sila mommy and daddy. Hindi nila alam kung anong isasagot sa tanong ni Hunter. "I-- I am your secretary and personal assistant Mr. Lorenzana. You hired me six years ago." pagpapakilala ko. Nakakunot ang noong nakatingin lang ito sa akin at tila tinitimbang ang mga sinabi ko. Saglit itong nagisip at nagtangkang alalahanin ang tungkol sa kanya. Bahagya akong kinabahan dahil bago sumakit na naman ang ulo nya dahil sa pagiisip ngunit awa ng diyos ay tila hindi naman nakaapekto ng masyado sa kanya ang bagong impormasyon na sinabi ko. "What do you mean? How can you work for me if I can't remember you? At lalong hindi ko nakakalimutan ang ginawa mo kay Athena kanina. If you are just a mere secretary, wala kang karapatang saktan ang girlfriend ko." pagalit nitong wika. "Hijo, you had an accident and the doctor said that you suffered from selective amnesia. All you remember are the things seven years ago." paliwanag ng ama nito. "I'm sorry for what happened earlier sir. I was out of line." paghingi ko ng paumanhin dito. I need to toughen myself up. This is the only way that I can still be part of his life without pushing him to remember me as his wife. He looked as if he is trying to make himself remember ng saglit itong mapangiwi marahil ay dahil biglang sumakit ang ulo nito dahil sa pagiisip. "You don't have to push yourself to remember son, sabi ng doktor ay babalik din daw ang lahat ng memorya mo kapag tuluyan ng naghilom ang sugat mo sa ulo." singit naman ni mommy. "Yeah, my head kinda hurts whenever I tried to remember something." pag sang ayon nito. "I think your job here is done. This is a family matter, you may take your leave now. " baling ni Hunter sa akin ng mapansin nyang nakatayo lamang ako sa isang gilid at tahimik na nakatingin sa kanila. Nagulat naman ang mga magulang nito dahil sa inasal ni Hunter. "Hijo, she's been your personal assistant for a long time now. Mas makakabuti na nandito sya kasama mo para maalalayan ka. She knows you more than we than do." pagdadahilan ni mommy. I am so thankful at agad silang nakapagisip ng dahilan upang hindi ako paalisin ni Hunter. "Whatever, she can stay here as long as she wants but if she hurts Athena again, hindi ko na sya mapapatawad. I don't care if she has been working for me for a long time." masungit na sabi nito. I can't find my voice to speak. Tahimik lang ako habang pinagmamasdan ang mukha ng aking asawa. Ilan buwan kong ipinagdasal na magising na ito at mayakap kong muli ngunit hindi ko inaasahan na sa ganitong sitwasyon pala ang muli naming pagkikita. "I want to see Athena now, I feel better na. I miss her dad, call her and tell her to come here." masiglang sabi nito sa mga magulang. Saglit namang napatingin sa aking sila mommy at daddy upang humingi ng permiso. I understand them, alam kong bilang mga magulang ni Hunter, gagawin nila kung ano ang makakabuti para kay Hunter. Bahagya akong tumango sa kanila bilang pag sang ayon. Lumabas naman si daddy upang tawagan si Athena. Ako naman ay nanatili lang sa gilid ng kwarto at tahimik na pinagmamasdan sila. Hindi ko alam kung paanong nakuha ni dad ang numero ni Athena ngunit ilang oras lang ang nakalipas ay nandito na ito. Excited much? She went inside the room with a smug in her face, it was as if she's declaring her victory. The war hasn't started yet, b***h! Gustong gusto ko ng ilampaso ang mukha nya sa semento dahil sa sobrang inis pero pinigilan ko ang aking sarili. Sinalubong ko sya agad sa may bandang pinto kung saan hindi kami makikita ni Hunter. "Don't do anything stupid. I am still his wife at kaya ka nandito dahil sa pahintulot ko. One wrong move at ipapakaladkad kita sa mga tao ko." banta ko sa kanya. Nginisaan nya lamang ako at saka ipinalag ang braso nya upang makakawala sa pagkakahawak ko. "Hi baby!" masiglang bati nito kay Hunter ng tuluyan ng pumasok sa loob ng kwarto. "Thank you God you're here baby!" masiglang tugon ni Hunter. Ako naman ay bumalik na sa pagkakaupo sa upuan na nasa tapat ng hospital bed ni Hunter. Agad namang akong tinitigan ni Hunter, nag angat ako ng tingin dito ng maramdaman ko ang patitig nya. "We need some privacy, ahmm, what's you're name again?" tanong nito. "Maxine." maikling sagot ko dito na nakatingin lang sa kanyang mga mata. "Oh okay, Maxine. We need some privacy. Can you just wait outside?" utos nito sa akin. Mabilis akong tumutol sa sinabi nya. "I prefer to stay here sir. Baka may mga importante kayong kailangan." pagtanggi ko sa utos nya. "I said get out now." matigas nitong utos sa akin. But I refused to follow him, I will not allow them to have some privacy. Wala akong tiwala sa malanding babaeng yun. "Nope. I will stay here wether you like it or not. You can do whatever you want but I will stay here. You're safety is my number one priority." pagtutol kong muli dito. Halata naman ang frustration sa mukha ni Hunter dahil sa hindi ko pagsunod. "You know what, you are such as pain in the ass for a secretary. Paano ka nagtagal sa kompanya ko? I can't believe that I let hardheaded employee in my company." inis na sabi nito ng hindi talaga ako sumunod sa utos nito na lumabas. "She's your what?!" gulat na tanong ni Athena.  "My secretary and my personal assistant." maikling sagot ni Hunter. Isang malutong na halakhak lang ang isinagot ni Athena sa sinabi ni Hunter. "Why, what's wrong?" takang tanong ni Hunter ng hindi maintindihan ang dahilan ng pagtawa nito. Agad ko namang sinamaan ng tingin si Athena. Laugh all you want. Intayin mo lang ang ganti ko. "Nothing babe, natatawa lang akong sa sekretarya mo. Just don't mind her. I miss you so much." I can see the sarcasm in her voice. Para pa itong nanadya at hinalikan si Hunter sa labi. Nakuyom ko ang aking kamay upang pigilan ang sariling kaladkarin ang malanding babaeng ito palabas ng ospital. Binalaan na kita na wag kang gagawa ng kalokohan. Humanda ka talaga sa akin pag labas mo dito sa kwarto! Hindi ko na namalayan na kanina pa pala ako nakatitig sa kanila. It was too late when I realized that I was already watching them making out. This scene is too much, I didn't signed up for this. Akala ko kaya ko na, pero hindi pa din pala ako handang makita syang may kahalikang iba.  Wala sa sariling humakba ako palabas ng kwarto ni Hunter. After all the defiance, I eventually given them the privacy that they were asking. Para akong lutang habang naglalakad ako palayo sa kwarto kung saan naroon si Hunter, ang asawa ko, at si Athena na naghahalikan.  Simula pa lang ito ng kalbaryo ko, kakayanin ko ba? I love Hunter so much at hindi ko sya kayang isuko ng basta basta pero hindi ko din maikakaila ang sobrang sakit na dulot ng katotohanang hindi ako parte ng buhay na naalala nya. Hindi ko alam kung hanggang saan ang kaya kong tiisin pero pipilitin ko kahit gaano kasakit basta kayo ko. Ayokong may pagsisihan sa huli na hindi ko nagawa ang lahat ng bagay. Saka lang ako susuko kapag tuluyan ko ng nakitang wala ng saysay ang lahat ng ginagawa ko. Sa ngayon, ilalabas ko lang muna ang sakit sa pamamagitan ng pagluha. *******
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD