CHAPTER 5

1624 Words
***** Maxine It took me by surprise when he chose me to be with him in his car. Pahapyaw ko syang sinulyapan upang mabasa ang nasa isip nito ngunit nanatiling matigas at walang emosyon ang mukha nito. Marahil ay naramdaman nya ang pagtitig ko kaya bigla itong lumingon sa may banda ko. Mabilis ko namang iniiwas ang tingin ko dahil sa pagkabigla. It was long and agonizing thirty minutes of my life. Kahit isa sa amin ay walang nagbalak bumasag ng katahimikang pumapailanlang sa aming paligid hanggang sa makarating kami sa aming mansyon. Unang dumating ang mga magulang ni Hunter sa mansyon, kasunod ang sasakyan ni Brandon, at kami ang pinakahuling dumating. Lahat sila ay nagaantay sa amin sa labas ng gate at nagsimula lang pumasok ang mga ito ng dumating ang sasakyan namin. Mabilis na bumaba ng sasakyan si Hunter at hindi man lang ako nilingon.  Anong problema ng isang iyon? Sigurado ba ang doktor na amnesia lang sakit nya, bakit parang nasiraan na din ng ulo. Nakaismid akong bumaba ng sasakyan at malakas na isinara ang pinto na gumawa ng ingay at nakakuha ng atensyon ng mga nandoon. Ang mga magulang ni Hunter ay nakapasok na sa loob kaya sina Hunter, Athena, Brandon, at dalawang body guard na andun ang napalingon dahil sa ginawa ko.  Ang lahat ay nakakunot ang noo habang nakatingin sa akin maliban sa dalawang body guard na kasabay namin. I just shrugged my shoulder at hindi ko pinansin ang mga nagtatanong nilang mukha at dire-deritsong pumasok sa loob ng mansyon. Hindi pa man ako tuluyang nakakapasok ay narinig ko ang mahinang salita ni Hunter. "She's so stubborn for a secretary. Paano ako tumagal sa kanya?" Hindi ko naman nilingon ang mga ito ay tuloy tuloy ng pumasok sa loob. Nang makapasok na ang lahat pati na din ang mga gamit sa sasakyan ay nagpaalam na ang dalawang body guard at pumunta na sa kani kanilang quarters sa loob ng mansyon. Si Hunter naman ang bumasag sa katahimikan at nagsalita. "You should go home now Maxine, I'll just see you at the office." malamig na wika nito na hindi man lang ako tinatapunan ng tingin. "Ahm-- I'm going to stay here sir." nauutal kong sagot dito. "What?! Why?" takang tanong nito habang nakakunot ang noo. "Hijo, your dad and I, we figured out that it should be better na she would stay here with you to assist you on your personal needs and of course to guide you with everything about your company. Ilang buwan ka ding nasa ospital at lahat ng previous engagement mo ay si Maxine ang humahawak kaya mas kabisado nya iyon. Mas magagabayan ka nya lalo na't hindi ka naman nagpapapigil na hindi muna bumalik sa kompanya." paliwanag ng kanyang ina. "Mom, I've been handling my company for a couple of years before mawala ang alala ko. I'm pretty sure na alam ko kung paano patakbuhin ang kompanya ko." madilim ang mukhang wika nito bago lumingon sa akin. Ako naman ay nanatiling tahimik sa isang tabi not making any sound upang hindi na lumala ang sitwasyon. I figured out that if his parents would be the one to pursue the idea of me staying here mas madali nya itong tatanggapin ng walang masyadong paliwanag kumpara sa ako ang magpupumilit. Siguradong magtataka ito kapag ako ang nag open up ng idea na manatili sa bahay nya. Ako ang nakaisip ng ideya na ito ay sinabi ko sa aming mga magulang. Even if he doesn't remember me, I still want to stay with Hunter kahit sa ganitong paraan lang. Kahit papaano ay mababantayan ko din sya sa higad na si Athena. Hindi na nahiya, feel na feel ang pagka angkla ng kamay nito sa braso ni Hunter na akala mo ay sya talaga ang tunay na girlfriend ni Hunter. Bago pa man kami makauwi dito ay pinaayos ko na sa mga maid ang guestroom at pinalipat ko na din ang mga gamit ko roon upang hindi na maabutan ni Hunter dahil tiyak na magtataka ito kapag nakita ang mga gamit ko sa kwarto nya. Sinabihan ko na din ang lahat ng empleyado dito sa mansyon tungkol sa kalagayan ni Hunter at kung ano ang pagkakakilala ni Hunter sa akin. "Son, hindi mo maalala ang nangyari seven years ago, at siguradong marami kang new investors na hindi natatandaan, si Maxine din ang nakakaalam kung nasaan ang mga importanteng papeles mo sa study room mo. You need her, son." giit ng ama nito. He just let out loud sigh, a sign of defeat. Bago muling nagsalita. "Fine! I'm going to my room now, I need to rest. Athena, let's go." wika nitong muli na agad ko namang ikinagulat. "Wait! Baka pagod na din si Athena, she also needs to rest. I'll ask the maid na samahan sya sa magiging kwarto nya," agad kong sabi kay Hunter. Not making any expression that would not give away how I am panicking inside. They can't be alone in his room. Hindi ko sya mababantayan! "She's staying here with me." walang buhay na sagot nito sa akin. No! Hindi pwede! "The doctor said that you need to rest and prohibits you from any form of strenuous activities...." pigil kong muli sa kanya na mas lalong nagpakunot at nagpadilim ng mukha nito. His parents and Brandon are just watching. Wala ring magawa ang mga ito sa gustong mangyari ni Hunter. "..Athena needs to go home." diin ko dito. "Why do you get to stay here in my house and not my girlfriend?!" mataas ang boses nitong baling sa akin. Bahagya akong napaigtad dahil sa bigla nitong pagtataas ng boses. "B-Because..." wala akong maidahilan dito. I was out of words, hindi ko alam kung paano pa sya kukumbinsihin na pauwiin si Athena. "If you get to stay here, mas may karapatang mag-stay si Athena sa pamamahay ko kesa sayo. So if you want to stay here, dito din titira si Athena. Kung tumututol ka pwede ka ng umalis at bumalik kung san ka man nakatira. I don't need to get permission from you." galit nitong wika sa akin. Napayuko na lang ako sa sinabi nito, wala na akong maisip na dahilan upang pigilan ito. Pilit kong pinipigilan ang sarili ko upang hindi pumatak ang luhang namumuo sa aking mga mata. "Hunter!" narinig ko pang sigaw ni Dad kay Hunter kaya bahagya itong napatigil. Agap kong hinawakan ang braso ni Dad upang pigilan ito sa kung ano mang ang balak nyang sabihin. Hindi pa kakayanin ni Hunter na malaman ang totoo, baka mas lalo lang mapasama ang kalagayan nya. Kaya ko pa naman. Titiisin ko na lang muna lahat, he doesn't have any idea sa totoong sitwasyon kaya hindi ako dapat magalit sa kanya. I knew him for six years now at sa ilang taong iyon ay ni hindi nito nagawang tumingin sa ibang babae kaya alam kong nagagawa lang ni Hunter ito ngayon dahil hindi nya ako naaalala. Alam ko din kung paano sya magmahal kaya alam ko kung gaano nya kamahal si Athena ngayon dahil iyon ang naaalala nya. "I'm sorry, sir. I was out line. Ipapahanda ko na ang kwartong gagamitin nyo ni Ms. Athena." nakayuko ko pa ding sabi pagkatapos ay mabilis ng tumalikod sa mga ito at pumunta sa maid's quarter upang iutos ang paghahanda sa kwarto nila. Agad din akong umalis sa harapan nila upang hindi nila makita ang pagbaha ng aking mga luha. Naiintindihan ko ang sitwasyon pero hindi ko pa din maiwasang hindi masaktan. Kumatok ako sa kwarto ng mayordoma na para na ring nanay namin ni Hunter dito sa bahay. Mabilis kong pinalis ang aking luha ng buksan nya ang pinto. "Ma'am Maxine, bakit may problema ba? Bakit ka umiiyak?" naaalalang bungad nito sa akin. "Manang Thelma, pakiayos po ang kwarto ni Hunter, dito daw magpapalipas ng gabi si Athena." nakayuko kong utos dito dahil hindi ko na naman napigilan ang pagbagsak ng mga luha ko. "Hija, sigurado ka ba dyan? Alam ko kung gaano mo kamahal ang asawa mo ngunit hindi naman kaya sobra na ito? Kasal pa din kayo. Hindi tamang makisiping sya sa ibang babae." wika nito habang inaalo ako. "Alam ko po yun Manang Thelma, pero hindi po ako naaalala ni Hunter. Kahit masakit kahit ayoko, wala po akong ibang magagawa kundi tiisin dahil umaasa ako na babalik din ang alala nya. Darating din yung oras na maaalala nya na ako yung mahal nya." sagot ko dito habang patuloy pa din ang paghikbi ko. "Ikaw ang bahala anak, desisyon mo pa din yan, ngunit sana wag mong kalimutan ang sarili mo. May hangganan ang pagmamahal anak, hindi mali ang magmahal ng sobra ngunit hindi rin tamang kalimutan mo ang sarili mo dahil lang sa pagmamahal mo. Ang pagmamahal ay parang telepono, may isang nagbibigay ng mensahe at ang isa ay tumatanggap. Kung ang isa dun ay wala ibig sabihin nun sira ang telepono. At hindi iyon maayos kung patuloy mong gagamitin." payo ng mayordoma sa akin. "Wag po kayong mag alala Manang Thelma, kaya ko pa po, ayokong sumuko ng maaga. Ayokong may pagsisihan sa huli. Hunter is worth all the pain. Alam kong maaalala nya din ako. Hindi po ako nawawalan ng pag asa." ngayon ay nag angat na ako ng tingin dito at isang malungkot na ngiti ang isinukli ko sa kanya. Bahagyang gumaan ang aking pakiramdaman dahil sa aming pag uusap. Kahit papaano ay nailabas ko ang sakit na nararamdaman ko. "Oh sya sige, basta wag mong kakalimutan ang bilin ko sayo. Mahal ko kayo pareho ni Hunter kaya ayokong may masaktan sa inyo kahit isa. Tutuloy na ako at aayusin ko na ang kwarto ni Hunter." paalam nito sa akin na tinugunan ko lamang ng isang marahang tango. **********
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD