PROLOGUE
PROLOGUE
HUNTER
Nangingilid ang aking mga luha habang pinapanood ko ang paglalakad nya mula sa pinto ng simbahan patungo sa altar kung saan ako naghihintay. The long white wedding dress that she’s wearing perfectly fits on her. Ang bawat detalye ng kanyang damit ay humuhukab sa bawat parte ng kanyang katawan.
Ang kanyang ganda ay hindi kayang itago sa likod ng manipis na belo na tumatabing sa kanyang mukha. Hanggang ngayon ay hindi pa din ako makapaniwalang ikakasal na ako sa babaeng pinakamamahal ko.
“I can’t wait to call you my wife,” salubong ko sa kanya ng tuluyan na itong nakalapit sa altar.
“So do I, Mr. Lorenzana. I can’t wait to be called Mrs. Lorenzana,” she giggled.
Taimtim akong nakikinig sa misa habang wala pa ding pagsidlan ang aking kaligayahan. Hindi ko napigilang tumulo ang aking luha ng matapos nyang banggitin ang kanyang wedding vow.
Makalipas ay ilang minuto ay itinapat ng pari sa akin ang mic upang banggitin ko ang inihanda kong wedding vow. Tumingin ako sa mga mata ng babaeng nasa aking harapan bago nagsalita.
“Hon, I can still remember the moment I laid my eyes on you. It was not a magical moment, it was a disaster to be exact, but that’s what I’m calling a beautiful disaster. That moment, it didn’t cross my mind that the fierce and loud woman who called me stalker and put me to jail will be the woman that I wanted to spend the rest of my with. I can’t imagine my life without you. I want you to wear this ring as a sign of my love and loyalty. Our marriage will never be perfect but when the hard times comes I want you to look at this ring and remember how much I love you.”
Bagamat lumuluha ay bakas ko ang kaligayahan sa kanyang mga mata habang isinusuot ko ang singsing sa kanyang daliri. Wala akong ibang hihilingin kung hindi ang mabigay ang lahat ng kaligayahang nararapat para sa kanya. Tila nasa alapaap ang aking pakiramdam ng mga oras na iyon. I can’t wait to spend the rest of my life with this gorgeous woman in front of me. Tinig ng pari ang pumukaw sa akin nang magsalita ito saka lamang bumalik ako sa aking ulirat.
“I now pronounced you, Husband and Wife!” the priest announced.
Napuno ng masigabong palakpakan at hiyawan ang buong simbahan.