****
Athena?
Halos lahat kami ay nabigla dahil sa unang pangalan na binanggit nya ng magkamalay sya. Why is he saying other woman's name? It should be me!
Hindi agad ako nakakilos dahil sa gulat ng pangalan ng ibang babae ang unang lumabas sa bibig ni Hunter ng magising sya. Nakatulala lamang ako dito habang pinapanood ang unti unting pagdilat ng mga mata nito at dahan dahang pagkilos ng isang kamay patungo sa bibig upang tanggalin ang oxygen mask na nakatakip sa kanyang bibig.
Nang tuluyan na nitong matanggal ang oxygen mask ay muli itong nagsalita but this time mas malinaw na kumpara kanya.
"A-athena.." halos paos pa nyang wika.
Mas doble naman ang sakit sa pagkakataong ito dahil kumpara kanina mas malinaw na ang pagbigkas nya ng salita. Mas doble na din ang sakit habang pinapanood ko ang asawa kong paos na binabanggit ang pangalan ng iba at hindi ang sa akin.
Athena took that opportunity at parang walang tao sa paligid na pumunta sa gilid ng kama ni Hunter at hinawakan ang kamay nito.
"I'm here baby.." sagot ni Athena na hindi man lang nahiya kahit na nasa harap sya mismo ng asawa ng lalaking tinatawag nyang baby.
Dahil sa pinaghalong stress, pagod, at sakit ay hindi na ako nakapag isip ng diretso at agad kong hinablot sa buhok si Athena.
"Ang kapal naman ng mukha mong tawaging baby ang asawa ko! Napakalandi mo, nagawa mo pang maglandi sa harap ko mismo. Nasaan ang delikadesa mo?" galit na sigaw ko dito na hindi pa din binibitawan ang buhok nito.
"Aray! Bitawan mo ko! He is asking for me, hindi ko kasalanan na ako pa din ang hinahanap hanap ng asawa ko kahit nawala ako ng ilang taon." matapang nitong sagot sa akin at pilit nagpupumiglas na makakawala sa pagkakasabunot ko.
"Aba't talagang walang kasing kapal ang mukha mo! Dapat sayo nilalampaso sa sahig para mabawasan ang kagaspangan ng mukha mo." galit ko pa din sabi dito at pilit na nginungudngod ang mukha sa sahig. May in laws tried to separate us ngunit hindi ko hinayaang basta basta na lang makaalis sa pagkakasabunot ko ang babae.
"What the f**k are you doing with my girlfriend!" isang sigaw ang nagpatigil sa aming lahat.
Naguguluhan namang akong napatingin kay Hunter na ngayon naman ay nakaupo na kama at galit na nakatingin sa amin. HIndi ako sanay sa mga titig ni Hunter sa akin ngayon. He never looked at me that way. Not even once he looked at me with so much anger in his eyes. Sa mga oras na iyon hindi ko kilala kung sino ang nasa harap ko.
"Athena, come here baby." wika ni Hunter sabay lahad ng kamay nito kay Athena.
Wala sa sarili naman akong napabitaw sa pagkakahawak ko sa buhok ni Athena. Nakita ko pang ngumisi ng bahagya si Athena bago tuluyang lumapit kay Hunter.
"Mom, Dad, how can you let an insolent girl lay a hand on my girlfriend." galit pa din nitong baling sa mga magulang. Not throwing a little glance on her, not even once.
Look at me Hon!
I was pleading, deep in my heart, I was begging for him to look at me even just for a second. Hindi na ako nakapagpigil.
"He's not your girlfriend Hunter, you broke up 7 years ago." wika ko dito.
"What are you talking about?! We didn't broke up! We are just talking about her plans on going to Paris but I know Athena will stay with me." takang tanong nito.
"No Hunter! You and Athena broke up 7 years ago. She left you and went to Paris. Today is May 24, 2020." sigaw kong muli dito.
"W-what? No, today is March 11, 2013. Stop talking non-sense, you stupid girl!" sigaw nitong muli sa akin. He's looking at me now, but not the look that I was expecting. His eyes are full of anger and rage.
"I'm telling the truth Hunter, she's not your girlfriend anymore and I am your wif---" hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil sa malakas na sigaw ni Hunter.
"Aaargghhhhh!!!! My head is killing me! Make it stop!!" sigaw nito.
Agad naman akong tumakbo sa tabi nito upang alalayan ito ngunit agad ako nitong tinulak habang hawak pa din ng isang kamay nya ang kanya ulo.
"Don't touch me!" sigaw nitong muli. Mas lalo lang bumaha ang luha ko dahil sa sakit ng pagtaboy nito sa akin.
Inalalayan na lang ako ni mommy at daddy and they tell me to give Hunter a little space at tawagin na lang ang doctor. Hindi pa di tumitigil si Hunter sa pagsigaw. Halos mapipilipit ito sakit, mahirap man sa loob ko ay napagpasyahan ko na lang na lumabas at tumawag ng doctor.
Nang bumalik kami sa kwarto ay wala ng malay si Hunter at nakahiga sa kama. Agad namang lumapit ang doctor at nurse na kasama ko upang matingnan kung anong naging lagay nya.
"Anong nangyari?" agad na tanong ng doctor habang inaayos ng higa si Hunter sa kama.
"He woke up and thought that this woman is still his girlfriend and he doesn't recognize me Doc." agap kong sagot.
"Hmm, we need to run more test, kailangan din nating ipa CT scan ang ulo nya to check there are other complications sa head injury nya." pagkatapos icheck ang lahat ng vitals ni Hunter at masigurong okay na ito ay nagpaalam na din ang doktor na tumitingin sa kanya.
Nang kumalma na ang lahat ay agad kong hinarap si Athena at kinaladkad palabas.
"You are not needed here. Pwede ka ng lumabas, pamilya lang ang pwede dito sa loob. Mataray kong sabi dito habang mahigpit ko syang hawak sa braso. Nagpumiglas naman ito at saka nagsalita.
"Hunter needs me here. Nakita mo naman ako ang hinahanap nya pagkagising nya. Kung meron man sating dapat manitili dito ako yun." matapang na sabi nito.
Hindi na ako nagapagpigil kaya mabilis na dumapo ang palad ko sa mukha nya.
"Aray ha, grabe, sa sobrang kapal ng mukha mo mas nasaktan pa yung kamay ko dahil sa pagsampal ko sayo. Masakit ba?" tanong ko sa kanyang gulat na gulat dahil sa ginawa ko. Hindi pa man sya nakakabawi ay muli ng lumapat ang kamay ko sa pisngi nya.
"Ayan isa pang sampal baka kasi hindi tumalab dahil sa kapal ng mukha. Ano gising ka na ba? Wala akong pakialam sa paningin mo. Hunter is my husband and I am his legal wife kaya I have all the right para kaladkarin ka rito palabas. Ngayon kung may natitira pang kahihiyaan dyan sa loob mo, you will walk out of this hospital quietly kung hindi ipapakaladkad kita sa mga body guards ko." matapang ko sabi kay Athena.
"Hindi pa tayo tapos. Babawiin ko si Hunter, tandaan mo yan!" wika nito bago tuluyang tumalikod.
She can try all she wants but I will not let her. I will fight for Hunter no matter what happen.
"The results are out. According to the test, Mr. Lorenzana suffered from selective amnesia."
We are all in awe while listening to the doctor. My in laws and I were here at the Doctor's office para iinform kami ng tunay na lagay ni Hunter.
"What do you mean doc?" takang tanong ko.
"You see this part of his head?" wika ng doctor sabay turo sa CT scan ng ulo ni Hunter na nakadikit sa tila whiteboard na may ilaw.
"..This is the part where he suffered most of the head trauma which is also the part where our long term memory were stored. Now, because of his injury and his brain cannot access some part of his long term memory.." paliwanag ng doktor. Kami naman ay pare-parehas na hindi makapagsalita at nakikinig lang paliwanag ng doktor.
"..According to you Mrs. Lorenzana, he didn't recognize you when he woke up, right?" baling sa aking ng doktor.
"Yes, doc." maikling sagot ko.
"And when exactly did you and Mr. Lorenzana meet?" tanong nitong muli.
"Six years ago, we dated for a year before we got married." sagot ko ditong muli.
"So, we can say that he lost six years of his memory." wika ng doktor.
"But what he remembers when he woke up is that Athena was going to Paris, that was seven years ago." dugtong pa ni dad.
"So, we can conclude that he doesn't remember what happens after that dahil yun ang unang memorya na pumasok sa isip nya ay ang nangyari seven years ago." paliwanag muli ng doktor.
"Ibig sabihin doc hindi po ako naalala ng asawa ko?" naiiyak kong tanong.
"Unfortunately yes. But this is all temporary Mrs. Lorenzana, once nagheal na ng tuluyan ang head injury nya kasabay nitong babalik ang lahat ng memory nya. But because of the black out incident na nangyari sa kanya kanina I would suggest na wag natin syang piliting makaalala for him not restraints his head. The more na pipilitin natin sya mas malaki ang chance na hindi na tuluyang bumalik ang mga alalang nawala nya." pagpapatuloy nito.
Hindi ako makapagsalita dahil sa sinabi ng doktor.
Ano bang gustong palabasin ng doktor na to, na hayaan ko ang asawa ko na isipin na girlfriend pa din nya ang haliparot na Athena na yun?
"You mean doc we can't tell me everything about what happen bukod sa naalala nya?" tanong ni dad
"Yes Mr. Lorenzana, you can't tell him about it. He needs to remember it on his own or he will have another black out episode kapag pinilit nyang alalahanin ang mga alala na sinasabi nyo sa kanya." sagot nitong muli.
"I can't even tell him that I'm his wife?" it wasn't really na question, I was just confirming it.
"Especially that Mrs. Lorenzana, you being his wife is the most drastic change na kailangan nyang harapin because of his memory loss. Kapag nagpakilala ka kung sino ka, pipilitin nyang alalahanin kung sino ka sa buhay nya and a year of memory is a long leap." paliwanag nitong muli.
Napasandal na lang ako sa upuan, parang naubos lahat ng lakas ko. Hunter is my source of energy, now that he doesn't recognize me parang nawawalan na ako ng lakas lumaban.
"Be strong anak, you need to be strong for Hunter." narinig kong wika ni mom.
******